Professional Documents
Culture Documents
Grade 9
Grade 9
ni Manny Ledesma
Walang may gustong pag-isipang siya'y kriminal. Walang may
gusting makulong. Wala ring may gustong mamatay nang bata pa o
kaya'y mawalan nang buong pamilya. Ngunit sa isang sarbey noong
nakaraang taon, lumalabas na higit na 50 bahagdan ng mga magaaral sa senior ay nagsimula nang landasin ang mga daang patungo
sa mga nabanggit. Tumikim na sila ng bawal na gamot.
Marahil, hindi nga mawawasak nang biglaan ng droga ang
buhay mo kung paunti-unti mo lamang tinitikman ito. (Ngunit may
mga taong nagkukumbinasyon ng droga sa isang maramihang gamit,
at ito'y nakamamatay agad.) Sa paggamit ng illegal na droga,
inilalantad mo ang iyong sarili sa mga panganib. Malapit ang
aksidente sa mga taong nasa impluwensiya nito dahil nawawala sila
sa tamang wisyo at tamang pagpapasiya.
Panganib din ang sakit na maaaring maidulot ng maling
paggamit ng mga gamot maski ito'y legal, gaya ng mga cough
syrups. Mapanganib ding masangkot sa iba't ibang bayolenteng
kaguluhang dulot ng mga nagbebenta ng bawal na gamot. Ang mga
nabanggit ay mga kagyat na panganib na maaaring sumapit sa isang
nagdodroga. Mayroon ding mga panganib na pangmatagalan ang
epekto. Sa
palagiang paggamit ay nagiging adik ka na sa gamot, at di mo
namamalayan ay lulong ka na. Sa pagkalulong, ang tanging nagiging
pokus na lamang ng iyong buhay ay pagnanais na magkaroon
lamang ng magandang pakiramdam. Nakakatakot ang mga epektong
nabanggit. Ngunit mas nakakatakot ay ang pagkawala ng iyong
integridad o karangalan. Kapag sinabi mong, "okey lang na
nagdodroga ako, kasi iyon din naman ang gawa ng mga kaibigan ko
e," ang tunay na sinasabi mo ay "wala na akong pakialam sa
kinabukasan ko." Kapag nagkaganito, ay menos ka na bilang tao.
Ang posisyon ko sa isyung ito ay malinaw. 'Ayoko ng droga."
Madaling kapasiyahan ito. Madaling matandaan. At walang malabo
rito. Pinatataas nito ang pagtingin ko sa aking sarili dahil batid kong
nakatanaw ako sa aking kinabukasan. Lahat ng nabanggit ko tungkol
sa panganib na dulot ng droga ay narinig na rin ninyo. Hindi na ito
bago. Alam naman ito ng lahat. Ngunit, sa kabila ng kaalamang ito,
isang bagong henerasyon ng mga kabataan ang gumagamit ng
bawal na gamot.
SANAYSAY
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, "nakasulat na karanasan ng isang
sanay sa pagsasalaysay. ang sanaysay ay nagmula sa 2 salita, ang
sanay at pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na nagalalahad
ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng
manunulat
hinggil
sa
isang
makabuluhan,
mahalaga
at
napapanahong
paksa
o
isyu.
Mahalaga nag pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat
natututo ang mambabasa mula sa inilalahad na kaalaman at
kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mga
mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito,
sapaggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.
Ang Sanaysay isang kathang naglalahad ng mga kuro-kuro at damdamin hinggli sa
mainit na isyu at usap-usapan
Tatlong bahagi ng Sanayasay:
1. Panimula ditto masusumpungan ang pamaksang pangungusap ng sanaysay
- Kalangang mabisas angg pambungal na sanaysay upang mapukaw ang interes ng
mambabasa
2. Katawan taglay nito ang kabuuang nilalaman ng sanaysay
3. Wakas ito ang pasarang pangungusap na nagbibigay diin sa paksa ng sanaysay
Uri ng Sanaysay:
1. Sanaysay na Pormal naglalayon ito na maddulot ng kawilihan sa isang piling
pangkat ng mambabasa ukol sa paskang hindi ganap na nababatid ngmga pinagukulan
2. Sanaysay na Di-pormal ito ay isang uri ng sanaysay na maaaring paksain ang
lahay, lalo na ang kaugalian ng tao sa isang masaklaw na paglalahad
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY
ELEMENTO NG SANAYSAY
Tema at Nilalaman - anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na
paksa dahil sa layunin sapagkakasulat nitoat kaisipang ibinahagi.
Anyo at Istruktura - ang anayo sat istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang
sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang
BAHAGI NG SANAYSAY
Panimula - ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unag
titingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atansyon ang panimula
upangipagpatuloy ng mamababasa ang pagbasa sa akda.
Katawan - Sa bahaging ito ang sanaysaya makikita ang pagtalakay sa mahahalagang
puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat
puntos upang maunawaan ito ng maigi ng mambabasa.