Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa katamaran?

Tanong: "Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa katamaran?"


Sagot: Ang "unang batas ng mosyon" ni Newton ay nagsasabi na ang isang
bagay na laging gumagalaw ay mas mananatiling gumagalaw habang ang isang
bagay na hindi gumagalaw ay mas malamang na manatiling hindi gumagalaw.
Ang batas na ito ay maiilapat din sa tao. Habang ang iba ay normal na nagnanais
na tapusin ang nasimulang mga proyekto, ang iba naman ay walang pagkukusa at
kinakailangan pang paalalahanan upang ipagpatuloy ang nasimulan. Ang
katamaran ay likas para sa iba at tukso para sa lahat. Ngunit malinaw ang turo ng
Bibliya na dahil itinakda ng Diyos para sa mga tao ang magtrabaho, ang
katamaran ay isang kasalanan. "Tingnan mo yaong langgam, ikaw taong ubod
tamad, Pamumuhay niya'y masdan mo at nang ikaw ay mamulat" (Kawikaan 6:6).
Maraming sinasabi ang Bibliya patungkol sa katamaran. Ang aklat ng Kawikaan ay
puno ng karunungan tungkol sa katamaran at mga babala sa mga taong tamad.
Sinasabi sa atin ng Kawikaan na namumuhi sa trabaho ang taong tamad:
"Kagutuman ang papatay sa taong batugan pagkat ayaw niyang igawa ang
kanyang mga kamay" (Kawikaan 21:25); nais niya na laging matulog: "Kung
lumalapat ang pinto sa hamba, ang batugan naman ay sa kanyang kama (26:14);
lagi siyang may dahilan: "Ano ang idinadahilan ng taong batugan?"May leon sa
daan, may leon sa lansangan" (26:13); nagsasayang siya ng oras at lakas: "Ang
taong batugan ay sinsama ng taong mapanira" (18:9); pinaniniwalaan niya na
siya ay matalino ngunit ang totoo siya ang hangal: "Ang palagay ng tamad siya ay
mas marunong kaysa pitong taong wasto kung tumugon" (26:16).
Sinasabi sa atin ng Kawikaan ang hantungan ng isang taong tamad: ang isang
taong tamad ay magiging isang alipin o mangungutang: "Balang araw ang
masikap ang mamamahala, ngunit ang tamad ay mananatiling alila (12:24);
madilim ang kanyang hinaharap: "Ang magsasakang tamad magbungkal ay
walang maaani pagdating ng anihan" (20:4); at siya ay maaaring maghirap: "Ang
tamad ay nangangarap ngunit hindi natutupad, ang hangarin ng masikap ay
laging nagaganap." (13:4).
Walang lugar ang katamaran sa buhay ng isang Kristiyano. Ang bagong
mananampalataya ay buong katotohanang tinuturuan na "dahil sa kagandahangloob ng Diyos ay naligtas kayo sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Cristo.
At ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa
inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman" (Efeso 2:8-9).
Ngunit ang isang mananampalataya ay maaaring maging tamad kung maniniwala
siya sa kasinungalingan na hindi umaaasa ang Diyos ng bunga mula sa isang
binagong buhay. "Tayo'y kanyang nilalang, nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus
upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti, na itinalaga na ng
Diyos para sa atin noon pa mang una" (Efeso 2:10). Hindi tayo naligtas dahil sa
gawa, ngunit ipinapakita natin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng
ating mga gawa (Santiago 2:28, 26). Ang katamaran ay pagsalangsang sa layunin
ng Diyos para sa atin na mga Kristiyano - ang mabubuting gawa. Gayundin
naman, binibigyang kalakasan tayo ng Diyos upang mapaglabanan ang kalikasan
na maging tamad sa pamamagitan ng bagong pagkatao na ipinagkaloob Niya sa

atin (2 Corinto 5:17).


Sa ating bagong kalikasan, tayo ay inuudyukan na maging masipag at produktibo
dahil sa ating pag-ibig sa ating Tagapagligtas na tumubos sa atin. Ang ating
lumang kalikasan na may pagkahilig sa katamaran - at iba pang kasalanan - ay
pinalitan ng pagnanais na mamuhay para sa Diyos. "Ang magnanakaw ay huwag
nang magnakaw; sa halip, magtrabaho siya at gamitin ang kanyang kamay sa
anumang gawaing marangal upang may maitulong sa mga nangangailangan"
(Efeso 4:28). Tayo ay inuudyukan na ibigay ang pangangailangan ng ating
pamilya sa pamamagitan ng paghahanapbuhay: "Ang sinumang hindi
kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa mga kasambahay, ay
tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga walang
pananampalataya" (1 Timoteo 5:8); at maglingkod din para sa iba na kabilang sa
pamilya ng Diyos: "Alam ninyong nagbanat ako ng buto upang kumita ng
ikabubuhay naming magkakasama. Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo
na sa pamamagitan ng ganitong pagpapagal ay dapat ninyong tulungan ang
mahihirap. Alalahanin natin ang mga salita ng Panginoong Jesus: 'Higit na
mapalad ang magbigay kaysa tumanggap" (Mga Gawa20:34-35).
Bilang mga Kristiyano, alam natin na gagantimpalaan tayo ng Diyos dahil sa ating
mga pagpapagal kung hindi tayo magsasawa: "Kaya't huwag tayong magsawa sa
paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon, tayo'y mag-aani kung hindi
tayo magsasawa. Samantalahin natin ang lahat ng pagkakataon sa paggawa ng
mabuti sa ating kapwa, lalo na sa mga kapatid sa pananampalataya" (Galatia 6:910); "Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang magaan sa kalooban na
waring hindi sa tao kayo naglilingkod kundi sa Panginoon. Alam naman ninyong
gagantimpalaan kayo ng Panginoon; tatanggapin ninyo ang inilaan niya sa
kanyang mga anak. Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo.
(Colosas 3:23-24); "Makatarungan ang Diyos. Hindi niya lilimutin ang inyong
ginawa at ang pag-ibig na inyong ipinakita at hanggang ngayo'y ipinakikita sa
paglilingkod ninyo sa inyong mga kapwa Cristiano" (Hebreo 6:10).
Nararapat na magsikap ang mga Kristiyano na magebanghelyo at gumawa ng
mga alagad. Si apostol Pablo ang ating halimbawa: "Iyan ang dahilan kung bakit
namin ipinangangaral si Cristo. Pinaaalalahanan namin ang lahat, at buong linaw
na tinuturuan ayon sa aming makakaya upang maiharap namin sa Diyos ang
bawat isa, sakdal at walang kapintasan dahil sa pakikipag-isa kay Cristo. Dahil
dito, ako'y nagpupunyagi sa pamamagitan ng kapangyarihang kaloob sa akin ni
Cristo" (Colosas 1:28-29). Maging sa langit, ang mga Kristiyano ay patuloy na
maglilingkod sa Diyos, kahit malaya na sila sa mga sumpa (Pahayag 22:3). Malaya
mula sa sakit, pagdadalamhati, at kasalanan - at maging sa katamaran luluwalhatiin ng mga banal ang Diyos magpasawalang hanggan. "Kaya nga, mga
kapatid, magpakatatag kayo at huwag matitinag. Magpakasipag kayo sa gawain
para sa Panginoon yamang alam ninyong di nasasayang ang inyong pagpapagal
para sa kanya" (1 Corinto 15:58).

You might also like