Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

3rd

FAQs HRM Course Part 2


Question:

Ano ang ginagawa kapag nag aaral ka ng HRM


Ang tanong na ito ay madalas nagmumula sa mga batang gustong kunin ang course na ito ngunit clueless sya sa mga
pangyayari. Napaka broad naman kasi pag sinabing Hotel and Restaurant Management. Ano nga bang gagawin ko pag
kinuha ko ang course na yan? Anong pag aaralan namen? Anong mga subjects meron? Magluluto ba kami? Pano kung di
ako marunong magluto? Pagaaralan ban amen kung pano mag manage ng hotel at restaurant?

Tinanong ko din yan bago ako magenroll noon, una dahil hindi talaga ako marunong magluto at naisip kong baka bumagsak
ako sa mga cooking classes. Pangalawa ay ang tanong na pagluluto lang ba at management ang pagaaralan ko sa loob ng
apat na taon. Sabi naman ng nanay ko, kaya nga magaaral ka para matuto ka. So nag enroll naman ako ahehe.

Syempre bawat college o university, ibat iba ang curriculum at mga activities na ginagawa. So ibabahagi ko na lang ang
aking mga karanasan noong ako ay pumapasok pa sa aking Sintang Paaralan para naman may clue kayo in general kung
ano ba ang mga ginagawa ng mga HRM students.

Sa unang taon ng course na ito, syempre puro Introductory subjects muna tulad na lang ng Intro to Hospitality. Dito ituturo
sa inyo ang ibat ibang uri ng hotels, restaurants, mga food chains at kung ano ang pagkakaiba ng mga ito sa isat isa ganun
din ang structure ng bawat isa. Naalala ko noon na inutusan kame ng Prof namen na libutin ang Maynila at manguha ng
mga Hotel Brochures (muka kaming palaboy hehe).Pero as a freshman, napakagandang exposure nitong ipinagawa samen
ni Prof. Aba, noon lang ako nakakita (as in first time) ng napakagagandang mga lobby ng hotel na may mga fountain pa at
halos diamond na kumikinang ang mga chandeliers. Edi nawala ang pagka Indio ko. Andyan din ang matataas na front desk
counters at sa likod noon ang mga naggagandahan at nagggagwapuhang at nagtatangkarang mga receptionist. Napaisip
tuloy ako kung itutuloy ko pa ba ang kursong ito kasi hindi naman ako kagandahan ha ha.

May subject din kameng Intro to Food Service Techniques kung saan itinuro sa amin ang mga basic table set up at service
(oha oha). Pagandahan ng set up at paangasan sa creativity. Itinuro na din sa subject na ito ang mga klase ng table service
tulad ng Russian, French, American at Family Service. Syempre may mge demo yan. Kami na nag setup ng lamesa, kami
pa nagluto, kami pa nag serve ng pagkain ahehe at higit sa lahat kami pa naghugas ng pinggan at naglinis. Tinuruan din
kame dito kung ano ang 7 basic napkin folds (sailboat, banana, pyramid, candle, bishops hat, fan at lotus na syang pinaka
time consuming gawin) at naalala ko na iyon ang Final Exam namin. Kelangan maitiklop ang 7 napkins sa loob ng isang
minuto (take note nagawa ko yon within 57 seconds haha). Anu ba yan nabubuhay ang aking mga alaala ha ha ha.

Isa sa mga minor subjects nyo ang P.E. at kinakailangan nyong magswimming. Guys and Gals required kayo matuto nyan
lalo na sa mga nagbabalak sumakay ng barko. Dont take this subject for granted mga kids.

Nung 2nd year naman kame ay nagkaroon na kami ng baking classes. At ang final exam namin ay magbake ng cake. By
twos ang grouping at kami ng partner ko ay parehas walang alam. Pero matagumpay naman naming napatayo ang
Pineapple Upside Down Cake (para paraan lang yan). Hindi madali mag bake. Lalo na kung walang tamang equipment.
Manual kaming naghahalo ng harina at itlog noon at bawal magpalit ng ikot ng halo kung hindi pangit ang kakalabasan ng
cake base. Kaya nga lumaki ang braso naming kakahalo. Ang pinaka enjoy na part nito ay natuto akong gumawa ng flower
dun sa cake. Hindi din pala basta basta yun. Pinagawa kame ng 200 flowers of different sizes and colors ang saya saya.

Nagkaroon din kami ng subject na housekeeping kung saan syempre kailangan naming matutong magwalis at mag mop.
Hehe pero hindi lang yan. Natutunan namin kung ano ano ang mga patong patong na telang inilalagay sa ibabaw ng kama.
Kaya pala mukang malaki ang mga hotel beds dahil sa mga kobre kama hihihihi.Hindi pala ganun kadali ang trabaho ng
mga room attendants lalo na pag malaki yung kama. Bukod pa dyan natutunan namen gumawa ng mga flower
arrangements sa subject na ito na kung saan ay nagpaangasan na naman pagdating sa creativity.

Nasa 3rd year naman ako nung International Cuisine na ang pinag aralan namen. Syempre, bawat isa magrereport ng
cuisine ng ibat ibang bansa. At ang na-assign saken ay Germany. Alam ko lang ay dun sa kanila nanggaling ang
Octoberfest at mahilig sila sa mga sausages at Sauerkraut.
3rd year na din kami nung may Beverage Management subject na kami. Paborito ko yang subject na yan hindi dahil inuman
sa loob ng klase, tinitikman lang naman namin yung alcohol. Kaya ko yan paborito kasi dyan ako natuto mag flairing. Hindi
ako masyadog magaling pero gustong gusto ko yan. Kahit nagkakanda bukol bukol ang noo ko at pasa pasa ang braso ko
tuwing babagsak saken yung bote ng emperador ay ayus lang. Nakakatuwa pag nakakabuo ako ng routine at kapag hindi
na bumabagsak yung bote. Sumali nga ako sa isang bartending competition (hay nagmaganda) talo nga lang pero it was a
great experience at achievement na yun para saken nung time na yun.

Syempre hindi matatapos ang pagaaral natin kung hindi magkakaroon ng thesis at practicum. Hindi ko na ieexplain ang
thesis kasi alam kong alam nyo kung ano ang ibaig sabihin ng salitang madugo. Sa practicum naman twice ako nag OJT.
Restaurant practicum nung 2nd year ako at Hotel practicum nung 4th year ako. Hmmmm, marami din akong kwento tungkol
sa practicum na yan pero saka ko na lang ibabahagi kapag merong nagtanong dahil isang malaking topic na naman yan at
hindi na yan kasali sa question of the day.

Ayan mahaba haba din ang naikwento ni Lola Basyang ngayon tungkol sa kanyang buhay kolehiyo at sana ay makatulong
ito sa mga nangangalap pa ng impormasyon. Marami pa akong hindi naisali dyan pero impormasyon lang ang gusto kong
ibigay sa inyo mga bata at hindi ang aking talambuhay kaya taympfers muna.

Hanggang sa susunod!

Ciao!

___

Mga babasahing may kinalaman dito:

https://aysabaw.wordpress.com/2012/09/23/hotel-and-restaurant-management-course/

https://aysabaw.wordpress.com/2012/08/22/nag-aral-ba-tayo-para-maging-waitress-lang/

https://aysabaw.wordpress.com/2013/03/05/faqs-hrm-course-part-1/

http://hotelierako.wordpress.com/2013/08/22/a-day-in-a-life-of-a-business-center-team-leader/

http://hotelierako.wordpress.com/2013/08/23/a-day-in-a-life-of-a-demi-chef-de-partie/

http://hotelierako.wordpress.com/2013/08/25/a-day-in-a-life-of-an-assistant-restaurant-manager/

____
Maraming salamat po sa mga bumabasa ng isinulat ko patungkol sa mga kalimitang itinatanong tungkol sa HRM Course at
para po sa mas marami pang impormasyon, pakidalaw po ang blog ko na naglalaman lamang ng mga post patungkol sa
hospitality http://hotelierako.wordpress.com/. Salamat po ulit

You might also like