Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Alex Mark D.

Soriano

BLL 140

2013-24825

September 27, 2016

Para sa May-ari ng Tilapya sa Pangalawang Ilog

Nung bata ako, si kuya, pinsan, at tito ko, madalas kami maligo sa Agno.
Noong unay walang panangga sa agos ng ilog hubo.
Tapos ay nakapanloob na lamang panakip sa itinatago.
Sa unong ilog, makitid siyang huhubog sa iyo.

Sa pagitan, ang humatiy malapad na bukirin.


Duon naka-abang kat sa amiy nakatingin.
Habang kamiy tumatawid sa tuyong lupat buhangin
Paang nakayapak, damit at tsinelassa timba bibitbitin.
Matandang sunog sa araw ang balat,
Sa pagsasaka ng lupang sumasalat,
Sa pangaraw-araw na pambili ng pang-alat,
Sa isdang sa ilog naka-kalat.

Pagkarating sa banayad na pangalawang hati ng Agno


Sa kabila ng bukid na iyong ina-araro, sabi ni tito,
Uy may kulungan! Walang pananda yung pinto!
Tenga moy narinig ang aming paghinto.

Tumingin mula sa malayo,


Kamay naming pumasok sa kulungan mo.
Tilapyang ihahain sa tanghalian para sa iyo
Hinila nalang ng pinsan ko.

Ng paglagay ng huling isda sa timba


Sumigaw ka, Anya ar-aramiden yo dita?
Sa gulat tumakbo sina kuya
naiwan akong nakatunganga.
Nang dahil sa takot akoy nagtago
Sa tabi ng ilog talahib na malalago
Sa gitna akoy huminto
Duoy nahanap mo ako.

Pinauwi mo akong hindi makatawa,


Pinagsabihan, pinagalitan ang munting bata,
Sipong tumutulo sa sobrang kaba
Ilog na umagos na sa dalawang mata.

You might also like