Professional Documents
Culture Documents
Batas Jones
Batas Jones
Ang Batas Jones o ang Philippine Autonomy Act ay ang batas na nagbibigay sa mga
Pilipino ng kalayaang magsarili at pangako ng pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas sa
lalong madaling panahon kapag nagkaroon na ang bayan ng isang matatag na
pamahalaan. Ito ang pinakamahalaga at pinakamataas na batas ng Pilipinas simula nang
1916 hanggang 1935 nang pagtibayin ang Saligang Batas ng Pilipinas. Ang Philippine
Autonomy Act of 1916 na lalong kilala sa tawag na Batas Jones ay pinanukala ni
Kinatawan William Atkinson Jones ng Virginia, U.S.A. at nasabatas noong ika-29 ng
Agosto, 1916.Ayon sa preamble ng Batas Jones,babawiin ng USA ang soberanya nito sa
Pilipinas at kilalanin ang kalayaan ng mga Pilipino makaraang magkaroon ang Pilipinas
ang isang matatag na pamahalaan.
Isa pang mahalagang probisyon ng Batas Jones ang pagtatag ng lehislatura na may
dalawang kapulungan,ang Senado at ang kapulungan ng mga Kinatawan.Ang senado ay
bubioinng 24 na kasaping inihal at 80 naman sa Kapulungan ng Kinatawan.May dalawang
senador naman ang itinalaga ng gobernador-heneral upang magsilbing kinatawan ng mga
Pilipinong hindi kristiyano.Bagama't Batas Jones ang unang batas na nagbigay ng
pangakong kalayaan sa mga Pilipino,hindi tinukoy kung kailan ipinagkakaloob ang
pangakong kalayaan.
July 4, 1946
13.
University of Makati Center for Broadcasting and Digital Arts Selected Readings
in Philippine History Group 2 Line 4 Ambos, Kimloi Irving Gomez, Jhon Kim
Osoresco, Juan Paolo Paro, Ruvy Ann Segura, Jovan Carl Prof. Tessie TapiadorSagadraca Faculty, Social Sciences Department
Komonwelt ng Pilipinas
Ang Komonwelt ng Pilipinas o Malasariling Pamahalaan ng
Pilipinas (Ingles: Commonwealth of the
Philippines; Kastila: Mancomunidad de Filipinas) ay ang tawag
pampulitika sa Pilipinas noong 1935 hanggang 1946 kung kailan
komonwelt ng Estados Unidos ang bansa. Bago noong 1935, isang
pook-insular na di-komonwelt ang Pilipinas, at bago pa doon, teritoryo
lamang ito ng Estados Unidos.
Ibinatay sa Batas Tydings-McDuffie ang pagbuo sa Komonwelt. Ayon sa
batas, magiging panahong pantrasisyunal ang Komonwelt bilang
paghahanda sa ganap na kalayaan at soberanya na ipinangako
sa Philippine Autonomy Act o Batas Jones.
Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng komonwelt. Si Sergio
Osmea ang ikalawang pangulo ng komonwelt. Si Manuel Roxas ang
naging huling pangulo nito. Tuluyan nang ibinuwag ang Komonwelt
noong 1946 at naging republika ang Pilipinas.
Mga
Batayang
Batas ng
Pilipinas
Para sa
Kalayaan
Mga
Pangulo ng
Pilipinas ng
IkatlongReoublika