Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

BAKUNA

Oktubre 23, 2003


Bunkhouse/AFP Housing
BAKUNA
Ang ganap na layunin ng pagbabakuna ay ang tuluyang pagsugpo ng sakit; ang dagliang
layunin naman ay ang maiwasan ang sakit sa mga indibidwal o mga grupo na nanganganib.
Upang matupad ang mga ito, ang mga manggagawa sa kalusugan ay dapat tiyakin ang tamang
panahon ng pagbabakuna (active at passive) lalung-lalo na sa mga sanggol at bata.
Sa katapusan ng panayam na ito ay health worker ay inaasahang
1. marunong nang magsuri ng kalagayan ng bakuna ng isang tao (bata o matanda)
2. magrerekomenda o mungkahi ng tamang bakuna sa kinauukulan
3. alam kung kailan ang tamang pagbibigay ng bakuna at kung kailan ito hindi pwedeng
ibigay
PRETEST
Lagyan ng check (/) ang hanay ng tama o wastong sagot:

KUNG ANG BATA AY:


Gagamutin ng antibiotiko sa
bahay
May maliit na sugat na may
impeksiyon
Nagkumbulsiyon pagkatapos
bigyan ng DPT1 at kailangan
bigyan ng DPT2 at OPV2
ngayong araw
May matagalang sakit sa puso
May referral sa ospital bunga
ng malubhang karamdaman
Pinasususo lamang at hindi
pinadedede sa bote
May nakatatandang kapatid na
nagkumbulsiyon noong isang
taon

BAKUNAHAN ANG BATA


NGAYON KUNG AYON SA
ISKEDYUL NIYA

HUWAG BAKUNAHAN
NGAYON

Naninilaw nang ipanganak


Lubhang mababa ang timbang
Natukoy na may AIDS at hindi
pa nababakunahan ng kahit
ano
Walang pulmonya, ubo o sipon

TALAKAYIN ANG WASTONG ISKEDYUL NG BAKUNA PARA SA BATA AT MATANDA


(tingnan ang handout)
Mga ilang panuntunan:
1. Ibigay ang mungkahing bakuna sa bata ayon sa tamang edad para sa bawat dosis
2. Dapat tanggapin ng lahat ng bata ang lahat ng mga minumungkahing bakuna bago nila
ipagdiwang ang kanilang unang kaarawan/isang taong gulang
3. Kung hindi nadala ang bata para bakunahan ayon sa takdang edad, ibigay ang mga
nararapat na bakuna kahit kailan matapos ang edad na iyon. Tingnan mabuti ang
wastong pagpapatlang ng mga dosis. Ang mga susunod na dosis ay dapat 4 linggo ang
agwat.
4. Hindi kailangan ulitin ang buong iskedyul.
MGA HINDI DAPAT BIGYAN NG BAKUNA!!!
1. Bata o matandang may AIDS.
2. Huwag ibigay ang DPT2 o DPT3 sa bata na nagkumbulsiyon o na-shock sa loob ng
tatlong (3) araw mula sa huling dosis ng DPT.
3. Huwag bigyang ang DPT ang sinumang bata na may paulit-ulit na kumbolsiyon o iba
pang aktibong karamdaman sa sistema ng nerbiyos (Central Nervous System).
SA LAHAT NG IBANG SITWASYON, NARITO ANG ISANG MABUTING PANUNTUNAN NA
GAMITIN
HINDI IPINAGBABAWAL ANG BAKUNA SA ISANG BATANG MAYSAKIT KUNG ANG BATA
AY PWEDE NAMANG PAUWIIN (GAMUTIN SA BAHAY); IBIG SABIHIN, HINDI
KINAKAILANGANG I-OSPITAL.

Kung ang isang bata ay bibigyan ng referral sa ospital, HUWAG bakunahan ang bata
bago ipadala sa ospital.
Ang mga bata na may pagtatae/diarrhea na nakatakda para sa OPV ay dapat bigyan
ng OPV sa dalaw na yaon. Pero huwag bilangin ang ang dosis na ito. Babalik ang bata
ayon sa susunod na iskedyul ng OPV. Halimbawa kung OPV2 ang dapat ibinigay noong
nagtatae, huwag itong bilangin; sa susunod na dalaw, ibigay ang OPV na itinuturing na
OPV2 at pabalikin para sa OPV3.

You might also like