Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KAHALAGAHAN NG PAMILYA

Magandang umaga mga kapwa ko mag-aaral, gayundin sa ating iginagalang na


guro G. Jovert Rodriguez.
Ano nga ba ang kahalagahan ng pamilya? Ang pamilya ay isang pinakamaliit na
yunit sa isang kumunidad at isang pundasyon ng bawat isa. Sa pamamagitan ng
pamilya dito tayo unang namulat, ating kinalakihan hanggang sa kasalukuyan.
Maituturing itong pinakamahalagang bigay sa atin ng Poong Maykapal na dumating sa
ating buhay. Sila ang mga taong unang-una nating sandigan anuman ang problema
natin. Sila ang nagiging dahilan at sanhi kung bakit nandito tayo dahil inaalagaan nila
tayo at minahal ng lubusan. Ipinakita nila ang kanilang suporta para sa ikabubuti n
gating buhay.
Mahirap man ang buhay kung minsan, pinipilit pa rin na malampasan ito, dahil sa
isang pamilya kailangan lamang ng tiyaga, tiwala, pagtutulungan, pagmamahalan at
pagkakaisa, upang maging masaya at patuloy ang pagsasama ng bawat isa. Ang
pamilya rin ang nagging daan anuman ang katauhan natin sa kasalukuyan hanggang
sa mga susunod pang mga panaon at sila rin ang kaagapay sa pagkamit n gating
tagumpay, wala tayo dito kung hindi dahil ang lahat sa kanila.
Kahit sa simpleng pamumuhay ng isang pamilya ang importante nagining
masaya ang lahat. Kuntento kung ano ang mayroon sila, dahil hindi nakabatay ang
dami ng pera upang maging masaya, ang mahalaga nagkakasundo at nagmamahalan
ang isat-isa upang maituturing natin na isang malaking kayamanan ang pagiging
simple at puno ng tamis ng pagmamahal at pagkakaunawaan.
Pamilya ang nagbuklod, susi sa ligaya at pangarap at pinakamalaking biyaya
mula sa ating Poong Maykapal.

You might also like