Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Paano mo masasabing ikaw ay nagtagumpay na?

Kung hindi ka naman nakakaramdam ng saya?


Ito ba ay nasusukat sa layo ng narating mo?
O kung gaano karami ang tumitingala sayo?

Para sakin ikaw ay nagtagumpay na,


Kung mayroon kang napangiting kaibigan,
At naiparamdam mo sa kanya,
Na may taong sya ay dadamayan.

Masasabi mong ikaw ay nagtagumpay na,


Kung may mga tao kang napapasaya,
Ngunit ang isa pang pinakamahalaga,
Kung ikaw ay may sayang nadarama.

Hindi mo kailangan maging pinakamatalino,


O kahit maging pinakamatino,
Ang mahalaga may mga taong nagmamahal sayo,
Sa kabila ng mga kapintasan mo.

Sa mga malilit na bagay na nagawa mo,


Ikaw ay dapat na makontento,
Sapagkat hindi nasusukat ang tagumpay,
Sa mga malalaking bagay na walang saysay.

You might also like