Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 34

Mga Epekto ng Pagkakawatak-watak ng Pamilya sa Pag-aaral

ng mga Estudyante sa Kursong Teknolohiya sa Medisina ng


University of Perpetual Help DJGTMU

Bilang Pangangailangan
Sa Filipino II,
Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa

Nila
Belizon. Justine Krizha
Catindig, Geramay
Mondejar, Ana Marie
Narvasa, Jemma Lyn
Ollero, Mitchell Collen

Pebrero 2012

Talaan ng mga Nilalaman

Paunang Pahina
Talaan Ng Mga Nilalaman
Kabanata
I Suliranin at Kaligiran Nito
Panimula
Layunin ng Pag-aaral
Kahalagahan ng Pag-aaral
Paglalahad ng Suliranin
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Batayang Konseptwal
Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita

II Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


Kaugnay Na Literatura
Kaugnay Na Pag-aaral

III- Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik


Metodolohiya
Disenyo ng Pananaliksik
Respondente

Teknik sa Pagkuha ng Sampol o Kalahok sa Pag-aaral


Instrumento ng Pananaliksik
Tritment ng Datos
Pormula sa Pagkalkula ng mga Porsyento

IV Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos na Kinalabasan


Ng Pag-Aaral
Kinalabasan ng Pag-aaral

V Paglalagom, Mga Natuklasan, Kongklusyon At Rekomendasyon


Buod
Konklusyon
Rekomendasyon
Bibliografi
Apendiks
Sarbey-Kwestyoneyr

Kabanata I
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula
Ang pamilya ay isang bahagi ng buhay ng tao na hindi kailanman
mababago sa mundo. Ang ama, ina at mga kapatid ng isang tao ay hindi
mapapalitan ng sinuman. Tunay ngang napakalaki ng impluwensiya ng
pamilya sa buhay ng isang tao. Pamilya man ang itinuturing na pinakamaliit na
yunit ng isang pamayanan, ito ang humuhubog sa pagkatao ng bawat miyembro
nito. Ito rin ang unang nagpaparamdam ng pagmamahal, kasiyahan at
inspirasyon sa mga taong nangangailangan nito.
Ang karaniwang depinisyon ng pamilya ay isang grupo ng mga tao na
binubuo ng ama, ina at ang mga anak kung saan ang bawat isa ay
pinagbubuklod ng pagmamahal. Ito rin ay tinatawag na nuclear family. May ibat
ibang uri rin ng pamilya ayon sa dami ng miyembro nito at kabilang rito ang
extended family. Ito ay nangahuhulugang kasama ng pangunahing pamilya ang
iba pang mga ka-anak tulad ng mga lolo at lola sa iisang tahanan lamang. Ang
isa pang uri ay ang conjugal family kung saan ang tatay at nanay lamang ang
miyembro ng isang pamilya.
Sa paglipas ng panahon, marami ngang pagbabago ang nagaganap sa
mga pamilya sa buong mundo. Sa kabila ng matiibay na pagkakabuklod-buklod

ng pamilyang Pilipino, hindi maiiwasang marami namang pamilya ang


nagkakawatak-watak. Ito marahil ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng isang
broken family o isang sirang tahanan, kung saan ang nanay at tatay ay hindi
magkasamang naninirahan sa iisang tahanan upang itaguyod ang kanilang mga
anak
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga epekto
ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng estudyante. Malaki ang
papel ng kabataan sa usaping ito at mas nararapat lamang na sila ang magbigay
at magpahayag ng kanilang mga saloobin patungkol sa usaping ito. Sa
pananaliksik na ito malalaman, mauunawaan, masasagutan at matutugunan ang
katanungan ng nakararami ukol sa problemang kinahaharap ng mga apektadong
kabataan.
Dito malalaman ang mga dahilan ng pagkakawatak-watak ng
isang pamilya. Nais ng mga mananaliksik na maisiwalat ang mga datos na
kanilang nakalap at kinalabasan sa pag-aaral na ito. Ito ay para man lamang
kahit sa mumunting paraang ay makatulong sila na maipahayag ang mga
pinagdadaanan ng isang kabataang hindi nakararanas ng benepisyo ng isang
kumpletong pamilya. Isa pay nais din nilang maghatid ang pag-aaral na ito ng
kaalaman sa mga susunod na henerasyon ng kabataan at nang sa gayon ay
maging inspirasyon sa kanila ang mga paghihirap na painagdadaanan ng isang
estudyanteng nagmula sa isang sirang tahanan.

Layunin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mga epekto ng
pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng kursong
Teknolohiya sa Medisina ng University of Perpetual Help Dr. Jose G. Tamayo
Medical University. Upang maging tiyak, ang pag-aaral na ito ay naglalayon na:
1.

Malaman ang mga karaniwang dahilan ng pagkakawatak-watak ng


pamilya ng mga mag-aaral;

2.

Maunawaan ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya


sa sikolohikal na pananaw ng mga mag-aaral;

3.

Mailarawan ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya


sa pag-aaral ng mga mag-aaral;

4.

Mailahad ang mga paraan ng mga nabanggit na mag-aaral kung


paano

nila

malalampasan

ang

mga

epektong

dulot

ng

pagkakawatak-watak ng pamilya.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa pananaliksik na ito, layon ng mga mananaliksik na malaman ang mga
epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng
kursong Teknolohiya sa Medisina ng University of Perpetual Help Dr. Jose G.
Tamayo Medical University. Ang mga resultan at kalalabasan ng pag-aaral na ito
ay magiging kapaki-pakinabang para sa mga sumusunod:

Mga Apektadong Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong


makatulong sa mga mag-aaral kung papaano nila haharapin ang mga epekto ng
pagkakawatak-watak ng pamilya at kung paano nila malalagpasan ang mga ito.
Ito rin ay makapagbibigay sa kanila ng mga karagdagang impormasyon at gayon
din sa kanila pang mga gagawing mga pag-aaral. Maaari rin nila itong gamitin sa
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay para na rin maging aktibo sila
pagdating sa usaping ito.
Mga Magulang. Ang mga magulang dapat ang gumabay at mag-aruga sa
kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pamilyang payapa
at

masaya.

Ngunit

sa

mga

pagkakataong

hindi maiiwasan

gaya

ng

paghihiwalayan, ang bawat panig ng magulang, ay nararapat na maging


responsable sa paggabay, pagpapayo at pagmumulat sa kanilang mga anak sa
mga ganitong sitwasyon.
Mga Guro. Ang mga problemang pinagdaraanan ng isang kabataang
nagmula sa isang sirang tahanan ay malaki ang nagiging epekto sa kanilang
pagkatao. Sa pag-aaral na ito, mas mauunawaan ng mga guro ang mga dahilan
at senyales kung bakit nagkakaroon ng mga di mabuting pag-uugali ang mga
apektading mag-aaral. Maaring gamitin ang pag-aaral na ito upang magabayan
sa mga kinahaharap na sulianin ang kanilang mga mag-aaral.
Mga

Mananaliksik

at

Mamababasa.

Magsisilbi

itong

gabay at

makapagbibigay ng impormasyon at inspirasyon sa mga pinagdadaanan ng mga


mag-aaral na nanggaling sa nagkawatak-watak na pamilya. Ito ay magsisilbing

paalala upang pasalamatan ang Panginoon at ang kanilang mga magulang sa


pagmamahal at pagbibigay ng sitwasyong higit na nakabubuti kaysa mga
apektadong mag-aaral.

Paglalahad ng mga Suliranin


Ang pag-aaral na ito ay may layuning matukoy ang mga epekto ng
pagkakawatakwatak ng pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng kursong
Teknolohiya sa Medisina ng University of Perpetual Help Dr. Jose G. Tamayo
Medical University. Upang maging tiyak, ang pag-aaral na ito ay naglalayon na
masagot ang mga sumusunod na katanungan:
1. Anu-ano ang mga karaniwang dahilan ng pagkakawatak-watak ng pamilya
ng mga mag-aaral?
2. Anu-ano ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa
sikolohikal na pananaw ng mga mag-aaral?
3. Anu-ano ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pagaaral ng mga mag-aaral?
4. Anu-ano ang mga paraan ng mga nabanggit na mag-aaral kung paano
nila nalalampasan ang mga epektong dulot ng pagkakawatak-watak ng
pamilya?

Batayang Konseptwal
Makikita sa dayagram na ito ang mga baryabol ng mga epekto ng
pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga estudyante sa kursong
Teknolohiya sa Medisina ng University of Perpetual Help Dr. Jose G. Tamayo
Medical University na nakapalibot sa pananaliksik na ito. Ito ay ang pag-alam sa
mga posibleng sanhi, bunga, at mga taong responsable pag-aaral na ito.

Mga
Bunga

Mga
Sanhi

Mga
Apektadong
Mag-aaral

Pigura 1 Paradaym ng Batayang Konseptwal

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Ang pokus ng pag-aaral ay ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng
pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng kursong Teknolohiya sa Medisina.
Kung kayat ang mga ginamit na impormasyon ay nagmula o nagbase lamang sa
resulta ng mga respondente at sa mga kaugnay na literatura. Ang mga
respondente ay mula sa University of Perpetual Help Dr. Jose G. Tamayo
Medical University. Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng mga sarbeykwestyonyer sa mga estudyante sa lahat ng lebel ng mga kolehiyong mag-aaral
ng kursong nabanggit, mapababae man o mapalalaki na nanggaling sa
nagkawatak-watak na pamilya. Ang kaugnay na pag-aaral ay nanggaling sa
internet, mga artikulo ng ibat ibang mga manunulat, at mga pampublikong
pahayagan.

Pagbibigay Kahulugan sa Mga Salita


1. Sirang Tahanan - anumang tahanan na kung saan ang isa o parehong
mga magulang ay hindi nakatira kasama ng mga bata sa isang normal na
relasyong pamilya. Ang paghihiwalay ay maaaring dahil sa kamatayan,
diborsiyo, desersyon, o iba pang mga kadahilanan. (Campbell, 1932)
2. Diborsyo legal na pagpapasawalang-bisa ng kasal ng mag-asawa at
lahat ng obligasyong nakapaloob rito. (http://en.wikipedia.org/wiki/Divorce)
3. Disersyon pang-iiwan ng isa o parehong magulang sa kanyang pamilya
at kanya o kanilang mga responsibilidad dito.

4. Single Parent isang magulang na umaako ng lahat ng responsibilidad


na dapat gawin nang magkatuwang ng mag-asawa. Ito ay nag-uugat sa
pagkamatay ng asawa, diborsyo o isang magulang na hindi pa nagaasawa.(http://www.healthofchildren.com/S/Single-Parent-Families.html)
5. Overseas Filipino Workers (OFW) mga Pilipinong nagtatrabaho sa
ibang bansa.

Kabanata 2
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura
Mayroong isang pangkalahatang impresyon sa ibang bansa ang mga
propesyonal na ang sirang tahanan ay may isang tiyak na epekto sa tagumpay
ng bata sa paaralan. Gayunpaman, kaunti lang ang pagtatangka upang
makagawa ng isang pang-agham na pagsisiyasat ng sitwasyon. Ang ulat na ito
ay isang resulta ng isang pagsisikap upang pag-aralan ang mga bagay sa
istatistika na paraan.
Ang nasirang tahanan ay tinukoy bilang anumang tahanan na kung saan
ang isa o parehong mga magulang ay hindi nakatira kasama ang bata sa isang
normal na relasyon ng pamilya. Ang paghihiwalay ay maaaring dahil sa
kamatayan, diborsiyo, desersyon, o anumang iba pang mga dahilan. kung ang
isang abnormal na bahay ay isang permanenteng epekto sa mga bata, ang
kakayahan ng gawin ang kanyang mga gawain sa paaralan, ito ay dapat na
makikita kapag ang tagumpay ng mga bata mula sa naturang isang kapaligiran
kumpara sa tagumpay ng mga bata na nanggagaling mula sa isang normal na
pamilya. (Campbell, 1932)
Mayroon ding mga negatibong epekto sa mga bata ang pagkamulat sa
hiwalay na pamilya o broken family. Sinasabi ng mga siyentipikong higit na

marami ang mga nagiging suliranin sa mga batang pinalaki ng single parents
kaysa sa mga batang ginabayan ng parehong magulang. Ang mga hindi
mabubuting bunga ay ang pagkakaroon ng mas mataas na tyansya ng mga
sumusunod: hindi pagtatapos ng pag-aaral, sinasadyang pagtigil sa pag-aaral,
pakikipagtalo sa magulang, pakikipagtalik at pagbubuntis ng maaga, pagkalulong
sa droga at alak, pagsali sa mga gang, pangangailangan ng tulong ukol sa mga
problemang emosyonal, paggawa ng krimen, pagkitil ng sariling buhay at sa
hinaharap, pakikipaghiwalay rin sa asawa. Ginagawa nila ang mga ito dahil ang
itinatatak nila sa isipan nila ay wala nang nagmamahal sa kanila at wala nang
halaga ang kanilang buhay. (http://health.howstuffworks.com/understandingfamily-structures-and-dynamicsga4.htm)
Gayunpaman, hindi nangangahulugang lahat ng mga batang palaki ng
solong magulang ay babagsak sa pare-parehong kapalaran. Maaaring
magkaroon ng pagkakaiba-iba ayon sa sitwasyon. Ang mga batang naninirahan
kasama ng nabyudang ina ay magkakaroon ng ibang karanasan sa mga batang
naghiwalay ang mga magulang o hindi kinasal depende sa kasunduang napagusapan ng dalawang kampo. Mayroon ding mga taong nahuhubog ng maayos,
nakatatapos ng pag-aaral at lumalaking may mabuting relasyon sa kapwa sa
kabila ng mga pagsubok na dinaranas sa pagkakaroon ng single-parent
families.(http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-anddynamicsga4.htm)
Napakahirap ng sitwasyong kinahaharap ng mga magulang nagpupumilit
na itaguyod ang kanilang watak-watak na tahanan. Nararapat lamang nilang

tibayan ang kanilang loob upang magtagumpay sa pag-aaruga sa kanilang mga


anak. Ito ang mga ilang payong maaari nilang gawin sa pagtataguyod ng
kanilang pamilya:
ng plano sa pamilya na dapat sundin ng bawat miyembro.
magdisiplina sa mga anak/
ng sapat na oras sa pakikipagkomunikasyon sa mga
ang mga taong nakapaligid sa mga anak (mga guro, kaibigan,
mga kamag-aral at iba pa).

kalagayan

ng

pamilya

sa

usaping

pinansyal

ng

tahanan.

(http://www.healthofchildren.com/S/Single-Parent-Families.html#b)

Kaugnay na Pag-aaral
Sa isang pananaliksik na ginawa ng McCann-Erickson Philippines,
"Portrait of the Filipino as Youth," nalalamang 32% ng 500 kabataan mula sa
pamilya sa Metro Manila na nakapanayam ay wala ang isa (nanay o tatay) o
dalawang magulang (nanay at tatay) sa tahanan. At sa 58% ng mga kabataang
may nanay at tatay, 69% sa kanila ay may mga nanay na may trabaho sa labas
ng bahay. Marahil marami sa mga magulang ay overseas workers. (Dy, 1994)
Nagdaos ng isang pag-aaral ang Scalabrini Migration Center noong 2003,
ang 2003 Children and Families Studies. Mula sa nabanggit na pag-aaral,

lumalabas ang mga datos, batay sa mga batang may edad 10 -12. Ang mga
batang ito ay kabilang sa mga sumusunod na pamilya:

NM - mga batang hindi OFW ang mga magulang

MM mga batang OFW ang ina

FL mga batang sa OFW ang mga ama

FS mga batang seafarers o nagtatrabaho sa barko ang mga ama

BP-

mga

batang

nagtatrabaho

pareho

(http://www.smc.org.ph/heartsapart/chapter2.htm)

ang

mga

magulang.

Ayon naman sa pag-aaral na ginawa ni Jonathan Louis Herbolario na may


pamagat na The Relationship of Single Parent Familyhood and Two Parent
Familyhood on School Discipline and Academic Performance, lumalabas na
mas disiplinado ang mga batang lumaki sa tahanang buo ang pamilya kaysa sa
mga batang lumaki sa mga sirang tahanan. Ngunit walang makabuluhang
pagkakaubo sa bilang nito. Base naman sa usapin sa perpormans ng mga magaaral, ang mga mag-aaral ay hindi apektado ng mga sirang tahanan sa kanilang
pag-aaral. Isinasaad din na ang mga parehong magulang ay hindi nagkukulang o
lumiliban sa mga obligasyon sa eskuwelang dapat nilang punan. Ang pag-aaral
na ito ay ginawa sa 400 mag-aaral ng Saint Louis University Laboratory High
School sa 1994-1995. (http://dspace.slu.edu.ph/handle/123456789/122)

Kabanata 3
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik
Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng mga halimbawa ng teknik,
instrumento ng pananaliksik at ng mga statistical treatment na ginamit bilang
interpretasyon sa mga nalikom na datos.
Ang pag-aaral na ito ay naisagawa sa pamamagitan ng paghango sa mga
primarya, sekondarya at elektronikong hanguan. Ang mga datos na aming
nakalap ay mula sa mga sarbey-kwestyoneyr na sinagutan ng tatlumput isang
(31) na respondent mula sa University of Perpetual Help- Dr. Jose G. Tamayo
Medical University. Ito ang nagsilbing primaryang hanguan ng pag-aaral na ito.
Nangalap ang mga mananaliksik ng mga impormasyon, artikulo at akda na
nagmula sa mga pampublikong pahayagan at ang mga ito ang nagsilbing
hanguan ng kanilang sekondaryang pag-aaral. Nangalap din sila ng mga
impormasyon, mga pag-aaral at mga literatura sa internet at ito naman ang
nagsilbing hanguan ng kanilang elektronikong pag-aaral.

Respondente
Ang napagkasunduang bilang ng respondente ay tatlumput isang
estudyanteng (31), kumukuha ng kursong Teknolohiya sa Medisina sa paaralan

ng University of Perpetual Help- Dr. Jose G. Tamayo Medical University, Bian,


Laguna.

Teknik sa Pagkuha ng Sampol o Kalahok sa Pag-aaral


Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Purposive Sampling
Technique. Ayon sa internet (Wadsworth Cengage Learning):
Ang Purposive Sampling Technique ay paraan ng pangungulekta
ng datos mula sa mga grupo ng taong may mga katangiang maaaring tumugon o
tumutugon sa mga istandards na hinihingi ng pag-aaral.
Ang Purposive Sample ay pinili ng mga mananaliksik bilang
asignatura. Ang mga mananaliksik ay sumubok na magkaroon ng sampol na
magpapakita sa kanila ng representasyon ng populasyong saklaw ng pag-aaral.

Instrumentong Ginagamit sa Pananaliksik


Ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan bilang
kasangkapan para mangalap ng datos at impormasyon. Gumawa ang mga
mananaliksik ng mga katanungang rumeresponde ukol sa sinumiteng pag-aaral
at binigyang kasagutan naman ang mga ito ng mga mag-aaral na nasa kursong
Teknolohiya ng Medisina sa paaralang University of Perpetual Help - Dr. Jose G.
Tamayo Medical University, Bian, Laguna.

Tritment ng Datos
Ang mga mananaliksik ay namigay ng mga sarbey-kwestyoneyr sa
paaralan ng University of Perpetual Help- Dr. Jose G. Tamayo Medical
University, Bian, Laguna.

Pormula sa Pagkalkula ng mga Porsyento


Ginamit ng mga mananaliksik ang percentage technique upang makita
ang kinalabasan ng ginawang pagsusuri batay sa mga sagot ng mga
respondente. Ginamit din ito upang makuha ang kalahatang bahagdan ng bilang
ng pare-parehong mga sagot sa isang partikular na tanong. Ang ginamit na
pormula ay:

Kabanata 4
PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagpapaliwanag nang maayos sa


mga datos na naklap at nalikom ng mga mananaliksik mula sa mga talatanungan
tungkol sa pagkakawatak-watak ng mga pamilya.

Talahanayan 1.

Edad ng mga magulang nang sila ay magpakasal.


18-25

26-33

34 - pataas

Ama

45.16%

41.9 %

12.90%

Ina

51.61%

38.71%

9.68%

Ang talahanayan 1 ay nagsasaad ng mga edad ng mga magulang ng mga


respondente nang sila ay magpakasal. Ayon sa resulta na nakalap ng mga
mananaliksik, lumalabas na mas maraming mga magulang ang nagpakasal sa
edad na 18-25. 45.16% ng mga ama ang nagpakasal at 51.61% naman ng mga
ina ang nagpakasal sa nabanggit na gulang.

Ang may pinakamababang

porsyento naman ay ang mga magulang na nagpakasal sa edad na 34 at pataas.


Layunin ng porsyong ito na malaman kung may makabuluhan nga bang epekto
ang pag-aasawa ng mas maaga sa hiwalayan ng mga magulang.

Talahanayan 2.

Trabaho ng mga magulang.


Lokal na

Walang

manggagawa

Trabaho

OFW

Ama

29.03%

54.84%

16.13%

Ina

19.35%

45.17%

35.48%

Ang talahanayan 2 ay patungkol sa mga trabaho ng mga magulang ng


respondente. Nasasabi sa nakalap na datos na malaking porsyento ng mga
magulang ay mga lokal na manggagawa. Makikita dito na may 54.84% ng mga
ama at 45.17% ng mga ina ay dito lamang sa Pilipinas nagtatrabaho. Layunin
naman ng talahanayang itong maipakita kung mayroong makabuluhang epekto
ang distansya ng relasyon sa paghihiwalay ng mga magulang.

Talahanayan 3.

Tirahang tinutuluyan ng mga respondente.


Porsyento

Ama

22.58%

Ina

22.58%

Iba pa

54.84%

Tito/Tita

32.26%

Lolo/Lola

22.58%

Ang talahanayan 3 ay nagsasabi ng mga tirahang tinutuluyan ng mga


respondente. 54.84% ng kabuuang sampol ay nagsabing sila ay nakatira sa mga
kamag-anak. May tig-22.58% naman ng mga respondente ang nakatira sa ama
at ina. Lumalabas na mahigit kalahati ng mga respondente ay hindi
nagagabayan ng isa man lamang sa kanilang mga magulang sapagkat sila ay
kasama ng iba pa nilang kamag-anak.

Talahanayan 4.

Edad ng respondente nang maghiwalay ang mga magulang.


Edad

Porsyento

7-12 taong gulang

80.65%

13-17 taong gulang

19.35%

18-pataas

0%

Ang talahanayan 4 ay tungkol sa mga edad ng respondente noong


maghiwalay ang kanilang mga magulang. Makikita dito na 80.65% ng kabuuang
sampol ang naghiwalay ang mga magulang noong sila ay 7-12 taong gulang pa
lamang. 19.37% naman ang nagsabing naghiwalay ang kanilang mga magulang
noong sila ay 13.17 taong gulang pa lamang. Sinasabing ang gulang 7 hanggang
12 ay krusyal na edad ng mga bata kung saan ang tamang pag-uugali ay dapat
lubusang mahubog. Ngunit sa kaso ng mga respondente, napakalaking
bahagdan ang dumanas ng isang napakapait na karanasan at sitwasyon.

Talahanayan 5.

Mga taong nagsusustento ng pag-aaral ng mga respondente.


Porsyento

Ama

43.55%

Ina

30.64%

Iba pa

25.81%

Ang talahanayan 5 ay nagsasaad ng mga taong nagsusustento sa pagaaral ng mga respondente.

43.55% ng mga respondente ay nagsabing ang

kanilang ama ang nagsusustento ng kanilang pag-aaral. 30.64% naman ang


nagsabi na ang kanilang ina ang nagpapaaral sa kanila.

Oo
35.48%

Hindi
64.52%

Pigura 1.

Resulta kung nakakaapekto ba ang paghihiwalay ng magulang sa

pag-aaral ng mga respondente.

Ang Pigura 1 ay nagsasabi ng mga pananaw ng respondente kung nakaaapekto ba ang kanilang problema sa pamilya sa kanilang pag-aaral. Lumalabas
na 64.52% ang nagsabing sa tingin nila ay hindi nagdudulot ng masamang
epekto ag kanilang problema sa kanilang pag-aaral. 35.48% naman ang
nagsabing sila ay naapektuhan.

Talahanayan 6.

Mga Dahilan ng paghihiwalay ng mga magulang.


Porsyento

Problemang Pinansyal

25.81%

Problema sa Kamag-anak

22.58%

Ibang Karelasyon

29.03%

Sapilitang Pagsasama

9.68%

Iba pa

12.90%

Ang talahanayan 6 ay patungkol sa mga dahilan ng paghihiwalay ng mga


magulang ng mga respondente. Sinasabi dito na 29.03% ng mga magulang ng
respondente ay naghiwalay dahil sa pagkakaroon ng ibang karelasyon.
Pangalawa namang dahilan ang problemang pinansyal na may 25.81%.
Sinundan ito ng problema sa kamag-anak; 22.58%, at sapilitang pag-sasaama;
9.68%. 12.90% ng mga respondente ang nagsaad ng ibat-ibang mga
kadahilanan.

Talahanayan 7.

Dami ng mga kaibigan ng mga respondente.


Porsyento

1-3

0%

4-7

32.26%

8 pataas

67.74%

Ang talahanayan 7 ay naglalayong bigyan pansin ang sosyal na aspeto ng


mga respondente. Lumalabas na 60% ng mga respondent ay may magandang
istatus sa kanilang pakikipagrelasyon sa kapwa.

Talahanayan 8.

Mga bisyo ng mga respondente.


Porsyento

Paninigarilyo

24.19%

Pag-iinom

20.97%

Iba pa
Walang Bisyo

0%
54.84%

Ang talahanayan 8 ay nagsasaad ng mga bisyong natutunan na dulot ng


pagkakawatak-watak ng pamilya ng mga respondente. 24.19% sa kanila ay
nagsabing sila ay naninigarilyo at 20.97% ang nagsabing sila a24.19% sa kanila
ay nagsabing sila ay naninigarilyo at 20.97% ang nagsabing sila ay umiinom.

Ngunit mas nakalalamang pa rin ang mga respondenteng walang bisyo. Ang
makabuluhang pigurang ito ay nangangahulugang hindi sapat na dahilan ang
pagkakawatak-watak ng kanilang tahanan upang sila ay magkaroon ng bisyo.

Talahanayan 9.

Mga taong unang nilalapitan ng mga respondente sa tuwing

sila ay may problema


Porsyento
Ama

6.45%

Ina

51.61%

Kaibigan

6.45%

Iba pa

35.48%

Tito/Tita

19.35%

Lolo/Lola

16.13%

Lumalabas sa Talahanayan 9 na halos malaki pa ring porsyento ng


respondent ang humihingi ng tulong o lumalapit sa kanilang mga ina sa oras ng
problema( 51.61%).
mayroong 35.48%.

Sinundan naman ito

ng ibang mga kamag-anak na

Kabanata 5
BUOD, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Buod
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang mga dahilan at epekto ng
pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga estudyante. Nais ng mga
mananaliksik na maipakita ang lahat ng datos na kanilang nakalap tungkol sa
pag-aaral na ito.
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Universty of Perpetual Help
Dr. Jose G. Tamayo Medical University. May tatlumput isang (31) mga
repondenteng mula sa kurso ng Teknolohiya sa Medisina ang sumagot
talatanungan.
Natuklasan sa pag-aaral na ito na may 54.84% at 45.17% ng mga
ama at ina ng mga respondente ay lokal na manggagawa. Nakita rin ng mga
mananaliksik ang makabuluhang resulta sa edad ng mga magulang nang sila ay
mag-asawa. Lumalabas na halos kalahati o more or less 50 % ng mga magulang
na nauwi sa hiwalayan ay nagpakasal sa edad na 18-25 taong gulang.

At

makikita rin sa mga resulta ng mga mananaliksik na 80.65% ng kabuuang


sampol ay mayroong edad na pito (7) hanggang labingdalawang taon (12) noong
maghiwalay ang kanilang mga magulang. Sa kabila ng pagkakawatak-watak ng
pamilya, 80.65% ang nagsabing hindi ito nakakaapekto sa kanilang pag-aaral.

Malalaman sa mga datos na nakalap na ang pinakadahilan ng paghihiwalay ng


mga magulang ng respondente ay ang pagkakaroon ng ibang karelasyon na
mayroong 29.03%. Sumunod dito ang problemang pinansyal; 25.81%, at ang
pangatlo ay ang problema sa kamag-anak na umaabot ng 22.58%.

Konklusyon
Ang pamilya ay isang bahagi sa buhay ng tao na hindi kailanman
mababago sa mundo Tunay ngang napakalaking impluwensya ng pamilya sa
paghubog ng pagkatao ninuman. Sinasabi ng marami na ang isang mapayapa at
matatag na pamilya ay isang hakbang tungo sa matagumpay na buhay ng
sinuman. Ngunit sa pagkakataong ito na ibang klase ng pamilya ang pinagmulan
ng mga respondente, masusong nasuri ang mga sumusunod na konklusyon:
Halos kalahati ng mga magulang na maagang nagpakasal ay nauwi sa
pagkakawatak-watak ng pamilya. At ang nangungunang dahilan ng paghihiwalay
ng mga mag-asawa ay ang pagkakaroon nila ng ibang karelasyon. Sa kabila ng
pagkakawatak-watak ng pamilya, lumalabas na hindi naman nito naaapektuhan
ang pag-aaral ng mga respondente.
May makabuluhang pagkakaugnay ang mga baryabol na edad, kabuuan
ng pamilya, presensya at gabay ng mga magulang, trabaho ng ama at ina,
gulang ng pag-aasawa ng mga magulang, at tirahang tinutuluyan ng mga
respondente at ang mga malayang baryable na may mahalagang naiambag sa

mga sikolohikal at sosyal na paniniwala, gawi at perpormans sa pag-aaral ng


mga respondente.

Rekomendasyon
Sa pag-aaral na ito, natuklasan ng mga mananaliksik ang mga ibat ibang
resulta batay sa mga dahilan at epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa
pag-aaral ng mga mag-aaral ng kurso ng Teknolohiya sa Medisina sa University
of Perpetual Help Dr. Jose G. Tamayo Medical University, Bian, Laguna.
Ang pagiging isang magulang ay isang hamon. Nangangahulugan ito ng
buong puso at tapang sa pagharap sa mga responsibilidad sa anak. Hindi man
maiwasan ang paghihiwalay ng mag-asawa, kailagan pa rin nilang gabayan ang
kanilang mga anak upang sila ay lumaking maayos, may kumpiyansa sa sarili,
responsible sa pag-aaral at higit sa lahat, may pananalig sa Diyos.
Para naman sa mga kabataang nagmula sa sirang tahanan, nararapat pa
ring suklian ang ng pagmamahal ang mga sakripisyo na ginagawa ng kanilang
mga magulang. Ang pag-aaral ng mabuti, pagrespeto at pagsunod sa kanila, sa
kabila ng hindi man nila pagsasama ay isang utos ng Panginoon. Bilang tao,
maraming pagsubok ang maaari nilang pagdaanan. Nariyan ang pinansyal,
emosyonal at sosyal na problema sa loob at labas ng tahanan at paaralan.
Ngunit sa kabila ng mga ito, nararapat lamang silang maging matatag at maging
responsable lalo na sa kanilang pag-aaral sapagkat baling-araw, ito ang magaahon sa kanila sa kahirapan.

Mula sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, isang napakabuting


resulta ang kanilang natuklasan. Malaking bahagi ng mga respondent ang
nagsusumikap na pabutihin ang kanilang sitwasyon. Para maisantabi ang mga
problemang pinagdaraanan sa pamilya, ang mga respondente ay inilalaan ang
kanilang oras sa pag-aaral ng mabuti. Sinisikap din nilang makipagkaibigan
sapagkat naniniwala silang ang kanilang mga kaibigan ay ang kanilang
pangalawang pamilya.

BIBLIOGRAPHY

Campbell, Marian W. The Effect of the Broken Home upon the Child in School.
1932.
Dy, Manuel B. Jr. Pilosopikal na Btayang Espiritwalidad ng Pamilyang Pilipino.
Pambansang Samahan Para sa Pagpapalahaga, Inc., Baguio City, 1994.
(http://en.wikipedia.org/wiki/Divorce)
(http://dspace.slu.edu.ph/handle/123456789/122)
(http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-anddynamicsga4.htm)
(http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-anddynamicsga4.htm)
(http://www.healthofchildren.com/S/Single-Parent-Families.html#b)
(http://www.healthofchildren.com/S/Single-Parent-Families.html)
(http://www.healthofchildren.com/S/Single-Parent-Families.html#b)
(http://www.smc.org.ph/heartsapart/chapter2.htm)

APPENDIX
Mga palatanungang inihanda ng mga mananaliksik para sa pananaliksik,
Mga Epekto ng Pagkakawatak-watak ng Pamilya sa Pag-aaral ng mga
Estudyante sa Kursong Teknolohiya sa Medisina ng
University of Perpetual Help DJGTMU

Pangalan (opsyunal):______________________________ Edad: __________


Kasarian: ________________________ Lebel sa Kolehiyo: ________________

Panuto: Pakisagutan ang mga sumusunod na katanungan sa pamamagitan ng


paglalagay ng tsek () o pagsulat ng mga sagot sa patlang.

Edad ng Ama noong magpakasal: ____ Trabaho: __________ Saan: ________


Edad ng Ina noong magpakasal: _____ Trabaho: __________ Saan: ________
1.

Kanino ka nakatira ngayon?

_____ Ama
2.

Ilang taon ka noong maghiwalay ang iyong mga magulang?


_____ 7-12

3.

______ Ina _______________ Iba pa (pakisaad)

_____ 13-17

_____ 18 pataas

Sinong nagsusustento ng iyong pag-aaral?

_____ Ama

______ Ina _______________ Iba pa (pakisaad)

4.

Sa iyong palagay, nakakaapekto ba ang paghihiwalay ng iyong mga


magulang sa iyong pag-aaral?
_____ Oo

5.

_____ Hindi

Ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay?


_____ Problemang Pinansyal

_____ Problema sa Kamag-anak

_____ Ibang Karelasyon

_____ Sapilitang Pagsasama

_______________ Iba pa (pakisaad)


6.

Ilan ang iyong mga kaibigan?


_____ 1-3

7.

_____ 4-7

_____ 8 pataas

May bisyo ka ba? Kung meron, pumili sa mga sumusunod:


_____ Wala
_____ Paninigarilyo

8.

_____ Iba pa

Sino ang una mong nilalapitan sa tuwing ikaw ay may problema?


_____ Ama

9.

_____ Pag-iinom

______ Ina _______________ Iba pa (pakisaad)

Ano ang ginagawa mong paraan upang makalimutan ang iyong mga
problema sa pamilya?
___________________________________________________________

You might also like