Professional Documents
Culture Documents
Noli Me Tangere Summary
Noli Me Tangere Summary
Tangere
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere"
noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng
pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa
Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.
Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang
kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasamasamahin niyang upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan,
kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.
Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog
ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista.
Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.
Mga Tauhan:
Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang
matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
Elias
Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at
ang mga suliranin nito.
Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng
matagal na panahon sa San Diego.
Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria
Clara.
Maria Clara
Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng
kanyang ina na si Doa Pia Alba kay Padre Damaso
Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang
pabaya at malupit.
Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng
San Diego.
Alperes
Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
Donya Victorina
Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa
mukha at maling pangangastila.
Donya Consolacion
Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
Don Tiburcio de Espadaa
Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng
magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Linares
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na
napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang
Seor Nol Juan
Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
Lucas
Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno
Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia
Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.
Iday, Sinang, Victoria,at Andeng
Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Kapitan-Heneral
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon
si Ibarra.
Don Rafael Ibarra
Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman
kung kaya nataguriang erehe.
Don Saturnino
Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Mang Pablo
Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio
Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin
Tinyente Guevarra
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng
tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitana Maria
Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng
ama.
Padre Sibyla
Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Albino
Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.
Kabanata 1
Ang Pagtitipon
nakikialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe sapagkat ito ang
nararapat. Ito naman ay tinutulan ng Tinyente at inilahad na ang nangyaring parusa
ay marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral. Ipinaliwanag din nito na ang
dahilan ng kanyang pagkakalipat ay sapagkat pinahukay nito ang bangkay ng isang
marangal na lalaki, na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi
pangungumpisal. Ang bagay na ito ay nakapagpagalit ng lalo sa pari, lalo na nang
maalala nito ang mga nawaglit na mahahalagang kasulatan. Namagitan uli si Pari
Sybila upang pakalmahin ang mahahayap na pananalita ni Padre Damaso. Kalaunan
ay lumawig muli ang talakayan.
Kabanata 2
Si Crisostomo Ibarra
Dumating si Kapitan Tyago kasabay ang isang binata na halatang nagluluksa ayon
sa kasuotan. Binati ng Kapitan ang kanyang mga panauhin, at tulad ng kaugalian,
humalik siya sa kamay ng mga pari. Ang mga pari naman ay nabigla, lalo na si
Padre Damaso ng makilala nito na ang binata. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang
kagalang galang na binata bilang anak ng kanyang nasirang kaibigan na si Don
Rafael Ibarra. Kadarating lamang ng binata mula pitong taon na pag-aaral nito sa
Europa. Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin
kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan niya sa bansang
Alemanya. Tumanggi naman na makipag-kamay si Padre Damaso at bagkus ay
tinalikuran nito ang binata. Lumapit ang Tinyente kay Ibarra at nagpasalamat ito sa
ligtas niyang pagdating. Pinuri rin nito ang kabaitan ng kanyang ama, na siyang
nagpanatag sa kalooban ng binata. Palihim naman ang pagsulyap ni Padre Damaso
sa Tinyente na tila ba nagbabanta. Dahilan upang tapusin ng Tinyente ang
pakikipag-usap nito kay Ibarra. Nang malapit na ang hapunan, inanyayahan ni
Kapitan Tinong, sa pananghalian kinabukasan si Ibarra. Si Kapitan Tinong ay malapit
na kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din ng kanyang ama. Magalang na
tumanggi ang binata sapagkat patungo siya sa San Diego sa araw na iyon.
Kabanata 3
: Ang Hapunan
Kabanata 4
Erehe at Pilibustero
kanyang mga kalaban hanggang ang kaso ay tumagal at naging masalimuot. At ang
masaklap ay hindi pa man tapos ang paglilitis, siya ay nakakulong na at
nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas. Ang mga pangyayaring ito, kasabay ng hirap
na nararanasan ay labis na nakaapekto sa Don kung kayat ito ay nagkasakit.
Tuluyan na itong namatay sa loob ng bilangguan at ni wala man lang nakiramay na
kapamilya o kaibigan.
Kabanata 5
Isang Tala sa Gabing Madilim
Pumunta ng Maynila si Ibarra ng araw na iyon at nanuluyan sa Fonda deLala. Sa
kanyang silid ay nagmuni-muni ang binata tungkol sa sinapit ng ama. Kalaunan ay
napadako ang tingin nito sa durunguwan, at sa kabila ng ilog ay tanaw na tanaw
niya ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tyago. Tila bagat naririnig pa niya ang
kasayahan sa loob ng bahay, ang kalansingan ng mga pinggan at kubyertos at
tugtog ng mga orkestra. Sa gabing iyon sa bahay ni Kapitan Tyago ay nagaganap uli
ang isang kasiyahan. Dumating ang nag-iisang anak nito na si Maria Clara, kung
kaya't sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan, kababata, mga Kastila at paring
malalapit sa ama, mga Pilipino, Intsik, at militar. Ang lahat ay nakatuon ang
paningin sa kagandahan ni Maria Clara, na nakasuot ng isang marangyang kasuotan
at napapalamutian ng alahas na diyamante at ginto. Si Donya Victorina naman ay
matiyagang inaayos ang buhok ng dalaga. Si Padre Salvi na mahilig sa mga
magagandang dilag ay masayang masaya at kadaupang palad niya ang mga dalaga
roon. Lihim din ang kanyang paghanga sa kagandahan ni Maria Clara. Madaling
nakatulog si Ibarra ng gabing iyon, kabaligtaran naman ni Padre Salvi na hindi
dinalaw ng antok sapagkat hindi mawala sa kanyang isipan si Maria Clara.
Kabanata 6
Si Kapitan Tyago
Si Kapitan Tyago na ngayon ay mahigit kumulang 35 taong gulang, ay nag-iisang
anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Hindi siya pinag-aral ng
kanyang ama bagkus ay naging katulong at naturuan naman siya ng isang paring
dominiko. Itinuloy niya ang pangangalakal ng mamatay ang kanyang ama, nakilala
si Pial Alba mula sa bayan ng Sta. Cruz at sila ay nagpakasal. Kapwa mahusay
magpalakad ng negosyo kaya't sila ay natanyag bilang pinakamayaman kayat sila
ay nabibilang sa matataas na antas ng lipunan. Si Kapitan Tyago ay mailalarawan
bilang isang magandang lalaki, may morenong pangangatawan, pandak, at bilugan
ang mukha. Ang kanyang hitsura ay sinira ng pananabako at pag-nganga nito.
Naninilibihan siya bilang gobernadorcillo, at kasama sa kanyang paglilingkod ay ang
hamakin ang mga Pilipino at hayaan ang mga Kastila sa ganitong gawain.
Itinuturing din ng Kapitan na siya ay isa nang Kastila, at ang mga Pilipino ay Indio.
Sa paniniwala ng Kapitan, ang mga Kastila ay mararangal at karapat-dapat pagukulan ng paggalang at pagpapahalaga. Kaibigan siya ng lahat ng mga may
kapangyarihan, lalong lalo na ang mga pari. Kung kaya't hindi mawawala ang
kanyang pangalan sa misa at padasal para bilhin ang langit. Nabibili niya ang
kabanalan at mga santo na kanyang maibigan. Ang kanyang silid ay punong-puno
ng mga dinadasalang katulad nina Sta, Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio De
Padua, San Francisco De Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo,
Hesukristo at ang larawan ng Banal na Mag-anak (Hesus, Maria at Hosep). Sa
pagnenegosyo ni Kapitan Tyago ay nakabili siya ng maraming ari-arian, kabilang na
dito ang pagbili ng lupain sa San Diego. Ito ang naging daan upang makilala nila
ang kura doon na si Padre Damaso at ang pinakamayaman sa bayang iyon na si
Don Rafael Ibarra. Sa kabila ng magandang buhay na tinatamasa ng mag-asawa, sa
loob ng anim na taon ay hindi pa sila nagkaka-anak sa kabila ng walang humpay
nilang pamamanata. Pinayuhan sila ni Padre Damaso na mamanata sila sa Obando
at magsayaw si Pia Alba sa kapistahan ng San Pascual Bailon at Sta. Clara sa
Nuestra Senora De Salambao. Makalipas ang kaunting panahon ay nagdalantao nga
si Pia Alba, (sa panghahalay na rin ni Padre Damaso bagamat ang katotohanang ito
ay nailantad sa kalaunan). Ngunit ang babae ay naging masasakitin at tuluyang
namatay pagkatapos ito ay manganak. Pinangalanang Maria Clara ang bata at
kinalinga ni Tiya Isabel. Binusog din siya ng pagmamahal nina Kapitan Tyago at mga
prayle. Lumaking magkababata sina Ibarra at Maria Clara, pati na rin ng kanilang
mga kaibigan. Ipinasok ng kanyang ama mula sa udyok ng mga pari si Maria Clara
sa kumbento ng Sta Catalina ng ito ay maging katorse anyos. Pumunta naman si
Ibarra sa Europa upang mag-aral ng pagka-medisina. Si Kapitan Tyago at Don Rafael
ay nagkasundong ipakasal ang dalawa sa takdang panahon, bagay na indi naman
tinutulan ng dalawa sapagkat sila ay nag-iibigan.
Kabanata 7
Suyuan sa Asotea
Maaga pa lamang ng araw na iyon ay nakapagsimba na sina Maria at Tiya Isabel.
Pagkatapos mag-almusal ang mag-anak ay nagkanya-kanya na siya ng gawain. Si
Tiya Isabel ay naglinis ng bahay dahil sa mga kalat bunga ng hapunan ng
Kabanata 9
Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
Kabanata 10
- Ang San Diego
Kabanata 12
Araw ng mga Patay
Ang sementeryo ng San Diego ay matatagpuna sa isang malawak na palayan at
nababakuran ng lumang pader at kawayan. Masukal ang libingan at may malaking
krus na nakatirik sa kalagitnaan. Makipot ang daan patungo sa sementeryo,
maputik kapag tag-ulan at maalikabok naman kung tag-araw. Isang napakalakas na
ulan ang bumuhos ng gabing iyon, at dalawang tao ang abalang-abala sa
paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo. Ang isa ay batikang sepulturero at ang
kanyang katulong ay bago at hindi mapakali sa kanilang ginagawa. Hindi nito
maitago ang pandidiri at kinakalaban ang pagbaliktad ng sikmura sa pagdura at
paghitit ng sigarilyo. Sinaway ng batikang sepulturero ang kanyang kasama sa
pagrereklamo nito at pinagpatuloy ang paghuhukay hanggang sa maiahon ang
Kabanata 13
Mga Babala ng Bagyo
Dumating si Ibarra sa San Diego at kaagad na nagtungo sa sementaryo kasama ang
kanilang matandang katiwala. Agad nitong hinanap ang puntod ng ama na si Don
Rafael. Ayon sa kanyang katiwala, ang libingan ay tinamnan niya ng mga bulaklak
ng adelpa at sampaga. Nasalubong nina Ibarra ang sepulturero at tinanong nila ito
ang libingan ng kanyang ama. Pinagtapat naman ng sepulturero na itinapon ang
bangkay sa lawa dahil sa kabigatan nito at hindi na nailibing sa libingan ng mga
Intsik, ang bagay na pinag-utos ng kura paroko. Higit na ikinasindak ito ni Ibarra at
ang matandang katiwala ay napaiyak sa narinig. Sa matinding galit at poot ay
iniwan ni Ibarra ang kausap at ng makasalubong niya si Pari Salvi ay hindi nito
napigilang daluhungin ang pari. Humingi ng paliwanag si Ibarra sa pari kung bakit
nagawa nitong lapastanganin ang bangkay ng kanyang ama. Ipinaalam naman ng
huli na ang may kagagawan niyon ay si Padre Damaso.
Kabanata 15
Ang Mga Sakristan
Ang dalawang sakristan ay sina Crispin at Basilio, mga anak ni Sisa at siyang
kausap ni Pilosopo Tasyo sa simbahan. Hinabilin ng huli ang inihandang hapunan ng
kanilang ina. May matinding suliraning hinaharap ang dalawang musmos at ito ay
lubos na nagdudulot ng kawalang pag-asa sa magkapatid, lalo na kay Crispin, ang
nakababata sa dalawa. Pinagbintangan kasi siya ng Pari na nagnakaw ng dalawang
onsa o halagang P32.00. Ang sahod lamang nila ay dalawang piso sa isang buwan,
kung kayat hindi niya mababayaran ang nawawalang salapi, at ang pataw na multa
ng tatlong beses. Hiniling nito sa kanyang kuya na tulungan siyang bayaran ang
ibinibintang sa kanya ng pari, bagay naman na tinutulan ni Basilio dahil na rin sa
kailangan niya itong ibigay sa kanilang ina upang may makain. Nahiling tuloy ni
Crispin na mabuti pang lahat sila ay magkasakit. Nangulila din ang bata sa kanyang
ina, na kung ito ay kapiling nila tiyak niyang ipagtatanggol sila nito sa kalupitan ng
mga pari. Naisip rin niya na mabuti pa nga ay ninakaw na lang niya ang
nawawalang pera at ng sa gayon ay maibabalik pa niya ito at mamatay man siya sa
palo ay may maiiwan naman siya sa kanyang ina at kapatid. Nag-aalala naman si
Basilio sa galit ng ina kapag nalaman nito na napagbintangang magnanakaw ang
kanyang kapatid. Buo naman ang tiwala ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang
ina na ginawa niya iyon, dahil ipapakita niya ang maraming latay sa buo niyang
katawan dahil sa palo ng kura, pati ang bulsa niyang butas. Sasabihin rin niya na
ang tangi niyang pera ay isang kuwalta lamang na aginaldo sa kanya noong
nakaraang pasko, at pati ito ay pinag-interesan ng ganid na prayle. Bukod sa mga
palong tinatamo ni Crispin, gutom na gutom na rin siya sapagkat hindi na siya
pinapakain mula ng siya ay pagbintangan. Patuloy na nag-uusap ang magkapatid
tungkol sa kanilang kalagayan at hindi nila namalayan ang pagpanhik ng sakristan
mayor. Narinig nito ang kanilang pag-uusap at nagpupuyos ito sa galit. Pinagmulta
niya si Basilio dahil daw sa salang maling pagpapatugtog nito sa kampana. Sinabi
naman nito kay Crispin na hindi siya makakauwi hanggat hindi niya ibinabalik ang
ninakaw na salapi. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, bagay na nakapagpahamak
pa sa kanya sapagkat hindi siya papauwiin hangang hindi ika-sampu ng gabi. Ang
desisyon ng sakristan ay lubhang mapanganib para kay Basilio sapagkat mahigpit
na ipinapatupad ng guwardiya sibil na bawal ng maglakad ang sinuman bago
Kabanata 16
Si Sisa
Sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan ay abalang abala si Sisa, ang butihing
ina nila Crispin at Basilio. Makikitang salat na salat siya sa kabuhayan, at ang likas
na ganda nito ay pinatanda ng panahon at pagdurusa. Nakapag-asawa siya ng
isang lalaking walang idinulot sa kanya kundi dalamhati. Gabi gabi itong
nagsusugal, iresponsable, tamad, at nagpapalaboy laboy sa lansangan. Wala itong
pakialam sa buhay nilang mag-iina, bagkus ay nakukuha pa siya nitong bugbugin
kapag ito ay umuuwi. Si Sisa naman ay patuloy na tinitiis na lamang ang ugali ng
kanyang asawa at patuloy pa rin niya itong minamahal na animoy ay diyos.
Naghanda ng masarap na hapunan si Sisa para sa kanyang mga anak. Bagay na
hindi nila madalas matikman sa kanilang buhay. Inihain niya ang paborito ng mga
bata: tuyong tawilis at sariwang kamatis para kay Crispin; at tapang baboy-damo at
isang hita ng patong bundok naman para kay Basilio, mula sa kagandahang loob ni
Pilosopo Tasyo. Sa kasamaang palad, ang naunang dumating ay ang kanyang asawa
na walang pakundangang inubos ang inihain niya para sa kanyang mga anak. Hindi
man lang nito itinanong ang kalagayan nilang mag-iina at bagkus ay inihabilin pa na
bigyan siya ng kwarta mula sa kita ng dalawang bata. Walang nagawa ang martir
na si Sisa kundi maghinagpis sa pag-ala-ala na wala na ang masarap na hapunan na
inihanda niya para sa kanyang mga anghel. Nagluto siyang muli upang kahit
papaano ay may makain ang mga bata pagdating nito mula sa simbahan. Makalipas
ang matagal na sandali at pagkainip sa paghihintay ay nakarinig siya ng malalakas
na tawag mula kay Basilio.
Kabanata 17
Si Basilio
Duguan si Basilio nang dumating ito sa kanilang tahanan. Pinagtapat nito sa Ina na
siya ay hinabol ng mga gwardiya sibil at nadaplisan ng bala sa ulo. Hindi nito
nagawang huminto sa paglalakad sa takot na ikulong at paglinisin sa kuwartel.
Sinabi rin nito sa ina na sabihing nahulog na lamang siya sa puno kaysa ipagtapat
ang tunay na nangyari. Napag-alaman din ni Sisa na napag-bintangan si Crispin na
nagnakaw ng dalawang onsa, at nabaghan ang puso ni Sisa dahil sa awa sa
kanyang anak. Lingid sa kanyang kaalaman ang mga parusang tinatamasa ni
Crispin sa kamay ng Sakristan. Nawalan naman ng gana si Basilio na kumain at
bagkus ay nag-alala ng todo sa kanyang ina ng malaman nito na dumating ang
kanyang ama. Alam kasi nito ang pambubugbog na ginagawa ng ama sa kanyang
ina. Sa hinagpis at galit ni Basilio ay naisambulat nito na mabuti pang mawala na
ang kanyang ama at mabuhay silang tatlo na lamang. Sa ganitong kalagayan ay
mabubuhay pa sila ng maayos, na siya namang pinagdamdam ni Sisa. Para sa
kanya, sa kabila ng ugali ng kanyang asawa ay mamarapatin pa rin niyang
magkakasama silang lahat. Nakatulugan ni Basilio ang kanyang mga alalahanin at
pagod. Binangungot ito sa kalagitnaan ng tulog sapagkat nakita niya sa kanyang
panaginip ang pambubugbog ng kura at sakristan mayor kay Crispin. Pinalo nila ng
yantok si Crispin sa ulo hanggang ito ay duguang humandusay sa lapag. Nagising si
Basilio sa yugyog ng kanyang ina, at pinagtapat na lamang niya ang pangarap niya
para sa kanyang ina at kapatid. Nais niyang huminto na sa pagsasakristan kasama
ni Crispin, magpapastol siya ng baka at kalabaw na pag-aari ni Ibarra, at pagsapit
niya ng edad na kaya na niyang mag-araro sa bukid, siya ay hihiling ng kapirasong
lupa para sakahin. Pauunlarin niya ang sakang iyon hanggang sa umunlad ang
kanilang buhay. Pag-aaralin din niya si Crispin kay Pilosopo Tasyo at ang kanyang
ina ay hihinto na sa pananahi. Bagamat nagpakita ng pagkatuwa ang kanyang ina,
lihim naman itong nasasaktan dahil hindi na sinama ni Basilio ang kanyang ama sa
mga plano nito.
Kabanata 18
Mga Kaluluwang Naghihirap
Si Padre Salvi ay matamlay na nagdaos ng misa ng araw na iyon. Abala ang mga
matatanda sa bayan tungkol sa nalalapit na kapistahan habang naghihintay na
makausap ang Padre. Nais nilang malaman kung sino ang magmimisa, kung si Padre
Damaso ba or si Padre Martin o ang coordinator? Napag-usapan ng mga matatanda
ang tungkol sa pagbili ng indulgencia para sa kaligtasan ng mga namatay na
kaanak na patuloy na nagdurusa sa purgatoryo. Ang isang indulgencia ay katumbas
Kabanata 19
Mga Suliranin ng Isang Guro
Nagkita sa tabi ng lawa si Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro ng huli kung saan
naitapon ang bangkay ng kanyang ama at isa si Tinyente Guevarra sa iilang
nakipaglibing. Isinalaysay ng butihing guro ang ginawang pagtulong ni Don Rafael
sa ikauunlad ng edukasyon at naitulong nito sa kanyang kapakanan. Si Don Rafael
kasi ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo nuong siya ay
nagsisimula pa lamang. Naisalaysay ng guro ang mga suliraning kinakaharap ng
San Diego tungkol sa edukasyon. Isa na dito ang kawalang ng panggastos para sa
mga kagamitan sa pag-aaral, ang kawalan ng silid aralan na akma upang makapagaral ng walang balakid ang mga bata, ang kakaibang pananaw ng mga pari sa
paraan ng pagtuturo, ang mga patakaran ng simbahan tungkol sa nilalaman ng
kanyang mga aralin, at ang kawalan ng pagkakaisa ng mga magulang ng mag-aaral
at ng mga taong may katungkulan. Ang mga libro ay nasusulat sa Kastila at kahit
anong tyaga ng guro na iaral sa kanyang mga estudyante ang nilalaman ng
babasahin, pilit itong pinanghihimasukan ni Padre Damaso. Madalas din itong
mamalo at pagmumurahin ang mga bata kapag nakarinig ito ng ingay mula sa tapat
ng kwadra, kung saan nag-aaral ang mga bata dahil nga sa walang silid-aralan. Ang
mga magulang naman ay pinapanigan ang mga pari tungkol sa pagpalo bilang
epektibong paraan ng pagdedesiplina at pagtuturo. Ang pakikialam ng Pari, at ang
maraming mga balakid sa pagtuturo ang naging sanhi upang magkasakit ang guro.
At nang siya ay bumalik upang magturong muli, higit pang nabawasan ang bilang
ng kanyang mga mag-aaral. Laking pasasalamat niya ng hindi na si Padre Damaso
ang kura sa San Diego, kayat minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin
sa kalagayan ng kanyang mga mag-aaral. Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan
para iangkop ang kanyang mga aralin, higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang
pagtuturo tungkol sa relihiyon. Sa mga binanggit na ito ng guro, nangako naman si
Ibarra na gagawin ang kanyang makakaya upang matulungan ang guro at maiangat
ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya itong babanggitin sa araw ng pulong
sa paanyaya ni Tinyente Mayor.
Kabanata 20
Ang Pulong sa Tribunal
Ang tribunal ang tanging bulwagan na nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at
pag-uusap ng mga makapangyarihan at mayayaman sa bayan. Panauhin noong
araw na iyon sina Ibarra at ang guro. Nahahati ang mga nasa pulong sa dalawang
kinatawan o lapian: ang conserbador na siyang pangkat ng mga matatanda na
pinamumunuan ng Kabesa at ang liberal na binubuo naman ng mga kabataan sa
pamumuno ni Don Filipo. Ang mga paksa ng pagpupulong na iyon ay tungkol sa
gaganaping kapistahan labing-isang araw mula sa araw na iyon, mga programa at
aktibidad na gagawin para sa pista, at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan.
Sinamantala ng mga mayayaman sa bayan ang pulong na iyon upang
makapagtalumpati kahit na walang katuturan ang ibang mga pinagsasabi. Katulad
na lamang ni Kapitan Basilyo na nakalaban ni Don Rafael. Sinalungat naman ito ni
Don Filipo na nagmungkahi na bawat gawain ay dapat may talaan ng mga gastos.
Dapat din magpagawa ng isang malaking tanghalan sa plasa at magtanghal ng
palatuntunan tulad ng komedya sa loob ng isang linggo. Binanggit din ni Don Filipo
ang pagkakaroon din ng paputok upang maging lalong kasiya siya ang pista. Hindi
naman lahat ay sumang-ayon sa kanyang mungkahi. Nagbigay naman ng panukala
ang Kabesa na nagsabing marapat na tipirin ang pagdiriwang, dapay ay wala na
ring paputok at ang mga gaganap sa programa ay dapat mga taal na taga San
Diego. Ang sentro din ng pagtatanghal ay dapat mga sariling ugaling Pilipino.
Walang bisa ang mga panukalang inihandog ng magkabilang pangkat sapagkat
nakapagdesisyon na ang kura tungkol sa pista. Ang mga gagawin ay anim na
prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at isang komedya.
Kabanata 21
Mga Pagdurusa ni Sisa
Kabanata 22
Liwanag at Dilim
Ito ang araw ng pagdating ni Maria Clara at ni Tiya Isabel sa San Diego upang
mamalagi doon para sa pista ng bayan. Kumalat ang balita ng kanyang pagdating
sapagkat kinagigiliwan siya lahat ng mga tao doon. Kumalat din ang madalas na
pagkikita nila ni Ibarra, bagay na ikinagalit ni Padre Salvi. Napapansin naman ni
Maria Clara ang pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap. Plano
ng magkatipan na magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga kaibigan.
Iminungkahi ni Maria Clara na huwag ng isama si Padre Salvi sapagkat siya ay
nababahala kapag ito ay nasa paligid niya. Hindi naman ito napagbigyan ni Ibarra
dahil sa hindi ito magandang tingnan. Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating
naman si Padre Salvi kung kaya't nagpaalam na si Maria upang mamahinga.
Kabanata 23
Ang Piknik
Kabanata 24
Sa Kagubatan
Kabanata 25
Sa Tahanan ng Pilosopo
Sinadya ni Ibarra si Pilosopo Tasyo sa kanyang tahanan upang humingi ng payo
tungkol sa paaralan na nais niya ipasimulan. Nadatnan niya itong abalang-abala sa
pagsusulat ng hieroglyphics sa wikang Tagalog. Napansin naman siya ng matanda
at siya ay inanyayahan nito. Binanggit ni Pilosopo na ang kanyang mga sinusulat ay
Kabanata 26
Ang Bisperas ng Pista
Kabanata 27
Sa Pagtatakipsilim
Sadyang hinigitan ni Kapitan Tyago ang paghahanda sa kapistahan sapagkat
ikinasisiya niya ang mabangong pagtanggap ng mga tao kay Ibarra na kanyang
mamanugangin, lalo na at kahit sa Maynila ay tanyag na tanyag ang binata. Sa
ganitong pagkakataon ay kasama siyang mapupuri sa mga pahayagan. Samu't
saring pagkain at inumin na inangkat pa mula sa ibang bansa ang nasa kanyang
tahanan. Pinasalubungan din niya si Maria ng mga kagamitang may mamahaling
bato. Nagkita sina Ibarra at Kapitan Tyago ng bandang hapon. Nagpa-alam naman si
Maria na mamasyal kasama ang mga kaibigan nitong dalaga, at kinumbida ng mga
ito si Ibarra, na pinaunlakan naman ng huli. Inanyayahan ni Kapitan si Ibarra na
duon na maghapunan sapagkat darating si Padre Damaso, na magalang namang
tinanggihan ni Ibarra. Lumakad na ang magkatipan kasama ang mga kadalagahan.
Napadaan sila sa kanilang kaibigan na si Simang at ito ay sumama rin sa kanila na
mamasyal. Nang marating nila ang liwasang bayan, sinalubong sila ng isang
ketongin na pinandidirihan ng lahat. Nahabag naman si Maria at binigay niya dito
ang iniregalo ng kanyang ama sa kabila ng pagtataka ng kanyang mga kasama.
Lumapit naman ang walang katinuan na si Sisa at kinausap ang ketongin. Itinuro
nito ang kampanaryo at sinabing anduon ang kanyang mga anak, at pagkasabi nito
ay umalis ng pakanta-kanta. Lumisan na rin ang ketong na dala ang bigay sa kanya
ni Maria. Napag-isip isip ni Maria na marami pala ang mga mahihirap at kapus-palad
at iyon ay naging lingid sa kanyang kaalaman.
Kabanata 28
Sulatan
Kabanata 29
Ang Kapistahan
Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang magbigay saya at
salubungin ang kapistahan. Sinabayan pa ito ng tunog ng kampana at mga siklab at
pasabog ng paputok. Nagising ang mga tao sa bayan at nagsigayak na para
makiisa. Ang taumbayan ay naghanda ng kanilang pinakamainan na kasuotan at
mga alahas. Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang bawat tahanan at
hinahatak ang mga tao upang tikman ang mga ito. Taliwas ito sa ikinilos ni Pilosopo
Tasyo, sapagkat ayon sa kaniya, paglulustay lamang ng pera at pakitang tao
lamang ang pagsasaya sa araw na ito. Marami ang dapat na higit pagkagustasan ng
may kabuluhan at marami ang hinaing ng bayan na hindi natutugunan. Sang-ayon
si Don Filipo sa ganitong pananaw ngunit ala siyang lakas ng loob upang salungatin
ang pari. Sa simbahan ay naghihintay na ang mga tao at mga tanyag na tao sa
bayan. Si Padre Damaso naman ay itinaon ang sarili na magkasakit upang higit na
makakuha ng importansya mula sa lahat. Inalaagaan siya ng taga-pangasiwa ng
simbahan habng siya ay may sakit. Sinumulan ang mahabang prusisyon ng iba'tibang santo bandang alas otso ng umaga. Kahit sa prusisyon ay ipinapakita ang
pagkaka-iba ng antas o diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga nagpuprusisyon
ay mga ginggon. Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tyago, na
inaabangan naman nila Maria Clara, Ibarra at ilan pang mga Kastila.
Kabanata 30 Sa Simbahan
Kabanata 31
Ang Sermon
Sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon mula sa isang sipi sa Bibliya at
nagsermon sa wikang Tagalog at Kastila. Ang kabuuan ng sermon ni Padre Damaso
ay pagpupuri sa mga banal na santo ng simbahan, ang dapat tularan na sina Haring
David, ang mapagwaging si Gideon, at si Roldan na isang tapat na
mananampalataya; at higit sa lahat ay ang panlilibak sa mga Pilipino na binibigkas
sa wikang Kastila kung kayat walang kamalay-malay ang nakararami sa kahulugan
ng kanyang mga sinasabi. Pinatutsadahan din ng Padre ang lahat ng tao na
kanyang hindi gusto upang ipahiya ang mga ito sa karamihan. Sapagkat karamihan
ng mga tao doon ay walang naiintindihan sa pinagsasasabi ng Padre, hindi nila
napigilang antukin at mapahikab, lalo na si Kapitan Tyago. Si Maria at Ibarra naman
ay palihim na nagsusulyapan at nangungusap ang kanilang mga mata. Sinimulan na
din sa wakas ni Padre Damaso ang misa sa wikang Tagalog. Dito ay walang
pakundangan na tinuligsa niya si Ibarra, bagamat hindi niya pinangalanan ang
kanyang inaalipusta ay mahahalata naman ng lahat na walang ibang
pinatutunguhan ang kanyang mga salita kundi si Ibarra lamang. Hindi naman na
natuwa si Padre Salvi sa nagaganap kung kaya't nagpakuliling na ito upang maging
hudyat kay Padre Damaso na tapusin na nito ang kanyang sermon. Ngunit
nanatiling bingi ang mayabang na pari at nagpatuloy pa ng kalahating oras sa
walang kwentang sermon at pag-alipusta kay Ibarra. Samantala, palihim naman na
nakalapit si Elias kay Ibarra habang tuloy ang misa. Binalaan ni Elias si Ibarra na
mag-ingat at huwag lalapit sa bato na ibabaon sa hukay sapagkat maaari niya itong
ikamatay. Wala namang nakapansin sa pagdating at pag-alis ni Elias.
Kabanata 32
Ang Panghugos
Nagkaroon ng demonstrasyon ang taong dilaw kay Nol Juan patungkol sa paggamit
ng panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan. Ang istrukturang ito
ay may walong metro ang taas at ang apat na haligi ay nakabaon sa ilalim ng lupa.
Ang apat na haligi naman ay nasasabitan ng malalaking lubid na sa tingin ay
napakatibay ng pagkakayari. Ipinagmalaki ng taong dilaw na ang ganitong paraan
ay natutuhan pa niya sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Ipinakita ng taong dilaw
kung paano itinataas at ibinababa ang batong malaki na siyang ibabaon sa hukay
na napapagitnaan ng apat na haligi. Hinangaan naman ito ni Nol Juan at pinuri rin
ito ng mga tao sa paligid. Dumating ang araw ng pagpapasinaya ng bahaypaaralan. Pinaghandaan niya ang araw na iyon, naghanda din ang mga guro at
mag-aaral ng mga pagkain para sa mga panauhin. Mayroon ding mga banda ng
musiko. Sinimulan ni Padre Salvi ang pagbabasbas sa bahay-paaralan. Inilulan ang
mga mahahalagang kasulatan at relikya at iba pang mahahalagang bagay sa isang
kahang bakal, na ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Ang lubid ang
nagko-kontrol sa bato, na may hukay sa gitna kung saan ilalagay ang tingga. Hawak
naman ng taong dilaw ang lubid. Sinimulan ng Pari ang seremonya at nagsibabaan
ang lahat ng importanteng tao upang sumaksi. Isa si Elias sa mga taong naroroon
upang sumaksi sa okasyon. Hindi niya winala ang tingin sa taong dilaw. Hustong
pagbaba ni Ibarra upang maki-isa sa pagsaksi ay humulagpos ang lubid mula sa
kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Ilang saglit ang lumipas at
nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang kalo at ng
malaking bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay at hindi si Ibarra. Nais ng
alkalde na ipahuli si Nol Juan ngunit sinabi ni Ibarra na siya na ang bahala sa lahat.
Kabanata 33
Malayang Kaisipan
Ang pagkakatuklas ni Elias tungkol sa balak na pagpatay ng taong dilaw kay Ibarra.
Nagkakilala rin sina Elias at Ibarra sa kabanatang ito. Matutunghayan ang
katalinuhan ni Elias sa kabila ng kawalan nito ng pormal na edukasyon. Palihim na
dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra at sila ay nag-usap tungkol sa mga kaaway ni
Ibarra. Pinayuhan ni Elias si Ibarra na nagkalat ang kanyang mga kaaway kahit na
ang hangad niya ay kabutihan. Sinabi rin nito ang pagkatuklas niya sa balak ng
taong dilaw na patayin si Ibarra sa araw ng pagpapasinaya sa paaralan, bagamat
mahiwatig ang binitiwang salita ng taong dilaw sa taong kausap nito, "hindi kakanin
ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama". Palihim na sinubaybayan ni
Elias ang taong dilaw at napag-alaman nito na prinisinta nito ang sarili kay Nor Juan
kahit maliit ang sahod kapalit ng kanyang mga kaalaman. Nanghinayang naman si
Ibarra sa pagkawala ng taong dilaw sapagkat marami pa siyang matutuklasan kung
ito ay nabubuhay lamang. Bagay na sinalungat naman ito ni Elias sapagkat tiyak
niyang makakaligtas sa hukuman ang taong dilaw dahil sa kabulagan ng hustisya sa
bayan. Nagkaroon naman ng interes si Ibarra sa pagkato ni Elias sapagkat marami
itong nalalaman at ang kanyang mga kaisipan ay kakaiba sa karaniwang
mamamayan. Napako ang kanilang usapan tungkol sa paniniwala sa Diyos at hindi
tinanggi ni Elias na siya ay nawalan na ng tiwala. Kalaunan ay nagpaalam na rin si
Elias at nangako ng katapatan kay Ibarra.
Kabanata 34
Ang Pananghalian
Sa araw na iyon ay darating ang Heneral at tutuloy sa bahay ni Kapitan Tyago.
Magkakaharap na nananghali ang mga mayayaman sa San Diego. Nasa
magkabilang dulo ng hapag si Ibarra at ang alkalde mayor. Katabi ni Ibarra si Maria
sa gawing kanan at ang eskribano naman sa kaliwa. Nandoon din sa hapag sina
Kapitan Tyago, iba pang mga kapitan ng bayan ng San Diego, mga prayle, mga
kawani ng pamahalaan at mga kaibigan nina Maria at Ibarra. Nagtaka naman ang
karamihan sapagkat hindi pa dumarating si Padre Damaso. Habang kumakain ay
nag-uusap-usap ang mga nasa hapag. Napadako ang usapan sa hindi pagdating ni
Padre Damaso, ang kamang-mangan ng mga magsasaka sa mga kubyertos, ang
mga kursong nais nilang ipakuha sa kanilang mga anak, at kung ano-ano pa.
Pamaya-maya ay dumating na si Padre Damaso at lahat ay bumati sa kanya liban
kay Ibarra. Sinimulan ng ihanda ang serbesa at sinimulan na rin ni Padre Damaso
ang patutsada kay Ibarra. Tinangkang sumingit naman ang alkalde upang maiba
ang usapan ngunit lalong nagumalpas ang dila ng pari. Hindi naman kumikibo si
Ibarra at nagtimpi na lamang. Ngunit talagang nananadya si Padre Damaso kayat
inungkat ang nangyari sa kanyang ama, bagay na hindi mapapayagan ni Ibarra
kung kaya't dinaluhong nito ang pari at tangkang sasaksakin. Pinigilan naman ni
Maria ang katipan kung kaya't bumalik ang hinahon ni Ibarra at umalis na lamang
ito.
Kabanata 35
Mga Usap-usapan
Kabanata 36
Ang Unang Suliranin
Isinasaad sa kabanatang ito ng Noli me Tangere ang desisyon ng mga prayle na
paghiwalayin sina Ibarra at Maria Clara pagkaraang ma-exkomunikado ang binata.
Walang abisong dumating ang Kapitan Heneral sa bayan nila Kapitan Kapitan Tiyago
kayat naging abala ang lahat sa paghahanda upang maibigay ang nararapat na
pag-istima sa panauhin. May nalalabi pang oras upang makapag-gayak at ito ay
sinamantala ng lahat maliban kay Maria Clara. Si Maria Clara ay patuloy ang
pagtangis dahil sa pagbabawal ng ama nito na makipagkita kay Ibarra hanggat
hindi ito ekskomunikado. Naging walang silbi ang pang-aalo ni Tiya Isabel at Andeng
sa dalumhati ng dalaga. Sinabi ng tiyahin na maari silang sumulat sa Papa aty
magbigay ng malaking limos upang mapawalang bisa ang ipinataw sa binata. Si
Andeng ay nagprisintang makagagawa ng paraan upang magkausap ang
magkatipan. Bumalik si Kapitan Tyago mula sa kumbento at isiniwalat nito Kay
Maria Clara ang desisyon ni Padre Damaso na sirain ang nakatakdang pakikipagisang dibdib nito kay Ibarra. Si Padre Sibyla ay nag-utos naman na bawal nang
tanggapin sa kanilang tahanan ang binata, at ang utang ng kapitan na limampung
libong piso ay hindi rin dapat bayaran, o ang kapalit nito ay kamatayan ng kaluluwa
sa impyerno. Ang mga bagay na ito ay hindi makayanang marinig ni Maria kung
kaya't lalo itong naghinagpis. Inalo naman ito ng ama at sinabing may inilalaan ang
Kabanata 37
Ang Kapitan Heneral
Kabanata 38
Ang Prusisyon
mga santo. Isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda
at may bigkis ang lumabas upang simulan ang pagpupuri sa wikang Latin, Kastila at
Tagalog. Sumunod naman ay ang pag-awit ni maria at lahat ay nabighani sa ganda
ng kanyang tinig. Ramdam naman ni Ibarra ang pighating nararamdaman ng
kanyang katipan sa boses nito. Napukaw ang atensyon ng binata ng ito ay kausapin
ng Heneral tungkol sa hapunan kung saan kailangan nilang pag-usapan ang
pagkawala ng dalawang sakristan na sina Crispin at Basilio.
Kabanata 39
Si Donya Consolacion
bihisan at pakainin si Sisa, alagaan, at gamutin din ang mga sugat nito. Ang pagaalaga ng alperes ay dahil na rin sa nakatakdang ihatid si Sisa kay Ibarra
kinabukasan.
Kabanata 40
Ang Karapatan at Lakas
Kabanata 41
Dalawang Panauhin
Hindi dalawin ng antok si Ibarra ng gabing iyon. Balisa ito sa kaguluhang naganap
kung kaya't nilibang ang sarili sa paggawa sa kanyang laboratoryo. Ilang sandali ay
dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra. Layunin ni Elias na ipagbigay-alam kay Ibarra
na may sakit si Maria Clara, at kung may ipagbibilin ang binata bago siya pumunta
sa Batangas. Ipinaliwanag din ni Elias kay Ibarra kung paano niya nasugpo ang
kaguluhan ng nagdaang gabi. Sinabi nito na kilala niya ang magkapatid at
napakiusapan niya na itigil ang kaguluhan. Napahinuhod naman ang magkapatid na
gwardya sibil dahil sa kanilang utang na loob kay Elias. Umalis na rin si Elias
makalipas ang ilang sandali. Nagmamadali naman na gumayak si Ibarra upang
tumungo sa bahay ni Kapitan Tyago. Sa daan ay nasalubong ni Ibarra ang kapatid
ng taong dilaw na si Lucas. Kinulit nito si Ibarra tungkol sa salapi na makukuha ng
kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Sinagot ito ng maayos
ni Ibarra na magbalik na lamang sa isang araw sapagkat siya ay patungo sa
maysakit. Ngunit sadyang mapilit si Lucas at kinukulit si Ibarra. Bago pa man
mawala ang pagtitimpi ng huli ay tumalikod na lamang ito. Naiwan si Lucas na
nagpupuyos ang kalooban, at sa kanyang isipan ay iisa ang dugong nananalaytay
sa ugat ni Ibarra at ang lolo nito na nagparusa sa kanilang ama. Maari lamang
silang maging magkaibigan kung magkakasundo sila sa salaping ibabayad ni Ibarra.
Kabanata 42
Ang Mag-asawang De Espadana
Kabanata 43
Mga Balak o Panukala
Kabanata 44
Pagsusuri ng Budhi
Patuloy na mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at kapag ito ay nagdedeliryo ay
walang binabanggit kundi ang pangalan ng kanyang ina. Patuloy naman siyang
inaalagaan nni Tiya Isabel at mga kaibigang dalaga. Si Kapitan Tyago naman ay
walang tigil na nagpapamisa at nag-aabuloy, ang pinakahuli ay ang pagbibigay ng
tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Makalipas ang ilang araw, kasabay ng paginom ng gamot na nireseta ni Don Tiburcio ay humupa ang mataas na lagnat ni
Maria. Ikinatuwa naman ito ng mag-asawang Tiburcio, kung kaya't hindi muna
pinagdiskitahan ni Donya Victorina ang kanyang asawa. Magkakaharap sina Padre
Salvi, Kapitan Tyago at mag-asawang Espadana at napag-usapan na malilipat sa
parokya ng Tayabas si Padre Damaso. Ayon kay Kapitan Tyago, ikalulungkot ito ni
Maria Clara sapagkat para na rin niyang ama ang pari. At ang pagkakasakit ng
dalaga ay bunga ng mga kaguluhan na nangyari noong gabi ng pista. Ikinasiya
naman ng kura na mainam nga na hindi nagkikita sina Ibarra at Maria Clara dahil
tuluyan itong gumaling. Sinalungat naman ito ni Donya Victorina at sinabing ang
nakapagpagaling kay Maria ay ang panggagamot ni Don Tiburcio. Hindi naman
siyempre nagpatalo ang pari at sinabing higit na nakagagaling ang pagkakaroon ng
malinis na budhi kaysa mga gamot. Napikon ang Donya at iminungkahi sa pari na
gamuting ng kanyang kumpisal ang nakakabanas na si Donya Consolacion. Wala
namang naisago ang Pari kung kaya't tinagubilinan na lamang niya si Kapitan Tyago
na ihanda na si Maria para sa pangungumpisal. Ipinabigay rin niya ang beatico
upang lubusan itong gumaling. Oras na para uminom ng gamot si Maria Clara at
ininom nga nito ang pildoras na mula sa bumbong ng kristal. Ititigil lamang niya ang
pag-inom nito kapag siya ay nakaramdam na ng pagkabingi. Nalaman ni Maria kay
Sinang na abala si Ibarra na mapawalang bisa ang pagiging ekskomulgado nito
kung kaya't hindi pa ito makasulat sa dalaga. Dumating naman si Tiya Isabel upang
Kabanata 45
Ang mga Pinag-uusig
Kabanata 46
Ang Sabungan
Kabanata 47
Ang Dalawang Senyora
Habang mainit ang labanan sa sabungan, ang mag-asawang Donya Victorina at Don
Tiburcio ay namamasyal. Ginagawa nilang libangan ang pag-alipusta sa maralitang
tahanan ng mga Indio. At lalo pang naasar ang Donya sa hindi pagbibigay galang sa
kanila ng mga nakakasalubong. Napadaan ang mag-asawa sa tapat ng bahay ng
alperes, na nagkataon naman na naroroon si Donya Consolacion. Ng magtama ang
kanilang paningin, sumibangot at dumura ang maybahay nang alperes na malaking
ikinayamot ni Donya Victorina. Sinugod nito si Donya Consolacion at nagkaroon ng
balitaktakan. Inalipusta ng Donya ang alperes habang ang huli naman ay
tinungayaw ang kapansanan at pagpapanggap nang asawa nang Donya. Hindi na
rin pinaligstas ni Donya Consolacion ang pagkakataong iyon, dinala ang latigo ng
asawa at sinugod si Donya Victorina. Ngunit hindi naman nagpang-abot ang
dalawang Donya sapagkat namagitan ang kanilang mga asawa. Nasaksihan ito ng
taong-bayan sapagkat ang kanilang away ay sadyang nakakabulahaw. Dumating din
ang kura at inawat ang dalawa. Sinagot naman ng alperes ang kura at tinawag itong
mapagbanal-banalang Carliston. Si Victorina naman ay inutusan ang kanyang
asawa na hamunin ang alperes ng barilan, na tinanggi naman ng huli. Anupa't dahil
dito ay nahablot na naman ang kanyang pustiso. Pamaya-maya ay nakarating sa
bahay ni Kapitan Tyago ang mag-asawa. Nadatnan naman nila si Linares na kausap
si Maria Clara at mga kaibigan nito. Napagbalingan ng Donya ang binatang si
Linares, at inutusan ito na hamunin ang alperes at kung hindi ay sasabihin nito sa
lahat ang tunay niyang pagkatao. Hindi naman malaman ni Linares ang kanyang
gagawin. Habang humihingi ng paumanhin ang binata sa Donya ay siya namang
dumating ang Kapitan. Sinalubong kaagad ito ng Donya at nagdadaldal tungkol sa
nangyari. Inipit din nito si Linares sa Kapitan, at sinabing kung hindi ito gagawin ng
binata ay marapat lamang na walang kasalang magaganap sapagkat hindi bagay si
Maria Clara sa isang duwag. Nagpahatid naman sa silid si Maria Clara dahil sa
narinig mula sa Donya. Madilim na ng umalis ang mag-asawang Tiburcio at Donya
Victorina, dala ang ilang libong piso na salaping bayad ni Kapitan Tyago sa
panggagamot ni Tiburcio kay Maria Clara. Si Linares naman ay hindi matahimik sa
gipit nitong sitwasyon
Kabanata 48
Ang Talinghaga
Kabanata 49
Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya,
kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni
Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli na
magkausap. Dahil nag-aalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang siya.
Nanghinayang naman ang binata ng sabihin ni Elias na di siya matatandaan ng
alperes. Saglit na napabuntonghininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok sa
kanyang isip ang kanyang pangako kay Maria.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang
sugo ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga
tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at
pagbabala. Ang kahilingan ng mga sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng
makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa
mga kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba
pang pangangasiwa ng gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa
pagkatao ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at
kapangyarihang taglay ng mga sibil na madalas na nagiging punot dulo ng
paglapastangan sa karapatang pantao.
Nagtaka si Ibarra, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay naniniwala
satinatawag na masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na
kailangang gumawa muna ng masama upang makapagdulot ng mabuti. Naniniwala
siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng isang mahapding
panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kayat kailangan ang kaparaanang
marahas kung ito ay makakabuti. Ang isang mabuting manggagamot, anya ay
sinususri ang pinagmulan ng sakit at hindi ang mga at hindi ang mga palatandaan
nito na sinisikap na bigyan ng lunas. Katulad ng mga sibil na sa pagnanais daw na
Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil nanunulisan ang mga tao
dahil sa matinding pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na ang mga
sawimpalad na hinihingi ng bayan ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at
ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra na may
utang na loob na dapat tanawin ng bayan sa mga paring pinagkakautangan ng
pananalig at patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng mga maykapangyarihan.
Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila mahal ang bayan.
Pero, hindi napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad.
Kaya, ipinahayag niya kay Ibarra na sasabihin na lamang daw niya sa mga ito na
ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang pagtitiwala na sa kapwa tao na di
magtatamong-pala.
Kabanata 50
Ang mga Kaanak ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya
ay kabilang din sa mga swimpalad.May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang
nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng
kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi
nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno
sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado,
siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo
sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap
ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may
sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok
na lamang. Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi
nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap.
Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng
mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay
hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon.
Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.
Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na patay na. Ito ay
nakabulagta ssa ilalim ng isang puno at ang isang ulo ay nakatingala sa isang bakol
na nakasabit sa puno. Ang kanyang katawan ay ibinaon samantalang ang mga
paa,kamay ay ikinalat. Ang ulo naman ay siyang dinala sa kanyang ina. Walang
nalalabing paraan sa nakakabata dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring ito kundi
ang tumakas. Siya ay ipinadpad ng kapalaran sa Tayabas at namasukang obrero sa
isang mayamang angkan. Madali naman siyang nakagiliwan sapagkat nagtataglay
nga ito ng magandang ugali.
Kabanata 51
Mga Pagbabago
Kabanata 52
Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo
at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas
na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya
ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na
minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag
na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang
ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura.
Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama ng lima lulusob sila sa kwartel
upang ipakilala sa mga sibil na kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa,
sinabi ng alila ni Ibarra na sial ay magigng 20 na katao na. Saglit na huminto sa
pagaasanan ang mga anino nang mabanaagan nilang may dumarating na isang
anino na namamaybay sa bakod.
Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang paligid. Umaambon
palibhasa, sumilong ito sa pintuan kayat nagkita sila ng unang sumilong. Naisipan
nilang magsugal at kung sinuman ang manalo sa kanila ay maiiwan upang
makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa loob nglibingan at sa ibabaw ng punto
ay umumpog magkaharap upang magsugal. Ang mataas sa dalawa ay si Elias at
ang may pilat sa mukha ay si Lucas. Nagsimula na silang magsugal sapagkat sa
isang tao lamang ang nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si Elias kaya umalis
itong hindi kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman.
Kabanata 53
Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa
libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiranh ni San
Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at pahikbi
naman ang narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libinga.
Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa
kaluluwa sa purgartoryo.
Ang usapan ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don Filipo at Pilosopong
Tasyo na ilang araw na ilang araw ngt naghihina. Nasabi ni Don na tinaggap ng
alkade ang kanyang pagbibtiw sa tungkulin. Hindi namn mapakali si Tandang Asyo
sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitiw ay hindi nararpat at napapanahon. Sa
panahon ng digmaan, anya, ang puno ay dapat na manatili sa kanyang tao. Sa
pagiisip ni Pilosopong Tasyo. Ayon sa kanya, nag iba ang bayan na di na katulad
noon na may 20 na taon na ang nakalipas. Ang nakaraan ay nagbigay ng aralin.
Namamalas na nag naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at ang
pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay nadadma na rin .
Kabanata 54
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa
Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong
gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na
pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang
alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang kura,
inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang
bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya
ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng
pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa
kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at
alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi
ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel
naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang
mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay.
Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at
kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa
tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang
amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay
Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang
natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob.
Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di
na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang
mahuhuli ng mga sibil.
Kabanata 55
Ang Pagkakagulo
Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya
niyaya niya ang kaibigan ni Sinangsa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang
palakad lakad si Pari Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi mapakali si si Maria sa
paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni Ibarra. Kasalukuyan kumakain
noon ang argos na si :Linares at isinadasal nilang umalais na ang "multong" si Pari
Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang
nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo,
napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman
ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang
magdasal. Sya namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang
lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang
sunod sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita. Ang Kura naman ay
nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nakakarinig
ng puro putokan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At mga nagsisikain na
kumedor ay biglang pumasok at panay na tulisantulisanSi Tiya Isabal ay panay
ang dasal samantalang ang magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag
sa kinatatayuan. Nagpatuloy ang putukan atsilbatuhan kasabay ng pagsasara ng
mga pintuan at bintana ng biglaan.
Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura. Inakala ng mga nasa
bahay na nasugatan ng malubha sa pari Salvi. Tiniyak ng alperes na wala ng
panganib kaya lumabas na sa pinagtataguan ang kura, nanaog ito. Si Ibara ay
nanaog din. Pinasok naman ni Tiya Isabel ang magkaibigan sa silid. Hindi nagkausap
si Ibarra at Maria, basta nagpatuloy nalamang sa paglakad ng binata, mabilis.
Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na naka bayoneta pa. Sa may bandang
tribunal, nangingibabaw ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa kapitan na wag
niyang pabayaan makatakas ang mga nahuling lumusob.
Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay ni Ibarra.
Para siyang sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang
angkan, ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Waring
ang lahat ay tinatawag siyang duwag isang duwag. Labis na pangingipospos ang
kanyang damdmin. Hanggang sa maisip niyang balikan ang bahay ni Ibarra.
Dinatnan niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa kanilang amo.
Nang malaman niya ang nangyari kay Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero lumigid
lamang saka umakyat sa bintana na patungo sa gabinete. Nakita niya ang mga
kasulatan, mga aklat, alahas at baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay
isinilid niya sa sako at inihulog sa bintana. Nakita niyang dumating ang mga sibil.
Kinuha ni Elias ang larawan ni Maria at isinilid ito sa isang supot. Nagipon siya ng
mga damit at papel, Binuhusan niya ito nga mga gas at saka sinilaban.
Kabanata 56
Ang mga Sabi at Kuro-kuro
Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni
isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik
ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng
bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba
na magbbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang
kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa
kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Ipinapalagay
naman ng iba na ang mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki
ay nagpunta naman sa kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng mga
tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan ang kasintahang si Maria upang hindi
matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya kay Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan
Tiyago ang kanilang pagtatanan sa tulong ng mga sibil.
Kabanata 57
Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig
Balisa ang mga sibil na nasa kwartel. Panay ang kanilang pagbabanta sa mga
batang sumisilip sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip.
Naroroon ang alperes, direktorsillo, Donya Consolation at nag kapitan na halatang
malungkot. Bago mag-ikasiyam dumating ang kura at wala sa loob na naitanong
niya sa alperes sina Ibarra at Don Filipo. Kasunod niya ang isang parag batang
umiiyak at duguan ang salawal. Hinarap sa kura ang dalawang tanging buhay na
nabihag ng mga sibil.
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung
kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalaymalay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang
pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa
limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa
tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid
sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong
sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo
hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.
Hindi maoakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan niya ang
isang bilanggo ring nagpapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo. Ipinasino
kay Tarsilo ang dinatnan. Sinabi niyang nuong lamang niyua nakita. Dahil dito, muli
siyang pinalo hanggang sa mabalot ng dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan
ng kura ang gayong tanawin kaya lumabas siya sa bulwagan na namumutla. Nakita
ng kura ang isang dalagang parang nagbibilang ng mga naririnnig sa loob ng
tribunal, humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Ang babaing ito ay ang
kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo,
lalong nagngitngit ang alperes. Binulungan pa siya ni Donya Consolacion na lalong
pahirapan ang binata. Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang
kamatayan. Walang makuhang anumang impormasyon at di mapaamin si Tarsilo
kaya ito ay itinimba sa isang balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy.
Kung ilang bese ibinulusok ang katawan ni Tarsilo sa balon. Hindi niya natagalan
ang pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng hininga sa gayong uri ng kalupitan.
Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman ay ang isa pang
bilanggo.
Kabanata 58
Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa
kumbento, kuwartel at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang
mga inilalakad. Palibhahsa wala silang kilalang malakas at makakapitan na
makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak na bilanggo. May sakit ang kura
at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong makipag-usap kahit kanino.
Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin ang mga
babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi.
Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakadlakad umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang
pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa
rehas upang tignan ang kambal niyang anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduroon
din at walang gatol na ipinagsasabio na kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay
dahil sa bago nitong salawal. Amy isang babae naman ang halos mangiyak-ngiyak
na nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Ang suro ng paaralan
ay kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si Nol Juan ay nakaluksa na sapagkat
ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si Ibarra.
Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka.
Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na
humihila sa kariton. Pero, ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag
ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo.
Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa
ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na
gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga
pinuno ang mga sibil sumunod sin sila sa utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na
naka-kabayo at batbat ng sandata ang katawan. Kasunod ay may 15 ng kawal na
umaalalay sa kanya.
Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni
Kapitan Basilio. Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang binata. Walang naawa
sa kanya. Doon nya nadama ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig,
tahanan kaibigan at magandang kinabuhasan.
Kabanata 59
Pag-ibig sa Bayan
Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala
sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iab-iba ang
estilo ng mga balitang lumaganap. At ang pang-unawa sa mga ito ay batay sa talas
ng isip, kuro-kuro, damdamin at paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento ay higit
na naliligalig. Ang mga provincial ay palihim na nagdadalawan at gumagawa ng
mga pagpapanayam hinggil sa nangyari. Ang ilan naman ay nagpunta sa palasyo at
naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa panganib. Nabanggit pa nga na na
maging ang munting heneral o generalillo daw MAG-AGUERO ay napagkuro ang
kahalagahan ng korporasyon. Samantala, ipinagbubunyi naman si Pari Salvi at
sinabing ito ay karapat-dapat na bigyan ng isang mitra.
Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa
mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa isang bahay
naman sa Tundo, hindi mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan ito ay nagpakita ito
ng kagandahang loob kay Ibarra. Kaya panay ang sisi sa kanya ng asawang si
kapitana Tinchang. Ang kanilang dalawang anak na dalaga ay sa isang tabi lamang
at di umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging lalaki lamang, disin
sana ay haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog nito ang kanyang
paglilingkod laban sa mga manghihimagsik.
Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala si Tinong kay Ibarra pagkat ang mga
mabubuti raw ay napaparusahan dahil sa mga masasama. Kayat walang ibang
nalalabing paraan kundi ang gumawa ng huling habilin si Tinong. Nawalan ng malay
ng di oras si Tinong dahil sa payo. Nang bumalik ang kanyang ulirat, dalawang payo
ang ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay sila ng regalo sa heneral ng kahit anong
alahas at idahilan na ito ay pamasko at (2) sunuging lahat ng mga kasilulatan na
maaaring makapagpahamak kay Tinong, na katulad ng ginawang pagsunong ni
Ibarra sa kanyang mga kasulatan.
Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng mga
paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang imbitasyon ay
tungkol sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na
may bantay pa. Si Kapitan Tinong ay kasama sa mga inimbita.
Kabanata 60
Ikakasal na si Maria Clara
Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang.
Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay
nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del
Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang
kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay
inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang paglalakbay sa ibatibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain,
namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba
itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni
Tinong.
Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay
magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na maganda nga raw
si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi
rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang
unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang
kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap.
Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran
ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan
itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra.
Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang
damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang
Kabanata 61
Ang Barilan sa Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa
bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa
may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may
magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang
katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang
buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni
Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero,
tumanggi si Elias.
Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang nagkakagulo ang mga
bantay. Pinadapang mabuti ni Elias si Ibarra at tinakpan ng maraming damo. Nang
mapadaan sila sa tapat na polvorista, silay pinatigil at tinanong ng bantay si Elias
kung saan ito nanggaling. Ipinaliwanag ni Elias na siyay galing ng Maynila at
rarasyunan niya ng damo ang hukom at ang kura. Kumbinsido ang bantay sa
paliwanag ni Elias kaya ipinatuloy niya ito sa pagsasagwan at pinagbilinan na
huwag magpapasakay sa bangka sapagkat katatakas pa lamang ng isang bilanggo.
Kung mahuhuli raw ito ni Elias, siya ay bibigyan ng gantimpala. Inilarawan ng
bantay ang bilanggong tinutukoy ay nakalebita at mahusay magsalita ng Kastila.
Nagpatuloy sa pagsasagwan si Elias. Lumihis sila ng landas. Pumasok sila sa may
ilog-Beatang inawit ni Balagtas upang akalaing siya ay taga-Peafrancia.
Itinapon ni Elias ang mga damo sa pampang, kinuha ang isang mahabang kawayan
at ilang bayong at sumige sa pagsagwan. Nagkuwentuhan muli sina Elias at Ibarra.
Nakalabas na sila sa ilog-Pasig
Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa di-kalayuan nabanaagan nila ang isang
palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga ni Elias si Ibarra at tinakpan niya
ito ng bayong. Nahalata ni Elias na hinahadlangan sila sa baybayin. Kaya sumagwan
itong patungo sa may Binangonan, ngunit nagbago rin ng direksyon ang palwa.
Tinawag sila. Inisip ni Elias na magbalik sa bunganga ng Ilog-Pasig. Nakuro ni Elias
na napagtatalikupan sila at walang kalaban-laban. Isa pa wala silang dala ni isa
mang sandata. Mabilis na naghubad ng damit si Elias. Sinabi niya kay Ibarra na
magkita na lamang sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni Ibarra. Tumayo si
Elias at tumalon sabay sikad sa bangka.
Ang atensyon ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa bangka ay natuon kay Elias.
Pinaulanan nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan nito. Kapag lumilitaw si Elias
pinapuputukan ito. Nang may 50 dipa na lamang ang layo ni Elias sa may pampang,
nahapo na ang humahabol sa kanya sa kasasagwan . Makalipas ang tatlong oras ay
umalis na ang mga sibil sapagkat napansin nilang may bahid ng dugo sa tubig ng
baybayin ng pampang.
Kabanata 62
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Kabanata 63
Nochebuena
May isang kubo na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang nakatayo sa libis ng
isang bundok. Sa dampa ay mayroong nakatirang mag-anak na tagalog na
nabubuhay dahil sa pangangaso at pangangahoy. Sa lilim ng isang puno mayroong
isang matanda na gumagawa ng walis. Sa isang tabi naman mayroong isang dalaga
na naglalagay ng mga itlog ng manok, gulay at dayap sa isang bilao. Sa dikalayuan, may isang batang lalaki at batang babae ang naglalaro sa tabi ng isang
payat at putlain. Ang batang nakaupo sa nakabuwal na kahoy ay si Basilio, may
sugat ito sa paa. Inaaliw siya ng dalawang batang naglalaro. Nang utusan ng
matanda ang apong dalaga na ipagbili ang mga nagawang walis, sinabi niya kay
Basilio na may dalawang buwan na ang nakakaraan nang ito ay kanilang
matagpuang sugatan at kalingain pagkatapos. Isinalaysay naman ang tungkol sa
buhay nilang mag-anak. Kaya, nang ito ay magpaalam na uuwi na sa kanila, siya ay
pinayagan ng matanda at ipinagbaon pa niya ng pindang na usa para sa kaniyang
inang si Sisa.
Samantala, noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa
ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng
nakaraan na masayang-masaya ang mgat tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot
ang buong bayan. Wla man lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay.
Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan
si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang mamataan nila
si Sisa na isa ng palaboy. Pero, hindi naman nananakit ng kapwa.
Ang pinsan nitong si Victoria at si Iday. Si sinang ay tumanggap ng liham buhat kay
Maria subalit hindi niya ito binubuksan sa takot na malaman ang nilalaman. Habag
na habag ang magkakaibigan sa magkasintahang Maria at Ibarra. May kumalat
namang balita na ang pagkakaligtas ni Kapitan Tiyago mula sa bibitayin ay utang
niya kay Linares.
Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kaniyang ina. Paika-ika
niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang
ina, umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil
na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng
takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa
daan. Nasapol sa ulo si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa inang
tumatakbo. Nakarating sila sa may guabat. Pumasok sa pinto ng libingan ng
matandang kastila si Sisa. Ito ay nasa tabi ng punong baliti. Pilipt na binubuksan ito
ni Basilio. Nakita niya ang isang sanga ng baliting nakakapit sa kinaroroonan ng ina.
Kaagad niya itong niyakap at pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat.
Nang makita naman ni Sisa ang duguang ulo si Basilio, unti-unting nagbalik ang
katinuan ng kaniyang isip. Nakilala rin niya ang anak. Napatili ito ng malakas at
biglang napahandusay sa ibabaw ng ank. Nawalan ng malay. Nang magbalik naman
ng ulirat si Basilio at nakita ang ina, kumuha ito ng tubig at winisikan sa mukha.
Dinaiti niya ang kaniyang taynga sa dibdib ni Sisa. Sinakmal ng matinding
pagkasindak si Basilio. Patay na ang kaniyang ina. Buong higpit na niyakap niya ang
malamig na bangkay ng ina at napahagulgol ng malaks, pasubsob sa ina. Nang
mag-angat siya ng ulo, nakita niya ang isang taong nagmamasid sa kaniya.
Tumango si Basilio nang tanungin siya ng tao kung anak siya ng namatay.
Kabanata 64
Katapusan
Magmula nang pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa
Maynila. 'Di nagtagal, siya ay inilipat ng padre provincial sa isang malayong
probinsiya. Kinabukasan, siya ay nakitang bangkay sa kaniyang higaan. Sa
pagsusuri ng doktor, sam ng loob o bangungot ang sanhi ng kaniyang ikinamatay.
Sa kabilng dako, si Padre Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay
nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang pinasukan ni Maria Clara.
Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila.
Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitn Tiago ay
dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat nang husto, naging
mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento,
sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat
gusto na lmang mabuhay mag-isa. Ang lahat ng mga santo at santang kaniyang
pinipintakasi at nalimot na niya. Ang kaniyang inaatupag ay ang paglalaro ng
liyempo, sabong at paghitit ng marijuana. Madalas tuwing takipsilim ay makikita
siya sa tindahan ng intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal, napabayaan niya ang kaniyang
katawan at kabuhayan. Ang kaniyang dting marangyang tahanan ay mayroong
nakasulat sa pintuan na: Fumadero Publico de Anfion. Ganap na siyang nalimot ng
mga tao. Wala ni isa mang nakakaalala sa kaniya, siya na isang tanyag at dting
iginagalang.
MGA KABANATA
1: Isang Pagtitipon
2: Si Crisostomo Ibarra
3: Ang Hapunan
4: Erehe at Pilibusteresmo
5: Isang Tala sa Gabing Madilim
6: Si Kapitan Tiyago
7: Pag-uulayaw sa isang Sutea
8: Mga Gunita
9: Mga Bagay-bagay ukol sa Bayan
10: Ang Bayan ng San Diego
11: Ang mga Makapangyarihan
12: Araw ng mga Patay
13: Mga Babala ng Sigwa
14: Si Tasyo, Ang baliw o Pilosopo
15: 15: Ang mga Sakristan
16: Si Sisa
17: Si Basilio
18: Mga Kaluluwang Naghihirap
19: Mga Kapalaran ng Isang Guro
20: Ang Pulong sa Tribunal
21: Kwento ng Isang Ina
22: Mga Liwanag at mga Anino
23: Ang Pangingisda
24: Sa Gubat
KnK: Elias at Salome
25: Sa Bahay ng Pilosopo
26: Bisperas ng Pista
27: Sa Takipsilim
28: Mga Liham
29: Kinaumagahan
30: Sa Loob ng Simbahan
Noli Me Tangere
Kalipunan ng mga buod na
kaugnay sa mga literature ng mga Obra Maestrang Filipino
Proyekto sa Filipino 301 na
Iniharap kay:
ROY ORIMACO
Inihand
a ng Pangkat III:
Gemma Joy S. Alforque
Lonielyn P. Pansa
Hazil A. Catanpatan
Katherine Dumenden
Mycel Medina
Analie Saberon
Joana Magayon
Eljhon Suson
Lorena Redoble
BSED-III