Komiks

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Komiks

Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang


mga salita at larawan ang ginagamit upang ihatid ang
isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o
walang salita, at binubuo ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring
maglarawan o maghambing ng pagkakaiba[1] ng teksto upang makaapekto
ng higit sa lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks
sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na kinabibilangan
ang lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang
kanilang sarili

Tabloid
Ang tabloid ay isang uri ng dyaryo na mayroong masmaliit na sukat ng
pahina kaysa sa broadsheet, bagaman walang pamantayan na sukat para sa
tabloid. Ang terminong tabloid journalism (o periyodismong tabloid), kasama
ang paggamit ng malalaking imahe, ay nagbibigay-diin sa mga paksa tulad
ng mga kahindik-hindik na kwento ng mga krimen, astrolohiya, tsismis,
at telebisyon. Gayunman, ang ibang respetadong dyaryo, tulad ng The
Independent at ng The Times ay may parehong sukat sa tabloid, at ang sukat
na ito ay ginagamit sa United Kingdom ng halos lahat ng lokal na dyaryo.
Doon, ang sukat ng pahina ay humigit-kumulang na 430mm x 280 mm
(16.9 pulgada x 11.0 pulgada). Sa Estados Unidos, ito ang karaniwang porma
na ginagamit ng mga dyaryong alternatibo. Ang ilang dyaryong maliliit na
umaangkin ng mas mataas na pamantayan ng pamamahayag ay tumutukoy
sa kanilang sarili bilang mga diyaryong compact.

Magasin
Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng
maraming artikulo, kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay
nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.
Maaring maipamahagi ang mga magasin sa pamamagitan ng koreo,
pagbebenta sa mga tindahan ng pahayagan, aklat o ibang mga nagbebenta,
o sa pamamagitan ng libreng pamamahagi sa piling lugar na pagkukuhanan.
Maaring ito ay naglalaman ng mga larawan ng mga produkto na iniindorso
ng mga sikat na tao sa bansa.

Little Sammy Sneeze (1904-06) ni Winsor McCay

You might also like