Ang Pilandok

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang pilandok ay isa sa pinakamaliit na hoofed animal.

Wala pang isang piye ang sukat nito


kapag nakatayo. Bagamat may pagkakahawig sa usa, ang pilandok ay mas may relasyon sa baboy at
kamel, sa baboy dahil sa hitsura ng paa nito at sa kamel naman dahil sa straktura ng bungo at ngipin
nito.
Ang pilandok ang nag-iisang species sa Pamilya ng Tragulidae na makikita sa Southern
Indochina, Java at Borneo. Sa Pilipinas, ito ay matatagpuan lamang sa Balabac at iba pang maliliit na
karatig isla tulad ng Ramos, Bangkalan at Bugsuk.
Sa gabi ito madalas na gumala at mangalap ng pagkain. Sa araw, ito ay nagtatago sa makakapal na
sukalan subalit may pagkakataon ring lumalabas ito kapag araw. Prutas, damo, at iba pang halaman
ang kinakain ng pilandok. Ang babaeng pilandok ay nagluluwal ng isa hanggang dalawang anak bawat
pagbubuntis.
Bagamat karaniwan ito sa mga nabanggit na lugar ng Palawan, ang pilandok ay pinangangambahang maubos bunga ng walang patid na panghuhuli sa mga ito sa gubat. Ang species na ito ay
ibinilang sa kategorya na vulnerable ngunit di maglalaong malipat ito sa kategorya ng endangered
species kapag ipinagpatuloy ang matinding pangangaso. Kasama ito sa Philippine Red Data List ng
Wildlife Conservation Society.

You might also like