Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Karagdagang Impormasyon:

Ang nobelang El Filibusterismo (literal na Ang Pilibusterismo) o Ang Paghahari


ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani
ng Pilipinas na si Jos Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring
martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito
ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng
hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya
ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti
niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang
manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito
noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang
nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa
kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22,
1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at
nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay
na kalayaan at karapatan ng bayan.
Mga Tauhan:

Simoun Mayamang mag-aalahas, pinagkakamalang Indiyong Ingles,


Amerikano, Mulato, Portuges at Cardenal Moreno
Isagani Isang binatang may matayog na isipan, makata at katipan ni Paulita
Gomez
Paulita Gomez Katipan ni Isagani, mayaman, maganda, pamangkin ni Donya
Victorina
Basilio Isang binatang nakapag-aral ng medisina dahil sa sariling sikap
Juli Katpian ni Basilio, anak ni Kabesang Tales, nagpaalila upang matubos
ang ama
Pari Camorra Paring mukhang artilyero
Pari Salvi Tinatawag na moscamuerta o patay na langaw
Pari Sibyla Vice Rector ng Unibersidad
Pari Irene Kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago, namamahala sa
pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastilang
Pari Fernandez May kaibigang pangangatwiran, kaiba sa kapwa pari
Pari Florentino Amain ni Isagani
Kabesang Tales Naging Cabeza de Barangay, datiy isang tahimik na tao,
ngunit nang angkinin ng korporasyon ng mga prayle ang lupang sinasaka ay
sumama sa mga tulisan
Don Custodio Pinakamasipag sa lahat ng nagpapalagay, kilala rin sa tawag
na Buena Tinta
Ginoong Pasta Isang abogadong sanggunian ng mga prayle kung may
suliranin, pinagsanggunian din ng mga estudyante tungkol sa pagpapatayo ng
Akademya
Ben Zayb Manunulat at mamamahayag

Donya Victorina Pilipinang kumikilos at umaasal na tulad ng isang tunay na


Espanyola at itinuturing na mapait na dalandan ng kaniyang asawa
Quiroga Kaibigan ng mga prayle, naghahangad na magkaroon ng konsulado
ng mga Intsik
Don Timoteo Pelaez Isang negosyante, masuwerteng nakabili ng bahay ni
Kapitan Tiyago, ama ni Juanito
Mataas na Kawani Ang nagmamalasakit sa mga Pilipino na kawani ng
pamahalaang Kastila, katunggali ng Kapitang Heneral sa pagpapalaya kay Basilio
Kapitan Heneral Ang pinakamataas na pinuno ng bayab, sugo ng Espanya,
malapit na kaibigan ni Simoun
Hermana Penchang Ang manang na umampon kay Juli na ginawang katulong
ang dalaga, mahilig sa pagpaparami ng indulgencia
Placido Penitente Nag-aaral ng pagkamanananggol, magaling sa Latin,
pinakamatlino sa bayan ng Batangas, hindi naagiliwan ng mga propesor kaya
binalak nang huminto sa pag-aaral
Makaraig Mayaman at isa sa pinakamasigasig na isang magkaroon ng
Akademya ng Wikang Kastila
Juanito Pelaez Mapaglangis at kinagigiliwan ng mga propesor, mapanukso,
kuba at umaasa sa katalinuhan ng iba
Sandoval Isang Kastilang kawani na salungat sa mga ginagawa ng kanyang
mga kababayan, nagpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas
Pecson Isang mag-aaral na palaisip subalit pesimistiko o laging may
kabiguang laging natatanaw sa hinaharap

You might also like