Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Isang Pagsusuri sa kwentong Ang Gilingang Bato

Ni Edgardo M. Reyes
Tauhan:
Ama - Kilala bilang padre de pamilya sa kwentong ang gilingang bato. Isa
itong panday at sinalaunan ay namatay ng dahil sa sakit na appendicitis.
Ina Ang nagtaguyod sa kanilang mga anak ng kanyang yumaong asawa.
Nakilala sa masarap na paggawa ng puto, suman, sapin sapin at iba pa.
Kuya Ang panganay sa 5 na magkakapatid. Siya ang unang nagging
katulong ni Ina sa pagtitinda at nakatapos ng bokasyunal sa kolehiyo.
Ate Ang pangalawa at unang babae sa magkakapatid. Nakatapos ng
pagiging guro at nakapangasawa ng isang guro din sa may Laguna.
Ditse Ang pangatlo at pangalawang babae sa magkakapatid. Huminto sa
pag-aaral noong siyay nasa ikalimang baitang pagkat mahina ang kanyang
pag-iisip. Siyay nakapagasawa ng magsasaka at nanatili sa pagtulong kay
Ina.
Diko Ang pangapat at pangalawang lalaki sa kanilang magkakapatid. Siya
ay nakatapos rin ng bokasyunal na kurso sa kolehiyo.
Bunso Ang tagapagsalaysay ng kwentong ang gilingang bato. Isang
mabait, maaruga at mapagmahal na anak sa kanyang natatanging Ina.
Siyay nakatapos lang din ng isang bokasyunal na kurso.
Tema:
Sinusundan ng istorya ang limang magkakapatid at ang kanilang ina
matapos ang trahedya ng pagkamatay ng kanilang ama. Ito ang naghugis sa
kanilang mga kapalaran at nagbigay pagsubok sa bawat isa sa kanila,
sinukat nito ang kanilang kakayahan upang labanan ang napipintong
kahirapan.
Suliranin:
Ang biglaang pagyao ng kanilang ama sa nasabing akda.
Solusyon:
Nagtrabaho lahat silang magkakapatid at mas naging maluwag sila pagkat
lahat sila ay nagtatrabaho.

Simbolismo:
Bato Nagsisimbolo ito ng pagiging matatag ng kanilang pamilya kahit
ano mang suliranin ang dumating ay hinaharap nila ito ng buong puso.
Orasan Nagsisimbolo ito ng mabilis na mga pangyayari na hindi natin
inaasahang dumating tulad ng pagkamatay ng kanilang ama at ang biglang
pagtatrabaho nila para kumita.
Pera Nagsisimbolo ito ng kahalagahan ng pera sakanila. Ito ang dahilan
kung bakit silay nagsumikap magtrabaho at kumita ng malaki para sa
kanilang ikabubuhay.
Paboritong parte sa kwento:
Nagustuhan namin ang parte kung saan pinagalitan si bunso na dapat
hindi na pumatol pa sa ibang tao pagkat hindi dapat ikinahihiya ang
kanilang hanap-buhay. Itoy isang magandang ideya na dapat hindi natin
ikinahihiya kung anong ikinabubuhay ng ating mga magulang o ang ating
mga ginagawa upang magtagumpay o makamtan ang mga pangangailangan
bilang isang tao.
Kahalagahan ng teksto sa panitikan:
Ipinapakita sa teksto ang mabilis na pagpanaw ng kanilang ama at
muntik na maramdaman nila na tila unti-unti nang nawawala sakanila ang
lahat. Ngunit hindi sila nawalan ng pag-asa at bilang isang ilaw ng tahanan
ay ginawa ng kanilang Ina ang lahat upang silay kumita. Ang kahalagahan
ng teksto sa panitikan ay ang pagplaplano ng bawat pamilya kung sakali
mang may mangyaring di inaasahan.
Bakit walang kumuha ng gilingang bato?
Maaari ay naisip ng magkakapatid na pagkat si Ditse ang titira sa
bahay ni Ina ay siya narin ang magpapatuloy ng kanilang hanapbuhay
pagkat sa tingin nila ay ito ang ikasasaya at pagkat ito ay mahalaga para
kanilang yumaong Ina.

10 Our Lady of Lourdes


Chynna Esteban
Zachrey Terlaje

You might also like