Pahayag NG Kasunduan NG Pagkakaisa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAHAYAG NG KASUNDUAN NG PAGKAKAISA

Kawit-Bisig ng mga Samahang may Pakikiisa para sa Kaunlaran ng Barangay San Isidro

Sa kadahilanang maraming proyekto at gawain ang nakakaligtaang iprayoridad lalo na sa mga


lugar na walang paraaan na maiparating ang kanilang hinaing;
Sa kadahilanang patuloy ang paglago ng populasyon ng barangay ay higit ang pangangailangan
ng mas komprehensibong pagsasaliksik at pangangalap ng mga datos para maging instrumento
sa pagbabalangkas ng mas epektibo at naaayong solusyon sa panlipunang suliranin;
Sa kadahilang maraming samahan at mga organisasyong pantao ang namamalagi sa barangay na
lubos na nakakadama ng suliranin sa kani-kanilang lugar. ay nararapat lamang na kilalanin at
mabigyan ng tinig sa pagdedesisyon kung anong proyekto ang dapat mabigyang prayoridad;
Kung Kaya ay Kami ang mga Lumagda sa Kasunduang ito ay buong lugod at sariling kusang
pinagtitibay ang Kasunduan ng Pagkakaisa hinggil sa mga sumusunod na usapin:
1) Maging taunang gawain ng barangay ang pagtawag sa mga samahan at organisasyong
pantao na nakatatag sa Barangay San Isidro para sa pagbubuo ng pagsasang-ayon na
maghahatid sa atin sa pinakatamang tugon sa problema, kung saan iisa ang diwa at
direksiyon ng gobyerno at ng mga pamayanan.
Gawing aktibo ang paglulunsad ng mga proyekto sa pamamagitan ng Barangay
Development Council. Magtatag ng malayang daluyan sa pamamagitan ng
pagbabalangkas ng Barangay Development Plan upang maging tinig ng pamayanan sa
lokal na pamahalaan. Maging bahagi sa pagkilos sa pamamagitan ng pakikilahok ng
mamamayan sa lahat ng antas ng programang pagpapaunlad ng barangay. Subaybayan at
suriin ang pagpapatupad ng mga lokal na programa at proyekto sa barangay. Masiguro
ang pagpapatupad ng probisyon ng Section 109-b of RA 7160, ukol sa tungkulin ng
Barangay Development Council.
2) Pagpapalakas sa mga pananaliksik hinggil sa demograpiya, geograpiya, topograpiya,
ekonomiya, ekolohiya at panlipunang pagpapaunlad ng barangay upang magkaroon ng
wastong dokumentasyon sa kabuuang kalagayan at kakayanan ng komunidad na
nasasakupan.
3) Pagpapalakas sa kapangyarihan ng mga mamamayan at mga mekanismo ng partisipasyon
ng mga mamamayan sa pamamahala lalo na sa mga usaping may kinalaman sa,
kaligtasan ng mamamayan at pangangasiwa sa kaban at yaman ng bayan. Marapat

lamang na ang mga samahan ng mga mamamayan at kanilang mga komunidad ay maging
malakas at nakahanda sa anumang pagsubok pangkalikasan man o panlipunan.
Ang Kasunduang ito ng Pagkakaisa ay Pinagtitibay sa pamamagitan ng mga Lagda ng kinatawan
ng mga samahang barangay, organisasyong pantao at mga indibidwal na nagtitipon-tipon sa
Araw na ito, ika-16 ng Disyembre 2016, sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Nilagadaan nila:
____________________________
PANGALAN AT LAGDA
____________________________
Position

____________________________
Pangalan ng Organisasyon

JERRY G. CRUZ
Punong Barangay

You might also like