Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DU30 : Ang Pangulo ko

Jolina G. Mendez

Change is coming katagang nakakabit na sa pangalan ng bagong


halal na Pangulong Rodrigo Rody Roa Duterte na mas kilala sa palayaw na
Digong o sa mas kolokyal na DU30. Marso 1945 tubong Maasin, Southern Leyte,
sa bayan ng Davao ang isang Digong. Nag-aral sa paaralan ng Laboon
Elementary School, sa loob lamang ng isang taon. Ang natitira pang mga taon sa
elementarya ay kanyang ipinagpatuloy sa Santa Ana Elementary School sa
Davao City kung saan siya ay nagtapos. Sa pagtungtong niya ng kolehiyo,
tinawid niya mula Davao papuntang Maynila kung saan ay nagsimula sa Lyceum
of the Philippines sa kursong Bachelor of Arts in Political Science ngunit sa San
Beda College na siya nagtapos ng kanyang kurso. Kumuha siya ng bar exam at
naipasa ito. Kilala sa paborito niyang polong kayumanggi at checkered na pulat
asul, parating nakapalumbaba, sa mga salita niyang nagmarka at sa unang tingin
palang, siya yung pinunong hindi basta-basta. Si Digong ay isa pinakamatagal
na nanungkulan bilang alkalde ng Davao City. Nagsilbi siya sa loob ng 22 taon

kasama na rito ang paninilbihan bilang bise-alkalde at congressman. Ang


matapang at maayos niyang pamamalakad sa naturang lungsod ang dahilan
kung bakit siya nagtagal sa panunungkulan at naglagay sa kanya bilang isa sa
pinakamahusay na Mayor ng nasabing siyudad.
Mula sa kanyang Ama at pinsan na nagsilbi na ring bilang alkalde.
Kaya masasabi nating hindi na baguhan sa pulitika ang mga Duterte. Sila ay
kilala at iginagalang sa mundo ng kanilang ginagalawan. Si Duterte ay popular
dahil sa tapang na sugpuin ang kriminalidad sa lungsod na walang pagaalinlangan. Siya ang action star ng kanyang mga kababayan. Tinawag siyang
The Punisher mga vigilante na malapit kay Duterte ang hinihinalang
responsable sa pagpatay ng mga drug trafficker, criminal, gang member at iba
pang mga masasamang loob. Sa loob ng 20 taon, ang Davao City ay naging
murder capital city of the Philippines. Sa ngayon para sa ibat ibang tourists
organization, ang Davao ang the most peaceful city in Southeast Asia, at
nakuha pa ang ika-apat na pwesto bilang safest place in the world. Nakakuha
rin ng sari-saring reaksiyon si Duterte mula sa ibat ibang sector ng lipunan na
kumokondena sa kanyang paraan ng paglilinis sa kriminalidad. Pagtapos ng
People Power ay na-appoint si Duterte bilang IOC Vice Mayor ng Davao.
Pagkatapos nito ay tumakbo siya sa mataas na posisyon na alkalde ng lungsod
at nanalo. Siya ang kauna-unahang public official na naglagay ng mga deputy
mayor na mula sa Lumad at Moro sa city government. Ito ay sinundan ng ibat
ibang siyudad ng Pilipinas dahil nakita nilang ito ay may magandang hangarin.
Taong 1998 ay muling tumakbo si Digong at ito ay sa pagka-kongresista ng

unang distrito ng Lungsod ng Davao. Pagkatapos ng kanyang termino bilang


kongresista ay muli siyang tumakbo bilang alkalde at muli siyang nagwagi. Ang
kanyang termino at nagtagal hanggang umabot sa kasalukuyang taon. Ang
Davao City sa pamumuno ni Duterte ay nanalo ng National Literacy Hall of Fame
Award dahil sa tatlong beses na pagwawagi bilang Outstanding Local
Government Unit sa Highly Urbanized City category.
Hindi lamang sa loob ng bansa nakapukaw ng atensiyon si Duterte
kundi maging sa ibang bansa. Mayroong maganda at hindi magandang
reaksiyon mula sa international community. Ang mga napapabalitang extrajudicial killings ay kinondena ng mga ito kasama na rito ang international human
rights group. Sabi nga sa tula na aking nakalap. Huwag manghinayang sa iilang
buhay na nawala, kung tunay namang salot sa lipunan ng madla. Sa bahay man
kung may kalat, winawalis at sinisiga, ano pat sa isang bayan ay di mo
magagawa. Gayunpaman, ang isang lider ay wala kung walang mamamayan
gumgawa rin ng bahagi nila. Masasabing ang dating Mayor ng Davao ay
mayroong kaugaliang dahilan para mahalin o kahangaan mo siya o hindi. Ika
nga, walang perpektong pinuno, lahat may butas, lahat may bahaging ikasisira.
Ngunit sa isang banda, ang bawat bagay ay may kapanahunan sa paggawa,
may dapat kalagyan. Hindi sa lahat ay aaraw, hindi rin sa lahat ng panahon ay
uulan. Matapos na iproklama bilang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Tutuparin niya ang pangakong lilinisin niya ang kriminalidad at aayusin ang
ekonomiya ng bansa. Mabuhay ka, DU30!

You might also like