JHGVJHGJHGHGHJG

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Isang paring Pilipino ang nagpasimula ng kilusang ito upang ilipat sa mga paring

katutubo ang pag-handle ng mga parokya mula sa mga Kastilang pari. Siya ay si
Padre Pedro Pelaez.
Sino si Padre Pedro Pablo Pelaez?
Siya ay ipinanganak sa Pagsanjan, Laguna noong June 29, 1812 at ang kanyang
mga magulang ay sina Doa Josefa Sebastian Gomez Lozada at Don Jose Pelaez
Rubio na isang peninsular at noon ay siya namang alkalde-mayor ng kanilang
probinsya. Naulila siya habang bata palang (11 years old siya noong namatay ang
kanyang mga magulang). Kinuha siya bilang isang houseboy sa kumbento ng mga
paring Dominikano sa Maynila.
Dahil dito, nakapag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran kung saan siya ay
nagtapos ng isang kurso sa Bachelor of Arts at sa University of Santo Tomas kung
saan siya ay nagtapos ng mga degree para sa kanyang pagpapari.
Nailagay sa katungkulan bilang pari at itinalaga sa Manila Cathedral noong 1833
kung saan siya ay humawak ng ibat-ibang posisyon. Habang ginagampanan niya
itong kanyang mga tungkulin, nagturo rin siya sa Colegio de San Jose mula 1836
hanggang 1839 at sa University of Santo Tomas mula 1843 hanggang 1861.
Ang Cdula ng 1849
Noong March 9, 1849, isang cedula o royal order ang ipinatupad na siyang naglilipat
ng pamamahala ng mga lupang nasasakupan ng mga paring sekular sa mga paring
regular. Ipapamigay ang mga lupain sa Bacoor, Cavite Viejo (Kawit), at Silang sa
mga Rekoleto, habang ang mga lupain sa Santa Cruz (Tanza), San Francisco de
Malabon (General Tras), Naic, at Indang sa mga Dominikano.
Ang pang-aagaw na ito ay nagdulot ng sama ng loob sa mga paring sekular. Dahil
dito, nagsimula silang mag-organisa ng protesta laban sa mga hakbang na ito sa
pamumuno nina Fr. Pedro Pelez at Fr. Mariano Gomez. Gumawa sila ng petisyon
upang bawiin ng Madrid ang pagpapatupad ng kautusan. Ngunit, hindi ito
nakarating sa mga kinauukulan. Sa halip, ito ay inilathala anonymously sa isang
pahayagan sa Madrid na El Clamor Pblico na may pamagat na El Clero Filipino.
Isa pang ginawa nila ay ang pangongolekta ng pondo mula sa kapariang sekular
upang makapagtalaga ng ahente sa Madrid para sa pagbawi sa cedula ng March
1849. Pero sa bandang huli, di nila napigilan ang pagpapatupad ng cedula.
Ang Pagiging Vicar Capitular
Noong April 18, 1862, siya ay nailuklok sa puwesto bilang Vicar Capitular habang
hinihintay ang pagdating ng bagong arsobispo. Habang nasa puwesto, sinimulan
nina Fr. Pedro Pelaez at Francisco Gainez ang pahayagang El Catlico Filipino, na
kanilang ginamit upang ipalaganap ang kanilang mga adbokasiya.
Ang Cdula ng 1861

Noong September 10, 1861, isang cedula ang nag-utos na ibigay ang mga parokya
sa Cavite at iba pang mga parokyang pinangangalagaan ng mga paring sekular sa
mga Rekoleto bilang kapalit ng pagbigay ng kanilang mga parokya sa Mindanao sa
mga paring Hesuita.
Ang pagpapatupad ng utos na ito ay tinutulan ni Pelaez at siya ay nagbalangkas
muli ng isang petisyon na sinuportahan nina Juan Jose Zulueta, Juan Rojas, at
Clemente Lizola. Noong March 10, 1862, bumuo muli siya ng isang petisyon na
nagpapakita sa mga kakulangan sa pagbalangkas ng cedula. At noong March 22,
1862 naman ay bumuo ng sulat ang mga miyembro ng cabildo na sumusuporta sa
mga pahayag ni Pelaez.
Noong May 27, 1862 ay dumating na si Arsobispo Gregorio Meliton Martnez at si
Pelaez ay bumaba sa puwesto bilang Vicar Capitular. Tinuligsa rin ng arsobispo ang
pagpapamigay ng mga parokya sa mga paring Rekoleto. At noong June 20, 1862,
isang cedula muli and pinadala na mas pinagtitibay ang naunang cedula. Muli ay
nabigo sila sa pagpapatigil ng kautusan.

You might also like