Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

UNCORRECTED PROOF

Kabanata 20
Ang Ponente
Tunay ang sinabi ni Padre Irene: ang suliranin ng akademya ng wikang
Kastila, na malaon nang iniharap, ay makakarating na sa isang solusyon. Si
Don Custodio, ang masipag na si Don Custodio, ang lalong masipag sa lahat
ng mga tagapagsaayos sa buong mundo, ayon kay Ben-Zayb, ay siyang nagaaral sa usaping ito at dinadaan ang mga maghapon sa pagbabasa sa
kahilingan at nakakatulog nang walang naipapasyang anuman: babangon sa
kinabukasan, gayon din ang gagawin, matutulog na muli at sunud-sunod na
gayon ang nangyayari. Gaano ang iginagawa ng kaawa-awang ginoo, ang
lalong masipag sa lahat ng tagapagsaayos sa daigdig!1 Ibig niyang makalusot
doon, sa paraang masisiyahan ang lahat, ang mga prayle,2 ang mataas na
kawani,3 ang kondesa,4 si Padre Irene at ang kanyang mga pagkukurong
liberal.5 Nagtanong kay Ginoong Pasta, at siyay hinilo at nilito ni Ginoong
MGA PALIWANAG Ponente Maaring kinuha ni Rizal sa terminong ng korte ng

Espanya na majistrado ponente na ang gawain ay ang sumulat ng desisyon ng korte,


Sa kaso ni Don Custodio, hindi siya miyembro ng Audencia Real ito ay
nangangahulugan na tagasulat o tagapagsa-ayos ng mga kontrabersiyal na usapin na
inilalapit ng kolonyal na kagawarang ehukutibo para pag-aralan at pagpasiyahan. Ito
marahil ang dahilan kungbakit sa salin Derbyshire ay ginamit niyang pamagat ay ang
The Arbiter.

1 Isang insulto sa talino at kasipagan ni Don Custodio dahilan sa ang ipinakita

lamang ni Rizal dito ay ang maana habit na ipinamana ng mga Espanyol sa ating
mga Pilipino.

2 Ang pangunahing niyang problema ay papaano mapagbibigyan ang mga prayle na


kalaban ng PROYEKTONG pagtatayo ng Akademiya ng Wikang Espanyol.
3 Ang mataas na kawani ay isang liberal at kampi sa naisin ng mga mag-aaral na

magtayo ng akademiya.

4 Ito ang asawa ng Kapitan Heneral (First Lady) at malapit na kaibigan ng


mayamamang mag-aaral na Pilipino na si Makaraig na pasimuno ng kilusan ang
kondesa ay panig kay Makaraig.
5 Si Padre Irene ay liberal din ito ay dahilan sa hindi niya taglay ang panatisismo ng

kaniyang mga kapwa prayle. Subalit magkapareho naman sila sa pagnanais na


makapangamkam ng salapi sa mga Pilipino.

Pasta, matapos na maipanukala sa kanya ang isang milyong kontradiksiyon at


mga bagay na imposible;6 komunsulta sa bailerina na si Pepay,7 at ang
bailerina na si Pepay, na hindi nakatatarok ng pinag-uusapan, ay umikot ng
isang ikot,8 hiningan siya ng dalawamput limang piso upang ipagpalibing sa
isang tiyahin na biglang namatay sa ikalimang pagkakataon, o ikalimang
tiyahin na biglang namatay, alinsunod sa lalong malinaw na paliwanag,
matapos na mahinging mapasok na auxiliar de fomento ang isa niyang pinsang
lalaki na marunong bumasa, sumulat at tumugtog ng biyolin, 9 mga bagay na
pawang malayong makapagbigay kay Don Custodio ng isang maayos na
kapasiyahan.10
Dalawang araw pagkatapos na pangyayari sa perya sa Kiyapo ay
gumagawa si Don Custodio, na gaya ng dati, na pinag-aaralan ang mga
petisyon na hindi makatagpo ng mahusay na solusyon. Datapwat
samantalang naghihikab, umuubo, humihitit ng tabako at iniisip ang mga ikot
ng mga hita ni Pepay ay babanggitin namin ang ilang bagay ng mataas na
taong ito, upang makilala ang katwiran kung bakit siya ang ipinalagay ni Padre

6 Si G. Pasta ang isa sa dalawang tao na may malaking koneksiyon kay Don Custodio
(ito ang dahilan kung bakit siya ang nilapitan ni Isagani) ito ay sa dahilang si G.
Pasta ay abogado ni Don Custodio at ang naging sagot nito kay Don Custodio ay
katulad rin ng naging sagot nito kay Isagani.
7 Ang ikalawang may malaking koneksiyon kay Don Custodio ay ang bailerinang si

Pepay (na siyang ginamit na koneksiyon ni Macaraig at ng iba pa niyang mga kasama)
na ito ay kaniyang kabit. Mapapansin na ang kabit ng isang makapangyarihang tao ay
nagkakaroon ng inpluwensiya rito.

8 Ginamit ni Rizal ang salitang pirueta ukol sa sayaw ni Pepay. Ang sayaw na ito ay

paikot na katulad ng nagsasayaw ng ballet. Higit na may higit na pakahulugan ang


ginawang pagsayaw ni Tia Pepay sa harapan ni Don Custodio. Isang sayaw na mahirap
malimutan at ang kapag humiling ang mananayaw ay mahirap na tanggihan.

9 Ang paghingi ni Pepay ng 25 piso at pagpapasok sa kaniyang mga pinsan sa trabaho


sa gobyerno pagkatapos ng sayaw ay isang hindi direktang paghingi ng bayad sa
kaniyang nakakaaliw na sayaw.
10 Ang kabit ng isang opisyal ng gobyerno ay walang maitutulong sa mabuting

pagpapasiya ng isang pinuno, ang katotohanan higit silang pasanin sa bayan.


Ukol sa pagsusuri sa dalawang babaeng tauhan ng El Filibusterismo ay
magagamit ang artikulo ni Pura Santillan-Castrence na Cabesang Andang and Pepay.
Philippine Magazine, December 1939.

Sibyla na lumutas ng matinik na isyu at kung bakit tinanggap naman ng


kabilang pangkat.
Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo 11(p.) Buena
Tinta,12 ay kabilang sa bahagi ng lipunan sa Maynila na hindi nakakakilos ng
isang hakbang na hindi sinasabitan ng mga pahayagan ng libu-libong bansag
at tinatawag siyang walang kapaguran, bantog, maingat, masipag, malirip,
matalino, bihasa, mayaman, atbp., na waring ipinangingilag na ipagkamali sa
ibang may gayon ding pangalan at bansag na bulakbol at mangmang.13 At
saka wala namang kasamaang iaanak ang gayon at hindi nagagambala ang
previa censura.14 Ang Buena Tinta ay galing sa kanyang pakikipagkaibigan
kay Ben-Zayb, nang ito, sa dalawang matunog na pakikipagtunggali na
inabot ng lingguhan at buwanan sa mga editoryal ng pahayagan, tungkol sa
kung nararapat gumamit o hindi ng sumbrerong hongo, de copa o salakot at
kung ang paggamit kailan mat ukol sa marami ng salitang caracter ay dapat
maging caractres at hindi cracteres, upang patibayan ang kanyang mga
pangangatwiran ay lumulusot na lagi sa mga salitang constanos de buena
tinta, lo sabemos de buena tinta, atbp., at napag-aalaman ang lahat ng
bagay, na ang buena tintang ito ay dili ibat si Don Custodio de Salazar y
Sanchez de Monteredondo.15
11 Ang paggamit ni Rizal ng pangalang Custodio ay isang higit na komedyaCustodio

ay nangangahulugan na guardian o tagabantay ng sangkatauhan


Salazar nangangahulugan na nakatira malapit sa palasyo malapit sa
kapangyarihan
Sanchez nangangahulugan na santified banal ang adhika
Monteredondo paikot-ikot sa bundok napakasipag

12 Ang salitang Espanyol na Buena Tinta sa dicionario ng 1849 ay nangangahulugan


may kakayahan na magkapagdulot ng inaasahang epekto. Mahusay na autoridad.
13 Mayroon ding mga Espanyol na binabansagan na maganda ngunit sa totoo ay

kabaligtaran.

14 Previa Censura isang lupon na nagsisiyasat ng mga artikulo na lalabas sa

pahayagan. Mapapansin na ang paggamit ng mga papuri na walang kapaguran,


bantog, maingat, masipag, malirip, matalino, bihasa, mayaman, atbp., na napakalaki
ng kabaligtaran sa tunay na kahulugan ang pinakamahusay na paraan upang ang
mga teksto ng isang mamamahayag noon upang malusutan ang umiiral na sensura.

15 Dito makikita ang lupit ni Rizal sa paglalagay ng bansag sa kaniyang tauhan Ang

bansang na Buena Tinta ni Don Custodio ay galing kay Ben-Zayb noong silang
dalawa ay mayroong mahigpitang pagtatalo, kung magkaganoon, ang bansag ay
isang anyo ng insulto.Malalaman din rito na maging ang pangalan na Don Custodio de
Salazar y Sanchez de Monteredondo ay ginamit ni Rizal na mayroong panlilibak sa

Dumating sa Maynila na batang-bata pa, may isang mabuting trabaho


na naging daan upang makapag-asawa sa isang magandang mistisa na
kabilang sa pinaka-mayamang pamilya sa siyudad. Sapagkat may likas na
katalinuhan, kapangahasan at walang pagkatigatig, ay natutong samantalahin
ang lipunang kanyang kinalalagyan, at sa tulong ng salapi ng kanyang asawa
ay nagnegosyo at nangontrata sa pamahalaan at ng ayuntamyento, kayat
ginawa tuloy siyang konsehal, pagkatapos ay alkalde,16 kagawad ng Sociedad
Economica de Amigos del Pais,17kasangguni ng administrasyon, pangulo ng
lupong nangangasiwa sa Obras Pias, kagawad sa lupon ng kawanggawa,
conciliario ng Banco Espaol Filipino, at ibat iba pa. At huwag akalaing ang
ibat iba pang ito ay kagaya ng karaniwang inilalagay matapos na mabanggit
ang isang mahabang tala ng mga kabunyian:18 si Don Custodio, kahit hindi
nakatunghay kailan man ng anumang aklat tungkol sa Higiene ay nakasapit
hanggang sa pagiging pangalawang pangulo ng Junta de Sanidad sa Maynila,
kahit tunay din naman na sa walong bumubuo ng lupon ay isa lamang ang
kailangang maging manggagamot at ang isang itoy hindi mangyayaring maging
siya..19 Gayon diy naging kagawad siya ng Junta Central sa pagbabakuna, na
mga pinuno ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas. Na naniniwala na
sila ay mga Custodio tagabantay bayan; Salazar malapit sa kapangyarihan; Sachez
sanctified; Monteredondo-palibot-libot sa bundok (masisipag).

16 Isang negosyante at kontratista ay naging opisyal ng gobyerno! Noon pa man ito na

ang raket ng mga taong gustong kumita ng malaki mula sa gobyerno ang maging
pulitiko.Ang mga katungkulan na nabanggit ay umaakma kay Jos Manuel Echeita
Luzarraga isang Espanyol na naging Alkalde ng Maynila.

17 Sa paliwanag ukol sa samahan:The society was introduced in the Philippines on


1780, vanished temporarily on 1787-1819, 18201822 and 1875-1822 and ceased to
exist at the end of the 1890s, when the United States took over as a colonial power.
Composed of leading men in business, industry and profession, the society was
tasked to explore and exploit the islands' natural resources. The society led to the
creation of Plan General Economico of Basco which implemented the monopolies on
the areca nut, tobacco, spirited liquors and explosives.
It offered local and foreign scholarships, besides training grants in agriculture
and established an academy of design. It was also credited to the carabao ban of 1782,
the formation of the silversmiths and gold beaters guild and the construction of the
first papermill in the Philippines in 1825.

18 Nangangahulugan na basta nailagay na lamang sa posisyon sa gobyerno.


19 Ito ang patunay nakalagay siya sa lupon ukol sa kalusugan, kahit hindi

manggagamot.

binubuo ng tatlong manggagamot at pitong walang pagkabatid sa bagay na


iyon, na sa mga itoy isa ang arsobispo at ang tatloy mga provincial,20 naging
kasapi sa mga kapatiran, at gaya ng naunawa na natin, 21 ay kagawad na
nagpapalagay sa Kataas-taasang Lupon ng Edukasyong Primarya na hindi
laging kumikilos,22 mga sanhing higit na sa kailangan upang balutin siya ng
mga pahayagan ng mga palayaw, kailan mat maglalakbay o bumabahing.
Sa kabila ng maraming tungkulin, si Don Custodio ay hindi kabilang
sa mga natutulog sa mga pagpupulong at nasisiyahan nang kagaya ng mga
kinatawang kimi at tamad, na makiboto na lamang sa lalong marami.23
Hindi kagaya ng maraming hari sa Europa na nagtataglay ng titulong hari sa
Jerusalem;24 pinaghahari ni Don Custodio ang kanyang kalagayan at
sinasamantala ang lahat ng mapapakinabang dito,25 ikinukunot na mabuti

20 Ano ang kinalaman ng arsobispo ng Maynila at tatlong provincial o pinuno ng

bawat religious order sa lupon ng bakuna Agua Bendita kaya ang ginagamit noon na
pambukana?

21 Sumapi sa mga kapatiran ng mga prayle ito ay upang magkaroon ng posisyon sa


gobyerno.
Napakalaking insulto sa board of primary education sa ilalim ng
pamahalaang kolonyal ng Espanya na halos hindi gumagalaw.Dito ay makikita ang
kalupitan ni Rizal sa paglalantad ng kahinaan ng Kolonyal na pamahalaan ng
Espanya. Ang ginamit niya lamang sa paglalarawan ay iisang indibidwal na si Don
Custodio, subalit halos na naging shotgun ang kaniyang pagtura sa kabuuan ng
burukrasya.
22

23 Habang painsultong pinupuri niya sa kasipagan si Don Custodio ay inilantad


naman ni Rizal ang kahinaan ng mga kinatawan at kasangguni ng ating kongreso
este sanggunian ng estado noong panahon ng kolonyalismo ng Espanya.
24 Hari sa Jerusalem kapangyarihan na tinamo ng mga pinuno ng Europa noong

nagwawagi pa sila sa Krusada, subalit ang katungkulan ay naging titulo na lamang


dahilan sa ang lugar ay nasakop na ng mga Muslin sa Gitnang Silangan, nasa kaniya
ang titulo subalit wala siyang kapangyarihan at ang lugar ay hindi niya
napupuntahan. Ginamit ni Rizal ang katagang ito upang ilarawan ang kapangyarihan
ng mga matataas na opisyal ng kolonyal na pamahalaan na higit na nominal o
katawagan lamang.

25 Para kay Don Custodio ang posisyon sa pamahalaan ay para mapag-ibayo ang

sariling pakinabang.

ang kilay, pinalalaki ang boses, umuubo sa pagsasalita at madalas na siya na


lamang ang umuubos ng isang pagpupulong dahil sa pagsasalaysay ng isang
kabuhayan, paghaharap ng isang panukala o paglaban sa isang kasama na
nakainipan niya.26 Kahit hindi pa siya lumalampas sa apatnapung taon ay
nagsasalita na noon na dapat daw magdahan-dahan sa paggawa ng
anuman, na iwan munang mahinog ang bubot na bunga ng higuera, at
marahang idinurugtong: mga milon!27 nagsasalita tungkol sa paglirip na
mabuti at paglakad nang marahan, ng pangangailangang kilalanin muna ang
bayan, dahil sa ang likas ng mga Indiyo, dahil sa ang karangalan ng pangalang
Kastila, dahil sa una-unay mga Kastila sila, dahil sa ang relihiyon ay atbp.
Naaalaala pa sa Maynila ang isa niyang talumpati nang unang imungkahi
ang pag-iilaw ng petroleo, bilang kahalili ng dating langis ng niyog; sa
pagbabagong iyon ay hindi nakita ang pagkamatay ng paggawa ng langis
kundi ang tutubuin ng isang konsehal 28 sapagkat si Don Custodio ay may
matalas na pang-amoy at humadlang na inubos ang lahat ng tunog ng
kanyang boses, na ipinalagay na ang panukala ay wala sa panahon at
hinulaang magkakaroon ng malalaking sakuna sa bayan.29 Hindi rin huli sa
kabantugan ang kanyang paghadlang sa isang panghaharana, na ibig gawin
ng ilan sa isang gobernador bago umalis. Si Don Custodio na mayroong
kaunting sama ng loob dahil sa ilang paghiya sa kanya, na hindi na namin
naaalaala, ay natutong ikalat ang bali-balitang ang talang darating ay
kalabang masidhi ng aalis, bagay na ipinangamba ng mga manghaharana,
kayat hindi natuloy.30

26 Ang pagiging aktibo niya sa kapulungan ng kolonyal na pamahalaan ay hindi para


sa kaniyang sarili, kundi para sa kaniyang kapakinabangan.
27 Ipitin muna ang pondo ng mahaba-habang panahon at pagtubuan ng malaki.

Tandaan na si Don Custodio ay opisyal ng Banco Espanol-Filipino.

28 Pansinin na ang batas na pagpapalit ng petroleo bilang panggatong sa mga ilaw sa

kalsada sa Maynila ay papatay sa katutubong industriya. Subalit ang batas ay


kailangang maipasa para sa malaking kapakinabangan ng mambabatas o
nagpanukala ng batas na ito.

29 Ang lundo ng pagtutol ni Don Custodio ay higit na sa pagiging makaluma ng

kaniyang paniniwala at hindi sa pagmamalasakit sa katutubong industriya na


maaring mamatay sa pagpapatupad ng batas sa paggamit ng petroleo.

30 Mahusay si Don Custodio sa Demolition Job o pagwasak sa mga taong kagalit niya

sa pulitika.

Isang araw ay pinagpayuhan siyang bumalik sa Espanya upang


magpagamot ng isang sakit sa atay, at binanggit siya ng mga pahayagan na
wariy isang Anteo (ang higanteng anak ni Neptuno at ng Lupa na
nakapagpapabagu-bago ng anyo) na nangangailangang tumuntong sa InangBayan upang kumuha ng mga panibagong lakas, ngunit ang Anteong tagaMaynila ay lumiit at nawalang-kabuluhan sa Corte.31 Doon ay hindi siya
pansin, kayat hinahanap-hanap ang kanyang mga kaibig-ibig na bansag.
Hindi siya nakikihalubilo sa mga lalong mayayaman. Ang kakulangan niya sa
pinag-aralan ay hindi makapagbigay sa kanya ng malaking kahalagahan sa
mga lipunang ukol sa karunungan at mga akademya,32 at dahil sa kanyang
pagiging at pagtataglay ng pulitikang-kumbento33 ay litong umaalis sa mga
kalipunan, walang kasiyahang-loob, muhi, at walang malinawan, kundi ang
dooy inuutangan ng kuwalta ang tanga at dooy malakas ang sugal.
Hinahanap-hanap niya ang kanyang masunuring mga utusan sa Maynila na
nangagtitiis sa lahat ng kanyang nakayayamot na maibigan, at sa gayon ay
nakikita niyang ang mga iyon ay siyang lalong mabuti;34 sa dahilang sa
taglamig ay nangailangan siyang palaging nasa tabi ng dupaan/ fireplace, at
kung hindiy makakasagap ng pulmonya, ay ipinagbubuntung-hininga ang
pag-aalala sa taglamig sa Maynila na sukat na ang magtaglay ng isang
makapal na kumot; naiisip ang kanyang tumba-tumba at ang batang
tagapamaypay kung tag-init;35 sa isang sabi, sa Madrid ay naging isa siya sa
mga pangkaraniwan, at kahit na mayroon siyang mga brilyante, minsan ay
31 Tandaan natin na ang ginamit na bansag ng pahayagan kay Don Custodio ay

Anteo/Antaeus na napakalakas lamang kapag nakatuntong sa sarili niyang lupa,


subalit nanghihina na katulad ng karaniwang tao lamang kapag na napunta sa
mataas na bahagi ng mundo.
Pansinin kung papaano ang ginagawang pagpapahalaga ng pahayagan sa
Maynila sa isang opisyal, subalit wala namang kabuluhan kapag pumunta sa ibang
bansa. Kahit ang pangulo ng Pilipinas, kapag pumunta sa Amerika, kung hindi ito
state visit ay halos walang mahalagang coverage ng diyaryo sa pahayagang Amerikano.

32 Pansinin na sa Maynila, si Don Custodio ay bahagi ng mga mahahalagang lupon na

may kinalaman sa siyensiya at edukasyon. Samantalang sa Espanya ay hindi man


lamang siya maging kabahagi ng mga Akademiya pang-siyensiya at literatura.

33 Ang pulitika ni Don Custodio ay pulitikang kumbento kailangan niyang


makibagay sa mga prayle upang makapanatili sa puwesto. Samantalang sa Madrid ay
kailangan na maging liberal at mayroong malayang pag-iisip ang mga pulitiko.
34 Ang kaniyang pagiging walang kabuluhan sa Madrid ang nagbigay daan sa kaniya

na naisin ang status quo sa Pilipinas.

35 The comfort of the Philippines its more fun in the Philippines

pinagkamalan siyang paleto na hindi marunong umimbay, at minsan ay


pinagkamalan siyang Indiano,36 kinutya ang kanyang mga katatakutan at
talamak siyang inuto ng ilang mangungutang na kanyang hiniya. Muhi sa mga
conservador, na hindi pinahahalagahan ang kanyang mga payo, na gaya rin
naman sa mga humihitit sa kanyang bulsa, ay sumapi sa pangkating liberal, at
bago matapos ang taon ay bumalik sa Pilipinas, na kung hindi man magaling
na sa sakit sa atay ay nagpagulo naman ng kaniyang paghahaka.37
Ang labing-isang buwang ipinamuhay niya sa Corte na kahalubilo ng
mga pulitikong-kapehan, mga retirado lahat halos; 38 ang ilang diskurso na
pinulot lamang sa mga suluk-sulok,39 ang gayon o ganitong lathalang laban sa
pamamahala at lahat noong pamumuhay sa pulitika na nalalanghap doon,
mula sa barberya, sa pagitan ng mga pagguhit ng Figaro, na naghahayag ng
kanyang patakaran, hanggang sa mga pigingan na pinaghahayagan, sa
pamamagitan ng maiinam na pagsasalaysay at mga nakabibighaning banggit
ng mga sari-saring kulay ng mga pananalig sa suliraning bayan, ang mga
pagkakaiba, mga pagtiwalag, mga di-kasiyahang loob, atbp.,40 ang lahat ng
iyon, samantalang siyay lumalayo sa Europa ay muling nabubuhay nang
lubhang malusog sa kanyang alaala, na wariy binhing natanim, na
napipigilang lumaki ng mga malalapad na dahong nakatatakip, 41 kayat nang
dumaong sa Maynila ay inakalang itoy maiaayos niya, at gayon nga, taglay ang
lalong banal na adhika at ang lalong malilinis na mithi.42

36 Naging mukhang paleto o probinsiyano si Don Custodio sa Madrid.

37 Sumapi sa pangkating liberal dahilan sa pagakamuhi sa mga konsebador at upang

makaiwas sa mga mangungutang na konsebador.

38 Mga pulitiko na wala sa posisyon at nagpaparaos lamang ng kanilang mga ideya at


istratehikong pampulitika sa pamamagitan ng pag-uusap-usap sa mga kapehan.
39 Ipinakikita rito ni walang orihinalidad ang mga pulitiko sa Madrid, nangongopya

lamang ng mga diskurso at inaangkin na para bang sa kanila nagmula ang mga iyon
Tama po ba ang anotasyon ko Supreme Court Justice Mariano del Castillo?

40 Inilalaraawan ni Rizal ang kaayusan ng forum ng mga pulitiko ng Espanya

41 Meron siyang ideya ng liberalismo, subalit mayroong malapad na dahon ng mga

konsidereasyon na tumatakip sa binhi ng kaniyang naisin.

42 Sa pagbabalik niya sa Maynila, siya ay nagbabalak na maging repormista.

Sa mga unang buwan ng kanyang pagdating ay wala nang nababanggit


kundi ang Madrid, ang kanyang mabubuting kaibigan, ang ministrong si
Ganoon, ang naging ministrong si Ganito, ang kinatawang C, ang manunulat
na si B; walang pangyayari sa pulitika, mga eskandalo sa Corte, na hindi niya
nababatid ang lalong kaliit-liitang detalye, ang bantog na tao alam niya ang
pribadong lihim, walang nangyaring hindi niya hinulaan, o ang pagpapatupad
ng isang reporma na hindi muna isinangguni sa kanya; at ang lahat ng itoy
may kalahok na pag-atake sa mga conservador na taglay ang tunay na
pagkasuklam, pagpupuri sa pangkating liberal, isang kabuhayan dito, isang
salita doon, ng isang bantog na tao, na ipinapatlang, na waring hindi
kinukusa, ang mga pag-aalok sa kanila at mga tungkuling hindi tinanggap
upang di lamang magkaroon siya ng anumang utang na loob sa mga
conservador. Napakalaki ang kapusukan niya nang mga unang araw na iyon,
na ang ilan sa kausap-usap sa tindahan ng mga sari-saring kakanin na
dinadalaw niyang maminsan-minsan ay nangagsisapi sa pangkating liberal, at
nagpanggap nang liberal si Don Eulogio Badana, sargento retirado sa
carabinero; ang marangal na si Armendia, piloto at matalik na carlista; si Don
Eusebio Picote, kawani sa adwana, at si Don Bonifacio Tacon, sapatero at
talabartero.43
Gayunman, ang mga sigabo, dahil sa kakulangan ng tunggalian at mga
bagay na makapag-uudyok, ay unti-unting napawi. 44 Hindi niya binabasa ang
mga pamahayagang tinatanggap niyang buhat sa Espanya, sapagkat
balubalutan kung tanggapin at ang pagkakita noon ay nakapagpapahikab sa
kanya;45 ang mga paghahakang kanyang napulot na pawang gamit na ay
nangangailangan ng abuloy na dagdag, at dooy wala ang kanyang mga
mananalumpati;46 at bagaman malalakas ang laro sa mga casino sa Maynila, at
43 Ang mga pangalan na ibinigay ni Rizal sa mga taong sumapi sa Maynila sa

pangkating liberal na itinayo ni Don Custodio ay isang katatawananEulogio Badana


Ang pangalan nito na Eulogio ay nangagaghulugan na mahusay na mangatwiran
subalit ang apelyido naman nito ay Badana na nangangahulugan na isang malambot
na jacket na madaling pasunurin ayon sa nais na anyo.
Armendia nangangahulugan na kawal
Eusebio Picote Ang pangalan nito na Eusebio ay nangangahulugan na deboto ng
paniniwalang pangrelihiyon at ang apelyido ning Picote ay nangangahulugan na buhok
ng kambing
Bonifacio Tacon ang pangalang Bonifacio ay nangangahulugan na mabuting
kapalaran subalit inilagay naman ni Rizal na apelyido ng magsasapatos ay Tacon
(takong) na siya naman sumasayad at palaging humahalik sa lupa.

44 Walang pagtatalong pampulitika sa Pilipinas, hindi mabubuhay ang liberalismo.

45 Katmaran na mag-aral ng mga pagbabago


46 Wala na ang malayang kapehan sa Madrid na kinapupulutan niya ng mga ideya.

mayroon ding mangungutang, gaya ng sa mga


lipunan sa Madrid, gayon man ay hindi naman
ipinahihintulot, sa mga tinuran, ang ano mang
talumpati upang buhayin ang mga mithiin sa pulitika. 47 Ngunit si Don
Custodio ay hindi tamad; gumagawa nang higit sa pagnanasa lamang,
kumikilos; at sa pagkakilala niyang sa Pilipinas siya malilibing, at sa pagaakalang iyon ang kanyang makikilusan ay pinag-ukulan ng kanyang mga
pagsusumikap at inakalang mapabubuti sa pagbabalak ng maraming
pagbabago at mga PROYEKTONG kakaiba. Siya, dahil sa nadinig sa Madrid
ang pag-uusap tungkol sa mga kalsada sa Paris, na nilalatagan ng kahoy,
na noon ay hindi pa ginagawa sa Espanya, ay nagmungkahing gawin sa
Maynila, sa paraang maglatag ng mga tabla sa mga lansangan at
ipagpapako na gaya ng nakikita sa mga bahay-bahay;48 siya, dahil sa mg a
kasawiang nangyayari sa mga sasakyang dadalawa ang gulong, at upang
maiwasan ang gayon, ay nagmungkahing magtaglay ng tatlo man lamang;49
siya rin naman, ang samantalang gumaganap sa pagka-pangalawang pangulo
ng Junta de Sanidad ay nakaisip na wiligan ng panlinis ang lahat ng bagay,
pati na ang mga telegrama na galing sa mga bayang may epidemya; siya rin, sa
pagkahabag sa mga bilanggo na nangagsisigawa sa init ng araw, at sa
pagnanasang makapagtipid ang pamahalaan sa paggugol sa mga kasuutan
noon ay ipinalagay na suutan na lamang ng isang bahag at pagawi n sa gabi at
huwag sa araw. Nahahanga at namumuhi, kung ang kanyang mga proyekto ay
makatagpo ng oposisyon; ngunit kinakalamay ang sarili pag naiisip na ang
taong may halaga ay sadyang may kalaban, at naghihiganti naman siya, sa

47 Madrid different-inasar ang pagsusugal

48 Ang paraang ito ay tinatawag na Wood block pavement na isa pamamaraan

ng mga inheyerong sibil ng paglalatag ng kalsada na ang gamit ay mga kahoy at


ginamit sa Paris at maging sa mga pangunahing lungsod sa Estados Unidos noong
ikalawang hati ng ika-19 na siglo.Sa bahaging ito ay nagpapatawa si Rizal sa
panukala ni Don Custodio, na latagan ang mga kalsada sa Maynila ng mga kahoy na
parang sahig ng bahay. Ito ay sapagkat ang tunay na disenyo ng wood pavement ay
ang ilubog sa lupa ang mga may kahabaang bloke ng kahoy na dadaanan ng mga
sasakyan. Tingnan ang larawan ng pagkakalatag ng mga kahoy sa wooden pavement
at basahin na rin ang url ng chicago ukol sa ganitong uri ng kalsada.
http://forgottenchicago.com/articles/wood-block-alleys/

49 Mula sa pananaw na ipinahiram ni Rizal kay Don Custodio ay makikita na

napakinabangan rin ito ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paggamit natin ng mga


sasakyang may tatluhang gulong.

paraang pagtuligsa at pagpapawalang-kabuluhan sa lahat ng proyekto, maging


masama o maging mabuti, na iharap ng iba.50
Sapagkat ipinagmamalaki ang kanyang pagka-liberal, kailanmat
matatanong siya kung ano ang palagay sa mga Indiyo, ay karaniwang isagot,
gaya ng isang gumagawa ng isang malaking utang na loob, na, nararapat sa
mga gawain sa kamay at mga artes imitativas (ang ibig sabihin ay musika,
pintura at eskultura), at idinaragdag ang kanyang matandang pabuntot, na
upang makilala silay kailangang bumilang ng maraming-maraming taong
pamumuhay sa lupaing iyon.51 Gayunman, kung nakakadinig na may
napapabantog sa anuman, na hindi dahil sa mga gawain sa kamay o arte
imitativa, sa kimika, sa medisina o pilosopiya, sa halimbawa, ay sinasabi
niyang: Ush, maaarihindi tanga! at sinasapantaha niya na ang Indiyong
iyon ay maraming dugong Kastila sa ugat; at kung hindi niya makitaan kahit
na magpilit ay humahanap naman ng isang pinanggalingang Hapon: noon ay
nagsisimula ang gawi na iukol sa mga Hapon at sa mga Arabe ang ano mang
mabuting bagay na taglay ng Pilipino.52 Para kay Don Custodio, ang
kundiman, ang balitaw, ang kumintang ay mga tugtuging Arabe, gaya rin
naman ng mga titik sa pagsulat ng matatandang Pilipino, at sa bagay na itoy
wala siyang pag-aalinlangan, kahit hindi niya kilala ang Arabe, ni hindi man
siya nakakita ng katitikang Pilipino.53
Arabe at lubos na Arabe! anya kay Ben-Zayb sa isang pagsasabing
hindi matututulan, kung dili man ay Insik.54
At idinudugtong pang may kindat na makahulugan: Walang-wala,
walang bagay na sadyang likas ang mga Indiyo, batid ninyo? Malaki ang
pagmamahal ko sa kanila, ngunit hindi sila dapat purihin sapagkat
nangagmamalaki at nagiging mga kahabag-habag.55
50 Counter productive

51 Nagkukunwaring liberal pero ang kaniyang pananaw sa mga Indio ay katulad rin
ng mga reaksiyonaryo.
52 Pangmamaliit sa katutubong katalinuhan ng mga Pilipino.

53 Ang pagkakahawig ng baybayin sa sulat Arabe ay sinasapantahan na ang ating


matandang paraan ng pagsulat ay dito nagmula.
54 Pansinin na si Don Custodio na na mismo ang kumontra sa kaniyang sarili.

Naniniwala siya na Arabe, subalit naniniwala rin siya na sa Intsik.

55 Mga pananalitang prayle

Kung minsay sinasabi na: Pinakamamahal ko ang mga Indiyo, akoy


lumalagay nang para nilang amat tagapagtanggol, ngunit kailangang ang
bawat bagay ay malagay sa nararapat kalagyan. Ang ibay ipinanganak upang
mag-utos at ang ibay upang sumunod; kung sa bagay ay hindi masasabing
malakas ang katotohanang ito, datapway ginagawa nang walang maraming
salitaan. At tingnan ninyo, ang paraan ay walang kahirap-hirap. Pag
kailangan ninyong pigilin ang bayan ay paliwanagan ninyong siyay pigil;
tatawa sa unang araw, sa ikalaway tututol, sa ikatlo ay mag-aalinlangan at sa
ikaapat ay panalig na panalig na.56 Upang mapalagi ang Pilipino sa
pagkamasunurin ay kailangang uulit-ulitin sa kanya, sa araw-araw, na
siyay gayon at pananaliging siyay walang magagawa. Sa isang dako
naman ay ano pat mananalig siya sa ibang bagay kung masasawi lamang?
Paniwalaan ninyo ako, isang kawanggawa ang palagiin ang bawat isa sa
kalagayang kinaroroonan; diyan naririyan ang kaayusan, ang pagkakasundo.
Iyan ang lihim ng karunungan sa pamamahala.57
Kung tinutukoy ni Don Custodio ang kanyang paraan sa pamamahala
ay di na nasisiyahan sa salitang arte. At pagsasabi niya ng pamamahala ay
iniuunat ang kamay, ibinababa hanggang sa taas ng isang taong nakaluhod
at nakayukod.58
Tungkol naman sa pananampalataya ay ipinagmamalaki ang kanyang
pagka-Katoliko, lubos na Katoliko. Ah! Ang Katolikong Espanya, ang lupain
ni Maria Santisima59 Ang isang liberal ay maaari at dapat maging Katoliko
doon sa pook na ipinalalagay ng mga kalaban ng pagkakasulong na silay mga
diyus-diyusan o santo man lamang,60 gaya nang pangyayaring ang isang
kayumanggi ay inaaring maputi sa Kapreria. Gayunman ay kumakain siya ng
lamang-kati sa buong kurisma, maliban lamang sa Viernes Santo; hindi

56 Mga Pananaw prayle


57 Para kay Don Custodio ang pagpapanatili ng status quo ang karunungan sa

pamamahala. Hindi niya sinasabi na ang


pinakamahalagang aspekto ng pamamahala.

pagbabago

at

dinamismo

ang

58 Simbolismo na ginamit ni Rizal upang ipakita na ang paraan ng pamamahala ng

gobyerno ay dapat na katulad ng sa pamamahala ng simbahan.

59 Maria Santisima! kagulat-gulat o puno ng eskadalo at kaguluhan.

60 Sa Espanya ang mga liberal ay maaring maging Katoliko, samantalang sa Pilipinas


ang mga liberal ay nagiging heretiko o kalaban ng simbahan.

nagkukumpisal kailan man, hindi naniniwala sa mga kababalaghan, ni sa


hindi pagkakamali ng Papa; at kung magsimba ay nagsisimba sa ika-sampu ng
umaga o sa lalong maikling misa, sa misa ng mga sundalo.61 Kahit sa Madrid
ay nagsalita siya laban sa mga pari, na ipinalalagay niyang lipas na sa
kapanahunan, upang di matiwali sa kanyang kinagigitnaan, nagsalita ng mga
paglait sa Inquisicion62 at nagsalaysay ng gayon o ganitong kabuhayang
malaswa o palibak, na kinalalahukan ng mga habito, o sa lalong tiyakan, mga
prayleng walang habito; gayunman, pagsasalita tungkol sa Pilipinas, na dapat
pamahalaan ng alinsunod sa mga tanging batas ay umuubo, titingin ng isang
titig na may kahulugan, uulitin ang paglalahad ng kamay na kasimpantay ng
taas na matalinhaga.
Ang mga prayle ay kailangan, silay isang bagay na masama,
ngunit kailangan, ang sabi.63
At nagagalit kapag ang isang Indiyo ay nangahas na mag-alinlangan sa
mga kababalaghan o hindi naniniwala sa Papa. Ang lahat ng pahirap ng
Inquisicion ay hindi sapat na parusa sa kapangahasang iyon.64
Kung ikinakatwiran sa kanya na ang panggagaga o ang mabuhay na
sinasamantala ang kamangmangan ay may iba pang tawag na masamang
dinggin at pinaparusahan kapag nag-iisa ang nagkakasala ay lumulusot
naman siya sa paraang pagtukoy sa ibang bayang sakop.
Kami, ang sabi, na ang boses ay ang ginagamit sa mga seremonya,
kamiy makapagmamalaki! Hindi kami kagaya ng mga Ingles at mga
Olandes, na upang mapanatili sa pag-alinsunod ang mga bayan ay
gumagamit ng pamaloang aming ginagamit ay ibang paraan na lubhang
malumanay, lubhang matibay; ang malunas na tulong ng mga prayle ay
higit sa pamalong Ingles65
61 Isang uri ng pagiging Katoliko na hindi ganap na nanalig sa aral ng simbahan.

62 Inquisicion isang hukuman na itinatag para sa paglilitis ng mga erehe o kalaban

ng simbahan.

63 Si Don Custodio ay nagkukunwaring liberal- ito ay dahilan sa paniniwala niya na


ang mga prayle ay kailangan sa Pilipinas, samantalang ang mga liberal sa Espanya ay
naniniwala na hindi dapat bigyan ng malaking kapangyarihan ang mga prayle sa
Pilipinas.
64 Ang kaniyang paniniwala kailangan ang relihiyon para manatiling alipin ang mga

Pilipino sa ilalim ng kolonyalismo.

Pinalad siya sa kaniyang nasabing ito at sa mahabang panahon ay


binanggit-banggit ni Ben-Zayb at gayon din ng buong Maynila; pinakapuri-puri
ng mga nag-iisip sa Maynila. Ang salita ay nakaabot sa Madrid, at binanggit sa
parlamento, na parang sinabi ng isang liberal na may mahabang paninirahan
atbp., at sa dahilang naging karangalan ng mga prayle ang gayong paghahawig
at nakapagpatibay sa kanilang mabuting pangalan ay hinandugan siya ng ilang
arobang sikulate,66 bagay na ipinabalik nang di malamuyot na si Don
Custodio,67 at sa kadahilanang itoy ipinantay naman ni Ben-Zayb ang taglay
niyang kabaitan sa kabaitan ni Epaminondas. 68 Datapwat gayunman ay
gumagamit din ng yantok ang bagong Epaminondas kung inaabot ng
pagkagalit, at ang gayon ay inihahatol rin niya sa iba!
Nang mga araw na iyon ay inulit ng mga kumbento ang kanilang mga
handog dahil sa pangangambang baka siya magbigay ng isang kapasyahang
sang-ayon sa kahilingan ng mga nag-aaral, at nang hapong natagpuan natin
siya ay lalo pa manding hindi mapalagay kaysa dati sapagkat malapit masira
ang kanyang kabantugang masipag.
Mahigit nang labinlimang araw na nasa kamay niya ang mga
kasulatan, at nang umagang iyon, matapos na mapuri ang kanyang
pagkamasusi, ay itinatanong ng mataas na kawani ang kanyang kapasyahan.
Si Don Custodio ay sumagot nang lubhang matalinhaga, na ang ibig sabihin ay
yari na. Ang mataas na kawani ay ngumiti, at ang ngiting iyon ngayon ay
gumagambalat umuusig sa kanya69

65 Subalit ang pamalo ay gamit ng mga prayle para pasunurin ang mga Pilipino.

66 Ang isang aroba sa konbersiyon 11.5 kilos.

67 Di malamuyot hindi tumatanggap ng suhol.


68 Epaminondas (ca. 418 BC 362 BC) lider ng lungsod-estado ng Thebes sa Gresya

pinalaya niya ang mga alipin mula sa kapangyarihan ng mga Sparta at isang idealista
na bumago ng kasaysayan ng mga lunsod-estado ng Gresya na kaniyang nasakupan.
Nakilala siya sa kasaysayan dahilan sa kabila ng pagkakaroon ng napakalaking
kapangyarihan ay namuhay ng simple. Ang pagtanggi ni Don Custodio sa handog ng
mga prayle na ilang arobang tsokokolate ay naktulad ng ginawang pagtanggi ni
Epaminondas sa ibinibigay sa kaniyang handog na suhol ng isang embahador na
Persiano.

69 Ang mataas na kawani ay nakangiti dahilan sa sagot ni Don Custodio ay kailangan

na niyang magpasiya na ito ng madalian na hindi naman madali para sa kaniya


dahilan sa komplikasyon.

Gaya ng sinabi na namin, ang hikab niyay sunud-sunod. Sa isang


pagkilos niya, nang sandaling idinidilat ang mga mata at inilapat ang bibig, ay
napatitig sa mahabang hanay ng mga kuwadernong mapula, na ayos na ayos
ang mga pagkakalagay sa magarang estanteng kamagong, sa mga gulugod ng
bawat isay may mga malalaking titik na ang sinasabi ay: MGA PROYEKTO.
Nalimot sumandali ang kanyang mga kagipitan at ang mga pag-ikot ni
Pepay upang alalahanin na ang lahat ng nilalaman ng mga baitang na iyon ay
pawang sumipot sa kanyang palaanak na ulo sa mga sandaling pagliliwanag.
Gaano karaming bungang-isip na walang kamukha. Gaano karaming
ikaliligtas sa pagsasalat ng Pilipinas! Kailan pa man ay hindi na siya
malilimot at tataglayin niya ang pagkilala ng utang na loob ng bayan!
Waring isang matandang mangingibig na nakatagpo ng isang balutang
inaamag na mga sulat ng pag-iibigan ay tumindig si Don Custodio at lumapit
sa lalagyan ng mga aklat. Ang unang balangkap na makapal, magang-maga,
punung-puno, ay mag taglay na tatak na MGA PANUKLANG PROYEKTO.70
Huwag! ang bulong, may mga bagay na maiinam, ngunit kailangan
ang santaon upang mabasang muli.71
Ang pangalawa, na makapal-kapal din, ay may tatak na MGA
PROYEKTONG SINUSURI. Huwag din!
Pagkatapos noon ay sumusunod ang MGA PROYEKTONG
INIHARAP MGA PROYEKTONG PINAWALANG-KABULUHAN MGA
PROYEKTONG PINAGTIBAY MGA PROYEKTONG PINIGIL Ang mga
huling kalangkap ay kakaunti ang laman, ngunit ang huli ay lalo pa, ang sa
MGA PROYEKTONG ISASAGAWA.
Ikinislot ni Don Custodio ang kanyang ilong, ano kaya ang laman?
Nalimot na niya ang nasa loob niyon. Isang putol na papel na naninilaw ang
nakaungos sa dalawang takip na wariy dinidilaan siya ng balangkap.
Kinuha sa lalagyan at binuksan: iyon palay ang bantog na panukala
ng Paaralang Artes y Oficios.
Ah, putris! ang bulalas, ngunit itoy nasa kamay na ng mga paring
Agustino.72
70 Pansinin na ang mga nakasalansang panukalang proyekto ay itinulad ni Rizal sa

mga inaamag na love letter.

71 Manana Habit
72 Ang kumbeto ng mga Agustino sa Guadalupe ang orihinal na lugar ng Escuela de

Artes y Oficio. Naiinis siya dahilan sa naunahan na siya ng mga Augustino sa


pagpapatupad ng proyekto.

Walang anu-anoy biglang tinapik ang kanyang noo. Inihubog ang


kilay, isang pagtatagumpay ang nalarawan sa kanyang mukha.
Sa, heto pala ang aking pasya, e! ang bulalas na nagbitiw ng isang
mahalay na salitang hindi ang eureka, ngunit nagsisimula sa pangkatapusan
nito, ang aking kapasyahan ay yari na.
At makalima o makaanim na inulit-ulit ang kanyang kinaugaliang
eureka, na humaging sa hangin, na wariy magalak na hagkis, at masayang
tinungo ang kanyang mesa at sinimulan ang pagsulat.

You might also like