Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Gutierrez, Ma. Ellah Patricia M.

January 26, 2016

Seat No: 22

`1C- Biochemistry

Student No. 2015084834

INTELLEKTUWALISMO AT WIKA
Lumikha tayo ng mga mamamayang walang karanasang intelektuwal tungkol sa kahulugan
at layunin ng ating bayan. Isang maikling pangungusap ngunit naglalaman ito ng
napakahabang .
Bakit nga ba ganun na lang tangkilikin nating mga Pilipino ang dahuyang wika? Bakit hindi
kayang umunlad ng bansang Pilipinas gamit ang kanyang sariling wika? Alam na ba talaga natin
ang sarili nating wika? Naiintindihan na ba natin talaga ito ng lubusan? Bakit ganun na lang tayo
kapursigido na matuto ng salitang Ingles imbes na sarili nating wika?
Hindi naman natin maikakaila na ang bansang Pilinas ay nakaranas ng kolonyalismo, hindi
lamang sa mga Amerikano kundi pati na ang mga Hapones at Espanyol at marami pa. Bawat
bansang nagtangkang sakupin an gating bansa ay nag iwan ng kani- kanilang bakas na hindi na
talaga natin mabubura sa aking kasaysayan. Sa totoo lang, hindi lang naman sila ating
kasaysayan nag iwan ng bakas maging sa ating kultura , relihiyon at wika. Lalong lalo na ang
mga Amerikano hindi maikakaila na sila ay nanggaling sa ating bansa dahil maging ang ating
pag iisip ay na impluwensyahan din nila. Kagaya ng sinabi sa artikulo napahina ng ating
sibilisasyon kaya ganun na lang tayo kabilis maimpluwensyahan. Hanggang ngayon naman ay
mababatid mo ang kahinaan ng sibilisasyon dahil hindi man sa paraan ng pagsakop ay
naiimpluwensyahan nila tayo.

Sabi nila TANGKILIKIN ANG SARILING ATIN, pero hindi lahat sa atin kayan gawin at
panindigan yan. Bakit? Dahil ang nasa utak ng mga Pilipino kapag gawa sa Pilipinas ay mahina
ang kalse ng produkto walang kalidad ngunit kapag ito ay galing ng ibang napakaganda ng
kalidad. Tayo mismong mga Pilipino ay maliit an tingin natin sa ating mga sariling produkto.
Ganun din sa aking wika, kapag hindi ka marunong mag Ingeles ibig sabihin ba ay hindi ka
nakapag aral o hindi kana maaring maka kuha ng magandang trabaho. Nasa bansa Pilipinas ka
Filipino ang wika mo pero hindi uunlad dahil hindi ka marunong mag Ingles.
Naalala ko yung sinabi ng aking guro sa Rizal noong nakaraang semester Paano mo
maiintindihan ang ibang wika kung ang sarili mo ngang wika ay hindi mo lubusan na
matindihan at hindi uunlad ang bansang Pilipinas dahil hindi alam ng mga Pilipino ang
nakaraan nito. Ang bata ngayon kausapin mo sasagot sayo sa salitang Ingles. Iminumulat sila sa
wika hindi naman sa kanila dahil para sa magulang noong bata ay mag mumukhang matalino
yung bata kung maliit pa lamang ay marunong ng mag Ingles. Ngunit mababaw na kaisipan
lamang ang taglay ng bata. Dahil kung titignan mo ang realidad ng buhay hindi naman talaga
Ingles ang gagamitin pag labas ng bahay kundi Tagalog. Kaya dapat matibayin muna ang
pundasyon ng bata sa wikang Pilipino bago sila bigyan ng panibagong wika na aaralin dahil mas
mailalabas nila ang sarili nila kung alam at naiintindihan nila yung sinasabi nila. Dahil ako
aaminin ko na hindi ganun ako kagaling mag Ingles at mas kumportable ako sa wikang Filipino,
dahil hindi pa ganun kalawak ang alam ko sa Filipino kahit simula bata pa lang ako ay nag
sasalita na ako ng Filipino. Sabin ni |Prof. Teng ko ng Pilosopiya Pantay pantay ang
lenggwahe walang mababa at walang nakakataaas na wika.
Bigyan sana natin ng puwang ang wikang Filipino sa ating mga puso dahil naniniwala pa rin
ako na ito ang mag papan unlad sa atin. Kung alam lang natin kun paano ito gagamitin ng tama

at kung bibigyan natin ito ng impurtansya. Kagaya na lamang ngg bansang South Korea
hangang- hanga ako sa kanila dahil napa unlad ng kanilang bansa at gamit nila ang kanilang
sariling wika ( Hangul). Mahalin natin ang bansang Pilipinas para ang batang susunod sa atin ay
mahalin din ito. Para lang tayong mag mamahal ng tao, gagawin ng magnobyo ang lahat para
umunlad ang kanilang relasyon ganun din naman sa Pilipinas kung gagawin mo yung isang
bagay hindi lamang para sa saliri mo upang kumita ng malaking halaga gawin mo din para sa
bansa mo na kumupkop sa iyo. Kalahating porsyento para sa sarili mo ang kalahati para sa bansa
sa ganun pareho kayong umuunlad. Hindi man ngayon mangyari ito pero malay mo pag dating
ng panahon tuluyan ng mag hari ang wikang Filipino sa bansang Pilipinas.

You might also like