Professional Documents
Culture Documents
Konsepto NG Pananaw Lp2
Konsepto NG Pananaw Lp2
Konsepto NG Pananaw Lp2
Gawaing Mag-aaral
- Magandang Umaga!
B. Pagbabalik-Aral
Upang aking malaman kung tunay ngang
naunawaan ninyo ang ating aralin noong
nakaraang araw ay magkakaroon tayo ng
pagbabalik aral. Sino dito ang
nakakaalala ng ating naging huling
paksa?
D. Paglalahad
-Natapos na ang paglalahad ng aralin
kahapon.
E. Paglalahat
-Natapos na ang paglalahat ng aralin
kahapon.
F. Paglalapat
-Ngayong alam kong naiintindihan niyo
na ang ating aralin ay magkakaroon kayo
ng isang gawain. Handa na ba kayong
makinig sa panuto?
-Maaari kayong humanap ng inyong
kapareha sa gagawin nating gawain.
Kayo ay susulat ng isang balita na may
dalawang talata na binubuo ng limang
pangungusap. Maliwanag ba?
-Ibibigay ko ang mga detalye ng gagawin
ninyong balita, kailangan ay magamit
ninyo sa inyong mga talata ang konsepto
ng pananaw. May katanungan ba?
-Kung gayon, narito ang mga detalye.
ANO: Pagnanakaw sa ng mga alahas na
nagkakahalaga ng 500,000.
SAAN: Sa Valenzuela Jewelry Shop.
SINO: Hindi pa nakikilalang personalidad.
KAILAN: Ika-25 ng Nobyembre 2016
Alas-dos ng madaling Araw.
KARAGDAGAN: Isang witness na
nagngngalang Hannie ang nakakita ng
pagnanakaw.
Hindi na nabawi pa ang
mga alahas ngunit patuloy ang pag-aaral
sa kaso.
-Opo Maam.
-Opo.
-Wala po.
-Opo Maam.