Departamento NG Filipino

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Kanlurang Visayas Rehiyon VI


Sangay ng Capiz
Departamento ng Filipino
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8
PANGALAN:
PETSA:
I.

GRADO/PANGKAT:
ISKOR:

PAGKILALA.

Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang wastong sagot at isulat ang titik sa sagutang
papel.
A. Telebisyon
B. establishing/long shot C. balita
D. disenyong pamproduksyon
E. radyo
F. dagli
G. cinema truth
H. musika
I. cinema verite
J. balbal
K. dokumentaryong pampelikula
L. indie/independent film M. pormal
N.
______1. Isang uri ng camera shot na sa ibang katawagan ay scene setting.
______2. Isang elemento ng pelikula na ang pangunahing konsentrasyon ay ang pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena,
pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
______3. May katuturang pelikula totoo at katangian ng isang dokumentaryong pampelikula upang maipakita ang realidad at
aktuwal na pangyayari.
______4. Terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na pagtatagpo at pagkuha ng pangyayari ng isang filmmaker at ng
kanyang film subject. Naging pamamaraaan ng mga makabagong director sa kasalukuyan.
______5. Ito ang mga pelikulang may malayang tema at pamamaraan, sapagkat pangunahing layunin nito na buksan ang
kamalayang panlipunan ng mamamayan.
______6. Isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
______7. Isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling-maikling kuwento.
______8. Ito ay naglalaman ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela.
______9. Binubuo ito nga mga salitang ginagamit lamang sa pang araw-araw na usapan.
______10. Salitang tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na binago ang anyo upang maiakma sa
paggamit.
______11. Isang palabas na maaring maging daan upang maimulat ang mamamayan sa katotohanan ng buhay sa kanyang
paligid.
______12. Isa sa mga inihahatid ng radyo na nagdudulot ng aliw sa marami.
______13. Maaaring maghatid ng balita, talakayan at impormasyon sa bayan man o sa nayon.
______14. Maaaring marinig o mapanood ang mga ito maging sa radyo o telebisyon.
______15. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaaliw at kawili-wili.
II. PAG-UNAWA.
Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
PJ: Partner, talaga naming mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi na
maipasa-pasa sa senado.
DJ: Oo mga partner. Naku sabi nga ng iba, kung ang FOI daw ay Freedom of Income eh
malamang nagkukumahog pa ang mga pulitiko na ipasa yan kahit pa nakapikit!
PJ: Sinabi mo pa, partner!
DJ: Ano ba talaga yang FOI, partner?
PJ: sang-ayon sa Sekyon 6 ng Panukalang Batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na
makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
DJ: Naku! Delikado naman pala yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at pakialamero sa
Pilpinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda roon!

16. Alin sa sumusunod ang maituturing na positibong pahayag?


A. Kung ang FOI ay Freedom of Income, malamang nagkukumahog pa ang mga pulitiko na ipasa yan kahit nakapikit!
B. Sang-ayon sa Sekyon 6 ng Panukalang Batas, bibigyan ng kalayaan ang publiko na masuri ang mga opisyal na
transaksyon ng mga ahensya ng gobyerno.
C. Naku! Delikado naman pala iyan!
D. Isyu dito, isyu doon. Demanda rito, demanda roon.
17. Ano ang ipinahihiwatig na opinion ng komentarista sa pahayag na may salungguhit?
A. May mga pulitikong tiwali sa pamahalaan.
B. Marami ang makikinabang sa pagpapasa ng batas.
C. Nakararami ang hindi sang-ayon sa pagpasa ng batas
D. Hindi nararapat na maipasa ang panukalang batas na ito.
18. Paano makatutulong sa Kamalayang panlipunan ang mga komentaryong panradyo gaya ng halimbawang nabasa?
A. Nalalaman ng publiko ang mga opinion ng mga komentarista.
B. Nagbibigay ng pagkakataon ang mga mamamayan na makinig ng mga pahayag ng mga personalidad.
C. Natatalakay dito ang mga mahahalagang isyung nagaganap sa isang bansa.
D. Nakapagbibigay ito ng aliw sa mamamayang tagapakinig.
19. Ano ang mga salitang ginagamit sa pagpapakilala ng konsepto ng pananaw mula sa akda?
A. naman pala B. sabi nga
C. sang-ayon sa
D. ng mga
20. Alin sa sumusunod ang hakbang na kailangang sundin sa pagbuo ng isang komentaryong panradyo?
A. Magsaliksik kaugnay ng paksang tatalakayin.
B. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na pinagkunan ng mga pahayag o detalye kaugnay ng isyung
tinatalakay.
C. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya kaugnay ng isyu.
D. Lahat ng nabanggit
Parami ng nang parami ang mga mag-aaral na biktima ng bullying. Ang masaklap pa nito,
nagaganap ang mga pananakit sa loob mismo ng kanilang paaralan. Hindi maitatangging maging
sa mga paaralang pribado o pampubliko man ay talamak ang ganitong uri ng pang-aabuso. Dahil
sa takot, marami sa mga nagiging biktima nito ay hindi nagsusumbong sa kanilang mga guro
maging sa kanilang mga magulang. Marami rin sa mga kaso ng bullying ay nagsisimula sa
palagiang pag-aasaran sa loob ng klase kung saan pinagtatawanan at minamaliit ng mga bata
ang kanilang kapwa mag-aaral. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang
mga magulang na paalalahanan ang kanilang mga anak sa mabuting pag-uuagali at ang

21. Ang mga salitang may salungguhit ay mga salitang nagpapakita ng ___________.
A. Sanhi at Bunga
B. Paraan at Layunin
C. Paraan at Resulta
D. Kondisyon at Kinalabasan
22. Ano ang maituturing na sanhi ng pananahimik ng mga biktima ng bullying?
A. Pang-aabuso ng mga kapatid o iba pang miyembro ng pamilya.
B. Takot sa maaaring pagpapangaral ng mga guro sa paaralan.
C. Pananakit ng mga magulang sa kanilang mga anak.
D. Takot sa kapwa kamag-aral na nananakit.
23. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na paalalahanan ang kanilang mga anak.
Alin ang nagpapakita ng kaugnayang lohikal na ipinahihiwatig sa pahayag?
A. bunga + sanhi
B. sanhi + bunga
C. paraan + resulta
D. resulta + paraan
24. Paano maiiwasan ang bullying ayon sa akdang banasa?
A. Paghihigpit ng mga guro sa mga paaralan.
B. Pagpaparamdam ng pagmamahal at pagtanggap sa mga bata.
C. Pagpapangaral sa mga mag-aaral na nag-aasar sa kaniyang kapwa.
D. Pagsusumbong sa magulang o guro ng mga nasasaksihang pananakit.
25. Paano nakatutulong ang mga dokumentaryong pantelebisyon sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan?
A. Naisisiwalat dito ang mga tunay na kalagayan ng isang lipunan.
B. Natatalakay dito ang ibat ibang panig ng isang isyu.
C. Nabibigyang-daan ang pagtalakay sa mga isyu na hindi gaanong nabibigyan ng pansin.
D. Lahat ng nabanggit.
(1) Nias kong linawin ang mga kumakalat na masamang balita laban sa akin. Akoy
walang ginagawang masama laban ssa inyo. Tahimik lamang ako at ninanais na
mapag-isa. Tama kayo. (2) Napansin ninyong nagsasalitang mag-isa sa aking bahay,
ito ay dahil sa nais kong buhayin ang mga letra sa aking mga naisusulat. (3)
Naniniwala ako na walang saysay ang isang panulat kung hindi ito maririnig at
maipaparinig. Natuwa naman ako dahil may isa sa inyo dito ang nagkaron ng interes sa
aking mga ginagawa. Marahil siya ang nagbalita sa inyo nito. (4) Tungkol naman sa
aking kakaibang paraan ng paglalakad na taliwas sa iyong nakaugaliang paglakad,
ipagpaumanhin ninyo, hindi sa nais kong maging kakatwa sa karamihan. Hindo ko
lamang ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na mauunawaan nyp rin ako

26. Sa anong bilang ng talata matatagpuan ang paksa?


A. 1
B. 2
C. 3
D. 4
27. Anong tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay _____________________.
A. paghanga
B. pananabik
C. pag-asam
D. kasiyahan
28. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay ________________
A. manghikayat
B. magpaliwanag
C. magbigay-pangaral
D. magbigay-kaalaman
Labis na naguguluhan si Boyet sa mga nangyari sa kanyang paligid. Marami siyang
katanungan sa kanyang isip. Hanggang sa marating na nila ang eskenita patungo sa
bahay ng kanyang tiyuhin. Makipot at tila butika ng manok ang kanilang binabagtas
nang may marinig. Silang putok. Pinadapa siya ng kanyang tiyuhin. Kumubli sila sa
isang lugar na napaliligiran ng pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya, narinig
niya ang sirena ng pulis. Tumayo na sila. Paroot paritong nagtatakbuhan ang mga
tao. Sa wakas, narrating na nila ang bahay ng kanyang tiyuhin. Bumungad sa kaniya
ang lima niyang pamangkin na kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng
bahay. Maliliit, masikip at may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap
29. Alin sa sumusunod na pangyayari ang may malapit na kaugnayan mula sa tekstong binasa?
A. Demolisyon ng mga bahay sa Brgy. Jose Corazon de Jesus sa San Juan, Metro Manila.
B. Pagputok ng Bulkang Pinatubo na naging sanhi ng paglikas ng mga katutubong Aeta.
C. Pakikipaglabas ng mga magsasaka sa Haceinda Luisita tungkol sa usapin sa lupa.
D. Tensiyon sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas sa isyu ng Panatag Shoal.
30. Anong pinakamalapit na kaisipan ang lumutang sa teksto?
A. Nasa pagtutulungan ng bawat isa ang ikatatagumpay ng anumang layunin.
B. Kung makikiisa ang lahat, makakamit ang mabuting hangarin.
C. Walang hangad na mabuti ang mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan.
D. Hindi nagbubunga ng kubutihan ang anumang kasamaan.
EKSENA 10 isang Nagtatanging Pagdiriwang
Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat, inihain sa hapag-kainan
ang nahuling baboy-ramo Doon nagwika ang kanyang Apo Bisen Hindi na ako bumuto,
sapagkat para sa akin, hindi na makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao.
Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si Jonalyn at ang
isang batang sumasayaw at sa likuran ng kanyang damit ay nakasulat ang mga katagang
Babangon ang Pilipinas
(Close-Up Shot ng Camera)
Natapos na ang pagdiriwangubos na rin ang inihaing baboy-ramo.

31. Ano ang layunin ng dokumentaryong pampelikula batay sa bahaging nabasa?


A. Ilarawan ang kalagayan ng mga barangay sa Pilipinas.
B. Ipakita ang kahalagahan ng pagboto upang magkaroon ng pagbabago.
C. Maraming mga mahirap na bayan na hindi na magiging maunlad.
D. Darating ang panahon na uunlad din an gating bansa.
32. Anong mensaheng ipinahihiwatig ng bahaging may salungguhit?
A. Maraming mamamayan ang hindi nakakaunawa ng kahalagahan ng pagboto.
B. May mga katutubo na mangmang at hindi marunong magsulat.
C. Masama ang loob ng ilang mga mamamayan sa pamahalaan.
D. Maraming mahihirap na barangay sa ating bansa.
33. Ano ang kinakailangang isagawa sa pagbuo ng isang dokumentaryong pampelikula?
A. Pananaliksik
B. Pgdidisenyo ng produksyon
C. pag-eedit
D. lahat ng nabanggit
34. Ano ang mensahe ng pelikula batay sa bahaging nabasa?
A. Hindi nagkakaroon ng pagbabago sa lipunan dahil sa kamangmangan ng mamamayan.
B. Maraming mga pulitiko ang tiwali at hindi sa Pilipinas.
C. Mahirap ang maraming mga lipunan sa Pilipinas.
D. May mga lipunan sa Pilipinan sa nananatiling masaya sa kabilang kahirapan.
35. Aling pangyayari sa akda ang may ipinahihiwatig na mensahe sa mga manonood batay sa bahaging nabasa?
A. Nagsasayaw ang mga bata sa barangay.
B. Nagdiwang ang buong barangay, at nagsasaya ang lahat.
C. Natapos ang pagdiriwang ng mga katutubo.
D. Nakasulat sa likuran ng mga bata ang katagang Babangon ang Pilipinas.

III. PAGPUPUNO
Panuto: Punan ng nawawalang titik o letra ang mga sumusunod na bilang.
36. Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa mga patimpalak.
S_ _D_ _T I_ _ _ _ _ _D_N_ _I_M
37. Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at dayalogo ng mga tauhan at artista.
I_ _ _I_
38. Isa sa kinikilala at tinitingalang pangalan sa paggawa ng independent film ay si
B_ _LL_NT_ _E_DO_A
39. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuhang mga pangyayari upang higit itong mas maging makatotohanan.
D_ _U_ _ _T_ _Y_
40. Si_O_ _ _A_ _ IN ay isa sa pinakamahusay na actor sa kasalukuyan at produkto ng Indie Films.
41-50: Ilarawan sa masining na paraan ang magagandang kaugaliang Pilipino na dapat pa ring panatilihin sa kasalukuyan.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Inihanda nina:
Gng. Merlina D. Abolucion
Gng. Gloria C. Aller
Gng. Vhiva S. Isada
Gng. Mary Joy G. Abiera
Gng. Dorie B. Dordas
Gng. Cherryl S. Dordas
Gng. Emelinda B. Bartolo
Bb. Connie Estrella

You might also like