Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Chuck Earl Vergara

BSN

Prelims for Rizal


Dr. Verocel

Kabanata I
Ang Batas Rizal at Pagkapili sa Bayani ng Lahi
Ano ang Batas Rizal? Hunyo 12, 1956- pinagtibay ang Batas ng Republika Blg. 1425 at tinawag itong
Batas Rizal. Agosto 16, 1956- Naipanukala kaagad ito bilang tugon ng Lupon ng Pambansang Edukasyon
sa pangunguna ng tagapangulo na si Senador Jose P. Laurel Sr. Nasasaad sa batas Rizal na dapat maging
bahagi ng kurikulum ng lahat ng dalubhasaan. Ano ang layunin ng Batas Rizal? Maikintal sa isipan ng
bawat mag-aaral na sa mga akdang isinulat ni Rizal nagmula ang simulain ng kalayaan at nasyonalismo
Maipaunawa na ang mga simulain, mithiin, kaisipan at pagpapahalaga sa kalayaan ng bayan ay mga
naging dahilan ng kamatayan ni Rizal. Mailahad nang maayos ang mga katangian, kaasalan kakayahan at
pagkatao ni Rizal gayundin ang kanyang kaisipan at mga ideya nang sa gayon, malinang ang
kagandahang-asal, disiplinang pansarili, mga sibikong Gawain at pagkamabuting mamamayan.
Paano napili si Rizal bilang Pambansang Bayani? Mga Nagpasiyang pumili ng isang pambansang bayani
na magiging huwaran ng mga mamamayang Pilipino.
1. Komisyoner William Howard Taft 2. W. Morgan Shuster 3. Bernard Moises 4. Dean Warcester 5.
Henry Clay Ide 6. Trinidad Pardo de 7. Gegorio Araneta 8. Cayetano Arellano 9. Jose Luzurriaga
Pinagpasiyahan nila na si Dr. Jose Rizal ang nararapat na maging pambansang bayani ng Pilipinas. Ayon
kay Dr. H. Otley Beyer, dalubhasa sa Antropolohiya at teknikal na katulong ng
Komisyon,napagkasunduan ng lupon na maging pamanatayan sa pagpili ang mga sumusunod:
1. Pilipino 2. Yumao na 3. May matayog na pagmamahal sa bayan 4. May mahinahong damdamin
Maliban kay Rizal may limang pangalang pinagpilian at ito ay sina:
Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Heneral Antonio Luna, Emilio Jacinto, Jose Rizal
Dahilan ng pagkapili kay Rizal Siya ang kauna-unahang Pilipinong umakit upang ang buong bansa ay
magkaisang maghimagsik laban sa mga Kastila. Larawan ng Kapayapaan Ang mga Pilipino ay
sentimental.

Repleksyon: naghain ng panukalang batas ang mga mambabatas na gawing bayani si Dr. Jose
Rizal na siyang naging dahilan para magkaisa ang buong pilipinas.
Konklusyon: Ang aking konklusyon ay hindi pala maging isang bayani. Lalo na sa panahon
ngayon mahirap humanap ng kagaya ni ng mga katangian ni Dr. Rizal.
Recomendasyon:
Dapat maging mahigpit ang mga mambabatas sa pagtatalaga ng salitang bayani, sa panahon ngayon
minsan ang totoong bayani ay nakakalimutan o kinamumuhian sa kadalihnan na nagpapadala ang
karamihan sa atin mga mambabatas sa emosyon o bugso ng at damdamin. Padalos dalos kasi ngayon sa
pagsabi na ang siang tao ay bayani, dpat maging mas mahigpit ang kuwalipikasyon dpat ung meorn
naiimabag sa bayan na nagdulot ng pagbabago at hindi dahil sa pang sariling interes.

Kabanata II
Ang Pagsilang ng Tala
Panahong Kinalimutan
Noong 1870 1880 Nagising ang mga Pilipino sa pagkakalugmok sa mga gawa ng mga kastila. Noong
1896 ang pinagaakalang konstitusyon na ipinahayag ng Gobernador Heneral ay hindi pala para sa mga
Pilipino. Ang idinulot parin nito ay ang pagbabayad ng buwis ng mga Pilipino. Noong 1811 si Ventura
Delos Reyes, isang kinatawan ng Cortes ng Espana, ay nagsikap noong 1811 na putulin ang kalakalan ng
Galleon sa Maynila at Acapulco dahil sa kasamaang naidulot nito sa Espana. Bunga nito pagbubukas ng
bagong kalakalan sa Maynila at iba pang Lungsod. Noong 1822 nagkaroon ng himagsikan sa Mehiko at
ito ay nadama sa pilipinas. Ang Kolonya ng Espana ay natipon sa lamang sa Cuba , Puerto Rico at
Pilipinas. Ito ang nagsimbolo ng paghina ng kapangyarihang pandaigdig ng Espana. At ito ang mga
Panahong kinalimutan ni Dr. Jose Rizal.
Mga Magulang
Si Don Francisco Rizal ay isinlang sa banyan laguna noong abril 18, 1818. Siya ay anak nina Don
Francisco Mercado Rizal at Cirlia Alejandra. Nag aral ng latin at pilosopiya sa dalubsahaan ng San Jose
Maynila. Siya ay magsasaka simula ng mamatay ang kanyang ina na ang nagmamayari nglupa ay mga
paring Domonikano.
Si Donya Teodora Alonzo y Quintos ay isinilang sa Sibaconanna ngayon aytinatawag na Sta. Cruz
Maynila, noongNobyemre 14, 1827 ang apelyidong Reolonda ay ginamit dahil sa kaugalian noon an ang
apelyido ng ninong at ninang ang gamitin ng inaanak. Mahilig sa panitikan, kalakal at nagtataglay ng
mataas na kalingangan.siya ay pumanaw noong Agosto 16, 1911. Ang kanyang mga magulang ay sina
Lorenzo Alberto Alonzo at Brigida Quintos. Ikinasal ang mga magulang ni Rizal noong Junyo 28, 1848.
Mga Kapatid ni Rizal
Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad, Soledad.
Ang pangalan ng Bayani
Dr. Jose Protacio Merado Rizal Alonzo Realonda ang buong pangalan dahil sa mga sumusunod. Ito ay
ipinangalan ng kanyang ina bilang pagbibigay karangalan ky San Jose na isinilang noong ika-19 ng
Marso. Ang pangalang Protacio ay buhat sa kalendaryo sapagkat lahat ng isinilang sa ika 19 ng Hunyo at
katumbas na pangalan sa kalendaryong katoliko sa Gervacio y Protacio at Sta, Juliana Falconeri at noong
panahon ng kastila and pangalan ng bata ay kinukuha sa kalendaryo. Ang apelyidong Mercado ay
nangangahulugan ng pamilihan or palengke. Ang pangalang Rizal ay nanggaling sa pagpapatupad ng utos
ng Gobernador heneral Narciso Claveria noong Nobyembre 11, 1849. Ito ay nagsasabing magpalit ng
apelyido ang mga Pilipino dahil nahihirapan silang bumigkas sa mga pangalan ng mga ito. Rizal ang
ibinigay an pangalan ng Gobernador. Ito ay nangangahulugang Luntiang Kabukiran. Ang apelyidong
Reolonda ay buhat saapelyidong ginagamit ng kanyang ina na kuna naman sa ninang nito. Ang
apelyidong Alonzo ay matandang apelyido ng kanyang ina.
Ang Kabataan ng Bayani
Si Jose ay isinilang sa matulaing pook ng Calamba. Ang bayan ng Calamba ay kaibig ibig. Ito ay
natatagpuan sa sangandaan ng mga lansangan ng Laguna at Batangas. Ang baying ito ay napagigitnaan ng
Lawa ng Laguna sa isang panig at ng maalamat na bundok sa kabila. Bininyagan siya noon ika 22 ng

hunyo, 1861 ni Pari Rufino Collantes, kura paroko ng Calamba. And kanyang ina-ama o ninong ay si
Pedro Casanas.
Ang Pabula
Sa gulang na tatlong taon gulang tinuruan na si Jose ng kaniyangina na bumasa at magdasal. Nung
minsan na tinuturuan si Jose ng kanyang ina napansin nito na wala sa librong binabasa ang kanyang isip
bagkus nasa gamugamong nalipad sa paligid ng lamparang law nila. Minabuti ng ina na isalaysay ditto
ang isang pabula ukol sa isang gamugamo.
pinagsabihan ng inang gamugamo ang kanyang anak na huwag lumapit sa apoy ng lampara para siya
masunog ngunit hindi nakinig ang anak. Siya ay lumipad at naglaro malapit sa apoy ng lampara at walang
anu-ano ay nahagip siya ng apoy at namatay. Kung nakinig sana ang anak sa kaniyang ina, sana ay hindi
sya napahamak.
Pinapakita sa kwentong ito na ayaw ng ina na malagay sa kapahamakan ang kaniyang anak. Ang ina ay as
maalam at hindi papayuhan ang anak ng ikakasama niya. Mga bagay lamang na ikabubuti ng anak ang
hangad ng ina.
Si Rizal ay isa ring gamugamo na lumipad malapit sa apoy pero hindi para maglaro kundi lumaban sa
nangaapi. Siya ay pinagbawalan ng kanyang ina pero nagpatuloy pa rin. Gayunpaman nagging
maimpluwensiya talaga ang kanyang ina at kung ano ang kaniyang pinaniwalaan at pinaglaban.

Repleksyon: Bukod pala sa Pilipinas e meron ng naunang maghimagsik labang sa mga Espanyol at un ay
ang Mehiko na hanggang dito sa Pilipinas ay ramdam natin, ito narin ang simua ng pagbagsak ng
Espanya sa pandaidigan. Noong panahon din plan a ito ay kapag isinilang ka e pati un apelyido ng iyong
pangalawang magulang e kasama ngnit hindi na ito ginamit ni Rizal, bata pa lamang si Rizal e tinuruan na
siya ng maaga ng kanyang ina kaya siguro kapansin pansin ang talino ni Rizal.
Konklusyon: ang akin konklusyon ay ang pabula ng gamo-gamo ay maimpluwensiya, maikli at simple
ang story nito pero marami kang mapupulot na aral, halimabawa na rito ay ang impluwensiya ng ating
ina.
Recomendasyon:
Ang aking rekomedasyon lalo na sa mga anak ay dapat lamang na sundin natin ang ating ina dahil totoo
na alam nito kung ano ang makakabuti satin. Dahil walang ina na gugustuhin na mapahamak ang kanilang
anak. Gaya na lamang ng batang gamo-gamo na napahamak dahil hindi sinunod ang kanang inang gamogamo.

Kabanta III
Mga Pag-aaral at Pinag-aaralan
Unang nag-aral si Rizal sa kanyang bayan sa Calamba, Laguna. Ngunit bago pa siya pormal na pumasok
sa paaralan, sinimulan na ng kanyang ina, si Teodora Alonzo, and kanyang edukasyon. Nagsimula ang
pormal na edukasyon ni Rizal sa Calamba noong siya ay humigit-kumulang apat na taong gulang lamang.
Binayaran ng kanyang ama ang isang matandang lalake, si Leon Monrog, na turuan siyang Latin.
Ipinagpatuloy ni Rizal ang kanyang pag-aaral sa Binan Laguna noong 1870 sa pamamahala ni Justiniano
Aquino Cruz. Nanatili siya rito ng isa at kalahating taon. Noong 1871 bumalik si Rizal sa calamba at nagaral sa ilalim ni Lucas Padua. Matapos ang isang taon, nagpasya and kanyang pamilya na paaralin siya sa
Maynila. Kaya kumuha siya ng pagsusulit sa Colegio de San Juan Letran. Taon 1872 naman nang
pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila. Nakamit ni Rizal ng kanyang Batsilyer sa Artes ditto
noong 1877. Tungkol sa kanyang pag-aaral sa Ateneo sinabi ni Rizal iyon ang mga masasayang araw.
Naging unang propesor niya sa Ateneo si Jose Bech. Noong Marso taong 1873 hindi naging maligaya ang
kanyang bakasyon sapagkat napagalaman niya na nakapiit sa bilangguan sa Sta. Cruz Maynila. Nang
makalaya ang kanyang ina nagdulot itong matinding kaligayahan kay Rizal. Sa panahong din ito nahilig
sa mga nobela ng pag-ibig si Rizal. Ang pagkakalaya ng kanyang ina noong 1984 ay nagbagong-sigla sa
kanya para magsulat ng mga tula. Unang tula na isninulat nia sa Ateneo ay ang Mo Primera Inspiracion
(Ang Una kong Salamisim). Noong 1877, pumasok si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas upang magaral ng medisina. Magaganda rin and mga marka niya ngunit hindi natapos ni Rizal ang pag-aaral sa
Unibersidad ng Santo Tomas noong 1887, kinailangan niyang umalis ng Pilipinas dahil unti-unti siya
nagiging maint sa mata ng mga Espanyol dahil sa ilang akdang isinulat niya; at nakaaway niya ang isang
guwardiya sibil sa isang insidente sa Calamba. Upang iwasan ang banta mula sa gobyerno, pumunta si
Rizal sa Espanya at doon itinuloy ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad de Madrid. Nagtapos siya ng
medisina sa Madrid noong 1886.

Repleksyon: Nakakatuwang isipin na isang kagy Rizal na nakakaangat sa buhay ay magiging isang
bayani na lubos ang pagmamahal sa bayan. Kilalang unibersidad ang mga pinanggalingan niya at pati sa
ibang bansa ay nagaral siya. Subalit dahil sa mga tula na isninulat niya na laban sa Gobyerno siya ay
napilitan na umalis para makaiwas sa gulo laban sa Gobyerno.

Konklusyon: Ang aking konklusyon ay, kita na mataas ang pinagaralan ni Rizal kaya marahil
nabahala ang mga kastila sakanya dahil hidi siya basta basta puwedeng tawagin indio, bukod na
mataas ang kanyang pinagaralan ay nakaka angat din sa buhay ang kanilang pamilya.
Recomendasyon:
Dpat laahat sana ng ina ay kagaya ng ky Rizal kung saan ay naglalaan ito ng oras sa kanilang anak upang
turuan, dahil ang unang edukasyon na matatamo ng isang bata ay galling saknanyang ina. Kung ang isang
bata ay maturuan na agad habang maliit plang ng kagandahang asal at pagmamahal sa bayan malamang sa
malamang wala sanang mga korrupt na mga opisyales ng gobyerno, siguro lahat ay makabayan at my
pagmamahal sa bayan.

Kabanata IV
Ang Paglalakbay ni Rizal
Hindi siya nasiyahan sa kanyang pag-aaral sa pamantasan ng Santo Tomas, sa kanyang palagay,ang
kanyang propesor na dominiko ay galit sa kanya, may mababang tingin sa mga pilipino at ang kanilang
tinuturo ay masamaat makaluma. Dahil sa mga ito, siya ay pinayuhan ni Antonio Rivera,Paciano at
Saturnina na mag-aral ng medisina sa ibang bansa. Mayo 8,1882 sa singgapor dinalaw ang mga
makasaysayang poo, ang hardin botaniko, mga templo at mga tanghalan ng sining. Hunyo 5,1882 sa
Barcelona hindi rin nasiyahan dahil siyay sanau sa malalaki at magagandang otel at magalang na
pakikitungo samga panauhin, sinulat niya ang Amor Patrio o Pag-ibig sa Tinibuang Lupa SetyembreMadrid UnibersidadCentral de Madrid nagaral siya ng Medisina, Pilospiya at Panitikan, Academia de San
Fernando nagaral siya ditto ng pagpinta at eskultura. Umibig siya ditto ay Consuelo na anak ni Don Pablo
Ortega y Rey na naging alkaldeng Maynila. Isinuat ang A LaSenorita C. O. y R. o Kay Binibining C.
O. at R. .natamo niya ang lisensya sa panggagamot sa Pamantasang Sentral ng Madrid (Huno 21,1884).
Nagwagi si Rizal sa isang paligsahan sa wikang Griyego (Hunyo 25, 1884). Pumunta siya sa handaan
handog kina Juan Luna at Resurreccion Hidalgo para magbigay ng isang talumpati. Pagkatpos ng handaan
ay hinanda ni Rizal ang kanyang pagsulat ng uanng kabanata ng Noli Me Tangere. Natapos niyaang
kangyang pag-aaral sa Pamantasang Sentral ng Madrid sa Pilosopiya, Medisina at Panitikan ngunit hindi
niyanakuha ang kanyang diploma sapagkadoktor. Oktubre 1885 Paris naging katulong at mag-aaral sa
klinikani Dr. Loius deWickerna na isang Pranses at magaling na manggagamot sa mata Pebrero 3 1886Heidelberg, lungsod ng mga mag-aaral ng industriya,Pamantasan ng Heidelberg nagtranaho sa klinika ni
Dr. Javier Galezonsky, taga- Poland at isa ring doktorsamata. Nag-aral din ky Dr.Otto Becker,
Nakisalamuha sa mga siyentipiko at iskolar namga Aleman. Tinapos niya ditto ang Noli Me Tangere
noong Mayo 13, 1887 sa Austria. Noong Agosto 8, 1886 nilisan niya ang Heidelberg matapos dumalo sa
limang-daang taong pagkakatatag ng Pamantasan ng Heidelberg. Sa panahong ito isinalin ni Rizal sa
tagalong ang dulang William Tell ni Frederick Von Schiller buhat sa orihinal na nasusulat sa Aleman.
Ginawa niya ito upang malaman ng mga Pilipino at ng kanyang mga pamangkin ang kasaysayan ng
kampiyon ng kalayaan ng Suwisa. Bilang pagkilala sa katalinuhan ni Dr. Jose Rizal, siya ay inanyayahan
ni Dr. Virchow na magbigay ng panayam sa Lipunan ng mga Dalubwika.

Repeksyon: At ng dahil sa isang paring mababa ang tingin ky Rizal siya ay lumipad patungo ibang
bansa upang doon ay mag aral ng medisina sumulat ng dula si Rizal at ito ay napansin agad na
nagustuhan ng mga mambabasa. At dahil sa katalinuhan ni Rizal siya nanalo sa paligsahan ng wikang
Griyego,naisalin din ni Rizal ang isang libro ukol naman sa mga suwisa.
Konklusyon: ang aking konklusyon ay lubos tlga ang pagmamahal ni Rizal sa bayan,dahil bukod sa mga
panulat niya para sa Pilipinas ay wala din siyang tigil upang maingat ang kanyang sarili para makilala na
siya magaling at isa siyang Pilipino.
Recomendasyon:
Sa bawat buhay ng tao meron talaga tayo makaka daupang palad na mababa ang tingin sa atin, ito un mga
tao na tuwang tuwa kapag ikaw e nabigo sa iyong nais na mabot, gaya ni Rizal hindi niya ito pinansin at
nagpatuoy lamang sakanyang nais at ito ay ipinamalas pa niya sa ibang bansa. Kapag my nais kang
marating ituloy mo lang wag mo hahaluan ng kahit anong kalokohan para ikaw ay magtagumpay, lahat ng
paghihirap ay sa bandang huli ay matatamo mo ang sarap ng mga pahihirap na sinakripisyo mo

Kabanata V
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Bago ang 1884 Nabasa ni Rizal ang novelang Uncle Toms Cabin ni Harriet Beecher Stowe na naglahad
ng pang-aapi sa mga aliping Negro sa Amerika. Noong Enero 2, 1884 Mayroong isang pagdiriwang ng
mga mag-aaral na Pilipino ng Central University of Madrid sa Espanya. Nakasama ni Rizal sina Jaena,
Valentin Ventura at ang magkakapatid na Paternos. Inimungkahi ni Rizal sa kanyang mga kasamang
Pilipino sa Madrid na sumulat sila ng isang novelang hango sa masamang kalagayan ng mga Pilipino sa
Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng Kastila at ang lahat ay sumang-ayon. Inimungkahi ni Rizal na
pangkat sila upang mailahad ang lahat ng pananaw. Ang mungkahi ni Rizal na sumulat bilang pangkat
ang novela ay hindi natupad sapagkat ang iba, sa halip na umpisahan ang novela ay nalihis ang
perspektibo at ukol sa babae na ang nais isulat. Nalulon ang lahat maliban kay Rizal sa sugal at pambabae
kaya napabayaan ang napagkasunduan. Inumpisahan ni Rizal ang pagsulat sa novela sa Madrid at natapos
ang unang kalahati. Noong 1885 Pagkatapos ng kanyang pag-aara sa CUM, ipinagpatuloy ni Rizal ang
pagsusulat sa novela sa Paris, Fransya kung saan natapos niya ang kalahati ng ikawalang kalahati ng
novela. April-June 1886 Sa loob ng mga buwan na ito, tinapos ni Rizal ang novela sa Wilhelmsfeld,
Alemanya ngunit wala pang pamagat.

Noong Disymebre, 1886 Hindi napadalhan si Rizal ng perang panggastos mula sa Pilipinas kaya siyay
nagutom at nagkasakit. Sa kanyang pagkagutom, siya ay dumadalo sa mga pagdiriwang nang hindi
naman inaanyaya (gate crasher). Halos nawalan na siya ng pag-asa na mailimbag ang novela kaya napagisipang sunugin ito. Salamat na lamang at dumating si Dr. Maximo Viola, isang dating kamag-aaral na
siyang tumulong kay Rizal sa pagpapalathala ng novela at nagbigay ng pera upang matugunan ang mga
pangangailangan. Noong Pebrero 21, 1887 Inayos ni Rizal ang orihinal na manuskrito ng novela upang
mahanda sa paglathala. Napili niya ang bahay-palimbagan na Berliner-Buchdruckrei-ActionGesselschaft. Nagpalathala siya ang 2, 000 sipi sa halaga lamang ng P300.00. Noong Marso 5, 1887
Habang iniimprenta ang novela ni Rizal, saka lang siya nakapagdesisyon ng pamagat para dito. Sa
kanyang sulat kay Felix R. Hidalgo, binanggit ni Rizal na hinugot niya ang pamagat na Noli Me
Tangere sa Ebanghelyo ni Lucas. Ngunit nagkamali si Rizal sa pagbanggit ng pinagkunan dahil nakuha
niya ito sa Ebanghelyo ni Juan, Kapitulo 20, versikulo 13-17. Ang bahaging ito bibliya ay nagsalaysay sa
araw ng Easter Sunday, ang ikatlong araw ng kamatayan ni Kristo kung saan nabuhay siya muli at
nagkita sila ni Maria Magdalena: Huwag mo akong salingan, dahil hindi ko nakasasama ang aking Ama
sa langit.. Noong Marso 21, 1887 Inilabas na ang novelang Noli Me Tangere ni Rizal sa publiko sa
wikang Kastila. Noong Mayo 5, 1887 Sinulatin ni Dr. Antonio Ma. Regidor si Rizal. Pinuri ni Regidor
ang novela at inihambing pa sa Uncle Toms Cabin at Don Quixote ng Espanya. Nasalin ang novelang
Noli Me Tangere sa ibat ibang wika dahil sa husay nito at natatanging katangian.

Repleksyon: muntik ng mawalan ngpag-asa si Rizal na mailimbag ang kanyang nobela buti na
lamang at my nakilala siya at agad na nag palimbag ito ng maramihan. Naging matagumpay ang
kanyang nobela at ito ay nasal pa sa ibat ibang lenggwahe, nahimbing pa ito sa nobela ng
America na Uncle Toms Cabin.

Konklusyon: ang aking konklusyon lal na sa mga mamamahayag, ay dapat tuluran ninyo si
Rizal, hindi nga niya inilaban sa dahas ang kanyang panindigan ngunit sa pamamagitan ng
pagsusulat naman. Ngunit siguraduhin sana n gating mga mamahayag na wala silang
pinapanigan kundi ang interes lamang ng mamamayan.

Recomendasyon:
Sa ginawa ni Rizal na pagsusulat ukol sa pagmamalabis ng mga espanyol sa pilipinas ay mahahalintulad
ko ito sa nangyaayri sa bansa, tulad ng mga manunulat sa dyaryo o ng mga tagapagsalita sa radio atmaski
ang mga demonstrador, meron kalayaan ang lahat upang masabi ang nasa saloobin ukol sa gobyerno, at
dapat ay manatili itong ganito at hindi un gpatatahimikin upang palabasin sa pandaigdig nkonseho na
maayos an gating bansa. Ito ang espirito ng demokratikong bansa.

You might also like