Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Hindi Ako Magiging Adik

ni Manny Ledesma
Walang may gustong pag-isipang siya'y kriminal. Walang may
gusting makulong. Wala ring may gustong mamatay nang bata pa o
kaya'y mawalan nang buong pamilya. Ngunit sa isang sarbey noong
nakaraang taon, lumalabas na higit na 50 bahagdan ng mga magaaral sa senior ay nagsimula nang landasin ang mga daang patungo
sa mga nabanggit. Tumikim na sila ng bawal na gamot.
Marahil, hindi nga mawawasak nang biglaan ng droga ang
buhay mo kung paunti-unti mo lamang tinitikman ito. (Ngunit may
mga taong nagkukumbinasyon ng droga sa isang maramihang gamit,
at ito'y nakamamatay agad.) Sa paggamit ng illegal na droga,
inilalantad mo ang iyong sarili sa mga panganib. Malapit ang
aksidente sa mga taong nasa impluwensiya nito dahil nawawala sila
sa tamang wisyo at tamang pagpapasiya.
Panganib din ang sakit na maaaring maidulot ng maling
paggamit ng mga gamot maski ito'y legal, gaya ng mga cough
syrups. Mapanganib ding masangkot sa iba't ibang bayolenteng
kaguluhang dulot ng mga nagbebenta ng bawal na gamot. Ang mga
nabanggit ay mga kagyat na panganib na maaaring sumapit sa isang
nagdodroga. Mayroon ding mga panganib na pangmatagalan ang
epekto. Sa
palagiang paggamit ay nagiging adik ka na sa gamot, at di mo
namamalayan ay lulong ka na. Sa pagkalulong, ang tanging nagiging
pokus na lamang ng iyong buhay ay pagnanais na magkaroon
lamang ng magandang pakiramdam. Nakakatakot ang mga epektong
nabanggit. Ngunit mas nakakatakot ay ang pagkawala ng iyong
integridad o karangalan. Kapag sinabi mong, "okey lang na
nagdodroga ako, kasi iyon din naman ang gawa ng mga kaibigan ko
e," ang tunay na sinasabi mo ay "wala na akong pakialam sa
kinabukasan ko." Kapag nagkaganito, ay menos ka na bilang tao.
Ang posisyon ko sa isyung ito ay malinaw. 'Ayoko ng droga."
Madaling kapasiyahan ito. Madaling matandaan. At walang malabo
rito. Pinatataas nito ang pagtingin ko sa aking sarili dahil batid kong
nakatanaw ako sa aking kinabukasan. Lahat ng nabanggit ko tungkol
sa panganib na dulot ng droga ay narinig na rin ninyo. Hindi na ito
bago. Alam naman ito ng lahat. Ngunit, sa kabila ng kaalamang ito,
isang bagong henerasyon ng mga kabataan ang gumagamit ng
bawal na gamot.

Nangamamatay pa ang ilan. At umaakyat pa ang bilang ng


mga biktima. Dati-rati mga 40.7 bahagdan lamang ng mga kabataan
ang sumusubok, ngayon ay lagpas pa sa 50 bahagdan. Bakit?
Sasabihin nila mahirap tanggihan ang barkada. Totoo naman. Sa
sulsol ng mga kaibigan, napapatikim ang isang kabataan. Mahirap
humindi sa kanila. Mahirap. Sasabihin nila mahirap tanggihan ang
barkada. Totoo naman. Sa sulsol ng mga kaibigan, napapatikim ang
isang kabataan. Mahirap humindi sa kanila. Mahirap matawag na
"iba". Mahirap ma-out sa grupo., Mahirap makantiyawan ng ganito't
ganoon.
Ngunit isipin natin. Ang kantiyaw ng mga kaibigan ay hindi
magandang dahilan upang magdroga. Kinakaibigan tayo ng ating
mga kaibigan dahil sa ating taglay na ugali at pagkatao, hindi dahil sa
dapat makita rin sa atin kung ano ang ginagawa nila. Hindi tayo
salamin ninuman. At ang kaibigan, sinasabi nang tuwiran kung ano
ang maganda o hindi maganda sa atin. Hindi natin kailangan maging
salamin sa kanila at sila sa atin.
Kapag nahaharap sa pagpapasiya o pamimili, may mga
kabataang magsasabing, "bayaan mo 'yang bukas, matagal pa 'yon."
Malaking kamalian ito. Kahit sabihin mong hindi darating ang
kinabukasan, darating at darating iyan. At kapag nariyan na ang
bukas, kung masaya ka o hindi ay depende sa kung ano ang ginawa
mo ngayon. May mga magsasabi pang, "magiging adik sila, hindi
ako!". Kahit na ikaw pa ang pinakaguwapo, malinis at alertong tao sa
ngayon, maaaring ikaw ay maging palaboy sa bandang huli kung
magpapabitag ka sa bawal na gamot. Isipin na lamang ninyo. LAHAT
NG TAONG NASIRA ANG BUHAY SA DROGA AY NAG-ISIP NA
HINDI MASISIRA NG DROGA ANG BUHAY NIYA. Palagi nilang
sinasabi, 'DI AKO SIRA PARA SIRAIN ANG BUHAY KO." Iyan sa
simula. Sinasabi nila iyan sa una ngunit hindi sila naprotektahan ng
mga pahayag nilang ito nang simulan nila ang paggamit. Sa
pagtanda ko at kapag ako'y nagkapamilya, ibig ko ang
pinakamainam para sa kanila. Hindi ko nanaisin na sila'y
mapahamak. Sisikapin at gagawin kong modelo ang aking sarili.
Kung isang araw at tatanugnin nila ako kung sumubok ba ako ng
droga noong aking kabataan, ibig kong makasagot nang may
pagmamalaki - HINDI.

Sa bawat taon libo-libong kabataan ang pumipiling gumamit ng illegal


na droga. Hindi ko na daragdagan pa ang bilang na iyan. Magiging
malayo ako sa droga. Hindi ako magiging adik!!.

You might also like