Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Buhay ni Pedro Calungsod

Si Pedro Calungsod (c. 1654 2 Abril 1672) ay isang


Pilipinong Katolikong martir. Isa siyang akolito
sa Hesuwitang misyonero na si Diego Luis de San
Vitores. Pareho silang pinatay ng dalawang tubong
Chamorro habang nangangaral ng Kristiyanismo sa
Marianas Islands (na kilala ngayon bilang Guam).
Noong 5 Marso 2000, si Calungsod ang ikalawang
Pilipinong ginawang beato ni Papa Juan Pablo II; ang
una ay si San Lorenzo Ruiz noong 1981. Noong 21
Oktubre 2012, ginawa siyang ganap na santo ni Papa Benedicto XVI sa
Vatican sa Roma.

Buhay
Ipinanganak si Calungsod noong 1654. Apat na bayan sa Bisayas ang
nagsasabing pinanggalingan
niya: Ginatilan at Tuburan sa Cebu, Loboc sa Bohol, at Leon sa Iloilo. Ayon sa
isang pamilya Calungsod mula sa Leon, isang matagal nang ninuno [nila]
ang sumama sa mga misyonaryong Hesuwitas na nangaral sa isang isla
malapit sa Hawaii.
Nakapag-aral si Calungsod sa isang paaralang pinalalakad ng mga Hesuwitas
para sa mga kalalakihan kung saan natutunan niya nang husto ang
katekismo at pakikipag-usap sa wikang Espanyol at Chamorro. Nahasa rin
siya sa pagguhit, pagpinta, pag-awit, pag-arte, at pagkakarpintero.
Nagpamalas ng natatanging kakayahan si Calungsod nang magsilbi siya
sa Banal na Misa ayon sa Tridentine Rite na gumagamit ng wikang Latino.
Sa edad na labing-apat na taon, isa si Calungsod sa mga pinakabatang
katekista at sakristan na piniling makasama ng mga Hesuwitas sa kanilang
misyon sa Chamorros sa Isla ng Ladrones (Isla de los Ladrones o Isla ng mga
Magnanakaw) noong 1667.
Ang misyon na ito ay ginanap bilang pagbibigay-pugay kay Reyna
Maria Ana ng Austria na tumulong maisakatuparan ang misyon. Ang Isla ng
Ladrones ay kinalaunang tinawag na Marianas (Las Islas de Mariana).
Ayon sa isang tala, may isang katu-katulong sa simbahan noon si Padre
Diego de Luis San Vitores na may pangalang Pedro Calungsor. Nakaligtas
siya sa paglubog ng Buestra Seora dela Concepcion noong 1638 sa may

baybayin ng Saipan (pinakamalaki sa mga isla ng Marianas). Si Calungsor ay


nanirahan sa isla sa loob ng tatlumpung taon. Sa islang iyon siya nagkaroon
siya ng asawa at anak na babae na siyang unang nabinyagan sa mga
Chamorro.
Sinasabing si Calungsor ang naging kaagapay at tagasalin ni de San Vitore
nang unang dumating ang mga Hesuwita sa isla, subali't tumakas si
Calungsor. Bumalik si de San Vitore saPilipinas kung saan niya natagpuan
ang bagong kaagapay sa katauhan ng batang si Pedro Calungsod.

Misyon
Noong 15 Hunyo 1668, sakay ng barkong San Diego, dumating si
Calungsod kasama ang mga misyonerong Hesuwita sa Marianas. Nangaral
sila tungkol sa Katolisismo at nagbinyag ng mga pamilya roon, nguni't sila ay
nagkaroon ng mga pagsubok dahil ang kanilang ipinangangaral ay salungat
sa mga paniniwala, tradisyon at kultura ng mga Chamorro.
Isa sa mga kailangan nilang harapin noon ang Guma' Uritao (bahay ng mga
kalalakihan) na sinasabing lugar ng prostitusyon. Sa mga bahay na ito
tinuturuan ang mga batang lalaki ng mga gawaing itinuturing na kailangan
nila sa kanilang paglaki gaya ng paggawa ng bangka, pamamangka,
paggawa ng mga kagamitan, pangingisda, at pakikipagtalik na itinuturo
naman ng mga kababaihan.
Ipinag-utos ng mga misyonero ang pagpapasunog at pagpapagiba sa mga
Guma' Uritao. Kapalit nito, itinayo ang Colegio de San Juan de Letran para sa
mga lalaki at Escuela de Nias para sa mga babae.
Hindi naging madali ang pagtanggap ng mga taga-Marianas sa
pangangaral ng mga misyonero. Isang Tsino na nagngangalang Choco, dati
ring nakaligtas sa lumubog na barko at napunta sa Marianas dalawang
dekada bago dumating ang mga misyonero, ang sinasabing nagpakalat ng
balitang nakapagdudulot daw ng kamatayan ang pagbibinyag sa tubig at
paglalagay ng langis sa noo. Di nagtagal, pinasinungalingan din ni Choco ang
kanyang mga sinabi, at nabinyagan din siya matapos ang isang buong araw
na pakikipagtalo kay de San Vitores. Hindi naglaon, tinalikuran ni Choco ang
paniniwala sa Katolisismo.

Kamatayan
Nagpatuloy ang mga usap-usapan tungkol sa diumanong masamang
dulot ng pagbibinyag. Naging banta ito sa buhay ni Calungsod. Noong 2 Abril

1672, kasama ni Calungsod si de San Vitores para binyagan ang mga tagaTomhon nang tumanggi ang isang dating Kristiyanong binyagan ang kanyang
anak na babae. Ipinag-utos ng pinuno ng tribu na patayin ang Hesuwitang
pari.
Dahil kasama si Calungsod sa mga gawain ng Sacramento ng Pagbibinyag,
una siyang inatake ng dalawang katutubo. Bagama't may kalakasan, umiwas
lamang si Calungasod sa mga pagsugod at piniling huwag lumaban bilang
pagsunod sa mga aral ng Kristiyanismo. Sa halip na tumakbo, prinotektahan
niya ang pari at tinamaan siya ng sibat. Binigyan siya ng absolusyon ni de
San Vitores bago namatay ang paring Hesuwita. Pinagpuputol ang kanilang
mga katawan at itinapon sa dagat sa Tomhom (na ngayon ay tinatawag nang
Tumon).

Beatipikasyon
Nalaman lamang ng mga Pilipino ang buhay at kabanalan ni Calungsod
nang mabeatipika si de San Vitore noong Oktubre 1985. Sa pangunguna
ni Ricardo Cardinal Vidal, Arsobispo ng Cebu, sinimulan ang mga proseso ng
beatipikasyon ni Calungsod noong 1994. Noong 1997, inaprubahan
ng Vatican Sacred Congregation for the Causes of the Saints ang resulta ng
mga unang proseso. Isang talambuhay ni Calungsod ang kinailangan ng
Vatican, at natapos at inaprubahan ito noong 1999.
Pinarangalan ni Papa Juan Pablo II si Calungsod noong 27 Enero 2000
at kanyang idineklarang banal noong 2 Abril ng taon ding iyon. Idineklara ng
Santo Papa ang petsang iyon bilang Araw ni Pedro Calungsod.

Pagtatanghal bilang ganap na santo


Itinakda bilang ganap na santo si Calungsod noong 21 Oktubre 2012.
Siya ang ikalawang Pilipinong santo. Ipinahayag ng kalihim ng Catholic
Bishops' Conference of the Philippines na si Padre Marvin Mejia na maaaring
gawing patron si Calungsod ng kabataang Pilipino o ng mga Overseas Filipino
Workers (OFW).
Maaaring itanghal na santo ang isang beato matapos mapatunayan
ang mga himalang iniuugnay sa kanya. Sa kaso ni Calungsod, maraming tao
ang nanalangin sa kanya at nagpatunay sa mga himalang kanyang nagawa.

Isang kwento ng isang batang lalaki na may kanser sa buto sa paa ang
gumaling nang nanalangin siya kay Calungsod ayon sa payo ng kanyang pari
at direktor espiritwal.
Isa namang biktima ng pangingidnap ang nanalangin din kay
Calungsod na mailigtas siya mula sa kamatayan. Pinalaya siya ng mga
dumakip sa kanya. Lumabas na nagkamali pala sila ng dinakip.
Nanalangin din ang babaeng anak ng isang manginginom na balo na hirap
makahanap ng trabaho. Makalipas ang ilang panahon, nabawasan ang paginom ng kanyang ama at nagkaroon ng magandang trabaho at bagong
asawa, gayon na rin ng panibagong buhay.

Panalangin kay Pedro Calungsod


O Beato Calungsod, batang manlalakbay, mag-aaral, katekista,
misyonero, tapat na kaibigan, martir, loob namiy iyong pinalalakas sa iyong
katapatan sa panahon ng pag-uusig; sa iyong tapang na ituro ang
pananampalataya sa gitna ng pagkamuhi; at sa ngalan ng pag-ibig, dugo
moy dumanak alang-alang sa Mabuting Balita.
Angkinin mo ang aming alalahanin at agam-agam (ilahad ang
kahilingan) at ipamagitan kami sa harap ng luklukan ng Awa at Biyaya upang
sa aming pagkakamit ng tulong ng Langit ang Mabuting Balita'y lakas loob
naming ipahayag at isabuhay dito sa daigdig. Amen.

You might also like