Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Aralin 7

Kawilihan sa Pagbabasa/Pagsuri
(Week 7)
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Batayang Pagpapahalaga :
Pamantayang Nilalaman :
Pamantayan sa Pagkatuto:

Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)


Pagmamahal sa Katotohanan (Love of Truth)
Makapagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa/pagsuri ng mga
aklat at magasin
Nagpapakita ng tunay na pagmamahal o pagpapahalaga sa mga
babasahin tulad ng:
a. Pagbabasa ng diyaryo araw-araw
b. Pakikinig/Panonood sa telebisyon sa mga update o
kaalaman
c. Pagsasaliksik ng mga artikulo sa internet.

Mapanuring Pag-iisip, Pagmamahal sa Katotohanan


Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa/pagsusuri ng mga aklat at magasin.
2. Naisasabuhay ang tunay na kahalagahan ng pagbabasa at pakikinig.
Paksa/Pagpapahalaga:

Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)


Pagmamahal sa Katotohanan (Love of Truth)

Mga Kagamitan:

aklat, diyaryo

Integrasyon:

Information and Communication Technology

Nakalaang oras:

150 minuto

Panimula:
Napapayabong ang kawilihan sa pagbabasa at panonood sa ibat ibang gawain na ating
tinatamasa araw-araw.
Ang pagbabasa ng aklat, diyaryo at magasin, panonood sa telebisyon at paghalugad sa
internet ay paraan para mapalawak ang ating kaalaman sa mga bagay-bagay na nangyayari sa
ating kapaligiran. Nagbibigay din ito ng kawilihan sa mga tao. Ang mga babasahin at napapanood
ay maaari ding kapulutan ng aral dahil ang mga ito ay hango sa totoong pangyayari at tunay na
karanasan.
Sa kabila ng marami nitong dulot na kaaya-aya, ang paggamit sa mga ito bilang
pinagkukunan ng kaalaman ay kinakailangan ng pagsusuri dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay
makatotohanan ang mga impormasyon na mahahalaw dito.

PAMAMARAAN
Alamin Natin
1. Pasimulan ang aralin sa pamamagitan ng pangkatang pagbuo ng mga picture puzzles.
Ipaskil ang mga nabuong larawan sa pisara. Ipatukoy sa mga mag-aaral kung ano ang mga
ito.
2. Magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa pangkatang gawain gamit ang mga
sumusunod na tanong:
a. Alin sa mga ito ang makikita sa inyong tahanan?
b. Alin sa mga ito ang pinakugusto ninyo? Bakit?
c. Lahat ba ng mababasa o mapapanood ay dapat paniwalaan o tularan? Bakit?
Isagawa Natin
1. Pasimulan ang gawaing ito sa pamamagitan ng pagpapabasa ng isang balita mula sa
pahayagan o diyaryo.
2. Matapos na maisagawa ang Gawain 1 ay ihanda ang mga mag-aaral para sa Gawain 2, ang
pangkatang gawain:
Gabay para sa Gawain 2
a. Pangkatin ang klase
Unang Pangkat Artista : Iakto Mo!
Pangalawang Pangkat Koro : Iawit Mo!
Pangatlong Pangkat Balagtas : Itula Mo!
Pang-apat na Pangkat Pina : Iguhit at Kulayan Mo!
3. Pumili ng lider at tagapagtala. Gamit ang balitang binasa ng mga mag-aaral,
pangungunahan ng lider ang pagtatanong tungkol sa mahahalagang impormasyon ukol sa
balita . (Gamitin ang mga sumusunod na salita tulad ng Ano, Sino, Saan, Kailan at Paano
sa pagtatanong.)
Isapuso Natin
Gawain I Teka Sandali
Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng dalawang larawan (anghel at demonyo) ang bawat
grupo. Ito ang gagamitin nila sa kanilang pagdedesisyon kung ang video clip na
ipinapakita ay nagpapakita ng kawilihan (anghel) at kung hindi nagpapakita ng kawilihan
(demonyo).
1.
2.
3.
4.
5.

Nagbabasa ng diyaryo araw-araw.


Sinusunog ang mga aklat. Pinipili ang mga pelikula o programang pinapanood.
Pinipili ang mga pelikula o programang pinapanood.
Nakakapulot ng aral sa mga binabasa.
Ginagaya lahat ang napapanood.

Magkaroon ng maikling talakayan para maiproseso ang gawain.


Basahin at bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipaliwanag ng mahusay ang mensahe nito
upang lubos na maisapuso ng mga mag-aaral.
Tandaan Natin
2

Sa panahon ngayon, marami tayong mapagkukunan ng ibat ibang impormasyon tulad ng


diyaryo, telebisyon, aklat, magasin at internet. Ngunit hindi lahat ng nababasa o napapanood ay
tama o dapat tularan at paniwalaan. Kailangang alam ninyo kung ano ang dapat tularan at
paniwalaan. Kailangang tayo ay dapat maging mapanuri sa pag-iisip.
Isabuhay Natin
1. Ipaliwanag ng buong husay ang panuto sa nakalaang gawain.
Panuto: Ano ang dapat mong gawin sa bawat sitwasyon kung ikaw ang tauhan dito? Itala rin ang
dahilan kung bakit mo ito dapat gawin. Gawin mo ito sa iyong kwaderno.
1. Ginagawang bangkang papel ng iyong nakababatang kapatid ang bagong diyaryo sa
inyong bahay.
Gagawin:__________________________________________
Dahilan:___________________________________________
2. Napabalita sa telebisyon na paparating ang isang malakas na bagyo.
Gagawin:__________________________________________
Dahilan:___________________________________________
3. Nakita mong may malaswang pinapanood sa internet ang iyong mga pinsan. Yinaya ka
nilang manood.
Gagawin:__________________________________________
Dahilan:___________________________________________
Subukin Natin
1. Ipaliwanag ng buong husay ang panuto ng nakalaang gawain sa bahaging ito.
2. Iguhit ang iyong sarili na nagbabasa. Sumulat ng dapat mong ugaliin upang mapaunlad ang
kawilihan sa pagbasa.

You might also like