Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Watawat ng paksyong Magdalo hango sa https://en.wikipedia.

org/wiki/Flags_of_the_Philippine_Revolution

MAGDALO
Ito ay sinunod sa pangalan ni Mary Magdalene. Ang Magdalo ay pinamamahalaan din sa
Cavite sa ilalim ni Emilio Aguinaldo, na gumagamit ng isang bandila na katulad ng pangkat ng
Magdiwang, na nagtatampok ng isang puting araw na may isang letrang k (ka). Noong una ang
araw ay may walang hanggang bilang ng sinag ngunit sa kalaunan ay naging walo ito, upang
kumatawan sa walong lalawigan na inilagay sa ilalim ng batas militar ng awtoridad ng Espanyol
kolonyal (Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan, Pampanga, Bataan, at Nueva Ecija). Ang
araw na may walong sinag ay ginagamit ngayon sa pambansang bandila ng Pilipinas.

Sanggunian:
https://en.wikipedia.org/wiki/Flags_of_the_Philippine_Revolution

Watawat ng paksyong Magdiwang hango sa https://en.wikipedia.org/wiki/Flags_of_the_Philippine_Revolution

MAGDIWANG
Ang Magdiwang ay isang rebolusyonaryong organisasyon ng Pilipinas na itinatag sa
pamamagitan ng mga rebeldeng Pilipino sa Maynila noong 1892, na may layuning makamit ang
kalayaan mula sa Espanya. Ang Magdiwang Council ay kinilala "bilang ang kataas-taasang
organ na responsable para sa matagumpay na kampanya laban sa mga kaaway." Ang pangkat ng
Magdiwang ay nagsimula sa pamamagitan ni Mariano Alvarez, na may kaugnayan sa kasal ni
Andres Bonifacio, ang pinuno ng Katipunan. Ang Magdiwang at Magdalo ay parehong
pangunahing Katipunan factions sa Cavite. Ang Magdiwang ang may kontrol sa loob ng isang
mas malaking bilang ng mga bayan at munisipyo. Noong ang rivalry ay lumago sa pagitan ng
dalawang factions, si Bonifacio ay naimbitahan na pumagitna, ngunit siya ay naguluhan sa mga
talakayan ng Magdalo, na hiniling na palitan ang Katipunan sa isang rebolusyonaryo na
pamahalaan. Ang Magdiwang ay sang ayong kay Bonifacio na ang Katipunan ang magsilbi
nilang pamahalaan, ngunit sa Tejeros Convention, parehong ang factions ay pinagsama sa isang
katawan ng pamahalaan sa ilalim ni Aguinaldo.

Sanggunian:
Alvarez, S.V., 1992, Recalling the Revolution, Madison: Center for Southeast Asia Studies, University of
Wisconsin-Madison

Litrato hango sa koleksyon ni Michael Charleston B. Chua (https://xiaochua.net/2013/03/27/xiao-time-26-march-2013-angtejeros-convention/)

CASA HACIENDA DE TEJEROS


Noong ika 22 ng Marso 1897, idinaos ang isang pagpupulong na siyang naging daan para
sa pagkakasilang ng isang pamahalaang rebulosyonaryo. Ito ay para pagplanuhan ang magiging
pagdedepensa ng Cavite laban sa mga Espanyol. Ito din ay kinokonsider na pinakaunang
eleksyon sa pagiging presidente at bise-presidente ngunit hindi ito naging matagumpay sapagkat
umalma si Andres Bonifacio sa naging resulta ng halalan. Dinaluhan ito ng dalawang partido,
ang Magdiwang at ang Magdalo na siyang nag-bunga ng mas lalong alitan ng dalawang partido.

Sanggunian:
Coyne, M. 2016. The Tejeros Convention In General Trias, Cavite.
Hango sa: http://www.bluedreamer27.com/tag/casa-hacienda-de-tejeros/

Litrato hango sa koleksyon ni Michael Charleston B. Chua (https://xiaochua.net/2013/03/27/xiao-time-26-march-2013-angtejeros-convention/)

PAGPUPULONG
Upang maresolba ang usapin kung ano nga ba ang Katipunan, nang maupo bilang
tagapangasiwa ng pulong ang Pangulo ng Haringbayan na si Andres Bonifacio, dahil
demokratiko at hindi diktatoryal ang Supremo, pumayag siya na magbuo ng bagong pamahalaan
basta igagalang ang pasya ng nakararami. Sumang-ayon ang lahat.

Litrato hango sa koleksyon ni Michael Charleston B. Chua (https://xiaochua.net/2013/03/27/xiao-time-26-march-2013-angtejeros-convention/)

ANG UMANOY DAYAAN


Si Diego Mojica ay isang katutubo ng San Francisco de Malabon (ngayon General Trias) ay ang
orihinal na taga-panguna ng Katipunan sa kanyang bayan. Siya ang kanang kamay ni Mariano Alvarez sa
Noveleta bago ang Katipunan sa parehong bayan ay nagpasya na pagsamahin sa isang probinsya na sikat
sa pagkakakilala bilang ang Magdiwang Council. Ayon kay Carlos Quirino, dahil sa ang mga nakaraang
hindi pagkakaunawaan nina Diego Mojica, Nicolas Portilla at Santiago Alvarez, si Mariano Trias ay tila
"nanalo" sa pamamagitan ng Magdalo Council, na nagpapahintulot sa kanya na hinirang bilang isa sa
tatlong mga kandidato para sa pagiging presidente ng Pamahalaang Rebolusyonaryo sa Tejeros
Convention, na nagngangalang, Andres Bonifacio, Mariano Trias, at Emilio Aguinaldo. Dahil sina
Bonifacio at Trias ay kabilang sa Magdiwang Council, ayon kay Quirino, ang mga boto sa Magdiwang ay
nahati sa pagitan ng dalawa sa kanila, pagpapagana Aguinaldo, kandidato ang Magdalo, upang manalo ng
higit sa kalaban. Ito ay isang kontrobersyal na punto sa kasaysayan ng Pilipinas dahil ayon kay
Aguinaldo, walo lamang na opisyal ng Magdalo ang dumalo sa Tejeros convention dahil ang isinagawang
Lachambre sa teritoryo ng Magdalo ang naghadlang sa maraming mga lider nito mula sa pagpunta sa
Tejeros kung saan ay matatagpuan sa Magdiwang teritoryo.

Sanggunian:

http://www.geocities.ws/kabitenyo1/moxica.htm

Litrato hango sa koleksyon ni Michael Charleston B. Chua (https://xiaochua.net/2013/03/27/xiao-time-26-march-2013-angtejeros-convention/)

AMOR PROPIO
Ang pangmamaliit na ipinahayag ni Daniel Tirona ukol sa pagkakahalal ng Supremo
bilang Director del Interior ay nagdulot ng malaking gulo. Dahil sa hindi pagbawi ni Tirona sa
kanyang sinabi at sa pagkakasira ng amor propio ng Supremo, bumunot siya ng baril at itoy
itinutok kay Tirona. Ang mga tao noong panahon na ito ay matindi ang pangangalaga sa kanilang
respeto lalot higit sa kanilang mga sarili kaya gayon na lamang ang galit ni Bonifacio kay
Tirona. Ang pangyayaring ito ay maihahalintulad rin sa mga nagaganap ngayon sa ating bansa.
Isang konkretong halimbawa ay ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas. Katulad ng asal na
ipinakita ni Bonifacio, ang pangulo ay matalas ang dila sa pagsagot sa mga taong hindi
pumapabor sa kanya. Ang pagkakaiba lamang ay hindi siya gumagamit ng baril laban sa mga
taong hindi sang-ayon sa kanyang mga desisyon. Sa kabilang dako, masasabi ayon sa larawan sa
ibaba na hindi matibay ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa dahilang sila mismo ang siyang
naglalaban-laban. Maihahalintulad muli ito sa ating panahon sa kasalukuyan dahil sa hindi
pagkakasundo-sundo ng mga kababayan natin lalo na sa mga usaping politikal.

Litrato hango sa koleksyon ni Michael Charleston B. Chua (https://xiaochua.net/2013/03/27/xiao-time-26-march-2013-angtejeros-convention/)

WALK-OUT
Bago pa man may maganap na barilan ay pinigilan ni Heneral Ricarte ang Supremo.
Hindi itinuloy ng Supremo ang pagbaril kay Tirona ngunit ginamit ang kanyang kapangyarihan
bilang Pangulo ng Katipunan upang ipinawalang-bisa ang halalan. Agad niyang nilisan ang
pagpupulong kasama ang mga taong tapat at naniniwala sa kanya. Nahati ang mga taong dumalo
sa pagpupulong dahil ang iba ay tinanggap nang si Aguinaldo ang kanilang pangulo samantalang
ang iba ay naniniwalang si Bonifacio pa rin ang karapat-dapat sa posisyon na iyon. Ang mga
ganitong pangyayari ang kadalasang ugat ng mga hindi pagkakaintindihan at pagtatalo ng ating
mga kababayan. Ang mas malalang resulta ng ganitong hatian ay ang mga bigong labanan dahil
ang mga taong dapat ay maroong iisang prinsipyo ay nagkakaroon ng mga hangaring labag sa
isat isa. Ayon sa mga kasalukuyang tala, ang pagkakahating ito ang nagbunsod sa kamatayan ni
Andres Bonifacio, ang Unang Pangulo at Ama ng Sambayanang Pilipino.

Litrato hango sa koleksyon ni Michael Charleston B. Chua (https://xiaochua.net/2013/10/28/)

ANG PAGPAPA-WALANG BISA (Acta de Tejeros)


Ang Acta de Tejeros ay isang kasulatang nilagdaan ni Andres Bonifacio upang
mapawalang-bisa ang halalan ng mga opisyal ng bagong rebolusyonaryong gobyerno noong 22
Marso 1897 sa Kumbensiyong Tejeros sa San Francisco de Malabon, Cavite. Sa naturang
kumbensiyon, nagkasundo ang mga dumalo na magtatag ng bagong pamahalaang
mapanghimagsik at igalang ang magiging resulta ng halalan ng mga bagong pinun. Nahalal sa
eleksiyon sina Emilio Aguinaldo bilang Presidente; Mariano Trias bilang Bise Presidente;
Artemio Ricarte bilang Kapitan Heneral; Emiliano Riego de Dios bilang Direktor ng Digma; at
Andres Bonifacio bilang Direktor Panloob.
Kinabukasan, 23 Marso, binuo at pinirmahan ni Bonifacio at ilang mga namumun sa
Magdiwang ang Acta de Tejeros na nagsasabing hindi lehitimo ang nangyaring eleksiyon dahil sa
posibilidad ng dayaan. Kasabay nitong nangyari ang panunumpa sa posisyon nina Aguinaldo,
Trias, at Riego de Dios sa isang kumbento sa Tanza. Si Artemio Ricarte naman ay sumunod sa
kumbento matapos pumirma sa Acta.

Sanggunian:
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/17998028748

Litrato hango sa koleksyon ni Michael Charleston B. Chua (https://xiaochua.net/2013/10/28/)

ANG KAMATAYAN NI ANDRES


Hinatulan ng kamatayan si Andre Bonifacio sa Maragondon, kasama ang kanyang kapatid
na si Procopio. Ayon sa tala ni Makapagal, nagmakaawa nang nakaluhod bago patayin. Nooy
tumakbo ang Supremo at tinugis nila sa kakahuyan at malapit sa ilog ay binaril nila hanggang
mamatay. Itong pangyayaring ito ay naging dahilan upang maging ang henerasyon ngayon ay
pagduduhan si Emilio Aguinaldo na may kinalaman sa nangyari.

MGA SANGGUNIAN
Alvarez, S.V. 1992. Recalling the Revolution. Madison: Center for Southeast Asia Studies,
University of Wisconsin-Madison
https://en.wikipedia.org/wiki/Flags_of_the_Philippine_Revolution

https://xiaochua.net/2013/03/27/xiao-time-26-march-2013-ang-tejeros-convention/

Coyne, M. 2016. The Tejeros Convention In General Trias, Cavite. Hango sa:
http://www.bluedreamer27.com/tag/casa-hacienda-de-tejeros/
http://www.geocities.ws/kabitenyo1/moxica.htm

https://xiaochua.net/2013/10/28/

https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/17998028748

ANG KUMBENSYON SA TEJEROS

Castrosanto, Melvin A.
Garcia, Viel Marinella
Hombrebueno, Cara
Magboo, Prei
Manalastas, Meryll

HIST 1 T
Professor Dwight David Diestro
December 10, 2016

You might also like