Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ma. Charmilyn C.

Valeroso
Grade 11 STEM -A
Ang mundo ng komunikasyon ng mga Pilipino.
Tayo ay nasa modernong panahon na. Marami na ang nagbago at marami pa
ang magbabago dahil na rin sa impluwensya ng modernong teknolohiya at ang isa
sa naapektohan nito ay ang ating komunikasyon.
Ngayon gamit ang modernong teknolohiya hindi na natin kailangan
maghintay ng pagkatagal tagal para matanggap ang mga liham galing sa malayong
lugar. Sa tulong ng mga apps tulad ng facebook, messenger, twitter, kakaotalk, line
at iba pa, isang click mo lamang matatanggap na agad ang iyong mensaheng
ipinadala. Sa kasalukyan, kung malayo ka man sa iyong mahal sa buhay maaari mo
na silang makita on-screen hindi mo sila mamimiss dahil araw-araw puwede mo na
sila makausap.
Ngunit dahil rin sa pagbabagong ito, hindi na natin napaparamdam ng
maayos ng ating saloobin kasi imbis na makausap, maramdam, makita mo ng
harapan an iyong kaibigan ay mas pipiliin mo pa na gamitin ang teknolohiya kaysa
rito dahil ito ang mas madaling paraan.
Kung kayat masasabi ko na gamit ang teknolohiya mas napapabilis at
napapgaan ang ating buhay, ngunit mayroon rin itong negatibong epekto at para
maibsan ito kailangan natin ng disiplina sa paggamit.

You might also like