Noli Me Tangere

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Kabanata XXI

Kasaysayn ng Isang Ina

Ang aking natuklasan sa kabanata XXI ay ang labis na pagmamahal


at pag-aala ni Sita sa kaniyang anak. At kung paano siya inapi at sinaktan
ng mga sundalo naging matapang siya at hinarap ang mga ito. Ngunit
dahil sa labis na pag-aalala sa paghahanap sa kaniyang mga anak siya na
baliw, laging nakangiti walang naman ningitian at kumakanta wala naman
inaawitan.

Ang Masasabi ko sa tauhan na si Sita ay pinakita niya ang isang


tunay na mapagmahal na ina. Kaniyang hinanap ang kaniyang mga anak
at ipagtanggol na hindi nagnakawa ang kaniyang at hindi magnanakaw
ang mga mahihirap. Dahil sa labis na pag-aalala at pagahahanap sa
kaniyang mga anak siya ay nabaliw.

Dito sa kabanata 21 ay aking natutuhan ang pagmamahal ng isang


ina. Dahil napakita ni Sita ang isang tunay na pagmamahal ng ina. Ang
labis na pag-aalaga, pag-aasikaso, pag-aalala at pagmamahal ay walang
katumbas sa pagmamahal ng isang ina.

Ang pangyayari na maaari maiugnay sa kasalukuyan ay ang mga


makapangyarihan na inaabuso ang kahinaan ng isang babae. Dahil sa
panahon ngayon ay marami ang nangyayari na ganito na ang iba dahil sa
may kapangyarihan gaya ng pulis, sundalo ay ginagamit nila ito upang
makapanakit at mapatakot ang mga mahihina imbis na gamitin sa mabuti.

Ang sakit sa lipuan ay ang mga sundalo ,gabinete, pari na may


kapangyarihan na pangalagaan ang bansa at gawing may mabuti sa
kapwa, ngunit sila pa ang gumagawa ng mali at katiwalaan sa bansa.
Inaabuso nila ang kanilang kapangyarihan upang mapang-api at
mapanakot ang mga taong walang laban. Malulutas ito kung sila ay may
awa at may pagmamahal sa bayan hindi nila ito magagawa.

Kabanata XXII
Liwanag at Dilim

Ang aking natuklasan sa kabanata XXII ay ang pagpunta nina Maria


Clara at Tiya Isabel sa Bayan. At labis ang pagtinigan at paghanga ng mga
tao sa bayan dahil sa kagandahan ni Maria Clara. At sa pagsapit ng dilim
ay nag-usap sina Ibarra at Maria Clara napag-usapan rin nila ang tungkol
kay Padre Salvi na sinasabi ni Maria na natatakot siya rito dahil kapag
kinanausap ay parang wala sa sarili at prang baliw ito dahil hindi siya
madalas kumain at hindi rin naliligo lagi nasa madilim na sulok. Ngunit
bigla naman ang pagdating padre Salvi at bagkaroon ng dahilan sa Maria
Clara upang maka-alis at nag-usap sina Ibarra at padre Salvi ang pagdalo
sa pista.
Ang aking masasabi sa tauhan kay padre Salvi ay para na siyang
nababaliw hindi mapakali. Dahil sa pagtanggi sa mga pagkain, hindi
kuamakain, hindi rin naliligo at parati sa sulok na madilim. Sa tuwing
kinakausop si Maria Clara ay nauutal. Siguro yun ay dahil sa may pagtingin
siya kay Maria Clara.

Ang Natutuhan ko sa Kabanata ay ang pagiging mabutihin ni Ibarra


na pagtulong sa babae upang siyay kausapin tungkol daw sa kaniyang
mga anak at sa kaniyang asawa. Nasa tigin ko si Sita ito na gusting
humingi ng tulong kay Ibarra.

Ang pangyayari na maiuugnay sa kasalukuyan ay ang panghihikayat


na dumalo sa mga kasiyahan o pista at ang pagigingg mabutihin sa kahit
sa hinaharap ngayon ay may mabubuting tao pa rin upang tulungan ang
mga tao na kailangan ng tulong.

Ang sakit sa lipunan ay ang panghuhusga sa kapwa kapag siya ay


nakatalikod o wala siya pinag-uusapan o backstabber. Na ginawa ni Maria
Clara dahil sa sinasabi niya na baliw si padre Salvi at wala daw ito sa

katinuan kapag kausap parati sa sulok. Malulutas ito kung iiwasan ang
panghuhusga at isiping mali ito.

Kabanata XXIII
Ang Pangingisda

Ang aking natuklasan sa kabnaata ay ang pagpiknik sa dagat sa


Bangka sobra kasiya-siya ang kanilang piknik. Ngunit may buwaya na
ngimbal sa kanilang kasiyahan sinubukan na hulihin ito ng piloto at
nahulog sila sa ilog at agad naman tumulong si Ibarra. At pagkaahon ng
dalawa ay nakita ang buwaya na laslas ang leeg at tiyan. Naging tahimik
sa Bangka at nawala ang pag-aalala pero nagbiruan parin si Albino.

Ang aking masasabi sa tauhan na si Piloto siya ay tahimik ngunit


may magandang kisig at mabuting tao hindi lamang mahilig sa
paghahanap buhay. At matapang na hinarap ang buwaya.

Ang natutuhan ko sa kabanta ay ang lakas loob na hinarapp ni Piloto


ang buwaya ng walang takot at muling pagtulong ni Ibarra kay Piloto
upang mapatay ang buwaya.

Ang pangyayari na maiuugnay sa kasalukuyan ay ang pikinik ngayon


dahil katlad ng kwento sa kabata ay kasiya siya, puro awitan at tugtugon
at mga harutan at masasayng kwentuhan ng mga magkakasama-sama, at
ang mga pagkain na masasarap at mga inumin na pinagsalo-salo.

Ang sakit sa lipunan ay ang sumisimbolo sa buwaya na hindi


marunong magsimba. Na isang mapanukso, hindi marunong magsimba at
puro yabang. Na nasa katangian ng tao na hindi marunong magsimba na
walang takot at tiwala sa Diyos ni hindi rin nakikinig sa mga sermon ng

pari na ito ang sakit sa lipunan. Malulutas ito kung sila ay pinapayuhan o
sinesermonan na magsimba at magkaroo ng takot at tiwala sa Diyos.

Kabanata XXIV
Sa Kagubatan
Ang aking natuklasan sa kabanata ay kasiyahan nila sa gubat.
Ganon pa rin si padre Salvi walang ganang kumain at agad pinakuha ang
karwahe at pumunta sa gubat. Sa pagpunta sa gubay ay may narinig
siyang mga nagtatawanan na pamilyar na boses sa kaniya adag niya itong
pinuntahan at nakit sina Victoria, Sinang at Maria Clara na basa ang damit
at nakalugay ang buhok. At sa kasiyahn nandoon ang buwaya ngunit di iti
pinansin ni Padre Salvi at muling nagkasiyahan at kainan. Naglaro din sila
ng Gulong ng Kapalaran na labis ikinasaya ni Maria Clara at prang
nadismaya naman si Ibarra dahil sa sinabi ng libro na ang pangarap ay
pangarap lamang. Ngunit agad na dumating si padre Salvi at nagalit na
isang kasalan ang magbasa nito. At may dumating na sarhento at
pinaghahanap ang piloto si Elias dahil sa kaniyang ginawa sa Alperes.

Ang aking masasabi sa tauhan na si Elias o ang piloto ay mataoang


siya. Dahil sa ginawa niya sa alpares na nahulog sa lubak. Nasa tingin ko
namay kaya iyon ginawa ni Elias ay upang ipagtanggol ang kaniyangg
sarili dahil sa gusto siyang banggain ng Alpares.

Ang natutuhan ko sa kabanata at na kung sa tingin mo nasa tama ka


at kung ikaw ay susubuking awayin ay magung matapang at ipagtanggol
ang sarili na huwag hayaang maapi na gaya ng ginawa ni Elias na
pinagtanggol niya ang kaniyang sarili.

Ang pangyayari na maiuugnay sa kasalukuyan ay ang pikinik


ngayon dahil katlad ng kwento sa kabata ay kasiya siya, puro awitan at
tugtugon at mga harutan at masasayng kwentuhan ng mga

magkakasama-sama, at ang mga pagkain na masasarap at mga inumin na


pinagsalo-salo.

Ang sakit sa lipunan ay ang pagganti na gusting gawin sa magkaptid


dahilan sa siya ay napagnakawan. Sakit iyon sa lipunan dahil sa mali ang
gumanti at ang walang imik o pag-aalala man lamang sa mga nawawalang
sacristan. At ang isa pang sakit sa lipunan ay gusting mambangga ng
Alpares kay Elias. Na mali dahil wala naman ginagwang mali ngunit
nagbibiro ng hindi maganda.

Kabanata XXV
Sa Bahay ng Pilosopo
Ang aking natuklsan sa kabanata ay ang pagpunta ni Ibarra sa
bahay ni Mang Tasyo upang humingi ng payo tungkol sa pagppatayo ng
paaralan. At sa mga kura kung siya ba ay tutulungan upang mapadali ang
laban sa kaniya at marami pa sila napag-usapan ni mang Tasyo.

Ang aking masasabi sa tauhan na si Mang Tasyo ay sa tinginn ko


hindi siya baliw. Siya ay matalino sapagkat ang mga payo na sinabi niya
kay Ibarra ay nakatulong upang si Ibarra ay makapagtayo ng paaralan at
sa tingin koy maraming natutuhan si Ibarra sa kaniyang payo.

Ang aking natutuhan sa kabat ay ang sinabi ni Mang Tasyo na Kung


sakali mang kayoy di magtagumpay ay mayroon ding tutubo na
pagmumulan ng bagong pananim. Na ang ibig sabihin ay may naitulong
parin si Ibarra at siya ng magsisilbing tanglaw sa natatakot sa simula.

Ang maiuugnay sa kasalukuyan ay ang pikinik ngayon dahil katlad


ng kwento sa kabata ay kasiya siya, puro awitan at tugtugon at mga
harutan at masasayng kwentuhan ng mga magkakasama-sama, at ang
mga pagkain na masasarap at mga inumin na pinagsalo-salo

Ang sakit sa lipunan ay ang mga alpares, pari at pamahalaan na


sakim. Dahil hindi nila ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang
panggalagaan ang bansa at mamamayan ay ang mas ginagawa ay
humalik sa mga Espanyan at pahirapan ang mga taong walang laban mga
mahihirap. Ang lunas rito kung may unawain sila at may pagmamahal sa
bayan di nila ito magagawa at dapat ang mga ganito ay pinapaalis sa
kanilang katayuan.

Kabanata XXVI
Ang Bisperas ng Pista

Ang aking natuklasan sa kabanata ay paghahanda ng mga tao sa


pista. May maga minatamis na nakahanda at mg aprutas ang ibang mga
kapitbahay ay naghahanda pa ng ibang maakakain. Meron din mga kwutis
na maririnig na punutukas mula sa mga kalangitan. Ang mga kapitan
magsisidalo na pupunta. At ang pagsigaw ng may itatayo na paaralan,
nasiyahan ang lahat ng nalaman ito at agad tumulong ang mga tao sa
pagtayo ng paaralan ganon din ang mga kabataan na gustong mag-aral.

Ang aking masasabi sa tauhan na si Ibarra ay labis ang kniyang


malasakit sa mga kabataan upang sila ay makapag-aral. Kahanga-hanga
ang pagtulong ni Ibarra upang makapag patayo lamang ng paaralan.

Ang natutuhan ko sa kabanata na ito ang pagiging malasakit sa mga


kabataan na gusting makapa-aral , pagbibigay pagkakataon upang silay ay
makapag-aral. Na gaya ng ginawa ni Ibarra.

Ang pangyayari na maiuugnay sa kasalukuyan ay ang mga founders


na nagdodonate upang ang mga kabataan o bata na gustong mag-aral ay
nabibigyan ng pagkkataon dahil sa mga taong tinulungan sila.

Ang sakit sa lipunan ay ang mapagpanggap na tao. Na sinasabi


nakangiti sayong sasalubong ngunit may balak na pala na hindi maganda
sa iyo. Na gusto ka nilang itumaba, mga traydor na kunwari ay kaibigan
sila.

Kabanata XXVII
Pagtatakipsilim

Ang aking natuklasan sa kabanata ay naroon si mang Tasyo binigyan


niya si Maria Clara ng agnos. At patuloy ang pagkwkwentuhan ng mga
ginoo at kapitan isa sa kanilang napag-usapan ang sa pagppatayo ng
paaralan sa pagppaupa sa mga guro. At ang pagdating ng ketongin dala
ang kaniyang bakol at nilagyan ang kaniyang bakol ng mga prutas at
binigay ni Maria Clara ang agnos dahil yun lamang ang kaniyang
maibibigay at agad siyang lumuha. Kasabay ang pagdating ni Sita at
hinawakan ang ketongin na hinahanap ang kaniyang mga anak at agad
umalis habang kumakanta. Hinuli siya ng isang kwal at umalis narin ang
ketongin dala ang bakol niya.

Ang aking masasabi sa tauhan na si Maria Clara na natuklasan niya


ang kagandahan sa San Diego na hindi niya natamo sa beaterio dahil
kaniya lamang nakita doon ay pawing kalinisan ng kaluluwa kung kaya
hindi niya batid an gang dahilan kung bakit kailangan pa ang balatkayong
pagkahiya. At ang pagkaawa niya sa ketongin.

Ang aking natutuhan sa kabanata ay ang pagkaawa at


pagkamahabagin nii Maria Clara sa ketongin na labis ang kaniyang awa

rito. Ni hindi siya nandiri na ginawa ng iba. At pagtulong ng ketongin sa


batang nahulog sa kanal kung kaya siy ay pinalo.

Ang maiuugnay na pangyayari sa kasalukuyan ay ang pista ngayon


dahil katlad ng kwento sa kabata ay kasiya siya, puro awitan at tugtugon
at mga harutan at masasayng kwentuhan ng mga magkakasama-sama, at
ang mga pagkain na masasarap at mga inumin na pinagsalo-salo.

Ang sakit sa lipunan ay ang pagmamayabang o ang paglabas ng


malaking pera at pagbibigay ng mamahaling regalo na gaya ng ginawa ni
mang Tasyo. Isa sa sakit sa lipunan dahil sa masabi lamang na siya ay
mayaman at maraming pera na nagpapakita ng isang kayabangan at
ignorante. Ang lunas rito ay maging matipid at wag maging mayabang
matutong magpakababa.

Kabanata XXVIII
Sulatan

Ang aking natuklasan sa kabanata ay ang tungkol sa pista ng San


Diego kung paano idinaraos ng mga Pilipinio ang pista. Dito sa pahayagan
ay ipinahayag kung paano ipinagdiwang ang pista. Nakapaloob din dito na
labis na hinangaan si Maria Clara sa kaniyang kagandahan. Idinaraos din
ang prusisyon ng Birehen de la Paz. At isang lihan naman ang pibadala ni
Maria Clara kay Ibarra dahil sa may karamdaman siya.

Ang masasabi ko sa tauhan na si Maria Clara ay labis ang ipinakita n


iyang pag-aalala kay Ibarra kung kaya pinadalhan niya ito ng sulat. At ang
masasabi k okay Ibarra mukang labis ang kaniyang pagklayo kay padre
Damaso.

Ang aking natutuhan sa kabanata ay natutuhan ko sa kabanata na


ito ang pagiging malasakit sa mga kabataan na gusting makapa-aral ,
pagbibigay pagkakataon upang silay ay makapag-aral. Na gaya ng ginawa
ni Ibarra.

Ang pangyayari na maiuugnay sa kasalukuyan ay ang mga founders


na nagdodonate upang ang mga kabataan o bata na gustong mag-aral ay
nabibigyan ng pagkkataon dahil sa mga taong tinulungan sila.

Ang sakit sa lipunan ay maluho o magastos dahil sa mga sobrasobrang mga gastos sa pista at dahil sa lubos na paggastos ay may
maipagyabang lamang na may pera. Malulutas ito kung tayo ay ay
mapagtitipid at hindi ang panay gastos. At hindi kailagan ipakita o
ipagyabang na may sobra sobrang pera.

Kabanata XXIX
Kinaumagahan

Ang aking natuklasan sa kabanata ay Maagang pumasiyo sa


lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog. Muling
narining ang tuong kampana at mga paputok. Ang mga tao ay nagbihis na
ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila. Tanging si
Pilosopong Tasyo lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. At nagsibatiian
sila. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot. Binabatak naman ng mga
hermana mayor ang mga tao upang tumikim ng kanilang inihandang
pagkain. At nagsimula rin ang prusiyon.

Ang masasabi ko sa tauhan na si Padre Sibyla na siya ang may higit


na maganda ang tindig.

Ang aking natutuhan sa kabanata ay pagmaliw ng mga katoliko sa


prusisiyon sobra ang kanilang kasayahan para rito at ang paghahanda
dito.

Ang pangyayari na maiuugnay sa kasalukuyan ay ang pagdiwang ng


mga katoliko para sa prusiyon na hanggang ngayon ay kanila parin
ipinagpapatloy gawin.

Ang sakit sa lipunan ay Nakabihis nang magara ang mga taong


papuntang simbahan. Naging sakit ito sa lipunan dahil sa tigin kanila
lamang ito ginagawa pra magmuka silang mayaman at magarmo at
makapagyabang. Ang lunas dito ay hindi namna kailangan magarbo ang
damit kahit simple lang ay okay na dahil pumunta sa simbahan para
sumamba hindi para sa pagandahan ng damit.

Kabanata XXX
Sa Simbahan

Ang natukalasan ko sa kabanata ay pagmimisa nila na Maraming tao


sa loob ng simbahan, nagsisiksikan. At parang nababagot na sa sermon ng
padre. Nag-aagawan ang mga tao sa agua bendita . Si Padre Damaso
ang magsesermon na binayaran ng 250 piso. Ang Alkalde ay nahuling
dumating.

Ang aking masasabi sa tauhan na si Padre Damaso ay wala siynag


pinagkaiba sa mga taong sakim dahil sa nagpabayad siya upang

magsermon sa simbahan na sa tingin ko hindi dapat. Na may mali ang


kaniyang ginawa.

Ang aking natutuhan sa kabanata ay Ang aking natutuhan sa


kabanata ay pagmaliw ng mga katoliko sa prusisiyon sobra ang kanilang
kasayahan para rito at ang paghahanda dito.

Ang pangyayaring maiuugnay ko sa kasalukuyan ay ang pagsimba


ng mga katoliko na gaya sa kabanata na ito nasa aking paningin ay ganon
din sa kasalukuyan na kapag may pari na nagsesermon ay halos lahat ay
inaantok at bagot na bagot na, ngunit may iba parin na handing making sa
salita ng Diyos kahit siksikan parin.

Ang sakit sa lipunan ay Maling Paniniwala sa Relihiyon. Halimbawa


nito ang pagpapabayad ni padre Damaso ng pera upang makapagsermon
lamang na sa tinginn hindi dapat. At ang mga tao ay hindi halos nakikinig
sa salita ng Diyos. Ang lunas dito ay hindi dapat may luho ang
pagsesermon ng mga pari at kapag nasa simbahan ay igalang at makinig.

Kabanata XXXI
Ang Sermon

Ang aking natuklasan sa kabanata ay Si Padre Damaso ang


nagpiling magsermon sapagkat marami siyang alam sa patrong si San
Diego. Ang unang bahagi ng sermon ay Kastila, ang ikalawang bahagi ay
Tagalog Habang nagsesermon si Padre Damaso naiinitan ang mga tao at
ang karamihan ay natutulog. Panay ang parinig ni Padre Damasi kay Ibarra

na nagtitimpi lamang. May lumapit na lalaki kay Ibarra (Elias) na binalaan


siya at kailangang mag-ingat sa araw ng para sa kanyang paaralan.

Ang aking masasabi sa tauhan nasi Padre Damaso ay napakayabang


niya prang hindi siya pari kung umasta. Naghahatid siya ng magandang
balita ngunit sa sarili niya hindi niya maituro na kahit siya ay masmali
lalot na pinariringgan niya si Ibarra.

Ang aking natutuhan sa kabanata ay ang pagigini matimpiin ni


Ibarra. Na kahit pinriringgan siya ay nagagwa niya paring maging matipiin.
At ang pagiging tapat ni Elias bilang isang kaibigan binalaan niya si Ibarra.

Ang pangyayaring maiuugnay ko sa kasalukuyan ay ang pagsimba


ng mga katoliko na gaya sa kabanata na ito nasa aking paningin ay ganon
din sa kasalukuyan na kapag may pari na nagsesermon ay halos lahat ay
inaantok at bagot na bagot na, ngunit may iba parin na handing making sa
salita ng Diyos kahit siksikan parin.

Ang sakit sa lipunan ay pagpaprinig sa kaaway gaya ng ginawa ni


padre Damaso na labis ang pagpaparinig kay Ibarra. Ang pagpaparinig sa
kaaway ay mali at wala namn ito naidudulot na maganda. Ang lunas para
rito ay manahimik na lamang para sa ikabubuti.

Kabanata XXXII
Ang Kalo

Ang aking natuklasan sa kabanata ayAng panghugos ay ginawa ng


Taong Madilaw anak ng isa sa mga naging tauhan noon ni Don Saturnino
na nakaranas ng kalupitan ng Don. Isang malaking handa ang ibinigay rin

ni Ibarra. Si Padre Salvi ang magbabasbas sa panukalang-bato. Napansin


ni Ibarra si Elias sa kalayuan na tila nagpapaalala sa sinabi niyang babala
sa simbahan. Hiniling na si Ibarra ang maglagay ng palitada pagkatapos
maglagay rin ang kanyang mga bisita. Biglang nasira ang panghugos at
bumagsak ito na tamang-tama na nakababa sa hukay si Ibarra.

Ang masasabi ko sa tauhan na si Ibarra kung nakinig lamang siya


akay Elias ay wala sanang mamamatay o napahakamak. Ngunit mabuti na
lamang ay naligtas siya at agad naman siyang kumilos.

Ang aking natutuhan sa na kahit minsan ay makinig sa payo ng


kaibigan upang wala sa nang pagsisihan sa dulo. At mag-inagat sa
pupuntahan na lugar.

Ang maiuugnay sa kasalukuyan ay ang pagghugos o kalo na


ginagawa parin ngayon upang saksihan at ipagdiwang ang paggawa sa
mga building gaya ng paaralan.

Ang sakit sa lipunan ay ang pagtanim ng galit sa kapwa na pwedeng


ikapahamak. At ang lunas nito ay patawarin at mahalin ang kinaiinisang
tao.

Kabanata XXXIII
Malayang Pagkukuro

Ang aking natuklasan sa kabanata ay ang pagpunta ni Elias kay


Ibarra upang makiusap na hindi niya binalaan si Ibarra na may balak
pumatay sa kaniya, dahil siya ay hinuhuli ng mga sundalo. At kanila rin
napag-usapan ang tungkol sa kanilang kaaway at ang pagpaslang kay
Ibarra.

Ang masasabi ko sa tauhan na si Elias siya ay mabuting kaibigan at


matapang. Mabuti dahil natulungan niya si Ibarra upang siya ay hindi
mapaslang at matapang dahil nagagawang niyang lumaban sa mga
kaaway.

Ang natutuhan ko sa kabanata ay may mga tao na gusto kang


pabagsakin marahil yun ay dahil inggit sila sa iyong mga nagawa at kung
anong mayroon ka. Kaya naman matutong harapin at maging ahnda sa
pwede nilang gawin upang ikay pabagsakin. At pagliligtas sa tao para sa
pagliligtas din sa para sa bayan.

Ang pangyayari na maiuugnay sa kasalukuyan ay kahit sa panahon


ngayon ay may mga kaibigan parin na tayo ay tinutulungan upang hindi
malagay sa panganib.

Ang sakit sa lipunan ay kung sino pa ang mabuti siya pa ang


ginagawan ng masama, marahil dahil sa kaiinggitan nila sa kung ano ang
kaniyang nagawang maganda kaya namn sinisiraan niya to. At ang lunas
ay suportahan sila sa kanilang layunin at iwasang maiinggit.

Kabanata XXXIV
Ang Pananghalian

Ang aking natuklasan sa kabanata ay May dumating na telegrama


mula sa Kapitan Heneral habang nasa bahay ni Kapitan Tiago
nananghalian ang mga matataas na opisyla. Sinabi sa telegrama na
darating siya at tutuloy ito sa bahay ni Kapita Tiago. Ikinainis ng mga
prayle na hindi sa kanila tutuloy ang Kapitan Heneral. Panay na naman
ang pagpaparinig ni Padre Damaso kay Ibarra. Sumabog ang galit ni Ibarra
at di napigilang saktan si Padre Damaso na muntik na iyang saksakin.
Inawat sila ni Maria Clara.

Ang masasabi ko sa tauhan na si Ibarra ay labis siyang napadala sa


kaniyang galit dahil sa pinagsasabi ni padre Damaso tungkol sa ama niya.
At kay padre Damaso naman ay masyadong matalak ang kaniyang bbig
sana ay nanahimik na lamang.

Ang aking natutuhan sa kabanata ay pigilin ang iyong naguumapaw


nagalit sa iyong kapwa upang hindi ka makasakit ng damdamin.

Ang pangyayari na maiuugnay sa kasalukuyan ay ang katulad ni


padre Damaso na nagppaparinig at nagsasabi ng mga hindi maganda ay
may ganitong tao parin at kahit na pari sa panahon ngayo.

Ang sakit sa lipunan ay pagmamayabang at pagtangkang pumatay.


At ang lunas dito ay huwag mayabang kung wala naman maipagyayabnag
upang hindi rin makasakit ng damadamin. At huwag magtangkang
pumatay ay pigilin ang sarili na magalit.

Kabanata XXXV

Mga Bali-balita

Ang aking natuklsan sa Naging isang malaking usapan sa bayan ang


nangyari sa pananghalian. Iba-iba ang sentimyento ng mga tao. Kapitana Maria
ay natutuwa dahil ipinagtanggol lamang ni Ibarra ang kanyang ama. Don Filipi
sinabi na sana ay nagtimpi si Padre Damaso. Mga Magsasaka ay labis na
nalulungkot sapagkat baka di na matuloy ang ipinapatayong paaralan ni Ibarra.
Ang iba namna ay nagagalit kay Padre Damaso, nagagalit din kay Ibarra.
Ang masasabi ko sa tauhan na si Kapitana Maria ay nalulugod sa ginawang
pagtanggol ni Ibarra sa kaniyang dahil sino ba naman ang hindi magagalit kapag
ama na ang lalaspatangin.

Ang aking natutuhan sa aralin ay ipagtanggol ang sa tingin na tama ngunit


hindi dapat hahantong sa puntong makakanakit nan g kpawa o makapatay at
pagilin ang sarali ng magtimpi.

Ang pangyayari na maiuugnay sa kasalukyan ay ang mga tao na pinipiling


kumamapi sa kalaban na sa tingin nila ay maliligtas sila, para lang sa kanilang
pananawo kaligtasan ay pinipili nila ang kalaban. Mga taong nagbubulagbulagan.

Ang sakit sa lipunan ay mga taongnagbubulag-bulagan na alam nila ang


tama ngunit pinipili parin na kumampi sa mali, ang lunas ay maging makatotoo
sa mga pangyayari hindi para sa sarili kundi sa lahat.

Kabanata XXXVI

Ang Unang Suliranin

Ang aking natuklasan sa kabanata ay Malaki ang epekto kay Maria Clara
nang nagyari gulo kina Ibarra na kanyang kasintahan at Padre Damaso na
kanyang ninong. Pinagbabawalan si Maria Clara na makipag-usap kay Ibarra
sapagkat ito ay excommunicado. Napagdesisiyunan ni Kapitan Tiago na di na
matutuloy ang kasal nina Ibarra at Maria Clara. Darating daw ang isang kamaganak ni Padre Damaso na siyang mapapangasawa ni Maria Clara (Linares).
Dumating ang Kapitan Heneral at nais nito kaagad makausap si Maria Clara.

Ang aking masasabi sa tauhan na si Maria Clara labis aang kaniyang


pagkalungkot at dalamhati dahil sa hindi siya pinayagan na makipag-usap kay
Ibarra. At balak pang palitan ang nobyo ni Maria Clara na mula sa Europa. Kaya
labis talaga siyang na lungkot.

Ang natutuhna ko sa kabanata ay tunay na pagmamahall ni Maria Clar kay


Ibarra na wala siyang ibang mamahalin kundi si Ibarra lamang.

Ang pangyayaring maiuunay sa kasalukuyan ay mg akaganapan na hindi


magandang nagyari sa mga magkasintahan ay hindi na tutuloy ang kasal.

Ang sakit sa lipunan ay pagdedesiyon sa anak ngunit hindi naman payag


ang anak dito. Sakit ito dahil dapat hindi sa lahat ng oras ang ama ang
magdedesisyon sa kaniyang buhay gaya ng pagpili sa taong minmamahal. Ang
lunas ay suportahan ang anak sa kaniyang desisyon kung sa ikabuubuti at
ikaliligaya.

Kabanata XXXVII
Ang Kapitan Heneral

Ang aking natuklasan sa kabanata ay nasa bahay na ni Kapitan


Tiago ang Kapitan Heneral. Mas una pang kinausap ng Kapitan Heneral
ang ibang tao kaysa sa mga prayle. Nainis ang mga prayle sa
pagpapahintay sa kanila ng Kapitan Heneral. Kinausap nig Heneral si Maria
Clara at si Ibarra. Ipinangako niya kay Ibarra na mawala ang kanyang
pagka-excommunicado. Ninais sanang kausapin ni Ibarra si Maria Clara
ngunit ipinagtaka niya ang di pagkausap nito sa kanya.

Ang aking masasabi ko sa tauhan na si Kapitan Heneral ay sa


tingin ko mabuti siyang heneral. Dahil sa ipinakita niyang ugali kay Ibarra
na hindi siya nagalit o nagsabi ng mga masasamang salita.

Ang aking natutuhan sa kabanata ay ang pagiging mabuti at


maintindihin bilang isang Heneral o kahit simpleng tao lamang. Na gaya
ng ipinakita ng Heneral maganda ang mga ugali niyang ipinamalas.

Ang pangyayari na maiuugnay sa kasalukyan ay ang mga Heneral na


may pagmamahal sa kaniyang mga tao. Inuuna ang mga mamamayang
tao na batiin at kamustahin niya kesa sa iba pa. Nasa sa tingin koay may
ganitong opisyal sa panahon ngayon.

Ang sakit sa lipunan ay pagkainis kung bakit hindi sila inuuna dahil
sa tingin nila ay masmahalaga sila. Ang ipinakita ng mga prayle na
pagkainis sa Heneral dahil sa pinaghintay sila ng Heneral ng matagal sa
pakikipag-usap sa mg atao. Ang lunas ay huwag mainis kundi intindihin
ang naging dahilan.

Kabanata XXXVIII
Ang Prusisyon

Ang aking natuklasan sa kabanata ay Lumabas na sa simbahan ang


ikaapat na prusisyon. Nais makinig ng Kapitan Heneral sa tulang papuri kay San
Diego. Habang nagpruprusisyon, panay naman ang pamamalo ng mga agwasil
(tangapangalaga ng kapayapaan). Pagtapat ng prusisiyon sa bahay nina Kapitan
Tiago namangha ang lahat sa awitin ni Maria Clara.

Ang masasabi ko sa tauhan na si Ibarra ay labis pagdalamhati ni Ibarra


sa awitin ni Maria Clara. At ang pagiging malahanin niya sa dalawang bata na si
Crispin at Basilio na pag-uusapan nila ng Heneral.

Ang natutuhan ko sa kabanata ay ang pagiging mabuti bilang isang


Heneral at kagalang-galang na tao.

Ang pangyayari na maiuugnay sa kasalukuyan ay ang prusisiyon na


ginagawa ng mga katoliko. Sa tingin ko po ay patuloy parin nilang ginagawa na
ipinapakita nila dito ang pagdadasal sa mga santo at pannalig sa Diyos.

Ang sakit sa lipunan ay

Kabanata XXXIX
Si Donya Consolacion

Ang aking natuklasan sa kabanata ay ang pag-uugali ni Donya


Consolacion. Natuklasan ko ipinisara niya ang pinto, dahil hindi siya pinayagn ng
alperes na umalis at ibinaling na lamang ang galit niya kay Sisa. Pinakanta niya
ito at pinasyaw at nilatigo rin. Pumasok ang alpares at nakita si Sisa pinagamot
niya at pinakain dahil bukas dadalhin siya kay Ibarra.

Ang masasabi ko sa tauhan na si Donya Consolacion ay ang kanyang ugali


ay plastic, mapagpanggap at mayabnag. Plastic at mapagpanggap dahil sa nagaasta ito ng galing sa Europa at nagsasalita ng kastila, napasahol ng kaniyang
ugali.

Ang aking natutuhan sa kabanata ay magpakatotoo sa sarili at huwag


maging hunyango na katulad ng ipinakita ni Donya Consolacion. Dapat ay
ipagmalaki ang bayan at isal ang pagiging matalino at ipagmalaki ang wika.

Ang pangyayaring maiuugnay sa kasalukuyan ay ang mga taong hindi


bumalik sa pinanggaligan o kinahihiya ang pinagmulan. Mga taong gustong
manirahan sa ibang bansa at ngapapalit citizen at nag-aastang ugaling banyaga.

Ang sakit sa Lipuna ay pagkakahiya ng sariling wika at pag-aasta na galing


sa ibang bansa. Sakit ito dahil hindi magawang ipagmalaki ang sariling wika at
dahil ikanahihiya kung saan ang pinanggalingan. Ang lunas ay huwag ikahiya
kung san galing at ang wika sa halip ay ipagmalaki ito.

Kabanata XL
Ang Katwiran at Ang Lakas
Ang natuklasan sa kabanata ay Bandang ika-sampu ng gabi sinimulang
sindihan ang mga kuwitis na hudyat ng pagsisimula ng dula. PInangasiwaan ni
Don Filipo ang gabi ng pista.Ng mga oras na iyon ay magkausap ang tinyente at
si Pilosopo Tasyo tungkol sa pag-ayaw ng Don sa kanyang tungkulin. Masama ang
loob ng tinyente na hindi tinanggap ng kapitan ang kanyang pagbibitiw. Lahat ay
nakatuon ang pansin sa dula samantalang si Padre Salvi ay lantaran ang
pagkakatitig kay Maria Clara. Sinisimulan na ang ikalawang bahagi ng dula nang
dumating si Ibarra. Nakatawag pansin ito sa mga pari at hiniling kay Don Filipo na
paalisin si Ibarra.Tinutulan naman ito ni Don Filipo sapagkat Malaki ang abuloy ni
Ibarra at higit siyang takot na suwayin ang utos ng Kapitan Heneral kaysa s autos
nila. Sa inis ay umalis ang mga pari sa kalagitnaan ng dula. Ilang saglit pa ay
nagpaalam na rin si Ibarra sa mga kadalagahan lalo na kay Maria Clara upang
paroonan ang nalimutang tipanan. Nangako siya na babalik bago matapos ang
dula. Ang pangyayari ay hindi nakaligtas sa pagmamanman ni Padre Salvi at
ibinalita rin ito ng kanyang tauhan. Sa kanyang pangitain ay nawalan ng malay
tao si Maria at si Ibarra ang kumarga sa dalaga. Sa ganoong pangitain ay
nagmistulan itong baliw at nagtatakbo papunta sa bahay ni Kapitan Tyago upang
makasiguro na hindi totoo ang kanyang takot. Nakahinga lamang siya ng
maluwag nang Makita niya ang anino nina Maria Clara at Tiya Isabel mula sa
labas ng bahay ng kapitan. Umuwi na ito ng masigurong hindi kasama ng dalaga
si Ibarra.

Ang masasabi ko sa tauhan sa mga prayle ay wala silang galang sa


desisyon ng Heneral na pinahintulutan na dumalo si Ibarra, kung kaya umalis ang
mga prayle.

Ang natutuhan ko sa kabanata ay Hindi dapat magtiwala masyado sa mga


may kapangyarihan sa pamahalaan.

Ang pangyayari na maiuugnay sa kasalukyan ay ang pangitain na


naranasan ni Ibarra kay Maria Clara na mabuti ay hindi totoo.

Ang sakit sa lipunan ay Kahinaan ng mga Pilipino-masyadong nagpadala sa


emosyon ang mga kalalakihan sa nasabing dula. Ang lunas ay huwag

magpapadala sa damdamin at magta-imti na lamang upang walang mangyaring


gulo.

You might also like