Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Exultet

Musika: MV Francisco, SJ
Magalak kayong lahat sa kalangitan,
kayong mga anghel ay mangag-awitan!
Magalak kayong lahat na mapapalad na nilikha
na nakapaligid sa luklukang dakila.
1. Si Kristo na ating Hari ay nabuhay na mag-uli!
Hipan natin ang tambuli nitong ating kaligtasan!
Magalak, O sanlibutan, sa maningning nating Ilaw!
Si Kristo na walang maliw ang pumaram sa dilim.
Magalak ng lubos ang buong sambayanan!
Sa kaluwalhatian lahat tayoy magdiwang (sa
kalwalhatian) !
Sa ningning ni Jesu-Cristo,
sumagip sa sansinukob,
Siyay muling nabuhay, tunay na Manunubos.
2. Itaas sa kalangitan ating puso at isipan!
Dyos Amay pasalamatan sa Anak Niyang nabuhay.
Sapagkat tapat Syang tunay sa Kanyang
pananagutan
para sa kinabilangan Niya na sambayanan.
3. Ngayon nga ang kapistahan ni Hesukristong nagalay
ng Kanyang sariling buhay, nagtiis ng kamatayan.
Ang minanang kasalanan, ang dating kaalipinay
sa tubig pawang naparam, kalayaay nakamtan!
KORO: Magalak ng lubos ang buong sambayanan!

4. Ngayon nga ang pagdiriwang ng ating muling


pagsilang
sa tubig ng kaligtasan na batis ng kabanalan,
pagkat mula sa libingan bumangon na matagumpay
Mesiyas ng sanlibutan si Hesus nating mahal.
5. Diyos Ama ng sanlibutan, tunay na walang
kapantay
pag-ibig Mot katapatan para sa mga hinirang.
Handog Moy kapatawaran sa lahat ng kasalanan.
Higit sa lahat Mong alay si Hesus naming mahal!
KORO: Magalak ng lubos ang buong sambayanan!

6. Dahil sa kaligayahang sa amiy nag-uumapaw


Hain namin itong ilaw, sagisag ng Pagkabuhay.
Tunay na kaliwanagang hatid ni Hesus na
Tanglaw, ang dilim ng kamatayan ay napawit
naparam!
7. Ang Araw ng Kaligtasan, si Hesus, bukangliwayway,
walang maliw na patnubay sa landas ng kaligtasan,
hatid Nyay kapayapaan, lakas Mo at pagmamahal
upang aming magampanan aming pananagutan.

KORO: Magalak ng lubos ang buong sambayanan!

You might also like