Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Enero 24, 2017

MALAMASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO


I. LAYUNIN
A. Nakatutukoy ng mga panuto sa pagsagot sa Paunang Pagtataya.
B. Nakasasagot sa mga katanungang nasa pagsusulit. (Paunang Pagtataya)
C. Naipamamalas ang katapatan sa pagsagot sa pagsusulit.
II. PAKSA/MGA KAGAMITAN/SANGGUNIAN:
A. PAKSA/GAWAIN:
Paunang Pagtataya sa Ikaapat na Markahan sa Filipino 8
B. MGA KAGAMITAN:
Test Paper, tape, gunting, Portable DVD Player
C. MGA SANGGUNIAN:
www.youtube.com (motibasyon)
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin/Pagbati
2. Pagtatala ng lumiban sa klase
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
B. PAGBABALIK-ARAL
1. Pagsagot sa mga sumusunod na katanungan:
a. Magbigay ng mga leksyong natalakay noong nakaraang markahan.
a.1. Depinisyon
a.2. Halimbawa
b. Bilang isang mag-aaral, anu-ano ang implikasyon ng mga ito sa
iyong pang-araw-araw na pamumuhay?

C. PAGGANYAK
1. Gamit ang Portable DVD Player, magkakaroon ang mga mag-aaral ng
isang masiglang bilang sa pamamagitan ng panggagaya ng mga
karakter sa bidyo.
D. PAGLALAHAD
1. Pagpapaliwanag tungkol sa pagkuha ng Paunang Pagtataya sa bawat
markahan.

2. Pagbibigay ng mga tuntuning nararapat sundin bago at habang


isinasagawa ang pagsusulit.
E. PAGTALAKAY
Bibigyan lamang ang mga mag-aaral ng dalawampung minuto upang
sagutan ang mga katanungan.
F. PAGLALAPAT
1. Pagbibigay ng isang kawikaan na magsisilbing gabay ng mga mag-aaral
sa pagsagot ng mga katanungan.
2. Paghingi ng opinion hinggil sa ibinigay na kawikaan.
G. PAGLALAHAT
Matapos makumpletong sagutan ng mga mag-aaral ang sagutang papel,
magpapalitan sila ng papel at iwawasto ang mga sagot sa talatanungan.
Bibilangin ng mga mag-aaral ang mga may tamang sagot.
IV. EBALWASYON
Kokolektahin ng guro ang mga sagutang papel mula sa pinakamataas na
marka hanggang sa pinakamababa.

V. KASUNDUAN
A. Magsaliksik tungkol sa kahulugan ng Tayutay at bigyang kahulugan ang
mga sumusunod na uri nito:
1. Simili o Pagtutulad
2. Metapora o Pagwawangis
3. Personipikasyon o Pagtatao
4. Pagmamalabis o Hyperbole
5. Pagtawag o Apostrope

Inihanda ni:
RIO M. ORPIANO
Gurong Nagsasanay

You might also like