Banghay Aralin HKS VI Unang Markahan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 63

UNANG MARKAHAN

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 1
I. Nakikilala ang mga katangian ng populasyon na makatutulong sa pag-unlad ng bansa
II. A. Makilala ang mga katangian ng populasyon na makatutulong sa pag-unlad ng bansa
B. 1. GMRC - Wastong pagpaplano ng pamilya
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, A.1, p. 16
PBP 6, pp 3 4, APSPNB 6, pp. 5 6
2. Mga larawan sa paskilan para sa yunit, talangguhit ng bilis ng pagdami ng populasyon: 1799
2000 ng Pilipinas
III. A. 1. Pagkilala sa yunit
a. Pagmamasid sa paskilan ng Kasaysayan, Heograpiya at Sibika
b. Magbalitaan tungkol sa kalagayan ng lipunang Pilipino sa kasalukuyan
B. 1. Paglalahad
a. Pagbasa sa mga tekstong inihanda (sa pp. 5 6 ng aklat Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa)
b. Pag-aaral sa tsart ng laki at bilis ng pagdami ng populasyon
Taon
1799
1800
1812
1819
1829
1840
1850
1858
1870
1877
1887
1896
1903
1918
1939
1948
1960
1970
1975
1980
1990
1995
2000

Populasyon
(Milyon)
1,503
1,561
1,933
2,106
2,593
3,096
3,857
4,290
4,712
5,568
5,985
6,261
7,635
10,314
16,000
19,234
27,088
36,684
42,071
48,098
60,703
66,616
83,400

Taunang Antas
ng Paglaki
------3.91
1.80
1.23
2.10
1.62
2.22
1.34
0.78
2.41
0.72
0.50
2.87
2.03
2.11
2.07
2.89
3.08
2.78
2.71
2.35
2.32
2.64

Pinagkunan Ng Datus
P. Buzeta
P. Zuiga
Sedula
Sedula
Simbahan
Mga lokal na Opisyal
P.Buzeta
Bowring
Guia de Manila
Senso
Senso
Prop. Plehn
Senso
Senso
Senso
Senso
Senso
Senso
Senso
Senso
Senso
Senso
Senso

2. Pagtatalakay:
Pataas pababa ba ang bilang ng populasyon? Bakit kaya?
Ano ang tinatawag na populasyon?
Batay sa tekstong binasa at grap na ipinakita, ilang milyon ang populasyon noong 1903?
Atbp.
Ano ang masasabi ninyo tungkol sa paglaki ng populasyon noon at ngayon? Sa aling
panahon makikita ang biglang paglaki ng populasyon? Ano ang maaaring dahilan nito? Gaano
kabilis ang pagdami ng populasyon taun-taon, sa nakalipas na 5 10 taon?
Sa palagay ninyo, ano ang kaugnayan ng mabilis na paglaki ng populasyon sa pag-unlad ng
ating bayan? Paano ito nakapagpapalubha ng kahirapan at nakakaapekto sa distribusyon ng
pambansang yaman?
Punan ng pangangatwiran ang talaan sa ibaba; mga lalaki laban sa mga babae
Laki ng Populasyon
Mabuting Dulot (Babae)

Di Mabuting Dulot (Lalaki)

3. Ilahad:
Ang mga katangiang sinusunod ng isang populasyon ay mahalaga sa pag-unlad ng bansa. Punan
ang tsart.
Pagpapaliwanag at
Halimbawang Sitwasyon

Katangian

a. Pananampalataya sa Poong

a.

Maykapal.

b. Mga mamamayang may


kasanayan.
c. May disiplina.
d. Magandang saloobin sa
paggawa.
e. Malusog at matalino

b.
c.
d.
e.

Itanong:
Mula sa mga ipinakitang datos, matatamo ba ng mga Pilipino ayon sa dami ng kanilang
populasyon ang kaunlarang dapat asahan sa bansa? (Palawakin ang talakayan)
PAGSASANIB NG GMRC
Sa palagay ninyo, ano ang tamang bilang ng isang huwarang pamilya? Bakit?
3. Pagbuo ng Kaisipan
Ano ang populasyon?
Ipaliwanag ang kaugnayan ng laki at bilis ng pagdami ng populasyon sa pag-unlad ng bansa
4. Paglalapat:
Malaki ba o maliit ang inyong pamilya? Saang pamilya nais ninyong mapabilang sa maliit o
malaki? Bakit?
5. Pagsasanay:
a. Pagsasadula ng mga pangyayari na nagpapakita ng maganda at di-magandang epekto sa
pamumuhay ng malaking pamilya.
IV. Pagtataya:
Sagutin:
1. Humigit kumulang, ilan ang dami ng kasalukuyang populasyon ng Pilipinas?
2. Gaano kabilis ang pagdami ng populasyon taun-taon, nitong mga nakaraang taon / huling taon?
3 5. Ilahad o ipaliwanag ang kaugnayan ng malaki at mabilis na paglaki ng populasyon sa pagunlad ng bansa
V. Takdang-Gawain:
Gumupit ng isang grap o tsart at idikit ito sa bond paper. Sumulat ng 5 pangungusap na
naghahayag ng mga impormasyong ipinahihiwatig ng grap.

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 2
I. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng malulusog at matatalinong mamamayan sa pagpapaunlad ng isang
bansa
Naiuugnay ang larawan sa kaunlarang kalagayan ng bansa
II. A. Maipaliwanag ang kahalagahan ng malulusog at matatalinong mamamayan sa pagpapaunlad ng
isang bansa
B. 1. GMRC a) Pagpapanatili sa sariling kalusugan
b) Paggamit ng taglay na talino sa pagpapaunlad ng sariling bansa
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, I.A.2, p. 16
APSPNB 6, pp. 19 29; PBP 6, p. 3
2. Mga larawan ng malulusog at matatalinong Pilipino na naghahanapbuhay, tula, estatistika
III. A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang masasabi mo sa populasyon ng ating bansa?
Makakatulong kaya ito sa pag-ahon sa bansa ng kahirapan? Paano?
2. Papag-usapan ang gawaing inihanda ng mga bata tungkol sa mga paraang maaari nilang gawin
para mapanatili ang sariling kalusugan at madebelop ang taglay na talino.
B. Mga Gawain sa Pagdebelop ng Aralin:
1. Paglalahad:
Sabayang Bigkas:
Kabataan, Kalikasan, Kaunlaran
Akoy kabataang lalang sa panahon
Ng pakikisangkot tungo sa pagsulong
May malayang isip, diwy nakatuon
Sa pagsasagawa ng mabuting layon.
May talinong taglay, diway nag-iisip
Kung ano ang dapat, mabutit matuwid,
May pusong maalab na kahit sansaglit
Pag-ibig sa bayan ay inihahatid
Akoy bukambibig sa isyung panlipunan
Lalot nasasangkot aming karapatan
Pagtaas ng presyot ang base militar
Kayang ipagtanggol, hindi uurungan
Kabataan akong laging hinahasik
Pag-ibig sa bayan, sa kapway pag-ibig,
Kung ang bayan natiy maunlad tahimik
Pati kalikasan, may handog na pag-ibig.
Ipasagot:
a. Tungkol saan ang tula?
b. Kanino nais ipahatid ng may-akda ang tula?
c. Basahin ang mga bahagi ng tula na nagpapakita ng kahalagahan ng mga kabataan?
Nararamdaman mo bang mahalaga ka sa lipunan? Paano?
d. Anong papel ang ginagampanan mo ngayon sa ating lipunan? Paano mo maipakikitang
ikaw ay makabuluhan?
Pag-aralan ang talahanayan:

I.
II.
III.
IV.
V.
VI.
VII.

Populasyon ng Pilipinas, 1995


Rehiyon
National Capital Region (NCR)
Cordillera Administrative Region (CAR)
Ilocos
Lambak ng Cagayan
Gitnang Luzon
Timog Katagalugan
Bicol
Kanlurang Visayas
Gitnang Visayas

Populasyon
9,454,040
1,254,838
3,803,890
2,536,035
6,932,570
9,943,096
4,325,307
5,776,948
5,014,588

VIII.
IX.
X.
XI.
XII.

Silangang Visayas
Kanlurang Mindanao
Hilagang Mindanao
Timog Mindanao
Gitnang Mindanao
Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)
CARAGA
Mga Pilipino sa mga Embahada / Konsolado ng
Pilipinas sa ibang bansa
KABUUAN

3,366,917
2,794,659
2,483,272
4,604,158
2,359,808
2,020,903
1,942,687
2,830
68,616,536

2. Pagtatalakay:
Sa laki ng populasyon sa Pilipinas, anong impluwensiya ang maaaring idulot nito upang
mapanatili ang disiplina sa bawat isa at panatilihing maunlad ang bansa?
Bilang mga muting mamamayan ng bansa, paano ninyo gagamitin ang sariling talino at
kalusugan sa pagpapaunlad ng bansa?
3. Pagbubuo:
Anu-ano ang mga katangiang mahalaga sa pagbuo ng bansa?
4. Pangwakas na Gawain:
Suriing mabuti ang mga larawan.

Itala ang mga katangian ng mga tao sa larawan. Isulat sa hanay ang mga paraan ng
pagsasagawa ng bawat isa. Magbigay ng halimbawa para sa iyo.
Katangian
1. Pakikiisa
2.
3.
4.
5.

Pagsasagawa
1. Pagdalo sa mga pagpupulong
2.
3.
4.
5.

5. Pagsasanay:
Pagsulat ng isang talata tungkol sa kahalagahan ng kalusugan ng isang tao at kung paano
mapapanatili ito.
IV. Pagtataya:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Mahalagang katangian ang pagiging malusog na mamamayan sa pag-unlad ng bansa dahil ___
a.
b.
c.

ang malulusog na mamamayan ay magandang tingnan.


ang malulusog na mamamayan ay nakatutulong sa malaking pag-unlad ng bansa. x
ang malulusog na mamamayan ay hindi na kailangang kumain.

2. Pinahahalagahan ng pamahalaan ang kalusugan ng mamamayan dahil ____


a.
b.
c.

Nagpapagawa ito ng mga pagamutan at sentrong pangkalusugan sa ibat ibang rehiyon sa bansa. x
Namimigay ito ng mga mamahaling gamot.
Namimigay ito ng libreng pagkain

3. Kung ang mga mamamayan ay kulang sa karunungan, ____


a.
b.

sila ay magiging mapanuklas o malikhain


hindi sila gaanong makatutulong sa pagpapalaki ng produksyon x
sila ay nagiging kapakipakinabang

c.
4. Kung ang mamamayan ay may kasanayan, ____
a.
b.
c.

magiging mabilis ang pag-unlad at pagpapaunlad ng industriya sa bansa. x


hindi uunlad ang mga industriya sa isang bansa.
Hindi bibilis ang pag-unlad ng isang bansa

5. Mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa ang mga mamamayang may ____ saloobin sa paggawa.
a. makasariling

b. di-wastong

c. tamang

V. Takdang Gawain:
Gumawa ng poster batay sa paksang Talino at Kalusugan para sa Kaunlaran ng Bansa
2

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 3
I. Nasasabi ang kabuuang populasyon ng Pilipinas
II. A. Masabi ang kabuuang populasyon ng Pilipinas
B. 1. GMRC - Kamalayan / Pagkakaisa sa paglutas ng mga pambansang isyu o suliranin
2. FILIPINO Di-berbal na paglalahad ng isang ideya o kaisipan sa pamamagitan ng tsart o grap
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, A.3, p. 16
PBP 6, pp 4 6, APSPNB 6, pp. 6
2. Talahanayan / Talangguhit ng bilang o bahagdan ng mga mamamayan sa 3 pangunahing pulo ng bansa
III. A. Panimulang Gawain:
1. Pagwasto sa takdang gawain
2. Anu-ano ang mga katangiang mahahalaga sa pagbuo ng isang bansa? Bakit mahalaga ang
magkaroon ng mga malulusog na mamamayan? Paano natin mapapanatiling malusog ang ating
katawan? Bakit mahalaga ang magkaroon ng mga matalinong mamamayan? Paano natin
malilinang ang ating kaalaman at kasanayan?
B. Mga Gawain sa pagdebelop ng Aralin:
1. Paglalahad:
Pagsusuri sa mga talahanayan, talangguhit o brochure
KABUUANG POPULASYON, REHIYON,
LALAWIGAN, MGA LUNGSOD
NSO, 1995
Pilipinas
68,616,306
PAMBANSANG PUNONG
REHIYON 7
REHIYON
5,014,588
9,454,761 GITNANG VISAYAS
Manila
Bohol
994,440
1,654,761
Lungsod ng Mandaluyong
Cebu (ExcludesCebuCity&MandaueCity)
2,911,145
286,870
Lungsod ng Marikina
Negros Oriental
1,025,247
357,231
Lungsod ng Pasig
Siquijor
73,756
471,075
Lungsod ng Quezon
REHIYON
8
1,089,419
San Juan
3,366,917
124,187 SILANGANG VISAYAS
Lungsod ng Caloocan
Biliran
132,209
1,023,159
Malabon
Eastern Samar
362,324
347,484
Navotas
Leyte
1.511.251
229,039
Lungsod ng Valenzuela
Samar
454.195
437,165
Lungsod ng Las Pias
Northern
Samar
589.373
413,086
Lungsod ng Makati
Southern Leyte
371.565
484,176
Lungsod ng Muntinlupa
399,846 REHIYON 9
Lungsod ng Paraaque
391,296 KANLURANG MINDANAO
2,794,659
Lungsod ng Pasay
408,610
Basilan
295,565
Pateros
55,236
Zamboanga del Norte
770,697
Taguig
381,350
Zamboanga del Sur
1,728,397
REHIYON 1
REHIYON 10
2,483,272
ILOCOS
940,403
3,803,390 HILAGANG MINDANAO
Ilocos Norte
Bukidnon
65,039
482,651
Ilocos Sur
Camiguin
458,965
545,385
La Union
Misamis Occidental
1,015,865
597,442
Pangasinan
Misamis Oriental
217,641
REHIYON 2
REHIYON 11
LAMBAK NG CAGAYAN
2,536,035 TIMOG MINDANAO
4,604,158
Batanes
Davao
14,180
1,191,443
Cagayan
Davao del Sur
895,050
1,683,909
Isabela
Davao Oriental
1,160,721
413,472
Nueva Vizcaya
South Cotabato
1,503,827
948,358
Quirino
Sarangani
131,119
367,006

REHIYON 3
GITNANG LUZON

Bataan
Bulacan
Nueva Ecija
Pampanga
Tarlac
Zambales
REHIYON 4
TIMOG KATAGALUGAN
Aurora
Batangas
Cavite
Laguna
Marinduque
Occidental Mindoro
Oriental Mindoro
Palawan
Quezon
Rizal
Romblon
REHIYON 5
BICOL
Albay
Camarines Norte
Camrines Sur
Catanduanes
Masbate
Sorsogon
REHIYON 6
KANLURANG VISAYAS
Aklan
Antique
Capiz
Guimaras
Iloilo
Negros Occidental

6,932,570
491,439
1,784,441
1,505,827
1,635,767
945,810
569,266
9,940,722
159,621
1,658,567
1,610,324
1,631,082
199,910
339,605
608,616
640,486
1,537,742
1,312,489
244,654
4,325,307
1,005,315
439,151
1,432,598
202,404
653,652
591,927
5,776,930
410,539
431,715
624,469
126,470
1,749,361
2,434,186

REHIYON 12
GITNANG MINDANAO
Lanao del Norte
Cotabato
Cotabato City
Marawi City
Sultan Kudarat
AUTONOMOUS REGION
OF MUSLIM MINDANAO
Lanao del Sur
Maguindanao
Sulu
Tawi-tawi
CORDILLERA
ADMINISTRATIVE
REGION
Abra
Benguet
Ifugao
Kalinga
Apayao
Mountain Province
CARAGA
Agusan del Norte
Agusan del Sur
Surigao del Norte
Surigao del Sur
MGA PILIPINONG NASA
EMBAHADA AT MGA
MISYON SA IBANG
BANSA

2,359,808
713,787
862,666
146,779
114,389
522,187

2,020,903
571,804
662,180
536,201
250,718

1,254,838
195,964
540,716
149,598
154,145
83,660
130,755
1,942,687
514,485
514,736
442,203
471,583

2,830

2. Pagtatalakay:
a. Anong lugar ang may pinakamalaking bilang ng populasyon sa:
a.
b.
c.
d.
e.
b.
c.
d.
e.

Rehiyon 3
Rehiyon 4
Rehiyon 11
Pambansang Punong Rehiyon
Rehiyon 9

Anong taon isinagawa ang pagtatala ng populasyon?


Saang luar ka gkabilang? Ilan ang kabuuang populasyon sa inyong lugar?
Anu-ano ang mabuting dulot ng mabilis na paglaki ng populasyon? Masamang dulot nito?
Anu-ano ang maaaring dahilan nito?

3. Pagbubuod:
Ano ang kabuuang populasyon ng Pilipinas ayon sa pinakahuling sensus?
4. Paglalapat:
Ano ang kalagayang pampopulasyon ng Pilipinas ayon sa sarili ninyong palagay?
5. Pagsasanay:
a. Pagsulat ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng kamalayan at pakikiisa sa paglutas
sa mga pambansang isyu o suliranin, tulad ng mabilis na paglaki ng populasyon.
b. Paggawa ng pie grap na nagpapakita ng mga mahahalagang datos batay sa lektura ng guro
tungkol sa populasyon ng Pilipinas ayon sa :
- 3 pangunahing pulo ng Pilipinas: - kasarian; - pook-rural at pook-urban; - pandarayuhan

IV. Pagtataya:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:
1. Ang populasyon ay _____.
a. Ang bilang ng mga hayop at halaman sa isang lugar.
b. Ang bilang ng tao sa isang lugar. x
c. Ang bilang ng mga bahay sa isang lugar.
2. Noong 1980, ang populasyon ng Pilipinas ay _____.
a. 48 milyon

b. 28 milyon

c. 68 milyon

3. Ano ang namamahala sa pagkuha ng populasyon ng Pilipinas?


a. Pambansang Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan
b. Pambansang Tanggapan ng Edukasyon
c. Pambansang Tanggapan ng Senso at Estatistika x
4. Ayon sa NCSO ang populasyon ng Pilipinas noong 1987 ay _______.
a. 52.6 milyon

b. 76.5 milyon

c. 80.6 milyon

5. Ang Pilipinas ay _____ sa populasyon kung ihahambing sa ibang bansa sa daigdig.


a. Pangdalawampu

b. Pangalawa

c. Pang-anim

V. Takdang-Gawain
Pumili ng isang batayan ng pagtukoy sa bilang ng populasyon . Batay dito, gumawa ng isang pie
grap na nagpapakita ng mga mahahalagang datos tungkol sa populasyon ng Pilipinas sa
kasalukuyan.

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 4
I. Naipapaliwanag ang mga salik na may kinalaman sa paglaki ng populasyon
II. A. Pagpapaliwanag ng mga salik na may kinalaman sa paglaki ng populasyon
B. 1. GMRC Pakikinig nang mataman sa nagsasalita
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, A.4, p. 16
PBP 6, pp 3 4, APSPNB 6, pp. 5 6
2. talangguhit o graph
III. A. Pambungad na Gawain:
1. Magbalitaan sa loob ng 2 minuto tungkol sa kasalukuyang nangyayari sa paligid.
2. Ano ang kabuuang populasyon ng Pilipinas?
3. Pagpapakita ng talangguhit (grap) at pagtatanong ukol dito.
B. Mga Gawain sa pagdebelop ng Aralin:
1. Paglalahad:
a. Ano ang ibig sabihin ng bilis ng paglaki ng populasyon?
b. Batay sa talangguhit, sa anu-anong taon higit na mabilis ang paglaki ng populasyon?
c. Ilang bahagdan ang itinaas sa pagitan ng 1960 at 1970?
2. Pagtatalakay:
Talakayin ang paglaki ng populasyon mula 1903 hanggang 2000, base sa talangguhit.
Ang Paglaki ng Populasyon
80
70
60
50
40
30
20
10
0
1908

1918

1939

1943

1960

1970

1975

1980

1990

1995

2000

3. Pagbuo ng Kaisipan:
Mabilis ang paglaki ng populasyon dahil sa pinabuting kalagayang pangkalusugan at
pagpapaunlad ng edukasyon
4. Paglalapat:
Sa anong paraan tayo makatutulong upang mapigil ang paglaki ng populasyon?
IV. Pagtataya:
Panuto: Pag-aralan ang talangguhit sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Titik
lamang ang isulat.
Ang Paglaki ng Populasyon
80
70
60
50
40
30
20
10
0
1903

1918

1939

1943

1960

1970

1975

1980

1990

1995

2000

__ 1. Saan patungo ang guhit sa talangguhit?


a. pantay
b. pataas-pababa
c. pataas
d. pababa
__ 2. Ano ang masasabi mo sa populasyon ng Pilipinas sa pagdaraan ng mga taon?
a. nababawasan b. lumalaki
c. lumiliit
d. walang pagbabago
__ 3. Ilang milyon ang populasyon ng Pilipinas noong taong 1970?
a. 20 milyon
b. 50 milyon
c. 70 milyon
d. 40 milyon
__ 4. Nadoble ang populasyon ng Pilipinas. Anong mga taon ito?
a. 1945-1950
b. 1950-1960
c. 1903-1948 d. 1960-1990
__ 5. Ano ang ipinahihiwatig ng talangguhit?
a. Patuloy ang paglaki ng populasyon.
b. Mabagal ang paglaki ng populasyon.
c. Mabilis ang paglaki ng populasyon.
d. May patlang ang paglaki ng populasyon.
V. Takdang-Gawain
4

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

Humanda sa paglalarawan ng bilis ng paglaki ng populasyon bukas


Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6
ARALIN Blg. 5
I. Nailalarawan ang pagkakaisa ng populasyon ayon sa gulang at kasarian
II. A. Paglalarawan sa pagkakaisa ng populasyon ayon sa gulang at kasarian
B. 1. GMRC - Pagpapahalaga sa edukasyon sa paghahanda sa paghahanapbuhay at pagpapamilya
2. FILIPINO Di-berbal na paglalahad ng ideya o kaisipan sa pamamagitan ng balangkas o grap,
pagsulat ng talata.
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, A.1 5, p. 16
PBP 6, pp 10 11, APSPNB 6, pp. 9 11
2. Talahanayan sa p. 11 ng APSPNB 6
III. A. Panbungad na Gawain:
1. Balitaan tungkol sa nangyayari sa paligid sa loob ng 3 minuto
2. Pagbalik-aralan ang tungkol sa mga salik na may kinalaman sa paglaki ng populasyon
3. Pag-aralan ang grap na ito. Ibahagi sa ibang kaklase ang komento mo dito.

B. Mga Gawain sa pagdebelop ng Aralin:


1. Paglalahad:
a. Pagbasa sa teksto sa p. 9 11 ng APSPNB 6.
b. Pagsusuri sa talahanayan hinggil sa kasarian at gulang ng populasyon na ipakikita.

2. Pagtatalakay:
Sagutin ng Oo at Hindi.
1.
2.
3.
4.

Pinakamarami ang bilang ng may 0 hanggang 4 na gulang sa mga tao.


Mas marami ang kabuuang bilang ng babae kaysa lalaki.
National Statistics Office (NSO) ang nagbigay ng datos na ginamit sa larawan 1.1.
Pantay ba ang pagbaba ng bilang ng populasyon ng ga babae at lalaki habang silay
tumatanda?
5. Ibig sabihin ba ng larawan / talahanayan wala ng Pilipinong mabubuhay ng 80 pataas?
Ipaliwanag o pag-aralan din ang Talahanayan 1.5 p. 11 (Pilipinas Bansang Papaunlad
6)

GULANG
Kabuuan
6 14
15 64
65 pataas

Talahanayan 1.5
POPULASYON NG PILIPINAS AYON SA GULANG
1970, 1980, 1990 at 2000
1970
1980
1990
2000
Bilang
Bahagdan
Bilang
Bahagdan
Bilang
Bahagdan
Bilang
Bahagdan
36,684,486
100
48,098,460
100
60,697,994
100
51,022,077
100
16,757,313
45.7
20,221,547
42.0
24,004,586
39.5
2,831,897
37
18,864,652
51.4
26,240,572
54.6
34,629,959
57.1
45,257,770
59
1,062,521
2.9
1,636,341
3.4
2,863,449
3.2
2,932,410
4

Hindi kabilang ang 2,336 na mga Pilipinog nasa mga embahada, konsolado at misyon sa ibayong dagat

Pinagkunan: National Statistics Office, 2000

Ayon sa datos, ilang bahagdan ang nabibilang sa mga bata o may edad na 0 - 14? Anong
edad ang masasabing may kakayahang maghanapbuhay? Ilang bahagdan ito ng
populasyon? Ilan naman ang nabibilang sa edad 65 pataas?
Ano ang maaaring kahulugan ng mga datos na ito sa pag-unlad ng bansa? Sinu-sino ang
nangangailangan ng paglingap at pag-aaruga? Sino ang mga may kakayahang kumilos o
tumulong sa pag-unlad? May sapat bang oportunidad upang makapagtrabaho ang lahat ng
nasa tamang gulang at nais magtrabaho?
3. Pagbubuod:
Ano ang balangkas ng populasyon ayon sa kasarian? Sa gulang? Ano ang kaugnayan ng
mga ito sa pag-unlad ng bansa?
4. Paglalapat:
Saan kayo nabibilang sa bata, sa paghahanapbuhay o sa may edad na populasyon?
5. Pagsasanay:
Sumangguni sa sumusunod na grap.
Rehistradong bagong
ipinanganak
Rehistradong mga
nangamatay
1.
2.
3.
4.
5.

Babae
Lalaki
Babae
Lalaki

1991
1,644.3
788.4
855.9
298.0
177.8
120.2

1992
1,684.4
806.5
877.9
319.6
189.6
130.0

1993
1,680.8
805.3
875.5
318.5
189.3
129.2

Ilan ang kabuuang populasyon ng kalalakihan?


Ilan naman ang populasyon ng mga kababaihan?
Ilan ang lalaking ipinanganak noong taong 1991? Ilan ang babae?
Ano ang pangitnang taong gulang o median age noong 1991?
Ilang posiyento ng populasyon noong 1990 ang sinasabing nasa pangkat ng productive
age?

IV. Pagtataya:
Panuto: Piliin ang tamang sagot.
1. Ano ang resulta ayon sa kasarian ng senso ng populasyon noong 1980?
a. Nakahihigit ng kaunti ang bilang ng mga lalaki sa babae
b. Nakahihigit ang bilang ng mga babae
c. Magkatulad ang bilang ng mga lalaki sa babae.
2. Ilang bahagdan ng populasyon noong 1980 ang mga babae?
a. 60%
b. 79%
c. 49.8%
3. Ano ang ibig sabihin ng batang populasyon?
a. Marami ang naghahanapbuhay
b. Maraming aalagaang bata
c. Marami ang umaasa lang at hindi pa naghahanapbuhay
4. Ano ang kasalukuyang proporsyon ng lalaki at babae sa ating populasyon?
5. Alin ang higit na mabuti ang batang populasyon o ang matandang populasyon? Bakit?
V. Takdang-Gawain
Gumawa ng sariling bar grap upang ipakita ang proporsyon ng mga lalaki at babae sa ating
populasyon sa sariling pamayanan. Kumuha ng mga datos sa pamunuang pambarangay

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 6
I. Nailalarawan ang pagkakaiba ng populasyon ayon sa mga pook urban at pook rural
II. A. Paglalarawan ng pagkakaiba ng populasyon ayon sa mga pook urban at pook rural
B. 1. GMRC - Pagpapanatiling mainam na tirahan ang pamayanan
2. FILIPINO Paglilipat ng impormasyong napakinggan tungo sa iba pang anyo, tulad ng grap o
tsart
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, A.1 at 6, p. 16
PBP 6, pp 9, APSPNB 6, pp. 7 9
2. Tsart
III. A. Pambungad na Gawain:
1. Pagwasto sa takdang gawain
2. Pagbalik-aralan ang tungkol sa balangkas ng populasyon ayon sa gulang at kasarian.
3. Ano ang tinatawag na pook-urban? Pook rural? Ano ang pagkakaiba ng populasyon ng bawat
isa?
B. Mga Gawain sa pagdebelop ng Aralin:
1. Paglalahad:
Hatiin sa dalawang malaking grupo ang mga bata.
Bigyan ng tig-isang malaking larawan ang bawat grupo.

Grupo 1: Larawan ng populasyon sa Pook-Rural


Grupo 2: Larawan ng populasyon sa Pook-Urban
Sabihin:
a. Tulung-tulong na suriin ang bawat larawan, sa loob lamang ng anim na minuto.
b. Itala ang lahat na makikita sa larawan. Ilarawan ang mga ito.
c. Ibigay ang mga pamantayan sa pagpapangkatang gawain.
Magpatugtog nang mahina sa cassette o mp4 ng isang makabayang tugtugin habang
nagsasagawa ng pangkatang gawain ang mga bata.
Ipapresinta at ipasuri ang awtput ng bawat grupo.
Ipalagay sa grapik organayser ang sagot ng bawat grupo. Maaaring ipagamit ang kasunod
na halimbawa.
Populasyon sa mga
Pook-Urban

2.

Pagtatalakay:
Ano ang pagkakaiba ng populasyon sa pook-urban at pook-rural? Bakit higit na marami at
makapal ang populasyon sa pook-urban? Ano ang epekto ng ganitong kalagayan sa
pamumuhay?
Anu-anong suliranin ang kinakaharap ng mga tao sa isang pook na masikip? Sa inyong
sariling pamayanan?
Bilang munting mamamayang Pilipino, paano kayo makatutulong sa paglutas ng mga
suliranin tungkol sa populasyon? Paglaganap ng ibat ibang sakit? Pagtaas ng antas ng
krimen sa bansa?

3. Pagbubuod:
Ano ang pagkakaiba ng populasyon sa pook-urban at pook-rural? Alin ang mas maunlad?
4. Paglalapat:

Saang pook nais ninyong manirahan, sa pook-urban o pook-rural? Bakit?


5. Pagsasanay:
PAGSASANIB NG FILIPINO
Debate tungkol sa paksang Alin ang mas mainam na tirahan Pook-rural o Pook-urban?
Paglista ng mga gawain upang mapanatiling mainam na tirahan ang isang pook-rural at urban.
Mabuting Dulot
Di Mabuting Dulot
RURAL
URBAN
6

IV. Pagtataya:
Panuto: Piliin ang tamang sagot.
1. Alin ang naglalarawan sa isang pook-urban?
a. Magkakalayo ang mga tirahan
b. Maraming gusaling komersyal
c. Pagsasaka o pangingisda ang hanapbuhay
2. Alin dito ang naglalarawan ng isang pook-rural?
a. May malalaking gusaling pangkomersyal
b. Maraming uri ng mga sasakyan
c. Magkakalayo ang mga tirahan at karaniway magsasaka o pangingisda ang hanapbuhay
3. Alin ang masasabing pook-urban?
a. Nayon

b. Lungsod

c. Liblib na bayan

4. Ang bagay na ito ay matatagpuan sa pook-urban.


a. Maraming sasakyan b. Troso

c. Palayan

5. Alin ang makikita sa pook-rural?


a. Mall

b. Malinis ang hangin

c. Dikit-dikit na bahay

V. Takdang-Gawain
Batay sa pagtalakay ng aralin, gumuhit ng larawang nagpapakita ng isang mainam na pook-urban
o pook-rural.

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 7
I. Nailalarawan ang pagkakaiba ng distribusyon at dami o kapal ng populasyon
II. A. Paglalarawan sa pagkakaiba ng distribusyon at dami o kapal ng populasyon
B. 1. GMRC - Paglinang sa kaalaman at kakayahan / Positibong pananaw sa pagpapaunlad ng
hanapbuhay
2. FILIPINO Pagsulat ng paghahambing sa tulong ng isang grap o dayagram
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, A.1.7, p. 16
PBP 6, pp 7 9, APSPNB 6, pp. 7
2. Tsart o graph
III. A. Panimulang Gawain:
1. Pagwasto sa takdang gawain
2. Pagbabalik-aral:
Ano ang tinatawag na pook-urban? Pook-rural? Ano ang pagkakaiba ng populasyon ng bawat
isa?
3. Pangganyak:
Ano ang kaugnayan ng laki ng populasyon sa pag-unlad ng isang bansa? Ano ang laki ng
populasyon ng Pilipinas sa kasalukuyan? Gaano kabilis ang paglaki ng ating populasyon sa
kasalukyan?
B. Mga Gawain sa pagdebelop ng Aralin:
1. Paglalahad:
Iparinig sa pamamagitan ng cassette / mp4 ang kasunod na impormasyon
Ang distribusyon ng tao sa bansa ang pinagbabatayan ng pangangasiwa,
pamamahagi ng mga kalakal, pagllingkod at pagpaplano ng mga pamayanan.
Nasusukat ito sa pamamagitan ng kapal ng populasyon.
Tumutukoy naman sa bilang ng tao sa bawat kilometrong kwadrado ng
lupain ng bansa ang kapal ng populasyon. Ipakikita sa inyo ng inyong guro kung
paano ito natutuos.
Ipasagot:
a. Batay sa napakinggang impormasyon, ibigay ang katuturan ng distribusyon ng tao sa
bansa.
b. Paano kaya natutuos ang kapal ng populasyon?
Ibigay ang pormula ng pagtutuos ng kapal ng populasyon, tulad ng sumusunod:
Kapal ng Populasyon =

Bilang ng Tao_____
Kabuuang Lawak ng Bansa

Ipakompyut ang kapal ng populasyon ng bansa noong 1995. Ipagamit ang kasunod na mga
datos:
Bilang ng tao
- 68,616,536
Kabuuang Lawak o sukat ng Bansa 300,000 km kwadrado
Ipagamit sa mga bata ang calculator
Ilahad ang talahanayang nagpapakita ng kapal ng populasyon sa ibat ibang rehiyon sa
bansa noong 1995 na nakalimbag sa pahina 8 ng batayang aklat.

Rehiyon
NCR
CAR
I
II
III
IV
V

Talahanayan 1.3
KAPAL NG POPULASYON, 1995
Bilang ng Tao sa Bawat Kilometrong Kwadradong Lupa
14,864.8
68.6
296.3
94.5
380.3
211.9
245.3

VI
VII
VII
IX
X
XI
XII
ARMM
CARAGA
Average

285.7
335.4
157.1
174.7
176.9
169.6
162.0
177.1
103.0
228.7

2. Pagtatalakay:
Pantay-pantay ba ang distribusyon ng populasyon sa bawat rehiyon? Saang lugar marami /
kakaunti ang tao? Ano ang maaaring dahilan ng pagtitipon ng mga tao sa isang lugar?
Paano nasusukat ang kapal ng tao sa isang lugar? Ano ang pagkakaiba ng kapal sa
distribusyon ng populasyon? Saang lugar makapal ang populasyon? Saan madalang?
Mahalaga ba para sa ating namumuno ang mga datos tungkol sa distribusyon at kapal ng
populasyon? Aling mga lugar ang higit na dapat bigyang pansin ng pamahalaan? Ano ang
mga maaaring pamamaraan upang pagpantay-pantayin ang takbo ng pag-unlad sa lahat ng
rehiyon?
3. Pagbubuod:
Ano ang kaibahan ng distribusyon sa kapal ng populasyon? Ano ang kaugnayan ngmga
katangiang ito sa pag-unlad ng bansa?
4. Paglalapat:
Ano sa palagay ninyo ang kaibahan ng pamumuhay sa mataong lugar sa di-mataong lugar?
5. Pagsasanay:
Pagsulat ng talata tungkol sa kaugnayan ng distribusyon at kapal ng populasyon sa pagunlad ng isang bansa.
IV. Pagtataya:
Panuto: Piliin at isulat ang tamang sagot. Hanapin ang sagot sa kahon.
Distribusyon
Pangheograpiya

Likas na Yaman
Kapal ng Populasyon

Tao
Pondo/Tulong

_________ 1. Hindi pantay ang distribusyon ng populasyon ng Pilipinas dahil sa kalagayang ______.
_________ 2. Ang distribusyon ng populasyon ng Pilipinas ay nasusukat sa pamamagitan ng ______.
_________ 3. Ang pandarayuhan ay isa sa mga dahilan ng hindi pantay na _________ ng populasyon.
_________ 4. Ang kapal ng populasyon ay ang bilang ng ______ sa bawat kilometrong parisukat.
_________ 5. Mahalagang malaman ang tiyak na distribusyon upang matiyak nito ang pangangailangan
ng mga rehiyon at pamamahagi ng ______.
7

V. Takdang-Gawain
Gumawa ng bar grap upang mailarawan ang mga; 1) distribusyon; 2) kapal ng populasyon sa
bawat rehiyon base sa datos sa aklat o sa tekstong ipakikita ng guro.

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 8
I. Naiisa-isa ang dahilan ng pandarayuhan
II. A. Maiisa-isa ang dahilan ng pandarayuhan
B. 1. GMRC - Positibong pananaw sa pagpapaunlad ng antas ng pamumuhay
2. FILIPINO Paglalagom o hinuha
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, A.9, p. 16
PBP 6, pp 12 15, APSPNB 6, pp. 11 12
2. Mga larawan sa paskilan para sa yunit,
III. A. Panimulang Gawain:
1. Pagwasto sa takdang gawain.
2. Pagbalik-aralan ang tungkol sa pagkakaiba ng distribusyon at dami o kapal ng populasyon
3. Paano nakatutulong ang malaking bilang ng mga lalaki sa pag-unlad ng isang bansa? Ng mga
mamamayang nasa gulang ng paghahanapbuhay.
B. Mga Gawain sa pagdebelop ng Aralin:
1. Paglalahad:
Pangkatin sa dalawa ang mga bata. Papanaliksikin ang bawat grupo sa loob lamang ng 10
minuto.
Grupo 1: Mga dahilan ng Pandarayuhang Panloob
Grupo 2: Mga dahilan ng Pandarayuhang Panlabas

Ipabigay ang mga pamantayan sa pagsasagawa ng pangkatang pananaliksik.


Subaybayan ang gawain ng bawat grupo.
Ipapresinta at ipasuri ang awtput ng bawat grupo
Pag-aaral sa talahanayan ng Bilang ng Nandarayuhan sa Ibat Ibang Rehiyon ng Bansa.
BAHAGDAN NG PANDARAYUHAN (1975 1980)
NCR
32.99%
TIMOG KATAGALUGAN
15.94%
GITNANG LUZON
8.87%
IBA PANG REHIYON
42.2%

2. Pagtatalakay:
Ano ang tinatawag na pandarayuhan? Ano ang epekto nito sa lugar na nilipatan? Sa lugar
na inalisan?
Ayon sa datos, saang mga lugar pumupunta ang karamihang nandarayuhan? Saan naman
pumupunta ang kakaunti? Bakit lumilipat ng tirahan ang mga tao?
Suriin ang pagkakaiba ng pandarayuhang panloob at panlabas,
PANLOOB
a. Paglipat ng mga tagaprobinsiya
sa lungsod para sa mas
mabuting hanapbuhay
b. Paglilipat ng taga Maynila sa
subdibisyon upang makaiwas
sa polusyon.
c. Paglipat ng Cebuano sa
Mindanao upang linangin ang
lupang hindi nagagalaw.

PANLABAS
a. Pagtratrabaho ng Pilipinong
Nars at Doktor sa Estados
Unidos
b. Migrasyon ng pamilyang
Pilipino kapiling ng
kapamilyang nagtratrabaho
doon.
c. Pagkuha ng Vietnamese sa
Pilipinas bilang pag-iwas sa
kanilang kalagayang
pampulitika

Para sa inyo, mainam ba sa isang magulang / ama / ina / na manirahan at magtrabaho sa


ibang bansa samantalang ang kanilang pamilya ay naiwan sa ating bansa? Pangatwiran ang
sagot.
Kung maging propesyonal na kayo, saan ninyo gustong magtrabaho at manirahan? Bakit?
3. Pagbubuod:

Ano ang mga dahilan ng pandarayuhan? Nakatutulong ba o nakahahadlang ang


pandarayuhan sa pag-unlad ng isang bansa? Bakit? Paano?
4. Paglalapat:
Kung kayo ay maghahanapbuhay, saang rehiyon o bansa kayo pupunta? Makatutulong ba
sa pag-unlad ng ating bansa ang inyong paghahanapbuhay sa bansang inyong pupuntahan?
Bakit?
5. Pagsasanay:
Magkaroon ng 2 magkalabang grupo: babae laban sa mga lalaki.
Paksa: Kabutihan at Di-Kabutihang Dulot ng Pandarayuhan ng mga Pilipino sa Ibang
Bansa.
Kabutihang Dulot (Babae)

Di-Kabutihang Dulot (Lalaki)

IV. Pagtataya:
Panuto: Sagutin.
1. Ang ____ ay ang paglilipat ng lugar ng panirahan.
a. kasarian

b. gulang

c. pandarayuhan

2. Naapektuhan ng pandarayuhan ang ____ ng populasyon.


a. distribusyon

b. gulang

c. kasarian

3. Simula noong 1970 hanggang 1975, ang ____ ang may pinakamalaking bilang ng pandarayuhan.
a. Kanlurang Mindanao

b. Metropolitan Manila

c. Gitnang Luzon

4. Ang ____ ay may pinakamaliit na bilang ng nandayuhan sa bansa.


a. Timog Katagalugan

b. Bicol

c. Kanlurang Mindanao

5. Lumilipat ang mga tao sa ibang lugar sa _____.


a. Makapagbibigay sa kaninla ng maginhawang pamumuhay.
b. Walang serbisyo ng koryente at tubig
c. Malayo sa mga lugar na mapaglilibangan.
8

V. Takdang-Gawain
Sumulat ng isang talatang nagpapaliwanag kung paano nakatutulong sa pag-unlad ng bansa ang
pandarayuhan.

Rey Rodriguez Document7/16/2015 8:40:38 PM

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 9
I. Naibibigay ang epekto ng pandarayuhan sa pook na nilisan at sa pook na nilipatan
II. A. Maibigay ang epekto ng pandarayuhan sa pook na nilisan at sa pook na nilipatan
B. 1. GMRC Pagdami ng populasyon
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, A.9.1, p. 16
PBP 6, pp 12 4154, APSPNB 6, pp. 11 12
2. Mga larawan
III. A. Panimulang Gawain:
1. Pagwasto sa takdang gawain
2. Pagbalik-aralan ang tungkol sa dahilan ng pandarayuhan
3. Ano ang dahilan kung bakit dumarayo ang maraming mga Pilipino?
Ano kaya ang mangyayari sa pook na nilisan at sa pook na pinuntahan?
Anu-ano ang mga suliranin sa pook na nilipatan?
Ano ang ginawa ng ating pamahalaan upang malutas ang mga suliraning ito?
B. Mga Gawain sa pagdebelop ng Aralin:
1. Pangkatang Gawain:
Pangkatin sa 3 ang mga bata.
Sabihin:
a. Sa loob lamang ng 10 minuto, pag-aralan at ipaliwanag ang isinasaad sa dayagram na
ibibigay sa inyong grupo. Pagkatapos, sikaping maibigay ang epekto ng pandarayuhan
sa espasyo, kalusugan at kabuhayan sa pook na nilisan at pook na nilipatan, na pareho
ang lawak o laki ng lupang nilisan at nilipatan.
Bigyan ang bawat grupo ng isang dayagram.
Grupo 1:
Barangay A

Barngay B

Populasyon 1,000,000
Lawak 5 ektarya
Lumipat 500,000

Populasyon 500,000
Lawak 5 ektarya

Grupo 2:
Barangay C
Populasyon 300,000
Lawak 10 ektarya
Lumipat sa Barangay
D = 10,000

Barangay D
Populasyon 1,000,000
Lawak 10 ektarya
Lumipat sa Barangay
C = 500,000

Grupo 3:
Barangay E
Populasyon 500,000
Lawak 20 ektaarya
Lumipat sa Brgy. F 10,000

Barangay F
Populasyon 2,000,000
Lawak 20 ektarya
Lumipat sa Brgy E 200,000

Barangay G
Populasyon 700,000
Lumipat sa Brgy. E 100,000
Lumipat sa Brgy. F 200,000
Lawak 20 ektarya
Ipabigay ang mga pamantayan sa pagpapangkatang-gawain
Subaybayan ang gawain ng bawat grupo.

Habang nagpapangkatang gawain ang mg bata, patugtugin nang mahina sa cassette o mp4
ang Hwag Kang Magtungo sa Malayong Bayan.
Ipapresinta, ipasuri at ipawasto sa mga bata ang awtput ng bawat grupo.
Iwasto sa marahang paraan ang maling sagot ng alinmang grupo.
2. Pagtatalakay:
Ipatalakay:
a. Aling modelo ng pandarayuhan ang sa palagay ninyoy makabubuti sa lugar na nilisan
at nilipatan? Ipaliwanag ang sagot.
b. Mainam bang lisanin ang sariling pook na sakahan? Makahoy? Bakit?
3. Pagbubuod:
Inaasahang sagot ng mga bata: Bunga ng pandarayuhan, lumiit ang populasyon sa
pinagmulang lugar at lumaki naman ang populasyon sa pinagmulang lugar at lumaki naman
ang populasyon sa lugar na nilipatan.
Sa lugar na nilipatan ay nagkakaroon ng sumusunod na suliranin:
a.
b.
c.
d.
e.

Kakulangan sa tirahan.
Maayos na kalusugan at kalinisan ng isang lugar.
Dumarami ang kinakailangang sasakyan.
Nahihirapang makakita ng hanapbuhay sa lugar na nilipatan.
Nakagagawa ng gawaing labag sa batas dahil sa walang trabaho.

4. Paglalapat:
Nakatira ka sa bukid. Malawak at mataba ang inyong lupang sakahan. Inalok ka ng
dayuhang magtrabaho bilang construction worker sa syudad. Kapalit nitoy ipagbibili mo
sa dayuhang imbestor ang iyong sakahan para pagtayuan ng planta ng semento.
Tatanggapin mo ba ang alok ng dayuhang imbestor? Pangatwiran ang sagot.
IV. Pagtataya:
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang nangyayari sa populasyon ng pook na nilipatan?
a. lumiliit

b. lumalaki

c. walang epekto

d. walang pagbabago

2. Ano ang nangyayari sa populasyon ng pook na inalisan?


a. lumalaki

b. lumiliit

c. walang pagbabago

d. walang epekto

3. Ang patuloy na paglipat ng mga tagalalawigan sa mga lungsod ay nagdudulot ng mga sumusunod
na suliranin. Alin ang hindi?
a. pabahay
b. pagdami ng basura

c. kakulangan ng bilang ng sasakyan


d. lumiit ang populasyon

4. Ang mandarayuhan na may sapat na kakayahan ay ____;


a. makakapasok sa trabaho
b. gagawa ng gawaing labag sa batas

c. magtitinda sa bangketa
d. wala sa A, B at C

5. Unti-unting nilulunasan ng pamahalaan ang suliranin sa paghahanap ng trabaho sa mga


mandarayuhan sa pamamagitan ng ____;
a. pagpapabalik sa pinanggalingan
b. pagbibigay ng pabahay
9

c. pagbibigay ng pensyon
d. pagsasanay sa mga gawang bokasyonal

V. Takdang-Gawain
Humanda sa paghahambing ng kapal ng populasyon bukas.

Rey Rodriguez Document7/16/2015 8:40:38 PM

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 10
I. Napaghahambing ang kapal ng populasyon ng rehiyon ng bansa sa tulong ng mapa
II. A. Mapaghambing ang kapal ng populasyon ng rehiyon ng bansa sa tulong ng mapa
B. 1. GMRC Pakikinig nang mataman sa nagsasalita
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, A.10, p. 16
PBP 6, pp , APSPNB 6, pp.
2. Mapa; tsart na nagpapakita ng distribusyon ng populasyon
III. A. Panimulang Gawain:
1. Magbalitaan tungkol sa kasalukuyang nangyayari sa paligid.
2. Pagbalik-aralan ang epekto ng pandarayuhan sa pook na nilisan at sa pook na nilipatan.
3. Pagpapakita ng tsart na may distribusyon ng populasyon at pagtatanong ukol dito.
B. Mga Gawain sa pagdebelop ng Aralin:
1. Paglalahad:
Ilahad ang mapang pampopulasyon

Ipahambing ang kapal ng populasyon sa ibat ibang rehiyon sa bansa sa tulong ng mapang
pampopulasyon.
Kung walang mapang pampopulasyon, gamitin ang Talahanayan ukol sa Kapal ng
Populasyon sa Ibat Ibang Rehiyon na nakalimbag sa p. 8 ng batayang aklat sa HeKaSi:
Pilipinas Bansang Papaunlad.
Ipasagot
a. Aling rehiyon ang may pinakamalaking bilang ng tao sa bawat kilometro kwadradong
lupa? Alin ang sumunod dito at iba pa?
Pangkatin sa 4 ang mga bata.
Ipaayos ang mga rehiyon ayon sa bilang ng tao sa bawa kilometro kwadrado, mula sa
pinakamataas hanggang sa pinakamaliit na bilang.
Grupo 1: NCR, CAR, rehiyon I at Rehiyon II

Grupo 2: Rehiyon III, IV, V at VI


Grupo 3: Rehiyon VII, VIII, IX, at X
Grupo 4: Rehiyon XI, XII, ARMM at CARAGA
Ipapresinta at ipasuri ang sagot ng bawat grupo.
Papagsamasahin ang sagot ng mga bata hanggang sa makuha ang pinakamalaki hanggang
sa pinakamaliit na bilang ng tao sa bawat kilometro kwadrado sa 16 na rehiyon ng bansa.
2. Pagtatalakay:
Maraming magsasaka at mangingisda ang nandarayuhan sa Metro Manila para maghanap
ng trabaho. Galing sila sa ibat ibang rehiyon ng bansa, kasama ang kani-kanilang pamilya.
Makatutulong kaya ito sa pag-unlad ng kabuhayan ng bansa? Pangatwiran ang sagot.
Nagbabalak bang lumipat sa ibang rehiyon ang inyong pamilya? bakit? Paano mo sila
hihikayating manatili sa sariling pamayanan at idevelop ito?
3. Pagbubuod:
Ang rehiyon IV o Katimugang Tagalog ang may pinakamalaking populasyon ayon sa
sensus ng 1995. Ang CAR ang may pinakamaliit na populasyon.
4. Paglalapat:
Ipasagot:
a.

10

Maraming namatay sa inyong barangay dahil sa sakit na bunga ng maruming


kapaligiran. Marami ang nagsisilikas sa ibang rehiyon para makaligtas sa sakit. Ano
ang dapat gawin ng inyong pamilya para maiwasan ang paglikas sa ibang pook /
rehiyon?

IV. Pagtataya:
Panuto: Pag-aralan ang talahanayan blg. 1 at sagutin ang mga tanong pagkatapos.
Talahanayan Blg. 1
Distribusyon ng Populasyon sa Bawat Rehiyon
1995 Sensus
Rehiyon
Populasyon (Milyon)
NCR
9.454
CAR
1.254
I Ilocos
3.803
II Lambak ng Cagayan
2.536
III Gitnang Luzon
6.932
IV Katimugang Tagalog
9.943
V Bicol
4.325
VI Kanlurang Visayas
5.776
VII Gitnang Visayas
5.776
VIII silangang Visayas
3.366
IX Kanlurang Mindanao
2.794
X Hilagang Mindanao
2.483
XI Timog Mindanao
4.604
XII Gitnang Mindanao
2.359
ARMM
2.020
CARAGA
1.942
1. Ayon sa talahanayan blg. 1, anong rehiyon ang may pinakamalaking populasyon?
2. Ilan ang populasyon ng Metro Manila o NCR?
3. Anong rehiyon ang may pinakamaliit na populasyon?
4. Sa Visayas, anong rehiyon ang pinakamaliit ang populasyon?
5. Sa Mindanao, anong rehiyon ang pinakamalaki ang populasyon?

V. Takdang-Gawain
Alamin ang mga taong bumubuo sa bansang Pilipinas.

10

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 11
I. Natutukoy ang pinagmulan ng mga taong bumubuo ng bansang Pilipinas
II. A. Matukoy ang pinagmula ng mga taong bumubuo ng bansang Pilipinas
B. 1. FILIPINO Pagsulat ng maayos sa tulong ng balangkas, pagdula-dulaan
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, A.11, p. 17
PBP 6, pp 20 22, APSPNB 6, pp. 13 16
2. Mga larawan ng pangkat etnikong bumubuo sa populasyon ng Pilipinas, mapa, sample ng
balangkas at komposisyong batay sa balangkas
III. A. Panimulang Gawain:
1. Pagwasto sa takdang gawain.
2. Batay sa talahanayan, magbigay ng pahayag tungkol sa bilang ng mga mamamayan ayon sa
gulang, kasarian, sa pook-rural at pook-urban, at pandarayuhan
B. Mga Gawain sa pagdebelop ng Aralin:
1. Paglalahad:
Pangkatin sa 4 ang buong klase.
Pabunutin ang lider ng bawat grupo ng isang nilukot na papel.
Papel 1: Ang mga Dawn Men
Papel 2; Ang mga Ita o Negrito
Papel 3: Ang mga Indones
Papel 3: Ang mga Malay
Sabihin:
a.
b.
c.
d.

Tuklasin kung sino at kailan dumating sa Pilipinas ang unang Pilipino


Gamitin ang mga batayang aklat sa HeKaSi 6
Sikaping matapos ang gawain sa loob lamang ng 10 minuto
Bigyan ng bahaging sasabihin ang bawat kasapi ng grupo.

Ipabigay ang mga pamantayan sa pagpapangkatang pag-aaral / pananaliksik.


Subaybayan ang gawain ng bawat grupo
Pagpiprisinta, pagsusuri at pagwawasto ng awtput ng bawat grupo
Sa pag-uulat ng grupo, ganyaking magsalita ang bawat bata kahit isang pangungusap
tungkol sa ulat na ibibigay.

2. Pagtatalakay:
Magbigay ng karagdagang input, kung kailangan.
Ipatalakay / Ipagawa:
a. Saan nanggaling ang mga Dawn Men? Ang mga Ita o Negrito? Ang mga Malay?
Hanapin ito sa globo / mapa ng daigdig.
b. Aling grupo ng mga unang Pilipino ang pinakamaunlad ang uri ng pamumuhay o
kultura? Patunayan.
c. Masdan ang inyong mga katangiang pisikal. Sa anong grupo ng mga unang Pilipino
kayo nahahawig?
d. Ano ang iyong nadarama ngayong kilala na ninyo ang mga unang Pilipino na naging
ninuno natin? Matuwid bang ikahiya natin sila? Bakit?
3. Pagbubuod:
Sa kasalukuyan, iba-iba pang lahi ang napasasanib sa lahing Pilipino. Ito ay bunga ng
pakikisalamuha ng mga Pilipino sa iba-ibang dayuhan. May kinalaman dito ang
pandarayuhan ng ilang Pilipino sa ibat ibang bansa. May kinalaman din dito ang
pandarayuhan sa Pilipinas ng mga taga ibang bansa. Ang resulta nito ay bagong henerasyon
ng mga Pilipino
4. Paglalapat:
Tumayo ang lahat at magkaroon ng sabayang pagbigkas.

Ang lahing Pilipino ay tunay na Pilipino, hindi laking Malayo. Siya ay bunga ng
ebolusyong pantao na nagsimula sa milyong taon na ang nakaraan.
Ang mga ninunoy mga kapatid natin. Igalang natin ang kanilang kultura. Ang
kultura nila ay kultura nating lahat.
IV. Pagtataya:
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pinakamalaking pangkat-etniko sa bansa ay ang mga _____ .
a. Tagalog

b. Bisaya

c. Bikolano

d. Ilokano

2. Masikap sa buhay ang pangkat na ito.sila ang pangalawang pinakamalaking pangkat-etniko sa bansa.
a. Tagalog

b. Bisaya

c. Bikolano

d. Ilokano

3. Sila ang pangkat na gumawa ng hagdan-hagdang palayan.


a. Igorot

b. Itneg

c. Maranao

d. Ifugao

4. Masisipag at matitiyaga sila. Pumupunta sila sa ibat ibang lugar upang magtrabaho.
a. Bikolano

b. Ilokano

c. Tagalog

d. Bisaya

5. Ang pinakamalaking pangkat etniko ng mga di-Kristyanong Pilipino ay ang mga ______ .
a. Muslim

b. Ibaloi

c. Bisaya

d. Ifugao

6. Ang mga minoryang kultura ay ______ .


a. Hindi tuany na Pilipino
b. Mandarayuhan lamang

c. Mga Pilipino
d. Dapat kalimutan

7. Anong pangkat ang pinakamalaki sa minoryang kulturaa?


a. Ifugao

b. Tagalog

c. Bisaya

d. Muslim

c. Bikolano

d. Ilokano

c. Cotabato

d. Sulu

8. silay mahilig manabako kahit na babae, sino sila?


a. Muslim

b. Ifugao

9. Saan matatagpuan ang mga Muslim?


a. Batanes

b. Mindoro

10. Para sa mga Ita, ang gubat ang pinakamagandang tahanan. Iginagalang natin sila dahil ______ .
a. Silay mga dayuhan sa bansa
b. Silay nakikita lang sa Pilipinas
11

c. Silay mga Pilipino rin


d. Silay hindi Pilipino

V. Takdang-Gawain
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa ibat ibang pangkat-etnikong bumubuo sa bansang Pilipinas
sa pamamagitan ng Ibat Ibang Pangkat-etniko, Iisang bansa

11

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 12
I. Nakapagbibigay ng mga patunay na ang mga Pilipino ay magkakatulad sa hilig at paraan ng
pamumuhay dulot ng isang kasaysayan at heograpiya
II. Pagbibigay ng mga patunay na ang mga Pilipino ay magkakatulad sa hilig at paraan ng pamumuhay
dulot ng isang kasaysayan at heograpiya
B. 1. GMRC - Pangangalaga sa mga pinagkukunang-yaman
2. FILIPINO Pagsulat ng talata batay sa paksang pangungusap
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, I.A.12, p. 6 at 17
PBP 6, pp. 24 32, APSPNB 6, pp.
2. Mga larawang nagpapakita ng mga hilig at paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino
III. A. Panimulang Gawain:
1. Pagwasto sa takdang gawain.
2. Papagbalik-aralan:
a.

Anu-ano ang mga ibat ibang pangkat-etnikong bumubuo sa bansa? Saang lalawigan sila
matatagpuan? Paano magkakatulad o magkakaiba ang ibat ibang pangkat-etniko?

B. Mga Gawain sa pagdebelop ng Aralin:


1. Paglalahad:
a. Ilahad ang mapa ng mga pangkat-etniko sa bawat rehiyon sa bansa.

b. Ipahanap sa mapa ang kinaroroonan ng mga pangkat-etniko sa ibat ibang rehiyon sa bansa.
Papangalanan ang mga ito.
c. Itanong:
Anong pangkat-etniko ang kinabibilangan ninyo?
Paano kaya nagkakatulad sa ibang uri ng pangkat-etniko sa bansa ang inyong hilig at
paraan ng pamumuhay?
d. Pangkatin sa walo ang mga bata.
e. Ipalarawan sa bawat grupo ang hilig at paraan ng pamumuhay ng ibat ibang pangkatetniko sa bansa. Maari rin silang lumikha ng sariling organayzer.
f. Sabihin: Sa loob lamang ng 10 minuto, sikaping maibigay ang patunay na magkakatulad sa
hilig at paraan ng pamumuhay ang mga Pilipino / pangkat-etnikong itatakda sa inyong
grupo. Gamitin ang grapik organayser na nakadrowing sa pisara.
Hilig/Paraan
ng

MGA PANGKAT ETNIKO SA


REHIYON REHIYON REHIYON REHIYON REHIYON REHIYON REHIYON REHIYON

Pamumuhay
A. Hilig
B. Paraan ng
Pamumuhay

Grupo 1: Mga Pangkat-Etniko sa Rehiyon 1 at 2


Grupo 2: Mga Pangkat-Etniko sa Rehiyon 3 at 4
Grupo 3: Mga Pangkat-Etniko sa Rehiyon 5 at 6
Grupo 4: Mga Pangkat-Etniko sa Rehiyon 7 at 8
Grupo 5: Mga Pangkat-Etniko sa Rehiyon 9 at 10
Grupo 6: Mga Pangkat-Etniko sa Rehiyon 11 at 12
Grupo 7: Mga Pangkat-Etniko sa CAR at CARAGA
Grupo 8: Mga Pangkat-Etniko sa ARMM at mga taga-Metro Manila
g.
h.
i.
j.

Ipabigay ang mga pamantayan sa pagpapangkatang-pananaliksik.


Subaybayan ang gawain ng bawat grupo.
Ipapresinta, ipasuri at ipawasto sa mga bata ang kanilang awtput.
Itsek kung nasunod ng mga bata ang mga pamantayan sa pagpapangkatang-gawain. Itsek
din kung tamang lahat ang mga hinuhang sagot ng mga bata.
k. Itanong: Paano natin mapagyayaman ang mga bagong kaalamang napanaliksik natin?
l. Pasangguniin ang mga bata sa pahina 24 32 ng batayang aklat.
2. Pagtatalakay:
Paano nagkakatulad sa ibang pangkat-etniko ang hilig at uri ng pamumuhay ng inyong
sariling pamilya? ng mga tao sa sariling barangay / pamayanan? Ano ang ipinahihiwatig
nito?
Matwid bang pagtawanan o laitin ang uri ng pamumuhay ng mga Pilipinong kabilang sa
maliliit na pangkat-etniko? Bakit?
3. Pagbubuod:
Ano ang iyong masasabi tungkol sa hilig at paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino?
4. Paglalapat:
Dapat ba nating pahalagahan ang ating kasaysayan? Bakit? Paano?
5. Pagsasanay / Aplikasyon:
Ipasagot:
a. May maliit na pangkat-etnikong naninirahan sa inyong lugar. Paano ninyo tatratuhin?
b. May mga batang kabilang sa maliliit na pangkat-etnikong nais makipagkaibigan sa
inyo. Ano ang iyong gagawin? Bakit ninyo gagawin ito?
PAGSASANIB NG FILIPINO AT GMRC
Pagsulat ng mga slogan tungkol sa pangangalaga sa mga pinagkukunang-yaman.
Pagsulat ng talata batay sa mga paksang-pangungusap na ibibigay;
a.
b.
c.
d.
e.

Ang Pilipinas ay may masaganang pinagkukunang-yaman.


Magkakatulad ang hilig ng mga Pilipino.
Magkakatulad ang pamamaraan ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Makasaysayang bansa ang Pilipinas.
Mayamang bansa ang Pilipinas.

IV. Pagtataya:
Panuto: Sagutin.
1. Anu-ano ang mga hilig nating mga Pilipino?
2. Anu-ano ang mga paraan ng pamumuhay natin?
Panuto: Sagutin.
3. Humigit-kumulang sa _____ ang bilang ng mga pangunahing etniko sa Pilipinas.
a. 8
b. 80
c. 800
4. Isa sa mga pagkakaiba ng mga pangkat-etniko sa bansa ay ____.
a. Paraan ng pamumuhay
b. Lahing pinagmulan
c. Saloobin
5. Ang mga pangkat-etnikong Tausog, Badjao, at Samal ay naninirahan sa _____
a. Gitnang Mindanao
b. Gitnang Visayas
c. Gitnang Luzon

12

V. Takdang-Gawain
Sumulat ng isang talatang may paksang-pangungusap na;
Ang mga Pilipino ay magkakatulad sa hilig at paraan ng pamumuhay dulot ng iisang kasyasayan
at heograpiya.
Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6
ARALIN Blg. 13
I. Nakikilala ang mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino
II. Makilala ang pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod ng mga Pilipino
B. 1. GMRC - Pagmamahal sa kapwa / Pakikiisa sa mga gawaing pampamayanan.
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, I.A.13, p.6 at 17
PBP 6, pp 44 45, APSPNB 6, pp. 32 33
2. Mga larawang nagpapakita sa mga pagpapahalaga at paniniwala ng mga Pilipino
III. A. Panimulang Gawain:
1. Pagwasto sa takdang-gawain.
2. Pagbalik-aral.
> Ano ang mga patunay na ang mga Pilipino ay magkakatulad ng hilig at pamamaraan ng
pamumuhay?
> Anu-ano naman kaya ang pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ilahad ang tula. Magkaroon ng isa-isang pagbigkas.
Wikang Filipino
Sandakot na lupang naghiwa-hiwalay, nagkapangkat-pangkat
At ng malaunay nagiging pulong inangkin ng dagat;
Diniyos ng araw, ng bituin,ng buwan at hanging habagat;
Niyakap ng lupa, inampon ng bundok, minahal ng gubat.
Ang nakakatulad, mga butil-perlas na nagsabog-yaman
Na inaandukha ng malalaking alon nitong karagatan;
At hindi naglaon, binansagan itong Perlas ng Silangan,
Bayang Pilipinas... marikit, payapa, malayat mayaman.
At dahil sa yamang taglay nitong bayan; kayraming nagtangka
Na itoy maangkin, apihin, dustait alipining kusa;
Iba-ibang lahi, kanya-kanyang layon ditoy itinakda,
Bayay binusabos at sunud-sunurang inalsan ng laya.
Daming mga taon, kaguluhat takot, pangambat panganib;
Namayaning ganap dito sa bayan kong nagdusa nang tigib.
Lahing Pilipino na dating magiting, marahas... mapanlait
Nooy naging dungo at sunud-sunuran sa dayong malupit.
Kulturat tradisyon, diwa at damdamin, pati kaluluwa
Inangkin nang ganap, lahat ay binagong walang patumangga
Binago ang diwa, pati ang ugali, damdamit pithaya;
Pilipino sa kulay, ngunit pusot diway banyagang-banyaga.
Di lang itong anyo, ugalit isipan ang binagong lahat,
Maging itong wika ay pinangkat-pangkat... pinagtilad-tilad;
Binago ang tunog, ang letray binago, pati ang pagbigkas
Wikay nagpapalit, may nadaragdagan at may nababawas.
Wikang Filipino ay ano nga kaya sa taong dalwang libo?
Pasulong, paunlad, palawak, pasaklaw sa nagbabagong siglo;
May kaisahan na sa baybay at bigkas, sa pagsulat nito,
Wikang tanging gamit sa bayang Pilipinas, kalahi mat dayo.
Ang pambansang wika ang magiging salig nitong pagtuturo,
Sa lahat ng antas nitong karunungang hinubog ng guro
Maging sa kalakal o pulitika, Filipinoy sugo
Ng pagkakaisat pagkakapatirang di maigupo.
Sa komunikasyon bunga ng syensya at teknolohiya,
Ang paiiraling wika nitong bayan ay wika ng masa;
12

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

Sa gayoy mabilis ang pag-uugnayan at mawawala na


Ang diskriminasyon na nagiging ugat ng pagiging aba.
Kayat itong wika, wikang Filipino sa taong dalwang libo,
Nakalag nang ganap, gapos-tanikala ng pananagano;
Malaya, maunlad kahit anong oras, at sann mang dako,
Wikang ginagamit, nang walang pagtutol, kababayan mat dayo.

Pagsusuri sa mga larawang ipakikita.


Larawan 1:

Larawan ng mga pamilyang / mga taong sumasamba / sabay-sabay na


pumupunta sa kanikanilang bahay-sambahan, anoman ang kanilang relihiyon.
Larawan 2: Larawan ng mga Pilipinong nasa sementeryo at ipinagdiriwang ang
Araw ng mga Patay.
Larawan 3:

Larawan ng mga lalaking nagbubuhat ng bahay o nagbabayanihan at mga


babaet lalaking nagtatanim ng palay.
Larawan 4: Larawan ng mga anak na nagpapahayag ng pagnanais na
makaluwas ng bansa para magtrabaho ngunit pinipigilan naman ng mga
magulang
Larawan 5:

Larawan ng mga Pilipinong tunay na nakipaglaban sa mga dayuhan


makamit lamang ang tunay na demokrasya o kalayaan.
Larawan 6:

Larawan ng mga Pilipinong nakikiisa at nakipagtulungan sa mga pinuno ng


kawani ng pamahalaang matapat na naglilingkod sa bayan.
Larawan 7: Larawan ng mga Pilipinong nagkakabuklod-buklod kapag
ikinakasal o may namamatay sa pamayanan.
Hatiin sa 7 grupo ang mga bata.
Sabihin:
a. Isang makabayang awitin ang inyong mapapakinggan.
b. Pagsimula ng tugtog, pupunta ang bawat grupo sa larawang ang bilang ay pareho ng
bilang ng grupong kinabibilangan ninyo. Hal. Pupunta ang Grupo 1 sa larawan 1.
c. Pag-aralan ang pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipinong
ipinahihiwatig sa larawan.
d. Pagtigil ng tugtog sa alinmang bahagi ng awit, lilipat ang bawat grupo sa susunod na
larawan sa inyong kanan.
e. Sa muling pagtugtog ng awit, pag-aralan ang larawan at sikaping makilala rito ang
pagpapahalaga / paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino.
f. Uulit-ulitin ang nabanggit nang mga hakbang hanggang sa maubos mapuntahan at
mapag-aralan ng bawat grupo ang pitong larawan.
Ipabigay ang mga pamantayan sa pagpapangkatang paglalakbay sa paligid ng klasrum.

Patugtugin ng may katamtamang lakas sa cassette / VCD / MP4 ang alinmang awiting
makabayang kaugnay ng aralin habang nagpapangkatang paglalakbay ang mga bata.
2. Pagtatalakay:
Anu-anong pagpapahalaga at paniniwala nating mga Pilipino ang natuklasan ninyo sa mga
larawan?
Paano nabubuklod ang mga Pilipino ng bayanihan o pagtutulungan? Kasalan? Pagdiriwang
ng araw ng mga patay, ng pasko at iba pa? Pananalig sa Panginoon? Pagpapahalaga sa
demokrasya? Ng matibay na pagkakabuklod ng pamilya? ng matapat na paglilingkod ng
mga pinuno at kawani ng pamahalaan?
Alin sa mga pagpapahalagat paniniwalang nakilala ninyo ang ginagawa na ng inyong
pamilya? alin ang hindi pa? Bakit?
Sa palagay ninyo, alin sa mga pagpapahalaga at paniniwalang nakilala natin ngayon ang
dapat panatilihin nating mga Pilipino? Bakit?
Sa ating mga pagpapahalaga at paniniwala, alin ang dapat nating pagyamanin? Alin naman
ang dapat nating baguhin? Bakit?
- pagiging matipid
- pananalig sa Diyos
- pagmamagandang loob
- pagiging magalang
- pagkakabuklod ng mag-anak
- pakikisama
- pagtanaw ng utang na loob
PAGSASANIB NG GMRC
Sa anu-anong paraan natin maipakikita ang ating pagmamahal sa ating pamilya? sa ating
kapitbahay at iba pang kasapi ng pamayanan lalo na sa mga nangangailangan?
Dapat ba tayong makiisa sa mga gawaing pantahanan at pampamayanan? Bakit?
3. Pagbubuod:
Anu-ano ang mga pagpapahalaga at paniiwalang nagbubuklod sa ating mga Pilipino?
4. Paglalapat:
Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon?
a. Malaki ang baon mong pera sa iskul.
b. May sakit ang iyong kaibigang nakatira sa malayong bahagi ng bansa.
c. Masama ang panahon. Ang iyong bahay ay mataas habang ang mga kapitbahay ay
maaabot na ng baha.
d. Mayroon kayong mga encyclopedia na maaaring magamit ninyo sa inyong pangkatang
proyekto.
5. Pagsasanay:
PAGSASANIB NG FILIPINO
Pagsulat ng talata tungkol sa mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga
Pilipino
IV. Pagtataya:
Panuto: Anong pagpapahalaga at paniniwala ang nagbubuklod sa mga Pilipino? Piliin ang sagot
sa talaan sa ibaba..
Pagpapahalaga sa Edukasyon
Pagpapahalaga sa Kapangyarihan
Pag-ibig sa Kapwa

Pagbubuklod ng Mag-anak
Pagtanaw ng Utang na Loob
Pagpapahalaga sa Pagmamay-ari

1. Ibig ng anak ni Mang Julio na ibenta ang lupang tinitirikan ng bahay nila upang
makapaglakbay siya sa ibang bansa. Ayaw ni Mang Julio dahil minana raw niya ito sa tatay
niya.
2. May programang Clean Air ang pamahalaan. Ang mga tao ay nagsikap na mapalinis ang
kanilang bahay at kapaligiran.
3. Malilipat ang tatay ng opisina sa kabilang bayan. Ito ay nangangahulugan ng mataas na
suweldo. Ayaw niyang lumipat na hindi kasama ang asawat anak niya.
4. Ipinasok ng kumpare ng tatay mo ang kuya mo sa isang pabrika. Tuwang-tuwa ang kuya mo
kaya nagsikap siyang makapaglingkod nang tapat at maayos.
5. Biyuda na si Aling Rita. Ibig niyang makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang dalawang anak
kaya naglabandera siya at itinaguyod ang pag-aaral ng mga anak.

13

V. Takdang-Gawain
Sumulat ng isang talata tungkol sa pagmamahal sa kapwa / Pakikiisa sa mga gawaing pantahanan
at pamayanan.

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 14
I. Naibibigay ang kahulugan ng pagkakapantay-pantay ng tao
II. A. Maibigay ang kahulugan ng pagkakapantay-pantay ng tao
B. 1. GMRC - Pagkamasunurin sa batas / Paggalang sa mga karapatan at kalayaan ng kapwa
2. FILIPINO Pagsulat ng isang pinalawak na depinisyon tungkol sa isang ideya o konsepto sa
isang talata
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, I.A.14, p. 17
PBP 6, pp 44 45, APSPNB 6, pp. 33 34
2. Mga larawang nagpapakita at hindi nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng ibang tao (hal.
Pagtayo sa dulo habang naghihintay sa mga nauna sa paggamit ng public phone at pagsingit sa
pila, atbp)
III. A. Panimulang Gawain:
1. Pagwasto sa takdang gawain.
2. Pagbalik-aral:
> Anu-ano ang mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa ating mga Pilipino?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
a. Pagmamasid / Pagsusuri sa mga larawang ipakikita.

b. Pagbasa sa teksto sa pp. 33 34 o pakikinig sa lektura ng guro


2. Pagtatalakay:
Dapat bang pakitunguhan ang mga tao ng pantay-pantay? Bakit?
Ano ang ipinakikita sa bawat larawan? Aling mga larawan ang nagpapakita ng paggalang
sa mga karapatan ng ibang tao? Alin naman ang hindi? Anu-ano pa ang mga karapatan at
kalayaan ng bawat tao? Mahalaga ba ang pantay-pantay na pakikitungo ng mga tao sa
bawat isa sa pag-unlad ng isang bansa? Bakit? Kung hindi pantay-pantay ang pakikitungo
ng mga tao sa bawat isa, ano ang maaaring mangyari?
PAGSASANIB NG GMRC
Palitang-kuro tungkol sa pagkamasunurin sa batas / paggalang sa karapatan at kalayaan ng
kapwa bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kanila.
Ang paggalang ba sa karapatan ng ibang tao ay isang batas? Maituturing ba itong isang
paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kanila? Magbigay ng mga pangyayari o
sitwasyong nagpapakita ng paggalang sa mga karapatan o kalayaan ng ibang tao.
3. Pagbubuod:
Ano ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng mga tao sa pagkamit ng pambansang
pagkakaisa?
4. Paglalapat:
Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon?
13

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

a. Gusto mong magpatugtog nang malakas ngunit alam mong maaaring natutulog o
nagpapahinga pa ang iyong kapitbahay.
b. Nakita mong hawak-hawak ng iyong kamag-aral ang nawawala mong lapis.
c. Kailangan mong makapasok agad ng comfort room ngunit mayroon pang gumagamit
nito.
d. Nakita mo ang nawawalang pitaka ng iyong kamag-aral.
e. Napunit mo ang isang pahina ng librong hiniram mo sa iyong kamag-aral.
5. Pagsasanay:
a. Pagsulat ng isang talata tungkol sa kahalagahan ng paggalang sa mga karapatan o kalayaan
ng ibang tao.
b. Paggawa ng lista ng mga karapatan o kalayaan ng ibang tao.
IV. Pagtataya:
Panuto: Piliin ang tama sa mga sumusunod na sitwasyon.
1. a) Ang mga tao ay mahalaga kaya sila ay dapat na pakitunguhan nang pantay-pantay.
b) Ang mga tao ay mahalaga lamang kapag sila ay produktibo.
c) Ang mga tao ay mahalaga lamang kapag sila ay mayaman.
2. a) Ang mayayaman ay dapat na nakalalamang sa mahihirap.
b) Ang produktibo ay dapat na nakalalamang sa walang kaalaman at hanapbuhay.
c) Ang mahihirap at mayayaman ay dapat magkatulad.
3. a) Mayayaman lamang ang may karapatang mag-ari ng lupa at bahay.
b) Kapwa mayayaman at mahihirap ang may karapatang mamuhay ng matiwasay at tahimik.
c) Mahihirap lamang ang may karapatang tanggapin sa mga paaralang bayan.
4. a) Mayaman o mahirap ang taong nagkasala ay dapat lapatan ng kaukulang parusa kapag
lumabag sa batas
b) Ang mayaman ay may karapatang magbayad ng kaukulang perang halaga bilang parusa sa
kasalanan.
c) Ang mahirap ay di na kailangang parusahan.
5. a) Nakatutulong sa mga walang hanapbuhay ang limitadong karapatan at kalayaan.
b) Nakatutulong sa mga walang hanapbuhay ang mga programa ng pamahalaan para sa
paglinang ng kasanayan.
c) Hindi nakatutulong sa mga may kapansanan at walang hanapbuhay ang tulong ng ibang
mayayamang bansa.
14
V. Takdang-Gawain
Ipaliwanag sa isang talata kung paano nakatutulong ang pagkakapantay-pantay ng mga tao upang
tumaas ang pambansang ekonomiya.

14

Rey Rodriguez Document7/16/2015 8:40:38 PM

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 15.A
I. Naibibigay ang kahalagahan ng matapat na paglilingkod ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan
II. A. Maibigay ang kahalagahan ng matapat na paglilingkod ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan
B. 1. GMRC - Matapat na paglilingkod sa pamahalaan / Paggalang sa mga namumuno
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, I.A.15, p. 17
PBP 6, p. 45, APSPNB 6, pp. 34
2. Mga sitwasyong nagpapahiwatig ng kahalagahan ng matapat na paglilingkod ng mga pinuno at
kawani ng pamahalaan.
III. A. Panimulang Gawain
1. Pagwasto sa takdang gawain.
2. Balik-aral:
> Ano ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng mga tao sa pagkamit ng pambansang
pagkakaisa? Anu-ano ang mga ginagawa ng mga taong may pantay-pantay na pakikitungo sa
bawat isa?
3. Papagbigayin ang mga bata ng hinuhang sagot sa kasunod na tanong:
> Anu-ano ang kahalagahan ng matapat na paglilingkod ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaan?
4. Ipasulat sa pisara ang hinuhang sagot ng mga bata.
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
a. Pangkatin sa 5 ang mga bata.
b. Pabunutin ang lider ng bawat grupo ng isang sitwasyon.
SITWASYON 1.
Ipinagmamalaki ng mga taga-barangay Sta. Rosa ang mga guro sa
kanilang paaralan. Maaga silang pumasok at masisipag magturo. Kailanmay
hindi sila nasumpungang umuwi nang maaga.
SITWASYON 2.
Tapat sa paglilingkod sa bayan ang Mayor ng Bayan ng Matapat. Kahit
inalok siya ng napakalaking halaga ng mga dayuhan, hindi siya pumayag na
pagawan ng planta ng semento sa kanilang bayan. Wala rin siyang kinikilingan.
Mahirap man o mayaman, silay kanyang pinaglilingkuran. Dahil dito, mahal na
mahal siya ng taong-bayan kaya nakikipagtulungan sa kanya ang lahat niyang
nasasakupan.
SITWASYON 3.
Tapat na nagtatanggol sa mahihirap si Attorney Juan de la Cruz.
Kailanmay hindi siya tumanggap ng suhol para lamang manalo sa kaso ang
tunay na may kasalanan. Kung masyadong mahirap ang taong isinakdal kahit
walang kasalanan, ipinagtatanggol niya ang huli nang walang bayad. Mahal na
mahal at iginagalang siya ng kanyang mga kababayan.
SITWASYON 4.
Matanda na sa serbisyo sa pamahalaan si Sarhento Reyes. Wala sa
kanyang ugali ang pangungutong. Handa siyang laging maglingkod sa bayan,
anomang oras na siyay kailangan. Dahil dito, walang nagtatangkang masama

laban sa kanya. Magreretiro siyang kagalang-galang at minamahal ng taongbayan.


SITWASYON 5.
Mahusay na doktor ng pambansang ospital si Dr. Perez. Matiyaga niyang
ginagamot ang lahat na uri ng pasyenteng pumapasok sa ospital. Agad-agad
niyang ginagamot ang maysakit, kahit walang pambayad sa ospital at mga
gamot. Hangad ng taong-bayan na patnubayan siya ng Panginoong Diyos sa
kanyang panggagamot.
c. Sabihin:

Sa loob lamang ng 10 minuto, pag-aralang mabuti ang sitwasyong nabunot ng inyong


lider.
Tulung-tulong na gumawa / lumikha ng maikling usapan / dula-dulaan batay sa
sitwasyong pinag-aralan.
Sikaping maisakilos ang usapan / dula-dulaang mabubuo ng inyong grupo.

d. Ipabigay ang mga pamantayan sa pagpapangkatang gawain


e. Subaybayan ang gawain ng bawat grupo. Magpatugtog ng mahina ng isang awit na
makabayan habang nagpapangkatang gawain ang mga bata.
2. Pagtatalakay:
Sino sa mga tauhan sa dula-dulaang itinanghal ng ibat ibang grupo ang naibigan ninyo?
Panindigan ang sagot.
Paano nagkakahawig / nagkakaiba ang mga pinuno at kawani ng pamahalaan sa mga duladulaang itinanghal ng bawat grupo sa mga pinuno at kawani ng pamahalaan sa inyong lugar
/ pamayanan / bansa?
Bakit mahalaga ang matapat na paglilingkod ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan?
Kung ikaw ay maging pinuno o kawani ng pamahalaan, paano ka maglilingkod?
Pag-usapan ang kahalagahan ng matapat na paglilingkod ng mga pinuno o kawani ng
pamahalaan.
3. Pagbubuod:
Ang matapat na paglilingkod ay ginagantihan nang kusang-loob na pakikilahok ng mga
mamamayan sa mga programa ng pamahalaan.
4. Paglalapat:
Pagsagot sa mga tanong.
a. Kung ikawy maging Pangulo ng Bansa / Governador ? Mayor, paano mo ipakikita
ang matapat na paglilingkod sa bayan?
b. Bilang munting mamamayan sa bansa, paano ninyo ipakikita ang matapat na gawain
saanman kayo pumunta?
5. Pagsasanay:
Pagsulat ng isang talata tungkol sa kahalagahan ng matapat na paglilingkod sa pamahalaan.
15

IV. Pagtataya:
Panuto: Lagyan ng tsek kung nagsasaad ng kahalagahan ng matapat na paglilingkod at ekis kung
hindi.
1. Laging may ngiti sa mga labi sa pagsalubong sa mga taong kaharap.
2. Tinatapos ang gawain sa oras.
3. Parang walang nakikitang taong kaharap.
4. Pinagbubuti ang serbisyo sa mga mamamayan.
5. Humihingi ng bagay o suhol bago gawin ang dapat gawin.
6. Pumapasok nang maaga sa trabaho at gumagawa agad.
7. Magiliw sa mayayamang kausap.
8. Pinagtatakpan ang maling gawa ng kasama.
9. Ginagampanan ang tungkulin ng abot ng makakaya.
10. Walang sinasayang na oras sa trabaho.

15

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

V. Takdang-Gawain
Anu-ano ang mga tradisyonal na pagpapahalaga ng mga Pilipino?

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 15.B
I. Naibibigay ang kahalagahan ng matapat na paglilingkod ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan
II. A. Maibigay ang kahalagahan ng matapat na paglilingkod ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan
B. 1. GMRC - Matapat na paglilingkod sa pamahalaan / Paggalang sa mga namumuno
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, I.A.15, p. 17
PBP 6, p. 45, APSPNB 6, pp. 34
2. Mga sitwasyong nagpapahiwatig ng kahalagahan ng matapat na paglilingkod ng mga pinuno at
kawani ng pamahalaan.
III. A. Panimulang Gawain
Papag-usapan ang gawaing inihanda ng mga bata tungkol sa mga sitwasyon sa sariling
pamaanan na nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng mga tao.
Papag-usapain din ang mga pinuno at kawani ng pamahalaan sa sariling lugar na matapat na
naglilingkod sa bayan.
Ipabigay ang mga hinuhang sagot sa tanong na ito:
a. Bakit kaya mahalaga ang matapat na paglilingkod ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaan?
Ipasagot: Ano ang dapat nating gawin para matiyak kung tamang lahat ang ating hinuhang
sagot?
B. Mga Gawain sa Pagdecelop ng Aralin
1. Paglalahad:
Ilahad ang mga kasunod na usapan sa tulong ng OHP / mp4. Gumamit ng movie roll o
lektyuret kung walang OHP.
USAPAN A. Narito ang usapan ng mag-asawang Lina at Mando.
Lina

: Dahil sa matapat na paglilingkod ng mga pinuno at kawani ng


pamahalaan, marami na tayong mabubuting paglilingkod na
tinatamasa.

Mando : Siyanga! Kaya, para maipagpatuloy ng pamahalaan ang mga


programa nito, kailangang makiisa tayo rito. Dapat magbayad
agad tayo ng tamang buwis.
USAPAN B. Heto naman ang usapan ng dalawang teen edyer.
Janet : Joe, sisimulan na pala ng pamahalaan ang programa nitong
pagmumuling-gubat sa ating lugar sa Sabado
Joe : E, paano yung itinakda nating ekskursyon sa Rizal Beach?
Janet : Ipagpaliban na muna natin ang nasabing ekskursyon. Kailangang
makiisa tayo sa mga programa ng pamahalaan para maipakita natin
ang pagpapahalaga sa matapat na paglilingkod ng mga pinuno at
mga kawani nito.
Joe : Tama ka, Janet. At dahil sa matapat na paglilingkod nila,
nabubuklod tayong mga Pilipino sa matapat na pagpapasakop at
pagsunod sa batas.
Janet : Siyanga! At higit sa lahat, kusang nakikilahok ang mga taongbayan sa mga programa ng pamahalaan

USAPAN C. Narito naman ang reaksyon ng ilang mamamayan sa isang


kalsadang napabayaan ng mga pinuno ng pamahalaan.
G. Reyes : Kailan kaya ipaaayos ng ating pamahalaan ang mga lubaklubak na kalsada sa ating lugar?
G. Cruz : Aywan ko! Paano kasi ang mga pinuno ng ating pamahalaang
bayan.
G. Reyes : Talagang pabaya sila! Hindi nga nila mapigil ang illegal na
pasugal sa ating bayan!
G. Cruz : Oo nga! Kasi, kasangkot din sila rito.
USAPAN D. Heto naman ang damdamin ng taong-bayan ukol sa mga
pinuno ng pamahalaang di-tapat sa paglilingkod.
G. Credo : Magbabayanihan daw tayo sa ipapatayong waiting shed sa ating
bayan.
G. Lim : Ano? Matapos gugulin ng mga pinuno natin ang pera ng
pamahalaan, pagtatrabahuhin nila tayo nang libre?
G. Credo : Oo nga! Kaya nawalan na tuloy ako ng tiwala sa ating mga
pinuno. Kahit pagbayad ng buwis, ayoko na!
G. Lim : Pareho pala tayo kaibigan! Ang ibabayad ko ng buwis, mabuti
pang itaya ko na lamang sa hweteng!
G. Lim at G. Credo : Ha, ha, ha, ha, ha!
Ipaulit sa mga bata ang bawat usapan. Ipasakilos ito.
Alin sa mga usapan ang nangyayari sa inyong pamayanan? Patunayan.
2. Pagtatalakay:
Ipatalakay:
a. Bakit daw mahalaga ang matapat na paglilingkod ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaan?
b. Ilarawan ang reaksyon ng ilang mamamayang Pilipino ukol sa mga pinunong hindi
tapat sa paglilingkod.
c. Samakatwid, para sa inyo, bakit mahalaga ang matapat na paglilingkod ng mga pinuno
at kawani ng pamahalaan?
d. Kung kayoy maging pinuno ng pamahalaan, aling uri ng pinuno ang pipiliin ninyo?
Bakit?
3. Pagbubuod:
Papagbigayin ang mga bata ng mahahalagang kaisipan kaugnay ng paksang-araling pinagaralan.
4. Aplikasyon:
Nahirang kang opisyal ng Kabataang Barangay. Paano mo ipakikita ang matapat na
paglilingkod bilang opisyal?
C. Pangwakas na Gawain
Ipaawit nang madamdamin ang Pilipino. Papagmartsahin ang mga bata habang umaawit.
16

IV. Pagtataya:
Panuto: Magbigay ng kahit tatlong kahalagahan ng matapat na paglilingkod ng mga kawani at
pinuno ng pamahalaan.
V. Takdang Aralin:
Magkasundong alamin ang ilang tradisyonal na pagpapahalaga ng mga Pilipino.

16

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 16
I. Nakikilala ang ilang tradisyonal na pagpapahalaga ng mga Pilipino
II. A. Pagkilala sa ilang tradisyonal na pagpapahalaga ng mga Pilipino
B. 1. GMRC - Pagmamahal sa magulang, sa kapatid at sa kapwa
2. FILIPINO Paglalarawan sa katangian ng tauhan batay sa kanyang pananalita o pagkilos
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, I.A.16 at 17, p. 17
PBP 6, pp 46 53, APSPNB 6, pp. 38 45
2. Mga teksto para sa pagsasanay
III. A. Panimulang Gawain:
1. Pagwasto sa takdang gawain
2. Balik-aral:
> Ano ang kahalagahan ng katapatan ng paglilingkod sa pamahalaan ng mga namumuno at
kawani nito sa pagkamit ng pambansang pagkakaisa o kaunlaran?
3. Sabihin:
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Sumasang-ayon ka ba sa kawikaang ito?
Kung opo ang iyong sagot, nagpapahalaga ka sa pagtulong ng Diyos sa paggawa.
Mayaman sa pagpapahalagang moral at ispiritwal ang mga Pilipino. Ang karamihan sa
mga itoy minana pa nila sa kanilang mga ninuno. Tradisyunal na pagpapahalaga ang tawag
dito. may alam ba kayong ilang halimbawa nito?
4. Itanong: Paano natin pagyayamanin ang ating mga kaalaman tungkol sa ilang tradisyunal na
pagpapahalaga ng mga Pilipino?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paghahanda para sa Pangkatang-Gawain:
Hatiin sa 7 pangkat ang klase
Pabunutin ng isang nilukot na papel ang lider ng bawat grupo
Sabihin:
a. Sa loob lamang ng 5 minuto, pag-aralang mabuti ang maikling komik strip na ibibigay
sa inyong grupo.
b. Tulung-tulong na kilalanin ang tradisyunal na pagpapahalaga ng mga Pilipino sa
komik strip na pinag-aralan.
c. Tulung-tulong ding sagutin ang mga tanong sa ibaba ng komik strip.
d. Bigyang pagkakataon ang bawat kasapi ng grupong makapagsalita sa pagpepresinta ng
awtput ng grupo.
Ibigay sa bawat grupo ang kasunod na mga sitwasyon.
Sitwasyon 1.
Uliran ang mag-anak ni Mang Rey at Aling Agnes. Masayat nagkakaisa ang
mga kasapi ng pamilyang ito. Maganda ang pagtitinginan nila sa isat isa. Dahil dito,
ginagawa nila ang lahat ng paraan huwag lamang silang magkalayu-layo.
Sagutin:
Matibay rin ba ang pagkakabuklud-buklod ng inyong pamilya? Patunayan.
Sitwasyon 2.
Tulumg-tulong at sama-sama ang mga taga-nayon ng Sta. Maria sa paggawa ng
mabubuting bagay. Nakikipagtulungan sila sa kanilang kanayon sa pagtatanim ng

palay. Nagbabayanihan sila. Naipakikita nila ito sa pamamagitan ng tulung-tulong na


pagbuhat ng bahay.
Sagutin:
Nagbabayanihan din ba ang mga tao sa inyong lugar? Sa paanong paraan?
Sitwasyon 3.
Matibay ang paninindigan ni Linda. Para sa kanya, dapat pahalagahan ang
kapangyarihan ng mga magulang at mga nakatatanda. Lagi silang nagtatalo at ang
kaibigan niyang si Leizel.
Leizel: Bakit lagi kang nagmamadali sa pag-uwi ha, Linda?
Linda: Alam mo, mahigpit ang mga magulang ko. Madalas nila akong pagalitan
kapag naaatraso sa pag-uwi buhat sa paaralan.
Leizel: Aba! Nasa ikaanim na grado ka na, Linda! Kailangang matuto ka nang
magpasya! Hindi naman yata tamang lagi mong susundin ang iyong mga
magulang!
Linda: Mga Pilipino tayo, Leizel. Dapat pahalagahan at igalang natin ang
kapangyarihan ng ating mga magulang at nakatatanda sa atin! Kailangang
pasakop tayo sa kanila.
Sagutin:

1. Sino ang higit ninyong nagugustuhan, si Linda o si Leizel? Bakit?


2. Nagpapahalaga rin ba kayo sa kapangyarihan ng inyong mga magulang? Sa
paanong paraan?
Sitwasyon 4.
Walang pinipiling tao si Mang Ben. Lahat ng taong pumupunta sa bahay nila ay
pinakakain at iniistima niya. Tama kaya ang ginagawang ito ni Mang Ben? Bakit?
Heto namang si Mang Pepe. Marami siyang kaibigan. Sinisikap niyang
mabigyan ng kasiyahan ang lahat ng kaniyang kaibigan. Nagpapahalaga siya sa
pakikisama.
May kilala rin ba kayong tulad ni Mang Pepe? Tama ba kaya ang ginagawa
niya? Bakit?
Sitwasyon 5.
Laging nagtatalo sina Pedro at Luis.
Luis: Pedro, bakit haggang ngayong may asawa ka na, e, nagbibigay ka pa ng pera sa
mga magulang mo?
Pedro: Naku, Luis! Malaki ang utang na loob ko sa aking mga magulang. Dapat
lamang na tumanaw ako sa kanila ng utang na loob!
Sagutin:
Sumasang-ayon ba kayo kay Pedro? Kay Luis? Bakit? Paano ninyo maaaring
maipakita ang pagtanaw ng utang na loob sa inyong mga magulang?
Sitwasyon 6.
Alalang-alala si Aling Riza sa kalagayan ng pamilya. abut-abot ang paninisi
niya sa kanyang asawa dahil sa pagsama niya sa pagwewelga na naging daan para
matanggal sa trabaho.
Aling Riza: Paano na kaya tayo, Leo? Magkoko;ehiyo na ang 2 nating anak? Apat ang
papasok sa High School. Apat din ang nasa elementarya! Natanggal ka pa
sa iyong trabaho dahil sa pagsama sa pagwewelga.
Mang Leo: Bahala na sa atin ang Panginoong Diyos! Bahala na rin sa atin ang ating
mga magulang at kamag-anak!
Sagutin:

Anong ugali ang taglay ni Leo? Ilan pa kaya ang tulad niyang may ugaling
bahala na? Makabubuti kaya ang ugaling ito? Bakit?
Sitwasyon 7.
Bantog na bantog si Ramon sa kanyang ugaling ningas-kogon. Mabilis iyang
sinisimulan ang anomang gawain at proyekto. Subalit, kapag nangangalahati na ng
gawain, tinatamad na siya. Iniiwan na niya ito. Matagal na matagal bago niya matapos
ang anomang gawaing sinimulan niya.
Sagutin:
May alam ba kayong taong tulad ni Mang Ramon? Dapat ba siyang tularan?
Bakit?
Jose:

Ramon, pakitahi agad ng aking pantalon. Kailangan ko ito bukas.

Ramon: Madali lang ito. Mamaya, tatahiin ko na ito.


Kinabukasan dumating si Jose para kunin ang ipinatahing pantalon.
Ramon: Sori, Jose! Ibang pantalon mo na lamang ang isuot. Bukas ko pa ito matatahi.
Sagutin:
Nagpapaliban din ba kayo ng gawain? Ano ang idudulot ng ugaling maana
habit sa buhay ng tao?
2. Pag-uulat ng Bawat Grupo
Ipapresent, ipasuri at ipawasto ang awtput ng bawat grupo.
Magbigay ng karagdagang input kung kinakailangan.
(Paalaala sa Guro. Kung hindi matapos ngayon ang pag-uulat, ipagpatuloy ito sa susunod
na pagkaklase.)
3. Pagtatalakayan:
Alin sa mga tradisyonal na pagpapahalagang Pilipino ang dapat nating panatilihin? Bakit?
Alin sa mga tradisyonal na pagpapahalagang Pilipino ang ginagawa na ng inyong pamilya?
Alin ang hindi? Bakit?
Paano nagkakabuklod ang mag-anak na Pilipino? Paano nakatutulong ang ganitong uri ng
pagkakabuklod sa pag-unlad ng isang pamilya? Ng pamayanan? Ng bansa? Paano naman
ito nakahahadlang? Magbigay ng mga sitwasyon.
Paano pinapahalagahan ng mga Pilipino ang kapangyarihan? Paano nakatutulong ang
ganitong uri ng pagpapahalaga sa kapangyarihan sa pag-unlad ng isang pamilya? Ng
pamayanan? Paano naman ito nakahahadlang? Magbigay ng mga sitwasyon.
Para sa inyo, aling tradisyonal na pagpapahalaga ng mga Pilipino ang makatutulong sa pagunlad ng pamumuhay? Panindigan ang sagot.
Bukod sa pagkamakabayan narito ang ilan pang pagpapahalaga sa mga Pilipino:
a. Pagpapahalaga sa tamang oras pagsunod sa takdang oras sa paaralan, opisina,
pagawaan, mga programa/tanghalan.
b. Kababaang Loob pagkamodelo ng isang Pilipino.
c. Pagpapahalaga sa Kalikasan tanyag ang Pilipino sa yaman ng kalikasan
d. Pakikipag-kapwa tao pagdamay sa nagdadalamhati, biktima ng kalamidad.
e. Pagkamakabayan pagtatanggol sa bayan, pagdiriwang ng kalayaan.
f. Pagkamasunurin Ang masunuring anak ay ligaya at yaman ng magulang, katulad
ng Inang Bayan.
g. Pananampalataya sa Poong Maykapal pagsisimba, pangingilin. Harapin muna ang
kaharian ng Diyos at ang lahat ng mithiin mo ay mapapasaiyo.
h. Pag-ibig sa Kapwa Ang tao ay hindi nabubuhay para sa sarili lamang. Kailangan
niya ang kapwa tao sa bawat galaw ng mundo. Pag-ibig sa Diyos ay Pag-ibig sa
Tao.
4. Pagbubuod:
Paano nakatutulong o nakahahadlang sa pag-unlad ng bansa ang pagkakabuklod ng maganak? Ang pagpapahalaga sa kapangyarihan? Sa pag-unlad ng kabuhayan ng isang tao ang
pagpapahalaga sa pagmamay-ari?
5. Paglalapat:

Ano ang maitutulong mo upang lalong tumibay ang pagkakabuklod ng inyong mag-anak?
Ang pagpapahalaga sa kapangyarihan?
6. Pagsasanay:
Punan ang mga kahon upang mabuo ang salitang kaugnay ng ibinigay sa pangungusap.
a. Kailangan sa paglilingkod.

A
A

b. Pagbabawas ng pagkain

A P
L

T
N

c. Dapat laging pahalagahan


d. Pinapahalagahan sa, trabaho at mga gawain
e. Pag-ibig sa Diyos ay ___ ___
sa kapwa.
IV. Pagtataya:
17

Panuto: Isulat ang titik ng kung anong tradisyunal na pagpapahalaga ang mga sumusunod.
Hanapin ang sagot sa kahon.
A. Pagkamakabayan
B. Matipid
C. Matulungin

D. Magalang
E. Pananalig sa Diyos
F. Pagmamagandang-loob

G. Maalalahanin

1. Matapat sa pagbabayad ng buwis


2. Ang po at opo ay dapat panatilihin.
3. Iginagalang natin ang mga nakatataas sa tungkulin.
4. Nagdadala ng pasalubong sa mag-anak ang Pilipinong umaalis.
5. Nag-iipon ng pera ang mga Pilipino sa bumbong ng kawayan.
6. Naniniwala ang mga Pilipino na ang lahat ng nagaganap sa kanilang buhay ay kaloob ng
Diyos.
7. Sinasalubong natin nang buong lugod ang sinumang panauhin.
8. Ang paggalang sa mga magulang at nakatatanda ay isa sa natatanging kaugalian ng mga
Pilipino.
9. Naniniwal tayo sa kasabihang Kung may itinanim, may aanihin.
10. Pagtulong sa mga nangangailangan.
V. Takdang-Gawain
Paano nakatutulong sa pag-unlad ng sariling pamilya ang isang tradisyonal na pagpapahalaga?

17

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 17
I. Natatalakay kung paano ang isang pagpapahalaga ay nakatutulong o nakakahadlang sa pag-unlad ng
bansa
II. A. Pagtatalakay kung paano ang isang pagpapahalaga ay nakatutulong o nakakahadlang sa pag-unlad
ng bansa
B. GMRC - Pananalig sa Diyos, katatagan at sapat na tiwala sa sarili
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, I.A.17, p. 17
PBP 6, pp 43 44, APSPNB 6, pp. 31 38
2. Mga teksto para sa pagsasanay
III. A. Panimulang Gawain
1. Pagwasto sa takdang gawain
2. Balik-aral sa nakaraang aralin.
3. Papagbigayin ang mga bata ng hinuhang sagot tungkol sa tanong na ito:
Paano kaya nakatutulong o nakahahadlang sa pag-unlad ng bansa ang isang
pagpapahalaga?
4. Ipasulat sa pisara ang mga hinuhang sagot ng mga bata.
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Pangkatin sa 5 ang mga bata.
Sabihin:
a. Sa loob lamang ng 10 minuto, pag-aralan at suriing mabuti ang bawat usapan at
sitwasyon na ibibigay sa inyong grupo.
b. Tulung-tulong na talakayin kung paano nakatutulong o nakahahadlang sa pag-unlad ng
bansa ang pagpapahalaga sa bawat usapan at sitwasyon na pinag-aralan.
c. Tulung-tulong na sagutin ang mga tanong sa ibaba ng bawat usapan at sitwasyon.
d. Bigyang pagkakataon ang bawat kasapi ng grupong makapagpapahayag ng sarili sa
pagpepresinta ng awtput ng grupo.
Ipabigay ang mga pamantayan sa pagpapangkatang-gawain.
Ibigay sa bawat grupo ang mga usapan at sitwasyon.
USAPAN PARA SA GRUPO 1
G. Reyes:

Itay, tatlo na po ang anak namin ni Rosa. Kailangan pong magbuklod na


rin kami ng tahanan.

Mang Sebio: Hindi maaari! Hanggat buhay kami ng Inay mo, walang sinuman sa
inyong magkakapatid ang papayagan kong mapalayo sa tahanang ito.
Maya-maya, dumating naman si Carmen.
Carmen:

Itay, Inay! Inalok po akong magtrabaho sa Canada bilang nars! Tatlong


libong dolyar po ang sahod ko sa isang buwan.

Mang Sebio at Aling Pacing: Hindi kami pumapayag na magtrabaho ka sa ibang


bansa!
Makatutulong ba sa pag-unlad ang matibay na pagkakabuklod ng mag-anak ni
Mang Sebio? Bakit?

USAPAN PARA SA GRUPO 2


Matibay ang pagkakabuklud-buklod ng pamilya ni Mang Arturo. Sama-sam at

tulung-tulong sila sa paggawa ng mabubuting bagay, tulad ng paglilinis ng tahanan,


pag-aalaga ng hayop, paghahalaman at pagluluto ng pagkain.
Makatutulong kaya o makahahadlang sa pag-unlad ng bansa ang
pagkakabuklud-buklod ng pamilya ni Mang Arturo? Bakit?
Ano kaya ang maaaring mangyari kung lahat ng pamilya ay tulad sa pamilya ni
Mang Arturo?

USAPAN PARA SA GRUPO 3


May paligsahan sa palabigkasan sa Paaralang Elementarya ng Fugu. Ilang
minuto na lamang bago magsimula ang paligsahan, kinausap si Rona ng kanyang guro.
Gng. Cruz: Rona, may sakit si Marlo. Ikaw na ang lalahok sa paligsahan.
Rona:

Pero, Madam! Hindi po ako nakahanda!

Gng. Cruz: Magtiwala ka sa tulong ng Panginoong Diyos, Rona.


Rona:

Opo, Madam! Diyos ko! Bahala na po kayo sa akin!

Nakamit ni Rona ang unang gantimpala. Nakatulong ba kay Rona ang ugaling
bahala na sa pagkakataong iyon? Bakit?
USAPAN PARA SA GRUPO 4
Basahin ang usapang ito nina G. Manuel Torres, manedyer ng Torres Shoe
Factory, at ni Ben, isang manggagawang ipinasok niya sa trabaho.
G. Torres: Ben, kahanga-hanga kang talaga! Lagi kang maagang pumasok pero
pinakahuling umuwi. Matataas rin na uri ng sapatos ang iyong nayari!
Ben:

Kailangang gawin ko po ito, Sir. Malaki ang utang na loob ko sa inyo.


Kailangang pagbutihin ko ang aking paggawa upang makaganti sa mga
kabutihan ninyo sa akin.

G. Torres: Lalo mo akong pinahahanga sa iyo, Ben. Kung lahat lamang ng mga
manggagawa ay tulad mo, marahil,madaling uunlad ang pagawaang ito!
Kahit hindi magwelga ang mga manggagawa ay tataasan ko sila ng
suweldo.
Ben:

Hayaan po ninyo, Sir. Sisikapin ko pong maging huwaran na manggagawa.

Makatutulong ba sa pag-unlad ng bansa ang paraan ng pagtanaw ng utang na


loob ni Ben kay G. Torres? Patunayan.
USAPAN PARA SA GRUPO 5
Heto naman sina Mang Lucas at Mang Lucio, mga kawani ng isang tanggapan.
Lucio: Lucas, wala ka bang napapansin sa janitor ng ating tanggapan?
Lucas: Bakit, Lucio? Anong napapansin mo sa kanya?
Lucio: Lagi siyang huli kung pumasok. Tatlong araw lamang sa isang linggo kung
pumasok pero walang bawas ang kanyang suweldo. Bakit di siya pinupuna ng
ating tagapamahala?
Lucas: Aba, di mo ba alam na malaki ang utang na loob ng tagapamahala natin sa
ating janitor?
Lucio: Bakit naman?
Lucas: Siya ang anak ng Ninong ni Sir sa kasal!
Lucio: Ha, ha, ha! Kaya naman pala!
Paano ipinakita ng tagapamahala ng tanggapan ang pagtanaw ng utang na loob
sa janitor? Makabubuti kaya ito? Bakit?
Subaybayan ang gawain ng bawat grupo.

Ipapresinta, ipasuri at ipawasto ang awtput ng bawat grupo. Ipaulit ast ipasakilos muna ang
usapan sa bawat sitwasyon na pinag-aralan bago ipabigay ang sagot sa mga tanong sa ibaba
nito.
Itsek kung tamang lahat ang hinuhang sagot ng mga bata sa panimulang gawain.
Magbigay ng karagdagang input, kung kailangan.
2. Pagtatalakay:
Ipaliwanag kung paano nakatutulong o nakahahadlang sa pag-unlad ang alinman sa
pagpapahalaga ng mga Pilipino.
Bilang munting bayani ng bansa, paano ninyo isasabuhay ang isang pagpapahalaga upang
makaambag sa pag-unlad ng bansa?
Kailan nasasabi ng isang tao ang Bahala na? Ano ang ibig sabihin nito? Kailan nasasabing
ito ay nakatutulong sa kabuhayan ng isang tao? Kailan naman ito nakasasama?
3. Pagbubuod:
Paano nakatutulong o nakahahadlang sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao/bansa ang
pagpapahalaga pagkakabuklud-buklod ng pamilya? Sa pagtanaw ng utang na loob? Sa
paggamit ng Bahala na?
4. Paglalapat:
Kung ikaw ay papasok sa isang negosyo, anu-ano ang mga katangiang kakailanganin mo
upang magtagumpay?
IV. Pagtataya:
18

Panuto: Pag-aralang mabuti ang bawat sitwasyon bago sagutin ang kasunod na mga tanong.
Sitwasyon A:
Mahusay manahi si Mang Berto. Subalit maraming pantalon ang hindi niya
nayayari. Lagi kasi niyang ipinagpapapbukas ang kanyang mga gawain. Dahil dito,
iniwan siya ng kanyang mga suki. Malaking bahagi tuloy ng kanyang kita ang nawala!
1. Anong pagpapahalaga ang ipinakita ni Mang Berto?
a. pakikisama
b. utang na loob

c. maana habit

2. Nakatutulong ba o nakahahadlang sa pag-unlad ang pagpapahalaga ni Mang Berto? Bakit?


a. Nakatutulong, sapagkat nakapagpapahinga ang isang manggagawa.
b. Nakahahadlang, sapagkat magiging sanhi ito ng pagliit ng kita ng isang manggagawa.
c. Nakatutulong, sapagkat nagtitipid ang isang taong maliit ang kita.
Sitwasyon B:
Ipinasok ni G. Ramos si Mang Leon bilang manggagawa sa isang pabrika.
Pinagbuti ni Mang Leon ang paggawa sa mga unang buwan lamang. Pagkalipas nito,
tamad na siyang gumawa at laging nahuhuli sa pagpasok. Wala na rin siyang iniisip
kundi ang magwelga kapag hindi taasan ng sweldo.
1. Anong pagpapahalaga ang ipinakita ni Mang Leon?
a. maana habit

b. pakikisama

c. ningas-kogon

2. Nakatutulong ba ito o nakahahadlang sa pag-unlad ng bayan? Bakit?


a. Nakatutulong, sapagkat mapipilitan ang tagapamahala ng negosyo na taasan ang sahod ng
manggagawa.
b. Nakahahadlang, sapagkat labag sa batas ang paghingi ng mataas na sahod.
c. Nakahahadlang, sapagkat kapag maraming gawain ang hindi matatapos, malulugi at
magsasara ang isang pagawaan.
V. Takdang-Gawain
Magkasundong gumawa ng Personal Development Plan. Ipagamit ang ganitong pormat.
Di Kanais-nais na Pagpapahalagang
Taglay Ko

18

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

Mga Hakbang na Gagawin Ko Para


Makatulong sa Pag-unlad ang
Pagpgpghalagang Taglay Ko

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 18
I. Nakabubuo ng konklusyon na ang magkakatulad na pagpapahalaga at paniniwala ng mga Pilipino ay
naging batayan ng pambansang pagkakaisa
II. A. Pagbubuo ng konklusyon na ang magkakatulad na pagpapahalaga at paniniwala ng mga Pilipino ay
naging batayan ng pambansang pagkakaisa
B. 1. GMRC - Pagtitiwala sa sariling kakayahan at pananampalataya sa kapangyarihan ng ating
Panginoong Diyos / Pagkakaisa at pagtutulungan
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, I.A.18, p. 6 at 17
APSPNB 6, pp. 45 46; PBP 6, p. 54
2. Mga sariling karanasan ng mga mag-aaral
Nakalimbag na awit, Kaunlaran
III. A. Panimulang Gawain
1. Papag-usapan ang mga hakbang na gagawin ng mga bata para makatulong sa pag-unlad ang mga
pagpapahalagang Pilipinong taglay nila. Ipabuo sa mga bata ang sinimulang Personal
Development Plan sa Aralin 17.
2. Ipabigay ang mga hinuhang sagot sa tanong na ito.
Anu-anong magkakatulad na pagpapahalaga ng mga Pilipino ang inaakala ninyong
magiging batayan sa pambansang pagkakaisa?
3. Papagbigayin ang mga bata ng mga mungkahi sa pagtiyak kung tama ang kanilang mga
hinuhang sagot.
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Pangkatin sa 5 ang mga bata.
Papag-usapan sa bawat grupo ang mga pagpapahalagang taglay ng kani-kanilang
kapamilya. Ipahambing ang mga ito.
Sabihin:
a. Sa loob lamang ng 10 minuto, pag-usapan ng bawat grupo ang mga pagpapahalagang
taglay ninyo at ng inyong kapamilya.
b. Paghambingin ang mga pagpapahalagang ito.
c. Pagsama-samahin ang magkakaparehong pagpapahalagang makatutulong sa pag-unlad
ng bansa.
d. Maaaring gamitin ang ganitong pormat.
Pamilya

Mga Pagpapahalaga ng Pamilya

A.
B.
C.
D.
e. Tulung-tulong na sagutin ang kasunod na mga tanong
i. Aling mga pagpapahalaga ng mga pamilya ang magkakatulad?
ii. Alin sa mga ito ang makatutulong sa pag-unlad ng bansa? Alin sa mga ito ang
maaaring maging batayan ng pambansang pagkakaisa?

Ipabigay ang mga pamantayan sa pagpapangkatang-gawain.


Subaybayan ang gawain ng bawat grupo.
Ipapresinta at ipasuri ang awtput ng bawat grupo, sa tulong ng mga Venn Dayagram.
Ipasama-sama ang magkakatulad na pagpapahalaga at paniniwala ng ibat ibang grupo, na
magiging batayan sa pambansang pagkakaisa.
Ipapansin sa mga bata kung tamang lahat ang kanilang mga hinuhang sagot.

Pabuuin ang mga bata ng konklusyon batay sa pinagsama-samang magkakatulad na


pagpapahalaga at paniniwala na magiging batayan ng panmbansang pagkakaisa.
C. Pangwakas na Gawain:
Ipaawit ang kasunod na awit.
KAUNLARAN
Di ba ang ibig nating lahat
na ang bayan ay umunlad?
Itoy hindi magaganap
kung tayo ay magtatamad.
Pagsulong ng ating bayan,
wala sa paglalamangan.
Kailangay magtulungan
at lagi nang magbigayan.
Pag tayoy nagwatak-watak,
nagkanya-kanya ng lakad
Ang bayan ay di-uunlad
kundi bagkus maghihirap!
Koro:
Kaya tindig, makiisa.
Ang bayan ay sino baga?
Kundi ikaw, ako, siya
Tayong lahat walang iba!
Kaya tindig, makiisa.
Ang bayan ay sino baga?
Kundi ikaw, ako, siya,
Tayong lahat, walang iba!
IV. Pagtataya:
19

Panuto: Sagutin at talakayin ang sumusunod na mga tanong. Ilagay sa isang flow chart ang
kasagutan sa mga tanong.
1. Anu-ano ang mga tradisyunal na pagpapahalaga ng mga Pilipino?
2. Paano nakatutulong sa pag-unlad ng bansa ang bawat pagpapahalagang ito?
3. Paano naman ito nakahahadlang?
4. Ano ang batayan ng pambansang pagkakaisa?
Hal. ng flow chart
Nakatutulong sa
Pag-unlad ng bansa
Tradisyunal na
Pagpapahalaga

Batayan ng Pambansang
Pagkakaisa

Nakahahadlang sa
Pag-unlad ng bansa

V. Takdang-Gawain
Sagutin ang mga tanong batay sa ipinakikita ng inyong pamilya.
a. Anu-ano ang mga tradisyunal na pagpapahalagang nakikita sa inyong pamilya?
b. Dapat ba itong panatilihin? Bakit?

19

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 19
I. Nagagamit ang grid sa globo at mapa sa paghanap ng isang lugar
II. A. Magamit ang grid sa globo at mapa sa paghanap ng isang lugar
B. 1. GMRC Pagkakaroon ng sikap at tiyaga sa pag-aaral.
2. FILIPINO Pagsunod sa panuto o direksyon
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, II.A.1, p. 18
APSPNB 6, pp. 64 67; PBP 6 p. 59 - 61
2. Globo at Mapa ng Pilipinas/Mundo
III. A. Panimulang Gawain
1. Magkaroon ng 3 minutong pagbabalitaan tungkol sa napapanahong isyung global at lokal.
2. Papagbalik-isipan ang mga katangian ng guhit-latitud at guhit-longhitud sa globo na natutuhan
sa Ikaapat na Grado.
Ano kaya ang tawag sa pinagsama-samang guhit-latitud at longhitud? Bakit kaya mahalaga
ito?
3. Papagbigayin ng mga hinuhang sagot ang mga bata.
4. Itanong: Paano natin matitiyak kung tama ang ating mga hinuhang sagot?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ipakita ang isang globo o mapa.
Ipakita ang mga lugar dito at lokasyon ng bawat isa. (Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng
Pilipinas)

Sagutin ang mga sumusunod:


a.
b.
c.
d.
e.

Nasaan ang Philippine Sea?


Ano ang ipinapakita ng International Boundaries?
Ano ang baseline na tinatawag?
Saan makikita ang Luzon Sea?
Bakit mahalagang malaman ang hangganan / teritoryo ng Pilipinas?

Pangkatin sa 4 ang mga bata.


Ipabigay ang mga pamantayan sa pagpapangkatang-gawain.
Bigyan ng gawain ang bawat grupo.
Grupo 1 at 2: Gumamit ng aklat sa HeKaSi at globo. Tulung-tulong na sagutin ang
kasunod na mga tanong sa loob lamang ng 10 minuto.
1. Ano ang grid? Paano ito nabubuo sa globo? Magbigay ng halimbawa nito.
2. Ibigay ang mahahalagang gamit ng grid.
3. Pangalanan ang mga bansang matatagpuan sa pagitan ng 116 digri at 126 digri S
longhitud at sa pagitan ng 4 digri hanggang 21 digri H latitud.

4. Magtala ng kahit 3 bansang matatagpuan sa pagitan ng 30 digri at 90 digri S longhitud


at sa pagitan ng 0 digri at 45 digri H longhitud.
Grupo 3 at 4: Humiram ng mapa ng daigdig at aklat sa HeKaSi. Tulung-tulong na sagutin
ang kasunod na mga tanong sa loob lamang ng 10 minuto.
1. Ano ang grid? Paano ito nabubuo sa globo? Magbigay ng halimbawa nito.
2. Bakit mahalaga ang grid?
3. Pangalanan ang bansang matatagpuan sa pagitan ng 116 digri at 126 digri S longhitud
at sa pagitan ng 4 digri hanggang 21 digri H latitud.
4. Hanapin sa mapa, sa tulong ng grid ang kasunod na mga bansa:
a) Thailand
b) Tsina
c) Singapore
Subaybayan ang mga mag-aaral sa kanilang pagpapangkatang-gawain
Pagpresinta at Pagsusuri ng Awtput ng Bawat Grupo:
Iwasto sa marahang paraan ang maling sagot ng alinmang grupo. Ipahanap uli sa aklat ang
tamang sagot.
Magbigay ng karagdagang input, kung kailangan.
2. Pagtatalakay:
Itanong:
a. Anong grupo ang nakapagbigay ng pinakamaraming tamang sagot? Nakatapos ng
gawain? Anu-anong pagpapahalaga ang nakatulong sa grupo?
b. Aling grupo ang hindi nakatapos ng gawain? Bakit? Ano ang dapat gawin sa susunod
pang mga gawain?
Magkaroon ng marami pang pagsasanay sa paggamit ng grid sa paghanap ng tiyak na mga
lugar sa mapa / globo at sa pagbasa ng mga digri longhitud at latitud sa ibat ibang
direksyon.
3. Paglalahat:
Ano ang ginagamit sa paghahanap ng isang lugar sa globo at mapa?
C. Pangwakas na Gawain:
a. Magkaroon ng paligsahan sa paghahanap ng mga lugar sa mapa o globo.
1) Sultan Kudarat
2) La Union
3) Leyte
4) Batangas
5) Samar

6) Aurora
7) Romblon
8) Palawan
9) Sorsogon
10) Davao

b. Pagsulat ng panuto sa paghahanap ng isang lugar sa globo / mapa. Ipalagay ito sa isang
graphic organizer, tulad ng nasa ibaba.

c. Gabayan ang mga bata kung nasusunod ang mga panutong ibibigay.
IV. Pagtataya:
20

Panuto: Sa tulong ng grid ay hanapin ang tiyak na kinalalagyan o kinaroroonan ng mga


sumusunod:
1) Ilocos Sur
2) Pampanga
3) Samar
4) Camarines Norte
20

6) Panay Island
7) Cagayan de Oro
8) Catanduanes
9) Palawan

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

5) Cebu

10) Mindanao Island

V. Takdang-Gawain
Alamin ang kinalalagyan ng 5 sa mga pangunahing bansa sa labas ng Pilipinas. Sangguniin ang
mapang pandaigdig.

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 20
I. Natutukoy ang hangganan at lawak ng teritoryong sakop ng Pilipinas
II. A. Matukoy ang hangganan at lawak ng teritoryong sakop ng Pilipinas
B. 1. GMRC - Pagkamakabansa (Pakikiisa sa pagbabantay ng seguridad ng bansa at kalayaan nito)
2. FILIPINO Pagtukoy sa ga tiyak na detalye
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, II.A.2, p. 18
PBP 6, pp 64 67, APSPNB 6, pp. 55 60
2. Mapang nagpapakita ng hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas
III. A. Panimulang Gawain
1. Pagwasto sa takdang gawain.
2. Pagbalik-aralan ang gamit ng grid sa globo o mapa.
Gaano kalawak ang bansang Pilipinas? Ano kaya ang hangganan at sakop ng teritoryo ng
ating bansa?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
a. Pangkatin sa apat ang klase upang talakayin ang laki at lawak ng lupa ng Pilipinas ayon sa;
Pangkat 1. Doktrinang Pangkapuluan
Pangkat 2. Saligang Batas
Pangkat 3. Kasaysayan
Pangkat 4. Mga Atas ng Pangulo Blg. 1596 at 1599
b. Bigyan ng 10 minutong pananaliksik ang bawat pangkat sa batayang aklat sa HeKaSi 6
Pagbasa sa mga teksto tungkol sa paksa ng bawat pangkat.
Pag-aaral sa mapa
c. Pangkatang pag-uulat
2. Pagtatalakay:
Ano ang hangganan, laki at lawak ng lupa ng Pilipinas ayon sa Doktrinang Pangkapuluan?
Sa Saligang Batas? Sa Kasaysayan? Sa mga Atas ng Pangulo Blg. 1596 at 1599?
Taluntunin sa mapa/globo ang teritoryong sakop ng Pilipinas, pati ang mga hangganan nito.
Bakit mahalaga para sa bawat mamamayang Pilipinong malaman ang mga sakop ng
teritoryo ng bansa?
Papayag ba kayong angkinin ng mga dayuhan ang alinmang bahaging-lupa / bahagingtubig ng bansa? Pangatwiran ang sagot.
Paano natin maipagtatanggol ang bansa laban sa mga dayuhang mananakop?
PAGSASANIB NG FILIPINO
Pakikinig o Pakikibahagi sa pagtatalakay tungkol sa pagtukoy sa mga tiyak na detalye.
Batay sa pangkatang pag-uulat, anu-ano ang mga batayan sa pagtukoy sa hangganan at
lawak ng teritoryo ng lupa ng Pilipinas? Matutukoy ba ninyo ang iba pang tiyak na detalye
batay sa mga ulat na napakinggan?
Anu-ano ang dapat gawin upang matukoy ang mga tiyak na detalye sa isang ulat?
PAGSASANIB NG GMRC
Palitang-kuro tungkol sa kahalagahan ng pakikiisa ng mga mamamayan sa pagbabantay ng
seguridad ng bansa at kalayaan nito bilang pagpapakita ng pagkamakabansa.
Sa anong paraan maipakikita natin ang ating pakikiisa sa pagbabantay sa seguridad ng ating
bansa mula sa mga mananakop na bansa?

3. Pagbubuod:
Tukuyin ang hangganan at lawak ng teritoryong sakop ng Pilipinas.
Ang kapuluan ng Pilipinas ay may kabuuang sukat na 30,000
kilometro kwadrado o 30,000,000 ektarya. Kung ihahambing sa ibang
bansa sa Asya, higit na malaki ang Pilipinas kaysa Cambodia.
4. Paglalapat:
Ipasagot:
a. May nakita kang mga dayuhang nagtatapon ng basura / kemikal sa karagatang sakop
ng bansa. Ano ang gagawin mo?
b. Malapit sa dalampasigan ang inyong bahay. Malimit kang makakita ng mga dayuhang
nangingisda sa mga karagatang sakop ng bansa. Ano ang gagawin mo?.
5. Pagsasanay:
a. Pagtalakay sa isa sa mga batayan ng hangganan at lawak ng teritoryong sakop ng Pilipinas?
1)
2)
3)
4)

Doktrinang Pangkapuluan
Saligang Batas
Kasaysayan
Mga atas ng Pangulo Blg. 1596 at 1599

IV. Pagtataya:
21

Panuto: Sagutin at talakayin.


Ano ang isinasaad ng mga sumusunod tungkol sa hangganan at lawak ng teritoryong sakop ng
Pilipinas?
1)
2)
3)
4)

Doktrinang Pangkapuluan
Saligang Batas
Kasaysayan
Mga atas ng Pangulo Blg. 1596 at 1599

V. Takdang-Gawain
Sumulat ng isang sanaysay na tumatalakay sa hangganan at lawak ng teritoryong sakop ng
Pilipinas.

21

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 21
I. Nailalarawan ang lokasyong insular / bisinal ng Pilipinas
II. A. Paglalarawan sa lokasyong insular / bisinal ng Pilipinas
B. 1. GMRC - Pangkabuhayan (Matalinong paggamit ng yaman)
2. FILIPINO Paggamit ng pang-uri sa pagpapahayag
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, II.A.3, p. 18
PBP 6, pp 61 63, APSPNB 6, pp. 68
2. Mapang nagpapakita ng lokasyong bisinal at lokasyong insular ng Pilipinas
III. A. Panimulang Gawain
1. Pagwasto sa takdang gawain
2. Pagbalik-aral:
> Magbigay ng pahayag tungkol sa hangganan at lawak ng teritoryong sakop ng Pilipinas batay
sa:
a)
b)
c)
d)

Doktrinang Pangkapuluan
Saligang Batas
Kasaysayan
Mga atas ng Pangulo Blg. 1596 at 1599

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
a, Pagbasa sa teksto sa p.68 ng APSPNB 6 o pakikinig sa lektura ng guro.
Ang lokasyong insular ay naglalarawan ng Pilipinas sa pamamagitan ng
mga anyong-tubig na nakapaligid dito.
Ang malalaking anyong-tubig na ito ay ang Dagat Tsina na nasa kanlurang
bahagi ng Pilipinas, ang Karagatang Pasipiko ay sa dakong silangan at ang Dagat
Mindanao o Dagat Celebes sa gawing Timog ng bansa.
Ang lokasyong bisinal ay paglalarawan ng bansa sa pamamagitan ng mga
karatig-bansa.
Sa dakong Hilaga ng Pilipinas, matatagpuan ang Tsina, Hapon, Taiwan,
Hongkong, Hilagang Korea, at Timog Korea. Sa dakong Timog ay makikita ang mga
bansang Brunei, Sabah, Indonesia, Papua New Guinea, Australia, New Zealand at
Silangang Malaysia. Sa gawing Silangan ay ang mga teritoryo ng Estados Unidos
(Marianas, Guam, Hawaii). Sa Kanluran ay ang mga bansang Thailand, Vietnam,
Laos, Kampuchea, India, Myanmar at ang Kanlurang Malaysia.
b. Pag-aaral sa mapa ng Pilipinas na nagpapakita ng mga anyong tubig, anyong lupa at ng
mga karatig bansa nito. (Isagawa ito sa pamamagitan ng pagbuo ng mapang brick-obrack ng Pilipinas)
2. Pagtatalakay:
Bakit tinatawag na insular o maritime ang lokasyon ng Pilipinas? Anu-anong mga anyongtubig ang nakapaligid sa bansa?
Bakit naman tinatawag na bisinal ang lokasyon ng Pilipinas? Sa anong kontinente
nabibilang ang bansa?
Anu-ano ang mga karatig-bansa ng Pilipinas? Anu-anong mga bansa ang makikita sa
dakong hilaga ng bansa? Sa dakong silangan? Sa dakong timog? Sa dakong kanluran?
3. Pagbubuod:
Ilarawan ang lokasyong insular at bisinal ng Pilipinas.

Matutukoy ang lokasyon ng bansa ayon sa kaugnayan nito sa mga


karatig-bansa sa Timog-Silangang Asya. Ito ay tinatawag na lokasyong
bisinal ng bansa. Ang ating bansa ay masasabing nasa lokasyong insular o
maritima dahil napapalibutan ito ng mahahabang baybayin.
4. Paglalapat:
Ano ang kapakinabangan ng lokasyong insular ng Pilipinas? Ng lokasyong bisinal?
5. Pagsasanay:
a. Ayusin ang mga bansa sa plaskard. Idikit sa lokasyong angkop sa direksyong inilalahad.
Tsina

Australia

Vietnam Hongkong
Brunei Kampuchea

Cambodia

Indonesia

Myanmar

Hawaii
Timog Korea

Papua New Guinea


Laos Marianas

Hapon

Taiwan

Guam

b. Pagsulat ng talatang naglalarawan sa insular at bisinal na lokasyon ng Pilipinas.


IV. Pagtataya:
22

Panuto: Piliin ang tamang sagot.


1. Bakit nasa lokasyong insular ang Pilipinas?
a. Ang Pilipinas ay isang malaking kapuluuan may mahabang baybayin.
b. Ang Pilipinas ay isang malawak na kapatagan.
c. Ang Pilipinas ay may maliit na bahaging tubig lamang.
2. Anu-anong mga 3 malalaking anyong-tubig ang nakapaligid sa bansa?
a. Timog Dagt Tsina, Karagatang Pasipiko at Dagat Mindanao
b. Timog Dagat Tsina, Karagatang Pasipiko at Dagat Celebes.
c. Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, at Dagat Mindanao
3. Bakit nasa lokasyong bisinal ang Pilipinas?
a. Ang Pilipinas ay isang kapuluang may mahabang baybayin.
b. Ang Pilipinas ay napapaligiran ng malaking anyong-tubig.
c. Ang Pilipinas ay napapaligiran ng maraming bansa.
4. Anu-anong bansa ang nasa dakong hilaga ng Pilipinas?
a. Taiwan, Tsina at Hapon
b. Indonesia at Silangang Malaysia
c. Taiwan, Indonesia at Hapon
5. Anu-anong bansa ang nasa dakong timog ng Pilipinas?
a. Vietnam, Laos, Thailand at Kanlurang Malaysia
b. Indonesia at Silangang Malaysia
c. Taiwan, Tsina at Hapon
V. Takdang-Gawain
(Pangkatang-Gawain) Gumawa ng dayoramang naglalarawan ng lokasyong insular at lokasyong
bisinal ng bansa.

22

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 22
I. Nasasabi ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas ayon sa latitude at karatig bansa
II. A. Masabi ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas ayon sa latitude at karatig bansa
B. 1. GMRC Pagpapaabot sa tamang awtoridad ng nagaganap na ilegal na pagtotroso sa sariling
pamayanan / lugar at pagdagsa ng ipinagbabawal na droga.
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, II.A.4, p. 18
PBP 6, pp 69 75, APSPNB 6, pp. 71 74
2. Mapang pangklima ng Pilipinas
III. A. Panimulang Gawain
1. Magbalitaan tungkol sa mahahalagang kaganapan sa timog-silangang Asya
2. Pagbalik-aral:
Ano ang ibig sabihin ng salitang insular? Bisinal?
Ilarawan ang lokasyong bisinal at insular ng Pilipinas.
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
a. Paghambingin ang larawan.

Ano ang masasabi mo sa larawan A? Larawan B?


b. Pangkatin sa 6 ang mga bata.
c. Papanaliksikin ang bawat grupo tungkol sa kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas ayon sa
latitud at karatig-bansa.

Grupo 1: Kahalagahan ng Lokasyon ng Pilipinas ayon sa Karatig Bansa


Grupo 2: Kahalagahan ng Lokasyon ng Pilipinas sa Mababang Latitud

Grupo 3: Paglalarawan ng Unang Uri ng Klima sa Mababang Latitud at


Pagpapangalan ng mga Lugar sa Pilipinas na may Ganitong Uri ng
Klima
Grupo 4: Paglalarawan ng Ikalawang Uri ng Klima sa Mababang Latitud
at Pagtukoy ng mga Lugar sa Bansa na may Ganitong Uri ng Klima
Grupo 5: Paglalarawan ng Ikatlong Uri ng Klima sa Mababang Latitud at
Pagtukoy ng mga Lugar sa Pilipinas na may Ganitong Uri ng Klima
Grupo 6: Paglalarawan ng Ikaapat na Uri ng Klima sa Mababang Latitud at
Pagtukoy ng mga Lugar sa Pilipinas na may Ganitong Uri ng Klima
d. Sabihin:
= Sa loob lamang ng 10 minuto, sikaping makapanaliksik ng mga impormasyong tutugon
sa gawaing nakatakda sa bawat grupo.
= Ibigay ang mga pamantayan sa pagpapangkatang pananaliksik
e. Subaybayan ang gawain ng bawat grupo.
Pagpresinta, Pagsusuri at Pagwawasto ng Awtput ng Bawat Grupo:
2. Pagtatalakay:
Bakit mahalaga ang lokasyon ng ating bansa ayon sa latitud? Sa karatig-bansa?
Saang hatingglobo at latitude matatagpuan ang Pilipinas? Ano ngayon ang klima ng
Pilipinas batay sa temperatura? Distribusyon ng pag-ulan? Kaanyuan ng pook? Anong
kabutihan ang dulot ng ganitong klima? Masasabi bang mahalaga ang lokasyon ng Pilipinas
dahil dito?
Mahalaga rin ba ang lokasyon ng Pilipinas ayon sa karatig bansa nito? Bakit?
Bilang munting mga mamamayan sa ating bansa, paano kayo makatutulong para maiwasan
at mapigil ang ilegal na pagdagsa sa bansa ng mga ipinagbabawal na droga? Ang malakas
na pagbaha sa ibat ibang dako sa bansa? Ang tuluyang pagkasira ng ozone layer?
3. Pagbubuod:
Anu-anong pook o lalawigan sa Pilipinas ang madalas o bihirang daanan ng bagyo?
4. Paglalapat:
Ano ang magagawa ng mga tao kapag may klimang katulad sa atin?
5. Pagsasanay:
a. Pagsulat ng talata tungkol sa kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas batay sa latitud at sa
karatig-bansa.
IV. Pagtataya:
23

Panuto: Piliin ang tamang salita upang mabuo ang mga pangungusap.
1. Ang Pilipinas ay nasa _______
a. hilagang hatingglobo

b. timog hatingglobo

c. kanlurang hatingglobo

2. Ang Pilipinas ay nasa ______ latitud


a. mataas na latitud

b. mababang latitud

c. mababang longhitud

3. Ang Pilipinas ay may klimang tropikal. Tayo ay may klimang _______


a. mainit, maulan at mahalumigmig
b. mainit
c. maulan
4. Sa mga bansang nasa tropiko, sinasabing ang Pilipinas ang may _______ (na) klima.
a. pinakamalamig

b. pinakamainit

c. pinakamaginhawang

5. Bagamat maliit na bansa, ang Pilipinas ay nasa _______ (ng o na) lokasyon.
a. pinakagilid

b. pinakamataas

V. Takdang-Gawain

23

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

c. pinakaestratehiko

Sumulat ng talata tungkol sa klima ng Pilipinas at ang mga dahilan ng pagkakaiba-iba nito.

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 23
I. Nailalarawan ang topograpiya ng bansa
II. A. Paglalarawan ng topograpiya ng bansa
B. 1. GMRC - Pangkabuhayan (Matalinong paggamit ng likas na yaman)
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, II.B.1, p. 19
PBP 6, pp 73 77, APSPNB 6, pp. 76 77
2. Mga larawan ng pangunahing anyong-lupa at anyong-tubig sa Pilipinas, mapang pisikal ng
Pilipinas
III. A. Panimulang Gawain
1. Pagwasto sa takdang-gawain
2. Pagbalik-aral sa nakaraang aralin
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagpapangkatang-gawain:
a. Pangkatin sa 4 ang klase at papiliin ng lider ang bawat pangkat
b. Pabunutin ng isang gawaing-dahon ang bawat lider ng grupo. Bigyan ng bahaging gagawin
at iuulat ang bawat kasapi ng grupo.

Gawaing-Dahon 1.
Manaliksik sa batayang aklat sa loob lamang ng 10 minuto ng tungkol sa;
Pangkalahatang Katangian ng Topograpiya ng Pilipinas.
Gamitin ang mga sumusunod na tanong bilang gabay sa pananaliksik:
1. Anu-ano ang bumubuo sa topograpiya ng Pilipinas?
2. Ano ang pangunahing katangian nito?
Gawaing-Dahon 2.
Manaliksik sa batayang aklat sa loob lamang ng 10 minuto ng tungkol sa;
Mga Pangunahing Anyong-Lupa at Anyong-Tubig sa Luzon
Gamitin ang mga sumusunod na tanong bilang gabay sa pananaliksik:
1. Anu-anong mga pangunahing anyong-tubig at anyong-lupa ang
matatagpuan sa Luzon?
2. Ano ang epekto ng topograpiya sa pamumuhay ng mga mamamayan?
Gawaing-Dahon 3.
Manaliksik sa batayang aklat sa loob lamang ng 10 minuto ng tungkol sa;
Mga Pangunahing Anyong-Lupa at Anyong-Tubig sa Visayas.
Gamitin ang mga sumusunod na tanong bilang gabay sa pananaliksik:
1. Anu-anong mga pangunahing anyong-tubig at anyong-lupa ang
matatagpuan sa Visayas?

2. Paano nakatutulong o nakahahadlang ang topograpiya sa pag-unlad


ng isang lugar?
Gawaing-Dahon 4.
Manaliksik sa batayang aklat sa loob lamang ng 10 minuto ng tungkol sa;
Mga Pangunahing Anyong-Lupa at Anyong-Tubig sa Mindanao.
Gamitin ang mga sumusunod na tanong bilang gabay sa pananaliksik:
1. Anu-anong mga pangunahing anyong-tubig at anyong-lupa ang
matatagpuan sa Mindanao?
2. Ano ang epekto ng topograpiya sa pamumuhay ng mga mamamayan?
c. Gawin ang isinasaad sa bawat gawaing-dahon
d. Ipabigay ang mga pamantayan sa pagpapangkatang pananaliksik
e. Subaybayan ang gawain ng bawat grupo.
2. Pagpiprisinta / Pag-uulat / Pagsusuri ng Awtput ng Bawat Grupo:
Tiyaking may kopya ng mga impormasyong napanaliksik ang bawat kasapi ng grupo.
3. Pagtatalakay:
Ano ang kahulugan ng topograpiya?
Anu-ano ang bumubuo sa topograpiya ng Pilipinas? Ano ang pangunahing katangian nito?
Anu-anong mga pangunahing anyong-tubig at anyong-lupa ang matatagpuan sa Luzon? Sa
Visayas? Sa Mindanao?
Saan matatagpuan ang pinakamahabang ilog? ang pinakamalaking ilog sa Pilipinas?
Ano ang epekto ng topograpiya sa pamumuhay ng mga mamamayan?
Ano ang nagagawa sa kapatagan o sa mga bulubundukang lugar? Sa mga lugar na may ilog
o sa tabing dagat? Paano nakatutulong o nakahahadlang ang topograpiya sa pag-unlad ng
isang lugar?
PAGSASANIB NG GMRC
Maituturing bang mayaman ang Pilipinas sa likas na yaman? Ano ang mga likas na yamang
matatagpuan sa ating bansa? Paano natin dapat gamitin ang likas na yamang ito?
4. Pagbubuod:
Ilarawan ang topograpiya ng bansa.
Pangunahing katangian ng topograpiya ng Pilipinas ang pagiging
mabundok nito. Maraming anyong-tubig ang nakapaligid dito. May mga ilog,
lawa at talon sa ibat ibang bahagi ng kapuluan.
5. Paglalapat:
Ilarawan ang topograpiya ng ating rehiyon. Tukuyin ang mga pangunahing anyong-lupa at
anyong tubig. Ano ang implikasyon nito sa mga gawaing pangkabuhayan o industriya?
6. Pagsasanay:
a. Pagsulat ng talata ng paglalarawan tungkol sa topograpiya ng Pilipinas.
IV. Pagtataya:
24

Panuto: Piliin ang tamang sagot.


1. Ano ang bumubuo sa topograpiya ng ating bansa?
a. Mga anyong-lupa lamang
b. Mga anyong-tubig lamang
c. Mga anyong-lupa at anyong-tubig
2. Ano ang pangunahing katangian ng topograpiya ng Pilipinas?
a. Ang pagiging bulubundukin nito
b. Ang pagiging patag nito
c. Ang pagiging matubig nito
3. Saan matatagpuan ang mga bundok Cordillera, Caraballo at Sierra Madre?
a. Mindanao

b. Visayas

c. Luzon

4. Saan matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas?


24

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

a. Mindanao

b. Visayas

c. Luzon

5. Ano ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas?


a. Ilog Cagayan

b. Laguna de Bay

c. Dagat Visayas

V. Takdang-Gawain
Gumawa ng dioramang nagpapakita ng topograpiya ng Pilipinas

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 24
I. Nahihinuha ang epekto ng katangiang pangheograpiya ng Pilipinas sa pagpapanatili ng isang bansang
nagkakaisa
II. A. Paghihinuha sa epekto ng katangiang pangheograpiya ng Pilipinas sa pagpapanatili ng isang
bansang nagkakaisa
B. 1. GMRC a) Pagpapahalaga at paggamit ng sariling wika
b) Pakikiisa at pakikisangkot sa mga programa ng pamahalaan sa pagpapanatili ng
isang bansang nagkakaisa.
2. MUSIKA Madamdaming pag-awit ng Ako ay Pilipino
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, II.B.2, p. 19
PBP 6, pp 73 77, APSPNB 6, pp. 76 77
2. Mapang Pisikal ng Pilipinas
Mga larawang angkop sa paksang-aralin
III. A. Panimulang Gawain
1. Pagwasto sa takdang-gawain
2. Iparinig ang kasunod na seleksyon.
May tatlong mga anak na babae sina Aling Luz at Mang Ben. Nakatira sila sa
isang probinsya sa Bikol. Matibay ang pagkakabuklod ng kanilang pamilya.
nagkakaisa sila sa pagsasagawa ng anomang gawain / proyektong napagkaisahang
gawin sa pag-unlad ng sariling pamilya.
Dumating ang panahong hindi inaasahan ng mag-asawang Ben at Luz.
Napangasawa ng taga-Bisaya ang panganay nilang anak. Taga-Mindanao ang
napangasawa ng ikalawang anak at taga-Canada naman ang napangasawa ng kanilang
bunsong anak.
Ipasagot:
a. Sa palagay ninyo, ano ang naging epekto sa pagkakaisa ng pamilya ni Mang Ben at Aling
Luz, ng pagkakahiwa-hiwalay ng kanilang pamilya?
b. Masdan ang mapa ng Pilipinas. Ano ang napapansin ninyo sa mga pulo ng bansa o sa
katangiang pangheograpiya nito?
c. Ano kaya ang epekto ng katangiang pangheograpiya ng Pilipinas sa pagpapanatili ng
isang bansang nagkakaisa?
Ipasulat sa pisara ang hinuhang sagot ng mga bata sa tanong c.
Itanong: Paano natin patutunayan ang ating mga hinuhang sagot?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Pangkatin sa 5 ang mga bata.
Papanaliksikin ang bawat grupo tungkol sa epekto ng katangiang pangheograpiya ng bansa,
sa loob lamang ng 10 minuto
Grupo 1: Epekto ng katangiang pangheograpiya ng bansa sa seguridad nito.
Grupo 2: Epekto ng katangiang pangheograpiya ng bansa sa pangangasiwa
ng pamahalaang lokal at pambansa.
Grupo 3: Epekto ng katangiang pangheograpiya ng bansa sa pamamahagi ng

pamahalaan ng kalakal at paglilingkod sa ibat ibang bahagi ng kapuluan


Grupo 4: Epekto ng katangiang pangheograpiya ng bansa sa pagpapanatili ng
pagkakaisa ng mga Plipino
Grupo 5: Epekto ng katangiang pangheograpiya ng bansa sa daloy ng
transportasyon at komunikasyon

Subaybayan ang gawain ng bawat grupo.


Ipapresinta, ipasuri at ipawasto sa mga bata ang awtput ng bawat grupo
Itsek kung nasunod ng mga bata ang mga pamantayan sa pangkatang pananaliksik.
Itsek din kung tamang lahat ang hinuhang sagot na ibinigay ng mga bata sa panimulang
gawain.
Magbigay ng karagdagang input kung kinakailangan
2. Pagtatalakay:
Kung gayon, madali ba para sa ating pamahalaan ang pagpapanatili ng pagkakaisa ng mga
mamamayan sa bansa? Patunayan ang sagot.
May paraan bang ginagawa ang mga pinuno ng pamahalaan sa sarili ninyong lugar para
malapatan ng lunas ang mga suliraning nakahahadlang sa pagpapanatili ng isang bansang
nagkakaisa? Ipaliwanag.
Kung kayoy magiging pinuno ng pamahalaang lokal / pambansa, paano ninyo lulutasin
ang suliranin ukol sa transportasyon? Komunikasyon?
May kaugnayan ba ang heograpiya sa ating pambansang pagkakaisa?
Ano ang katangiang pangheograpiya ng Pilipinas?
Bakit hinati ang mga pook sa bansa sa 13 rehiyon? Anu-ano ang mga rehiyong ito?
PAGSASANIB NG GMRC
Brainstorming o Palitang-kuro tungkol sa kahalagahan ng pagkakaisa sa pambansang
gawain.
Ano ang maaari ninyong gawin upang maipakita ang inyong pakikiisa sa mga gawaing
pambansa.
3. Pagbuo ng Kaisipan:
Ano ang epekto ng heograpiya ng Pilipinas sa pagpapanatili ng pambansang pagkakaisa?
4. Paglalapat:
Ano ang ginawa ng pamahalaan upang mapadali ang ugnayan ng mga Pilipino sa ibat
ibang pook sa Pilipinas?
Mabisa ba ang paraang ito upang mapanatili ang pagkakaisa ng mga Pilipino?
5. Pagsasanay:
a. Pagbasa sa teksto / Pagbuo ng hinuha
1)
Si Rina ay naatasang mangalap ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa
bilang bahagi niya sa isang pangkatang-pag-uulat. Bagamat wala silang sariling mga
sangguniang aklat, pumunta siya sa kanyang mga kaibigan at nanghiram ng mga libro.
Si Rina ay _______ .
2)
Si Tito ay hindi gaanong magaling sa pag-awit ngunit dahil gusto niyang
malinang ang kanyang kakayahan sa pag-awit. Nag-eensayo siya araw-araw upang
mapaganda ang kanyang istilo. Sumapi rin siya sa choir sa kanilang simbahan upang
mahasa pa ang kanyang boses.
Si Tito ay _______ .
b. Paggawa ng tsart na nagpapakita ng mga katangiang pangheograpiya ng mga rehiyong
bumubuo sa Pilipinas.
IV. Pagtataya:
25

Panuto: Sagutin at talakayin.


1. Ano ang katangiang pangheograpiya ng Pilipinas?
2. Anu-ano ang mga epekto nito sa pagkakaisa ng mga Pilipino?
3. Anu-ano ang mga paraang ginawa ng pamahalaan upang manatiling magkakabuklod-buklod
ang sambayanang kahit magkahiwa-hiwalay ang mga pulo?
25

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

V. Takdang-Gawain
Talakayin sa isang talata ang epekto ng katangiang pangheograpiya ng Pilipinas sa pagpapanatili
ng pagkakaisa ng bansa.

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 25
I. Natutukoy ang mga likas na yaman ng bansa
II. A. Pagtukoy sa mga likas na yaman ng bansa
B. 1. GMRC - Pangkabuhayan (Matalinong paggamit ng likas na yaman)
2. FILIPINO Pagsulat ng talata ng klasipikasyon
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, II.C.1, p. 19
PBP 6, pp 81 83, APSPNB 6, pp. 79 82
2. Mga larawan sa paskilan para sa yunit,
III. A. Panimulang Gawain
1. Pagwasto sa takdang gawain
2. Pagbalik-aral:
Magbigay ng pahayag tungkol sa epekto ng katangiang pangheograpiya ng Pilipinas sa
pagpapanatili ng pagkakaisa ng bansa
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Pagbasa sa mga teksto tungkol sa mga paksang itinakda
2. Pagtatalakay:
Ano ang tinatawag na likas na yaman? Anu-ano ang mga bumubuo sa likas na yaman ng
Pilipinas? Paano napapangkat ang mga likas na yamang ito?
Anu-ano ang mga uri ng likas na yaman ayon sa anyo? Sa gamit? Sa uri? Anu-ano ang mga
halimbawa ng bawat uri? Ipalagay sa graphic organayser sa ibaba ang sagot ng mga bata.
Likas na Yaman ng Bansa

Likas na Yaman Batay sa Anyo

Likas na Yaman Batay sa Gamit

Likas na Yaman Batay sa Uri

Ipakita ang mga sumusunod na mga larawan. Pumili ng isa at ipaliwanag ito.

PAGSASANIB NG GMRC
Brainstorming tungkol sa matalinong paggamit ng likas na yaman.
Anu-ano ang matalinong paggamit ng likas na yaman?
3. Pagbubuod:
Anu-ano ang mga likas na yaman ng bansa? Paano napapangkat ang mga ito?
4. Paglalapat:
Paano ka makatutulong upang mapalitan ang mga likas na yamang maaari pang maubos o
mapalitan? Na di maaaring mapalitan?
Paano ka makatutulong sa pangangalaga sa mga likas na yaman sa inyong pook?
5. Pagsasanay:
a. Pagsulat ng talata ng klasipikasyon tungkol sa mga paksang ibibigay:
1) Uri ng Likas na Yaman Batay sa Anyo
2) Uri ng Likas na Yaman Batay sa Gamit
3) Uri ng Likas na Yaman Batay sa Uri
b. Pangkatin ang sumusunod na likas na yaman ng bansa. Isulat sa nararapat na hanay.
isda
lupa
punongkahoy
langis

tubig
gas
ginto
pilak

ibon
bungangkahoy
metal, karbon
korales

Yamang Di-nauubos

Yamang nauubos

1.
2.
3.
4.

1.
2.
3.
4.

Yamang napapalitan
1.
2.
3.
4.

c. Pagsasadula ng mga gawaing nagpapakita ng matalinong paggamit ng mga likas na yaman


ng bansa.
IV. Pagtataya:
26

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot:


1. May mga likas na yaman na nauubos at napapalitan at may mga likas na yaman na nauubos
at di-napapalitan. Aling likas na yaman ang di-napapalitan at nauubos?
A. Lupang sakahan

B. Kagubatan

C. Mineral

D. Pangisdaan

2. Alin sa mga sumusunod ang mga yamang di-napapalitan?


A. Hipon, gulay at dagta
B. Korales, kabibe at perlas

C. Semento, karbon, at langis


D. Uling, muebles at halamang-ugat

3. Kung may mga likas na yaman na nauubos at di-napapalitan, mayroon ding mga likas na
yaman na nauubos ngunit napapalitan, ito ay ang ______ .
A. Langis at karbon
B. Kabibe at korales
26

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

C. Karbon at perlas
D. Semento at goma

4. Bakit itinuturing ang karbon at langis na mga yamang di-napapalitan?


A. Dahil ito ay ginagamit na palamuti sa bahay.
B. Dahil ito ay magagamit ulit.
C. Dahil ito ay nawawala ng tuluyan kapag ginamit.
D. Dahil ito ay mabibili kahit saan.
5. Anong likas na yaman ang napapalitan sa pamamagitan ng muling pagtatanim?
A. Prutas

B. Ugat

C. Punongkahoy

D. Kahoy

V. Takdang-Gawain
Talakayin sa isang talata kung paano ka makatutulong sa pangangalaga sa mga likas na yaman ng
Pilipinas.

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 26
I. Napapangkat-pangkat ang mga likas na yaman ayon sa uri
II. A. Pagpapangkat-pangkat sa mga likas na yaman ayon sa uri
B. 1. GMRC a) Paggamit na muli sa mga patapon nang bagay
b) Pagkamaparaan sa pagbuo ng bagong kagamitan / laruan mula sa patapon nang
bagay
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, C.2, p. 7 at 19
PBP 6, pp 84 92, APSPNB 6, pp. 83 89
2. tsart, nakalimbag sa manila paper na awit, sampol ng mga kagamitang yari sa patapon nang
bagay
III. A. Panimulang Gawain
1. Pagwasto sa takdang gawain
2. Pagbalik-aral:
a. Anu-ano ang 3 uri ng likas na yaman? Anu-ano ang mga halimbawa ng yamang napapalitan?
Ng yamang di-napapalitan?
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagpapangkatang-Gawain:
Pangkatin sa 3 ang mga bata
Papiliin ng lider ang bawat grupo
Ipapangkat ang mga likas na yaman ayon sa uri.
Gawain 1. Mga Yamang Likas na Napapalitan
Gawain 2. Mga Yamang Likas na Nauubos at Hindi Napapalitan
Gawain 3. Yamang-Mineral na Hindi Napapalitan Ngunit Maaaring Irecycle
Sabihin:
a. Sa loob lamang ng 6 na minuto, tulong-tulong na magtala ng mga halimbawa ng
yamang-likas na itinakda para sa bawat grupo. Maaari kayong sumangguni sa kahit
anong sangguniang aklat sa HeKaSi VI.
b. Kapag natapos na ang 6 na minuto, punuan ang tsart na nasa pisara.
c. Ibigay ang mga pamantayan sa pagpapangkatang-gawain.
Subaybayan ang gawain ng bawat grupo.
Papunuan sa bawat grupo ang angkop na hanay ng ganitong tsart na nakasulat sa pisara.
Napapalitan

MGA YAMANG LIKAS NA


Nauubos at Hindi
Hindi Napapalitan Ngunit
Napapalitan
Maaaring Irecycle

Bigyan ng kaukulang pansin / pagkilala ang grupong makapagtatala ng pinakamaraming


yamang-likas sa angkop na hanay sa tsart.
2. Pagtatalakay:
Ipasagot / Ipatalakay:
a. Ano ang mangyayari kapag hindi agad pinalitan ang mga yaman-lupa? Halaman?
Hayop? Pook-pangisdaan?
b. Paano natin papalitan ang nakunsumo o nagamit nang mga halaman? Hayop?
c. Paano gagamiting muli ang mga metalikong mineral na patapon na sana?
d. Bakit mahalaga ang pagrerecycle ng mga patapon ng mga bagay?
3. Pagbubuod:
a. Marami kayong basyo ng lata at mga patapon nang mga plastik. Paano ninyo gagawing
kapaki-pakinabang na muli ang mga ito?
4. Pangwakas na Gawain:
Ipaawit ang kasunod na awit.
Himig: Magtanim, Hindi Biro
Kayraming pakinabang
Sa patapon nang bagay.
Ditoy makabubuo
Ng ibon at laruan.
Koro:
Kung gaganitin lang
Ang pagkamaparaan
Tiyak, magkakapera ka
Sa patapon nang basura!
Bulaklak, plorera,
Pencil holder at bola
Alkansya at pataba
Galing din sa basura!
IV. Pagtataya:
27

Panuto: Pangkat-pangkatin ang mga likas na yamang nakakahon ayon sa uri. Isulat ang sagot sa
kasunod na tsart.
Langis
punongkahoy
isda
Halaman
ginto
aluminyo
Tanso
plastik

Napapalitan

bakal
karbon

MGA YAMAN-LIKAS NA
Nauubos at Hindi
Maaaring Irecycle
Napapalitan

V. Takdang Gawain:
Magkasundong gumawa ng laruang yari sa nirecycle na patapon nang bagay.

27

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

Banghay Aralin sa MAKABAYAN (HeKaSi) 6


ARALIN Blg. 27
I. Nasasabi ang mga paraan ng matalinong paggamit ng mga likas na yaman
II. A. Masabi ang mga paraan ng matalinong paggamit ng mga likas na yaman
B. 1. GMRC a) Matalinong paggamit ng mga likas na yaman
b) Pagtitipid sa mga likas na yaman
2. FILIPINO Wastong paraan ng paglikha at pagbigkas ng rap
C. 1. BEC Handbook sa Makabayan VI, II.C. 4, p. 7 at 19
PBP 6, pp 96 102, APSPNB 6, pp.
2. Mga tunay na sitwasyon
III. A. Panimulang Gawain
Magbalitaan ukol sa napapanahong isyuna may kinalaman sa pangangasiwa ng mga likas na
yaman sa ibat ibang dako ng Pilipinas
Papagbalik-usapan ang mga uri ng likas na yaman na napapalitan, hindi napapalitan at
maaaring irecycle o gamiting muli.
Itanong:
a. Anu-ano kaya ang mga matalinong paraan sa paggamit ng mga likas na yaman?
Ipatala sa pisara ang mga paraang sasabihin ng mga bata.
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Pangkatin sa apat (4) ang buong klase.
Ganyakin ang bawat grupong manaliksik ukol sa matalinong paraan ng paggamit ng mga
likas na yaman.
Pabunutin ang lider ng bawat grupo ng isang nilukot na papel na naglalaman ng
sumusunod:
Papel 1: Pangangasiwa sa Lupang Sakahan

Papel 2: Pangangasiwa sa Kagubatan

Papel 3: Pangangasiwa sa Yaman-Tubig

Papel 4: Pangangasiwa sa Yaman-Lupa


Sabihin:
a. Sa loob lamang ng 15 minuto, tulung-tulong ang mga kasapi ng bawat grupo na
mangalap ng mga impormasyon ukol sa matalinong paggamit at paglinang ng mga
likas na yaman

b. Pumili ng mga panelists ang bawat grupo na magsasalita tungkol sa paksang nabunot
ng kanilang lider. Higit na mainam kung bibigyan ng pagkakataon ang lahat ng kasapi
ng grupo na makapagsalita.
c. Pagkatapos ng panel discussion o talakayang-panel, kailangang maging handa sa
anomang tanong na ibibigay ng mga kaklaseng nakikinig sa talakayang-panel.
d. Malaya kayong gumamit ng alinmang batayang/sangguniang aklat sa HeKaSi VI.
e. Mataas na marka ang matatanggap ng grupo na binigyang pagkakataon ang lahat ng
kasapi ng grupong makapagsalita sa talakayang-panel.
Ipabigay ang ga pamantayan sa pagpapangkatang-gawain.
Subaybayan ang gawain ng bawat grupo
Pagsasagawa ng Talakayang Panel ng Bawat Grupo:
Bigyan lamang ng tig-pipitong minutong talakayan ang bawat grupo.
Paupuin ng maayos sa harapan ng klase ang grupong magsasagawa ng talakayang panel.
Gabayan ang mga bata sa pagtatalakayang panel. Gampanan ang tungkulin bilang
modereytor.
Magbigay ng karagdagang input, kung kailangan.
2. Pagtatalakay:
Ipatalakay / Ipasagot:
a. Alin sa mga paraang tinalakay ng Grupo 1 sa pangangasiwa ng lupang sakahan ang
ginagawa na ng inyong pamilya? Alin ang hindi pa? Bakit?
b. Ilarawan ang paraang ginagamit ng inyong pamilya sa pangangasiwa ng kagubatan /
yaman-tubig / yaman-mineral na hindi tinalakay ng Grupo 2, 3 at 4. Sa palagay ninyo,
matalinong paraan ba ito? Bakit?
c. Kung kayoy magsasaka, aling paraan sa pangangasiwa ng likas na yaman ang
gagamitin ninyo? Bakit?
3. Pagbubuod:
Pabuuin ang mga bata ng mahahalagang kaisipang naikintal sa kanilang pusot isipan ng
katatapos na aralin.
4. Paglalapat:
Ipasagot:
a. Mataas na mataas ang ani ng mais sa inyong lupang sakahan. Nais ninyong
mapanatiling mataba ang lupang inyong sinasaka. Gusto ng tatay ninyong laging mais
ang itanim sa lupang sakahang ito. Ano ang gagawin mo?
b. Nagtitinda ka ng isda. Nalaman mo na ang mga isdang itinitinda mo ay hinuli sa
pamamagitan ng dinamita at koryente. Mabili ang mga ito sapagkat mababa ang
halaga ng bawat kilo nito. Mababa rin kasi ang pagkakabili mo nito sa mga
mangingisda. Ano ang gagawin mo?
5. Pagsasanay:
Paano ninyo maipakikita ang matalinong paggamit ng ating likas na yaman?
Ilagay sa isang organayser ang mabubuong mga slogan tungkol sa kahalagahan ng
matalinong paggamit ng mga likas na yaman upang mapanatili ang mga ito.

Matalinong
Paraan sa
Paggamit ng
Likas na Yaman ng
Bansa

Pagsulat ng maikling reaksyon tungkol sa mga paksa. ( Pumili lamang ng isang paksa )
a. Pagkibit-balikat o kakulangan ng suporta o pakikiisa ng maraming mamamayan sa
mga programa at proyekto ng pamahalaan sa pagsupil sa maling paggamit ng mga
likas na yaman ng bansa.
b. Pagnakaw sa pundong nakalaan sa pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa ng
ilang namumuno sa pamahalaan.
c. Ningas-kugon na ugali ng mga namumuno sa pamahalaan sa pangangalaga sa mga
likas na yaman ng bansa.
IV. Pagtataya:
28

Panuto: A. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Sa Bataan ay maraming pook na mapuno. Nakita mong may nagkakaingin. Ano ang dapat
mong gawin?
a. panoorin sila

b. makisali sa kanila

c. magsaya ka

d. ipagbigay alam sa pulis

2. Naglunsad ang pamahalaan ng palatuntunang Clean and Green. Ano ang dapat mong gawin?
a. huwag mong intindihin
b. lumahok ng taus-puso

c. sawayin sila
d. manood sa mga nagtatanim

3. Ginawang parke ang ibang kagubatan. Paano natin mapapanatili ang kagandahan nito?
a. Huwag magtapon ng basura dito.
b, Sipain para matumba ang basurahan.

c. Pitasin ang mga bulaklak.


d. Hampasin ng patpat ang mga halaman.

4. Ang tatay ng kaibigan mong taga-Mindanao ay mangingisda. Marami siyang huling isda, isang
madaling araw, may malalaki at maliliit na isdang nahuli ito. Ano ang dapat mong gawin sa
maliliit na isda?
a. iluto ito

b. ibalik sa dagat

c. ibenta

d. ilagay sa aquarium

5. Mahalaga ang mga pinagkukunang-yaman sa kaunlaran ng bansa. Ano ang dapat mong gawin?
a. Pabayaan ang mga ito
b. Hayaang linangin ng mga dayuhan

c. Tumulong sa pangangalaga nito


d. Aksayahin ang paggamit nito dahil marami ito

V. Takdang-Gawain
Gumawa ng poster tungkol sa paksang:
Pangangalaga sa mga Likas na Yaman Ating Pagtulungan

28

Rey Rodriguez Document 7/16/2015 8:40:38 PM

You might also like