Manila Kbay An Poly e To

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

SALOT ANG PAGMIMINA SA MGA MAMAMAYAN

NG MINDANAO!
80% ng pagmimina sa Mindanao ang nasa lupa ng mga Lumad,
kaya nananatili silang kabilang sa pinakamahihirap sa bansa.
55 batalyon ng militar ang nandoon.
Kalahati ito ng mga batalyon ng militar, katumbas ng 55,000 sundalo.
Naglipana ang mga paramilitar at
mga bayarang goons at private armies
ng malalaking kapitalistang dayuhan.
May 600 sundalong Kano doon, lumalahok sa mga operasyong
militar.

GINEGERA NG GOBYERNO NI NOYNOY ANG MGA


MAMAMAYAN NG MINDANAO. DUMARAMI ANG
PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO.
83 na ang biktima ng extra-judicial killings sa Mindanao simula
nang maging pangulo si Noynoy.
500 aktibista sa Mindanao ang sinampahan ng mga gawagawang kaso.
Ngayong taon lang, 39 na komunidad ng mga Lumad o katutubo
ang napwersang lumikas dahil sa tindi ng militarisasyon. Katumbas ito ng libu-libong katao.

ANG GERA, PARA MATULOY ANG MALAWAKANG


PAGMIMINA SA MINDANAO.
Napakayaman sa mineral ng Mindanao. Lahat ng pinakamalalaking kumpanya sa pagmimina sa mundo, gustong dambungin ang mga yamang mineral nito.
Ngayon pa lang, nasa 330,000 hektarya na ng kalupaan sa Mindanao ang saklaw ng pagmimina.
Lumalaban ang mga mamamayan ng Mindanao sa pagmimina
kaya tinatapatan sila ng dahas!

Pinapalayas ng pagmimina ang mga residente sa kanilang tahanan at nagdudulot ng panganib sa mga residente sa karatig-lugar.
Nagdudulot ng pagkakalbo ng kagubatan, pagguho ng lupa,
pagkawasak ng mga ilog, polusyon sa tubig at hangin.
Ang pagmimina, pagnanakaw ng malalaking kapitalistang
dayuhan sa yaman na dapat para sa mga Pilipino!

SUPORTAHAN ANG MANILAKBAYAN!


Mahigit 300 Lumad at magsasaka galing Mindanao ang
naglakbay patungong Metro
Manila para iparinig ang kanilang kahilingan. Gusto
nilang matigil ang mga
paglabag sa karapatang pantao at pagdambong sa yamang likas ng Mindanao.
Suportahan natin sila!

SUPORTAHAN ANG MGA MAMAMAYAN NG MINDANAO!


Itigil ang paglabag sa karapatang pantao
sa Mindanao at buong bansa!
Militar at tropang Kano sa Mindanao, layas!
Itigil ang pagdambong sa yamang likas
ng Mindanao at Pilipinas!
Itigil ang pagmimina ng malalaking kapitalista!
Noynoy, pasista!
Tuta ng dayuhang kapitalista sa pagmimina!

KILUSANG MAYO UNO


Nobyembre 2014

You might also like