Mahal Ko O Mahal Ako

You might also like

Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mahal Ko O Mahal Ako?

Tuwing syay nakikita, ngiti sa aking labi ay di nawawala. Sa bawat oras na kamiy
magkasama, sa tawanan kamiy di nagsasawa na syang dahilan kung bakit loob koy tuluyan ng
nahulog sakanya. Sya ay isang taong aking minamahal, ngunit ang turing sa akin ay isang
kaibigan lamang. Napakasakit isipin na ang iniirog koy di ako mahal. Pero wala ng sasakit kung
itong taong to, kaibigan ko ang nililigawan. Iyak, tangis at hinagpis ang aking nararamdaman.
Tamang gawin para mawala ang sakit ay di ko malaman. Sana ay may isang taong lumapit at
akoy hahawakan ng mahigpit. Kaibigan na totoo at di ako iiwan.
Sa kabilang banda syay dumating, isang kaibigan na aking hiniling. Sakanya ako
nagbuhos ng sakit at mga luhang dulot ng taong minahal ko. Mga salitang kanyang binitawan,
tunay na tumatak sa aking isipan. Di nagtagal loob nyay nahuhulog na sa akin. Ngunit ang aking
sagot ay Mahal kita ngunit bilang kaibigan lang. Pasensya at paghingi ng tawad lang ang aking
masasabi at magagawa. Dahil alam kong ang puso koy di pa limot ang sugat ng aking nakaraan.
Araw ang lumipas, sa aming pagkakaibigan ay walang nagbago, tulad ng pagtingin ko sa aking
minahal na tao. Oo, hindi parin ako makalimot sa sakit na aking nararamdaman, mga ala-ala
namiy aking binabalik-balikan. Akala ko kasi noong unay parehas an gaming nararamdaman sa
isat-isa. Ngunit aking akala ay mali pala, dahil lahat ng ipinapadama nya sa akin ay ipinapadama
nya rin sa iba. Sakit pari ang aking nararamdaman, pagtangis parin ang aking nararanasan. Sana
akoy magising isang araw, na wala ng ni katiting ang pagsinta ko para sa kanya. Subalit habang
syay aking nakikita, pag-ibig koy sadyang nadadagdagan pa. Iniisip na akoy mahal din nya, di
nya lang maamin dahil syay nahihiya. Sa ikalawang pagkakataon akoy nagkamali, dahil mula
sa malayo aking natanaw ang kanyang mga ngiti, ngiting hindi ako ang dahilan kundi ang
kanyang babaeng minamahal.
Sa aking pag-irog sakanya, mayroon ng nasasaktang iba, ito ang aking kaibigan na akoy
minamahal nya. Sa kanyang pag-amin tungkol sa kanyang nararamdaman, akoy nailang at syay
sinubukang iwasan. Ngunit itoy di ko kinaya, kinausap parin kahit syay sa akin ay may
pagtingin. Sa araw-araw naming pag-uusap, aking nakalimutan ang sakit na nararamdaman. Sa
aking pag-uwi galing eskwelahan, kukunin ang aking telepono at mensahe nya ang aking
inaabangan. Tila nahuhulog narin ako sakanya. Bagay na kanyang ninanais sa simula palamang.
Pasensya na aking kaibigan kung ngayon ko lang naramdaman. Akoy hindi manhid, sadyang
nasaktan lamang.
Ngunit sa paglipas ng panahon, aking nararamdamay di maamin sa kaibigang ito, sa
kadahilanang nakaramdam na ako ng pagbabago. Pagbabagong kalian may di ko hiniling na
mangyari. Syay nagsawa na sa akin at hindi na nya kayang hintayin. Kanyang pagmamahal ay
unti-unti naring naglalaho. Dumating pa sa puntong sya na mismo ang umiwas, ng hindi ko man
lang malaman ang eksaktong dahilan. Sa kanyang ginagawa akoy nasasaktan. Dahil sya narin ay
aking minamahal. Itoy mas masakit kumpara sa una, dahil inakala kong sakit na aking
nararamdaman noon ay kanyang maalis ngunit mas lalo pa nyang dinagdagan ang aking
hinagpis. Ang sugat sa aking puso ay kanyang pinalaki na rin.

Sa ikalawang pagkakataon mga luha koy umagos, ngunit ang dahilan ay di magkatulad.
Una akong umiyak sa taong aking minahal ngunit ang turing sa akin ay kaibigan lang, At ngayon
naman akoy umiiyak dahil sa taong minahal ako sa maling panahon at nang syay aking mahal
na tila nagsawa na nga sya. Tunay akong nasaktan sa dalawang taong ito. Taong Mahal ko at
Mahal ako kapwa sinaktan ang damdamin ko. Ngayon aking isinusulat itong munting lathalain,
muli, mga luha koy pumatak sa aking pisngi. Hindi dahil sa sakit o sugat na mayroon ang aking
puso, kundi dahil sa desisyong aking ipinasya, yun ay ang piliin ang tamang taong mamahalin.
Ang taong takot na ikay iwanan at saktan. Dahil doon mo lang malalaman kung tunay nga ang
inyong pagamamahalan.

Ang pag-ibig ay tunay ngang makapangyarihan, binibigyan ka nito ng kasiyahan ngunit


malupit kung ikay saktan.

You might also like