Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PangKaraniwan

Ni Alex Mark Soriano

Simple
Sa tula, talata, salita, sa bawat letra
Linyang para sa masay sasakto
Bawat sambit ng bunganga
Liwanag sa talinghagang itinatago
Walang ikinukubli,
Walang takot
Sa nais kong masabi,
Bawat hatak at hugot.
Itong tula, isip at kaluluwa
Sa bawat patak ng dugo
Na dumaloy, ang mali kot tama
Ako, ang masa, parang ako
Dalawa, ngunit isa kami
May nais ilabas ang tula .
Bawat letray taong may silbi
At tula ang masa
Ako, ang masa, ang tula.
Iisa, magkakaiba, reasonable.
Nagsasamat nagtutulungan,
Magulo, ngunit simple

Sayote sa Bahay namin


Pinanganak ako sa init ng yakap ng aking amat ina.
Gabay ng kamay nila ang bawat kong mali, mali, malit tama.
Lumaki akong sunod sa kanilang gusto, nais, gustot nais.
Ano Ako Ha- Ha- Ha Magtitiis.
Paano bang ang mansanas ay namunga ng sayoteng makatas?
Ngunit, ang nais ng mansanas ay mansanas, ay mansanasNa sumunod sa utos; ang sayoteng sumusunod sa mga payot utos.
Narito lamang, matibay at buhay at sumusunod pa rin kahit may unos.
Ganito na lamang bat di mapapansin ang munting sayote?
Na lagging ang mansanas ang bebenta sa napakaluwang na palengke?
Hindi naman sanang ang bunga ng pagmamahalan ay tawaging aksidente.
Ang dalawang puno ng mansanas- nagmamahalang lalaket babae.
Kung tumubong tuid at gumawa ng maraming dahon at bunga.
Di man lamang inalam kung ang sayote ay mas mapapayabong nila.
Ngunit akoy bunga lamang, walang boses ang mga tangis.
Mayroon mang ibang paraan ng pagtuboy, walang karapatang mainis.
Subalit biglang nahulog ang sayoteng mansanas,
Saglit, sandal lang, ito na ba ang wakas?
Mabubulok na lamang ba sa pagka-kapos?
Hindi pa ito tapos.

Banaba
Banana ba?
Bababa ng bababa sa
Babae banaba Aba!
Babanat nat hindi hahaba.
Abala?
Hindi nag-iiba..
Sana mamulaklak ang banaba
Sa banana ng bata
Bakit ba?
Madadapa nanaman ba
Sa haba ng sakang lupa
Na nasa sugat at bunganga
Ng namulat na mata.
Dumapa ang banana sa
Banabang di bumababa
Sa pulang bunga
Ng banana ng bata
Nahulog, nawala
Bumaba mag-isa
Di kasama ang banaba.

Tilapia sa ilog
Mag-ingat sa bitag
Munting tilapia
Bilisan, galingang umilag
Andiyan na sila
Tatlong makasalanan
Hubad sa katotohanan
Hila ang kamusmusan
Sandatay karunungan
Umilag sa mga kamay
Munting tilapia
Hindi sila gabay
Upang ikay lumaya
Ito ang katotohanan
Munting tilapia
Ilog ang iyong tahanan
Hindi ang langit o lupa
Hindi ka nila tutulungan
Umpisahang mag-alangan
Sa kanilang talasalitaan
Sa apoy ka dapat ng kalan
Kayat dumungaw
Munting tilapia
Huwag magpapasilaw
Sa bumbilya ng pandaraya

Buhay sa lengguwahe ng Ensaymada


Palikaw ang hugis ng ensaymada
May mantikilya, keso at asukal sa taas
Hangin lang at malaking tinapay sa ibaba
Sa isang nakakabusog na paikot na tabas.
Sa taas ng ensaymada matamis
Medyo manipis
Ang alat galing sa naghihinagpis
Na luhang mala-patis
Sa taas ng ensaymada
Malapit sa plastic ang krema
Nakapatong lamang sa masaNg harina
Sa ibaba, gumulong sa puting abo
Nagpatong, magsumiksik sa bandehado
Nilagyan ng konting mikrobyo
Upang lumaki sa init ng trabaho
Sa ilalim huwag mapopoot
Ang masa- ng ensaymadang may hugot
Dito nakabubusog sa aral na mapupulot
Sa ensaymadang palikaw, paikot

Enggranahe
Takot magkamali ang makina
sa pamimili ng bagong piyesa.
Ang spraket dapat gamit na
Matibay kahit may kalawang pa.
Kapagka namili ang makina
Ng bagong kadena
Dapat yung naligo na sa grasa
Para alam napaikot na ng iba
Madaming enggranahe sa pagawaan
Makintab, makinis, makinang
Tumigas sa dugo sa pagawaan
Ngunit ang makina- siyay pinang-iilagan
Paano na lamang lalago
Dadami at lalaki ang makinang ito?
Kung dapat laging sanay na sa trabaho
Ang piyesang pinipili mo
Walang panahong mag-ipon ng kalawang
Kung bagon-labas na enggranahe sa pagawaang
Trabahoy humubog ng piyesang
Ang nais ay tumulong at makapagtrabaho lamang
Sa makina, may salitang potensyal
Enggranahe nay isa pa ring mag-aaral
Kupkupin at gasgasin sa trabahong parang dasal
Hayaat makakita ng diyamante sa bakal

Pandesal
Gabi ginagagawa
Para sa umaga
Sa lungkot nasala
Sa pag-ibig umasa
Sa bagong gisingSa puso umanting
Ang utak nalasing
Sa tuwing ikay kapiling
Hindi naisip
Sa kakaunting silip
Sa damit na panakip
Ang kinabukasang ikinaiinip
Hindi na aantayin
Kung ngayong gabi tatapusin
Sa kinabukasang aasam-asaming
Hindi maaatim

You might also like