Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARALIN 3: Kohesyong Gramatikal Anapora, Katapora

Kohesyong Gramatikal Anapora, Katapora

Ito ay mga salitang tulad ng panghalip na nagkakawing sa mga salita, parirala at


sugnay.
Nakababagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit na ginagamit sa
isang texto o pahayag.

Maiiwasan ang nabanggit na pag-uulit kung gagamit tayo ng panghalip tulad ng


siya, niya, kanila, at iba pa. Ang paggamit ng mga panghalip upang humalili sa
pangngalan ay tinatawag na pagpapatungkol.

1. Pagpapatungkol na Anapora
Ang elementong pinalitan ng panghalip ay unang nabanggit sa unahan ng texto o
pahayag o panghalip sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang
binanggit sa unahan.
Halimbawa:
a. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil silay
totoong nagagandahan dito.
b. Si Gracia Burnham ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Dos Palmas
Resort dahil ayon sa kanya, paborito niya itong pasyalan.

2. Pagpapatungkol na Katapora
Dito, ang elementong pinalitan ng panghalip ay binabanggit pagkatapos ng
panghalip na inihalili o ipinalit: panghalip na ginamit sa unahan ng texto o pahayag
bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng texto o pahayag.
Halimbawa:
a. Patuloy nilang dinarayo ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ang mga
turistay totoong nagagandahan dito.
b. Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Dos Palmas
Resort sa Palawan dahil ayon kay Gracia Burnham paborito niya itong pasyalan.

Pagsasanay:
Ang mga sumusunod ay katulad na pahayag mula sa textong binasa.
Isulat sa patlang ang PA kung pagpapatungkol sa anapora ang panghalip na may
salungguhit at PK kung pagpapatungkol sa katapora ang ginamit na panghalip na
may salungguhit sa pahayag.

_____1. Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang turismo


dahil ito ay nagbibigay ng napakalaking pera sa kaban ng bansa.
_____2. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinatunayan ng dating Pangulong
Fidel V. Ramos na kaya niyang paunlarin ang turismo sa Pilipinas.
_____3. Ayon sa mga nakaaalam ng takbo ng negosyo sa bansa, bumagsak daw ang
turismo sa administrasyong Estrada dahil mahina raw siyang pangulo.
_____4. Isa siyang ekonomista kaya alam ng Pangulong Arroyo kung paano muling
sisigla ang turismo sa Pilipinas.
_____5. Ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo sa bansa kaya ang
terorismo ay patuloy na sinusugpo ng Administrasyong Arroyo

Panuto: Salungguhitan ang cohesive devices na ginamit sa mga pangungusap.


Isulat sa tapat ng bilang kung ito ay anapora o katapora.

_______________1. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng Krus na Pula.


Ikinasal siya kay Pangulong Manuel L. Quezon na isa nang pulitiko noon.
_______________2. Katulong si Donya Aurora ni Pangulong Quezon sa pagpapatupad
ng Katarungang Panlipunan. Puspusan ang pagkalinga niya sa mga
nangangailangan at kapuspalad.
_______________3. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor, ang pamilya Quezon ay
pumunta sa Amerika. Doon ay tumulong siya sa American Red Cross at patuloy na
nakipag-ugnayan sa mga pinunong bayan.
_______________ 4. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa
Pilipinas.Gayunpaman, tumulong si Donya Aurora sa Pangulong Manuel A. Roxas na
mapagtibay ang kalayaan ng Pambasang Krus na Pula.

_______________ 5. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di mapapasubalian. Ito ay


taglay niya hanggang kamatayan.

You might also like