AP Pamilihan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Princess

Eugene
Diane
Hurries
Jeremie
Jericho
Rhobert

May ibat ibang uri ng pamilihan na maararing kabilangan ng isang kompanya. Nariyan ang
pamilihang may kompetisyong ganap, pamilihang may kompetisyong monopolistiko, pamilihang
oligopolyo, at ang pamilihang monopolyo. Nagkakaiba ang mga pamilihang ito batay sa
kompetisyon.Ating palawaking isa-isa ang mga katangian ng 4 na uri ng pamilihan.
Unahin natin ang Pamilihang May Kompetisyong Ganap.
Ang pamilihang may komepetisyong ganap ay may mga dapat na maging katangian:
Una, ay binubuo ito ng maraming mamimili at nagtitinda.
Kinakailabgan na madami ang mga kompanyang nagtitinda upang hindi lamang iisang
kompanya ang makakapagtakda ng presyo.
Gayundin, kailangan din na madami ang namimili upang hindi lamang isang mamimili ang
magtatakda ng presyo.
Pangalawa, ksilsngn sng kstsngisn ng psgksksroon ng malayang impormasyon upang malaman
ng nga mamimili atn nagtitindaang pangyayari sa operasyon ng ibat ibang kompanyang kasali sa
pamilihan atiba pang bagay
Pangatlo, ay may kalayaan ang isang kompanya na magbenta ng isang produkto sa pamilihan. At
maaari ring tumigil ito sa operasyon sa pamilihan sa kahit na kalian nito naisin.
Ito ay tinatawag din na Freedom of entry and exit
Pang-apat, kailangang parepareho ang kalidad ng mga produktong ibinebenta.
Kaya naman, dahil sa pareho pareho naman ang kalidad ng produkto sa pamilihan, ay hindi
naaaring magtaas ang isang kompanya ng presyo habang ang iba naman ay may mababang
presyo. Kung mangyayari iyon, magdudulot ito sa pagkalugi ng kompanya dahil ayon sa batas ng
demand, sa pagtaas ng presyo ay ang pagbaba ng nanaising bumli nito.
Halimbawa ng mga prouktong nasa ilalim ng pamilihang may kompetisyong ganap ay ang mga
gulay na nabibili sa pamilihan, particular ang carrot. Malayang nalalaman ng mamimili na lahat

ng carrot sa pamilihan ay parepareho ang kalidad. Kaya naman, walang kakayahan ang bawat
pamilihan ditto na kontrolin ang presyo ng carrot.

Ang ikalawang uri ng pamilihan ay ang Pamilihang may kompetisyong monopolistiko.


Ang pamilihang may kompetisyong monopolistiko ay tumutukoy sa maraming bilang ng mga
prodyuser o negosyante na may pinag-ibang mga produkto o diggerentiated products.
Ano ang mga differentiated products?
Ito ay mga produkto o serbisyo na parehong tumutugon sa isang particular na pangangailangan
subalit nagkakaiba sa packaging at sa kalidad.
Kaiba sa pamilihang may kompetisyong ganap, ay maaring magtaas ng presyo ang mga
kompanya sa pamilihang may kompetisyong monopolistiko.
Nagaganap din sa uri ng pamilihang ito ang tinatawag na non-price competition.
Ditto pumapasok ang mga estratehiya sa packaging, distribusyon, serbisyo, lokasyon, dami ng
pagpipilian, at garantiya ng mga kompanya sa kanilang mga produkto.
Ito ay kinakailangan sapagkat sa pamamagitan ng mahusay na estratehiya ay maaaring
magkaroon ang isang kompanya ng mga pihikan at matangi na mga mamimili, o yung tinatawag
nilang suki. Dahil ditto, kahit magtaas sila ng presyo ay wala silang poproblemahin dahil
garantiya nila na mayroon silang mga tiyak na mamimili.
Sa pamilihang ito, may control ang nagbebenta o prodyuser sa presyo ng mga bilihin ngunit
limitado lamang ito dahil sa mga kakompetensya.
Isang halimbawa ng mga produkto sa ilalim ng pamilihang ito ay ang mga sabon na dove,
Palmolive, at safeguard. Pareho pareho lamang ang kanilang gamit: magamit ng tao sa paglilinig
ng katawan. Ngunit nagkakaiba sila sa packaging, kalidad, at patalastas. Gayundin, mayroong
kanya kanyang mga tiyak na mamimili ang bawat isa.

Ang ikatlong uri ng pamilihan ay ang pamilihang oligopolyo


Ang pamilihang oligopolyo ay binubuo ng iilan ngunit malalaking kompanya o mga negosyante.
Mayroon silang malawak na control sa pamilihan.
Kaiba sa mhga pamilihan at kompanya nan as apamilihang may kompetisyong ganap at
monopolistiko, ay idinidikta ng mga higanteng kompanyang ito ang presyong mga produkto.
Isang katangian ng oligopolyo ay pagkakaroon ng mutual interdependence.
Sa kabila ng bilang at kalakihan ng mga kompanya ay maari silang magkaroon ng kooperasyon
upang sama smaang makapagtamo ng malaking kita. Tinatawag itong collusion. At ditto nabubuo
ang kartel, kung saan ang mga kompanya ay nagsasamasama upang magtakda ng presyo, dami at

kahit ang distribusyon. Maaaring magkaroon ng manipulasyon at makakasama ito sa mga


mamimili.
profiteering
Kaya naman, Binabantayan at sinusugpo ng pamahalaan ang kaso ng mga nabubuong cartel sa
bansa .
Halimbawa ay ang industriya ng sasakyan.sa united states, ay nangunguna ang ford, Chrysler at
GMC sa mga auto manufacturers.

Ang ika-apat na uri ng pamilihan ay ang pamilihang monopolyo


Natural na ahdlang
Artipisyal na hadlang

You might also like