Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Sa wakas dumating na rin ako dito

Malayo sa kaguluhan at ingay ng mundo


Isang lugar na ang langit ay dagat at ang dagat
ay langit
Sa pagtingala akoy nilamon ng ulap
Na tila ba ang buhay ay walang bahid ng hirap
Pinakalma ang kumakabog na damdamin
Ng mga ibong humuhuni ng harana sa akin
Napapanatag sa mga along humahampas
Sa dalampasigang umaawas
At napapangiti sa halik ng hanging walang habas
Nanaginip ba ako?
Paano ba ako umabot dito?
Magsimula tayo sa wakas
Sa mga naiwang bakas
Kung kalian ko tinalikuran ang entablado
Binitawan ang mikropono
Iniwasan ang mga naglalakihang ilaw
Na tila ba akoy nasilaw
Hinayaan ang humahangos na damdamin ang
magdikta
Kung saan ako pupunta hanggang sa madapa na
Pero hindi lahat ng nadadapa ay nananatili sa
ibaba
Kumapit ka lang at maniwala
Hawakan ang lubid, tibayan ang bisig
Dahan dahan kang umahon
Alalahanin na hindi ka mauubusan ng rason
Para tumayong muli
At mahanap ang mga nawalang ngiti
Dahil muling kakatok ang tadhana
Ang mga bituin ay muling magpapakita
Kaya ko pa ba? Isusugal ko ba?
Naaalala na minsan ka nang nakinig
Sa mga himig ng pag-ibig
Kasabay din nang pag-alala na minsan ka na rin
nitong niyanig
Pero susugal ako, susugal ako pero
Lalapit sa distansyang sapat lang
Sa distansyang sakto lang
Para maabot mo siya
Maramdaman ka niya
Magtanong ng mga bagay mula sa
pinakamalalim
Hanggang sa walang kwenta
Distansyang sapat lang
Na tulad sa pagitan ng isang pintor at ng puting
tela

Titingnan, pag-iisapan bago simulant ang obra


Magsisimulang gumuhit, buburahin ang pangit
Makikipagbatuhan ng mga salitang tutugma sa
saya at pait
Magbabakasakaling muling tumibok ang
damdaming matagal nang tumiklop
Mula sa distansyang sapat lang
Para agad kong makita kung may dahilan
Para ipagpatuloy pa dahil kung wala
Ay pupunitin ko na
Pero iba ka
Hindi ko mapigilang mas lumapit pa
Na para bang ang sapat ay kulang na
Lalapit ako at lalapit pa ako
Hanggang sa maabot mo ang pagkatao ko
Hanggang maniwala ulit at managinip
Hanggang mapalawak ang mundong sumikip
Hanggang sa matagpuan ang akalang hindi na
mahahanap
Dahil matagal na pala itong nakasulat sa ulap
Matagal nang hinuhuni ng ibon
Matagal nang tinuturo ng alon
Na sa isang sulok ng mundong bukod pa ditto
May naghihintay na katumbas mo
Magsimula tayo sa wakas
Sa wakas magsisimula na tayo

You might also like