Alamat Ni Kristel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Alamat Ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may
kanya-kanyang kagandahang taglay.
Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis,
si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang
balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay,
si Sibuyas na ma manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.
Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na
may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.
Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at
lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa
niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian
ng mga gulay at kanyang isinuot.
Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay
pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon tipon ang mga
gulay na kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat
nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay,
nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.
Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain,
isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang
diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa
ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang
kanyang anyo.
Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis
ay nag-away sa loob ng kanyang katawan maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay
ay naghatid ng di magandang panlasa sa kanya at pait ang idinulot nito, at ang
kanyang kulay ay naging madilim.

Alamat Ng Anay
Si Ranay ay isang matakaw na batang nakatira sa mahirap na bayan ng Sto. Cristo
sa may norte. Bagamat naghihirap ay alaga siya ng ama't ina sa masasarap na
pagkain. Nag-iisa kasing anak si Ranay. Inakala nga noon ng mga magulang na hindi
na magkakaanak dahil matanda na ang kanyang ina pero isinilang parin siya.
Mahal na mahal ng ama't ina si Ranay. Halos gawin na siyang prinsesa ng mga ito.
Ayaw siyang pagawain sa bahay at sustentado siyang mabuti sa pagkain.
Nakasanayan ni Ranay ang umasa dahil sa pagpalayaw na tinatanggap.
Lumaki si Ranay na ang trabaho ay kumain at ang libangan ay kumain parin. Payat
na payat na ang ama't ina niya para matustusan ang kanyang pangangailangan. Si
Ranay naman ay lalong nagkakagana sa pagkain. Kahit ano ay masarap sa panlasa
niya.
Kanin, tinapay, ulam, prutas, karne, minatamis at kung anu-ano pa. Minsan, maging
ang kakainin na lang ng mga magulang ay si Ranay pa ang kakain.
Dumating ang hindi inaasahan ni Ranay. Magkasabay na namatay sa isang
aksidente ang ama at ina.
Dahil ang alam lang ay kumain, hindi alam ni Ranay kung paano ma-buhay na siya
ang kikilos at magta-trabaho. Hindi nagtagal ay namayat siya at namatay.
Matagal ng patay si Ranay nang isang araw ay mapansin ng dating kapitbahay na
pabagsak ang kanilang bahay. Nang suriin nila ito ay nakita ang isang insektong
kumakain ng kahoy.
Naalala nila si Ranay. Marahil anila ay ito si Ranay. Tinawag nilang ranay ang insekto
na katagalan ay naging anay.

Alamat Ng Antipolo
Sabi ng matatanda, ang mga magsasakang naninirahan sa kapatagan noong
pahahon ng Kastila ay nagsilipat sa kabundukan upang makaiwas sa kalupita ng
mga dayuhan. Sa kagubatan na sila namalagi para huwag masangkot sa
kaguluhang nagaganap sa bayan. Ang patuloy na paghihimagsikan ay lalong
nagpagalit sa mga Kastila. Umisip sila ng paraang maka-paghiganti. Maraming
walang malay na Pilipino ang kanilang pinag-bintangang kasapi ng Katipunan at
ipiniit sa madilim na karsel.
Nabalitaan ng mga naninirahan sa bundok ang gagawing paglusob ng mga guardia
sibil sa kanilang lugar at sila ay natakot. Araw-gabi ang nangangambang mga
kababaihan ay walang tigil sa pagdarasal upang sila ay iadya sa panganib na
darating.
Hanggang isang araw, umakyat na nga sa bundok ang mga Kastila. Nakarating sila
sa lugar na kung saan nagkakatipon-tipon ang mga nagdarasal. Sa pagtataka ng
lahat ay biglang nagningning ang punong TIPOLO. Kaginsa-ginsa ay lumitaw ang
Birheng Concepcion sa itaas ng puno. Palibhasa'y mga relihiyoso ang mga
dayuhang ito, sila ay nahintakutan at nagsisi.
Marami ang nakakita sa pagmimilagrong iyong ng Birhen. Sila ay nagpasalamat sa
saklolong ibinigay nito. Angmasamang balak ng mga Kastila ay hindi na natuloy,
bagkus sila ay nanganakong ang pook na yaon ay kanilang igagalang. Masaya
nilang ipinamalita sa kapwa nila Kastila ang nakitang pagmimilagro.
"Saang lugar iyon at kami man ay pupunta roon", tanong ng mananampalataya.
"Sa bundok. Itanong ninyo kung saan ang Tipolo at ituturo nila sa inyo." ang
kanilang sagot.
Dahil sa paulit-ulit na pagtatanong ng mga taong doon ay dumarayo ng "Saan ang
Tipolo?" tinawag nilang SANTIPOLO ang pook na ito na kalaunan ay naging
ANTIPOLO.
Buhat noon, nakagawian na ng lahat, mahirap man o mayaman, ang pamamanata
sa mataas na bundok na ito ng ANTIPOLO lalo na sa panahon ng Mahal na Araw.

Alamat Ng Aso
Kinaiinggitan ang mabuting samahan ng magkaibigang Masong at Lito. Maliliit pang
mga bata ay lagi na silang magkasama. Lagi nilang inaalala ang isa't isa. Lagi rin
silang magkasama sa bawat lakaran.
Nanatili ang magandang samahan ng dalawa kahit nang magbi-natilyo na sila.
Naging bahagi na ng buhay nila ang pag tutulungan. Mula sa paggawa sa bukid
hanggang sa pangangahoy sa gubat ay lagi silang magkasama.
Hindi inasahan ninuman ang pagkakaroon ng malubhang sakit ni Masong.
Humantong iyon sa kamatayan ng binatilyo. Labis na nagluksa si Lito. Hindi niya
matanggap na wala na ang kaibigan. Araw-araw niyang dinadalaw ang puntod nito
at nililinis. Madalas ay kinakausap rin niya ito na parang nasa tabi lang at nakikinig
sa kanya.
Minsa ay sumama ang pakiramdam ni Lito. Kaunting lakad lang ay hilung-hilo na
siya. Pinigilan siya ng ina sa pagdalaw sa libingan ni Masong. Ilang araw siyang
ganoon.
Sa buong panahon ng pagkakasakit ay may isang maliit na hayop na umuwi kina
Lito. Lagi iyong itinataboy ng ina ngunit balik nang balik sa tapat ng silid ng
binatilyo na tila nagbabantay sa kanya.
Nang mabawi ang lakas ay ang puntod ni Masong ang unang pinuntahan ni Lito.
Doon ay nakita niya ang hayop na araw-araw na itinataboy ng ina. Nakatayo iyon sa
tapat ng puntod at kawag nang kawag ang buntot.
Hindi na humiwalay ang hayop hanggang sa pag-uwi niya. Natu-tulog ito sa paanan
niya at pag-gising niya sa umaga ay sasalubungin siya ng kahol at kawag sa buntot
nito. Dahil sa hayop ay nalimot ni Lito ang lungkot ng pagkamatay ni Masong.
Pinangalanan niyang Masong ang hayop pero nang lumaon ay naging aso ang
tawag dito.

Alamat Ng Balang
Ang malawak na palayan sa dakong hilagang-kanluran ay pag aari ng mag-asawang ubod ng sungit at
mapang-api. Sila ay sina Don Badong at Dona Lilang. Palibhasa'y mangmang ang mga magsasakang
gumagawa sa kanilang bukirin kaya nadadaya at nalalamangan sila ng mag-asawang mapag-imbot sa
paghahati ng mga inaning palay. Sanhi nito, talagang kakapusin ang mga dukhang kasama at
mapipilitan tuloy na mangutang sa suwitik na mag-asawa. Sa laki ng tubong kinukuha ni Don Badong
ay lalong nababaon sila sa kahirapan. Ito ang dahilan upang lalong maging kahabag-habag ang
kalagayan ng mga magbubukid.
Pagkatapos ng maraming araw na gawain at pagtatanim sa bukid ay nakapagpahinga na rin ang mga
magsasaka. Datapuwa't habang tumataas ang mga palay at habang pinagmamasdan ang luntiang
bukid ay nakadarama lamang sila ng panlulumo. Hindi magawa ng mga magbubukid ang magalak sa
halip ay kalungkutan ang namamayani sa kanilang mga puso't kalooban. Paano nga ba sila
makapagsasaya kung ang makakaparte nila sa aanihing palay ay sapat lamang na pambayad kina
Dong Badong at Dona Lilang?
Isang araw, may matandang pulubing nangahas pumasok sa bakuran ng malaking bahay at humingi
ng limos sa mag-asawa. Gula-gulanit ang suot nitong damit.
Bakas sa mukha ng matanda ang matinding pagod at gutom. Sa halip na kaawaan ay pinagalitan pa ni
Dona Lilang ang pulubing lalaki.
"Aba! Sino kang pulubi na basta na lang pumasok dito at magpapalimos? Sulong, lumayas ka sa aking
bakuran! Patay-gutom!"
"Parang awa napo ninyo. Kahit isang dakot na bigas...ako sanay ay inyong limusan..."
Hindi naantig ang bakal na damdamin ng mag-asawa. Pinagtabuyan lamang nila ang matanda
hanggang makalabas ng tarangkahan. Napamulagat ang mga ito nang biglang naging mabalasik ang
tinig ng lalaking pulubi.
"Tunay na wala kayong kasing sama kaya nararapat na kayo ay parusahan! Hindi kayo marunong
maawa! Hindi ninyo nadarama ang paghihirap ng inyong kapwa dahil kayo ay parehong walang puso
at damdamin! Alalahanin ninyo na sa bawat kasamaan ng tao, ang Diyos ay may nakalaang parusa. Ito
ngaon ay inyo nang tatanggapin!"
Pagkawika ng matanda ay nakaulinig sila ng kakaibang huni ng mga kulisap. Napalingon saglit ang
dalawa. Nang muling humarap sina Don Badong at Dona Lilang ay wala na roon ang matanda, na labis
nilang ipinagtaka. Kapwa kinakabahang hinanap ang hindi mawaring mumunting ingay na kanilang
naririnig hanggang mapalapit sila sa dakong imbakan ng palay. "TILA NASA LOOB NG BANGAN?"
sambit ni Don Badong at dali-daling tinawag ang mga katulong upang pabuksan ang naka kandadong
pintuan. Lahat sila ay nasindak nang maglabasan ang libu-libong kulisap! NASAAN ANG MGA PALAY!
PAANO ITONG NAWALA? Nagtigilan si Don Badong sa nakapangingilabot na kaparusahan na sa kanila
ay iginawad. Nawalan ng malay-tao si Dona Lilang dahil sa pagkabigla.
Naligalig ang buong nayon nang lumusob sa bukid ang inaakala nilang tipaklong. Agad naman nilang
napagtanto na hindi pala ito mga tipaklong kundi mga mapaminsalang kulisap. Palibhasa'y sa bangan
nina Don Badong at Dona Lilang nanggaling ang mga mapanirang insekto kung kaya pinangalanan nila
itong "BALANG". Hindi ikinabahala ng mga magsasaka ang pangyayaring iyon dahil wala naman silang
makukuhang kaparte pagdating ng anihan. Ikinatuwa pa nila nang matuklasan masarap palang kainin
ang "balang".
Nakapagtatakang isipin, matapos masaid ang lahat ng pananim sa bukiring pag-aari nina Don Badong
at Dona Lilang ay naglaho na lamang ang mga balang.
Sa takot na muli itong lumitaw, ang mag-asawang salbahe ay tuluyan nang nagbago. Pinagsisihan nila
ang lahat ng kamalian at kalupitang kanilang nagawa sa kapwa, lalung-lalo na sa mga dukha at
mangmang. Bilang pagbabayadpuri sa kanilang mga kasalanan ay nagpatayo sina Don Badong at
Dona Lilang ng munting paaralan para matuto ang lahat nilang kasamahan na hindi marunong
bumasa't sumulat.

Bagama't may panahon pa ring sumasalakay an mga balang sa iba't ibang dako, ito ay nagpapaalala
lamang sa tao na dapat bigyan ng halaga at pasalamatan ang lahat ng kabutihan at biyayang
ipinagkaloob ng Panginoong Diyos. Huwag sanang kalilimutan ninuman na ang tao'y hindi dapat
maging makamkam at makasarili.
Alamat Ng Batuktok O Woodpecker
Noon daw unang panahon ay may isang matandang lalaki na nagpapalipat-lipat sa mga bayan upang
mangaral. Ang sabi ng ilan ay si Apostol Pedro raw ito ngunit may nagsasabi naman iyon si San Pablo.
Anu't anuman, isang araw ay nakarating ang mangangaral sa isang malayong bayan makaraan ang
mahabang mga oras ng paglalakbay. Pagod na pagod ang matanda at gutom na gutom din.
Lihim na nakadama ng tuwa ang matanda nang marating ang isang bahayan kung saan maaamoy sa
hangin ang mabangong samyo ng tinapay na ibinebeyk. Lumapit siya sa bahay na pinanggagalingan
ng mabangong amoy ng tinapay at humingi mula sa babaing may-ari.
Ang babae ay gumagawa ng tinapay para ipagbili. Maraming nagpapagawa rito ng araw na iyon kaya
marami ng luto nang dumating ang matanda. Subalit nanghinayang ang babae na ipamigay ang mga
naluto na dahil masyadong malalaki ang mga iyon.
Pinaghintay ng babae ang matanda. Aniya ay ipagbibeyk niya ito ng bago. Ang ginawa ng babae ay
nagmasa ng mas maliit na arina para sa apostol. Nang mabeyk ang minasa ay lumabas pa ring malaki
iyon. Muling nagmasa ang babae ng mas maliit saka iyon iniluto. Muling nanghinayang ang babae
dahil ang tingin niya ay malaki parin iyon para ipamigay. Ilang beses pang nag-masa at nagbeyk ang
babae pero muli at muli niyang itinatabi para magluto ng mas maliit pa.
Alam ng matanda kung bakit matagal na siyang naghihintay sa kapirasong tinapay ay hindi pa rin iyon
maibigay ng babae.
Nasabi tuloy ng matanda ang ganito, "Labis-labis na mga biyaya ang ipinagkaloob sa iyo pero ubod ka
pa rin ng damot. Mula ngayon, paghihirapan mong mabuti ang lahat lalo na ang iyong kakainin."
Hindi nagtagal ang apostol ay umalis para maghanap ng mabuting loob na magbibigay sa kanya ng
makakain.
Lilang hakbang pa lang ang nalalakad ng mangangaral ay isang pangyayari na ang naganap sa loob
ng iniwan niyang bahay. Unti-unting nagbago ang anyo ng babae hanggang maging isang ibon. Nang
makita ito ng alagang pusa ay agad nilundag. Nakalipad lang agad ito kaya hindi nasunggaban ng
pusa.
Sa takot ng babae na maging ibon ay lumipad ito patungong gubat. Doon ay hindi na ito tumigil sa
pag-tuktok sa mga kahoy para makakuha ng makakain. Ang ibong iyon ay ang batuktok o woodpecker.

Alamat Ng Buto Ng Kasoy


Nakakita na ba kayo ng kasoy? Ito ay hugis kampana, kulay dilaw at matamis pag hinog na. Kaiba sa
ibang prutas, ang buto ng kasoy ay nasalabas. Kung bakit nasa labas ang buto ng kasoy ang siyang
sasagutin ng alamat na ito.
Sa isang gubat ay may kasayahan. Lahat ng uri ng hayop ay naroroon. Silang lahat ay masasaya,
nagkakantahan at nagsasayawan. Hindi kalayuan sa kasayahan ay may isang bagay ang nakikinig at
naiinggit sa kapistahang nagaganap. Ito ay walang iba kungdi ang buto ng kasoy.
"Sanay makalaya ako dito sa aking madilim na kinalalagyan!" Dasal ng buto ng kasoy.
Nagpatuloy ang kasayahan sa labas at patuloy din ang dasal ng buto ng kasoy. Sa mga oras na iyon ay
may isang engkantada na naakit sa ingay ng kasayahan. Naganyak siyang makisaya sa mga hayop. Sa
gitna ng pagdiriwang ay may naulinigan ang engkantadata, isang tinig ng naghihirap at humihingi ng
tulong.
Nagsalita ag engkanada. "Sino kaya iyon, kawawa naman siya."
Naririnig siya ng buto ng kasoy. "Oh, makapangyarihang engkantada! Para mo nang habag, ilabas mo
ako dito!" Sagot ng buto.
Naawa ang engkantada. Sa isang kumas niya ay biglang lumabas ang buto ng kasoy. Tuwang-tuwa ang
buto sa kagandahan ng paligid. "Butihing diwata, nais ko sanang manatili dito sa labas. Ayoko nang
bumalik sa madlim na pinanggalingan ko," pakiusap ng buto ng kasoy sa engkantada.
Pinagbigyan ng engkantada ang kahilingan ng buto. Wala namang pagsidlang sa tuwa ang buto ng
kasoy. Pagkaraan ng ilang oras ay tapos na ang pagdiriwang. Nagsiuwian na ang lahat at buong paligid
ay nalukuban ng katahimikan. Hindi nagtagal, ang langit ay nagdilim. Lumakas ang ihip ng hangin at
bumagsak ang isang malakas na ulan. Malakas ang kulog at matalim ang kidlat.
Sa pagsungit na ito ng panahon ay natakot ang buto ng kasoy. Muli siyang tumawag sa engkantada.
Oh, maawaing diwata. Pakinggan mo ako. Ibalik po ninyo ako sa aking silid. Basang-basa na ako at
giniginaw na. Nakkatakot pala dito sa labas! Pagmamakaawa ng buto ng kasoy.
Subalit anumang dasal ang gawin niya ay walang kasagutang nangyari dahil sa wala sa kapaligiran
ang engkantada. Nang tumigil na ang unos ay muling nagpakita ang engkantada. Nakita niya ang buto
na nakabaluktot at halos hindi na magawang magsalita.
Nagsalita ang engkantada. "Ito'y isang aral sa iyo. Ang lahat ng bagay ay may dapat na kalalagyan. Ito
ay kailangan mong tanggapin dahil sa ito ang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos! Pagkasabi nito ay naglaho
na ang engkantada. Magmula noon ang buto ng kasoy ay nasa labas na ng prutas.

Alamat Ng Buwitre
Napakatagal na panahon na ang nakararaan ng mangyari ang pagsumpa ng mga magulang sa isang
batang babae na may pangalang Bereti.
Si Bereti ay mula sa angkan na may maalwang buhay. May malawak na lupain ang kanyang mga
magu-lang. Marami silang pananim. Marami rin silang mga alagang hayop.
Bunso si Bereti at paborito ng ama. Dala marahil na nakakamit ang lahat kaya may hinahanap si Bereti
sa buhay. Ibig niyang maranasan ang mga bagay na kaiba sa kinalakihan.
Si Aling Juana ang tagalaba ng pamilya. May anak itong laging isinasama sa paglalaba. Ito si Karing.
Halos magkasing-edad sila ni Bereti kaya madaling nagkalapit ang mga loob. Ani Karing ay naiinggit ito
kay Bereti dahil nakukuha ang lahat ng gusto. Ang sabi naman ni Bereti ay naiinggit kay Karing dahil
marami itong bagay na nararanasan na hindi niya nararanasan.
Mula noon ay laging magkasama ang dalawa. Mabait ang pamilya ni Aling Juana kaya panatag ang
loob ng ama't ina ni Bereti.
Nalaman ni Bereti na madalas sumala sa oras sina Karing. Kapag walang makain ay naghuhukay ng
mga gabi, tugi o anumang halamang ugat sina Karing para maipantawid-gutom. Nagkakasya rin ang
pamilya na mamulot ng mga tirang pagkain na maaari pang pakinabangan.
Hindi maunawaan ni Bereti ngunit eksayted siya sa buhay nina Karing. Nakikihukay siya ng mga
halamang ugat at namumulot ng tirang pagkain. Nakikisalo siya sa pamilya at totoong nasisiyahan
siya.
Galit ng galit ang ama ni Bereti nang may nakapagsabi na namu-mulot at kumakain ng tirang pagkain
ang anak. Hinanap nito si Bereti noon din. Gulat na gulat ang ama nang makita si Bereti kasama ng
ilan pang mga bata na hila ang isang kamama-tay na kambing. Ani Bereti ay kinagat ng malaking aso
ang kambing kaya namatay. Aniya pa ay kakarnehin nila ang kambing para kainin.
Nagpuyos sa galit ang ama. Kinagalitan si Bereti at pinauwi ngunit ayaw sumunod ng bata.
"Kung ang gusto mo ay kumain ng mga tira at karne ng mga namatay na hayop, sige, magpakabusog
ka. At para mas maging masaya ka, habang buhay sanang ganyan na lang ang kainin mo!" wika ng
ama.
Kinabukasan ay nawala si Bereti. Sa halip, isang ibong kahawig ng agila ang nakitang kumakain ng
isang patay na baka.
Ayon sa marami ay si Bereti ang ibong iyon na isinumpa ng ama. Tinawag silang Bereti ang ibon pero
dahil hindi pa gaanong marunong bumigkas ang isang bata ay bwitre kung tawagin ito. Mula noon ay
tinawag ng bwitre ang ibon.

Alamat Ng Kabayo
Noong araw, may mag-asawang masaya at tahimik na namumuhay kahit walang anak. Sina Ayong at
Karing. Kuntento na sila sa isa't isa nang isang araw ay dumating sa kanila ang magandang sorpresa.
Buntis si Karing!
Nagpasalamat sa Diyos ang mag-asawa dahil biniyayaan sila na magkaroon ng anak.
"Ipinangangako kong gagawin ko ang lahat upang mapaligaya kayo ng magiging anak natin," pangako
ni Ayong.
Ilang buwan makaraan ay isini-lang ni Karing ang isang malusog na batang lalaki.
Nag-iisang anak palibhasa, sinikap nina Ayong at Karing na maipagkaloob sa anak ang lahat ng saya at
masarap na buhay. Labis nila itong napalayaw kaya lumaking masama ang ugali. Palasagot ito at ayaw
na nasasabihan. Kapag nakagalitan ang binatilyo ay agad naglalayas.
Minsan ay hindi natiis ni Ayong ang ginawang pagsagot ng anak kay Karing kaya pinangaralan niya
ang binatilyo. Nang araw ding iyon ay naglayas ito at napadpad sa paanan ng isang bundok.
Isang matandang namumuhay sa paanan ng bundok ang nagmamagandang loob kaya nagkaroon ng
matutuluyan ang binatilyo.
Nang malaman ng matanda na naglayas siya ay pinayuhan siya nito.
"Umuwi ka at humingi ng tawad sa mga magulang mo. Hindi mainam na nagtatanim ng galit sa ama
mo't ina," ang sabi ng matanda.
Minasama iyon ng binata. Nagalit siya sa matanda at pinagsisipa ang bangkong inuupuan.
"Wala kang pakialam sa buhay ko at lalong wala kang karapatang pagalitan ako!" paasik na sabi ng
binatilyo.
Marami pang masasakit na salitang binitiwan ang binatilyo na walang tigil sa kasisipa sa lahat ng
abutan ng paa.
Lingid sa kaalaman ng binata ay engkantado pala ang matanda. Sa nakitang masama niyang asal ay
ginawa siya nitong hayop na may apat na paa na walang tigil kasisipa.
Nang mapagod sa kasisipa ay napaiyak ang binatilyo ngunit halinghing lang ang lumabas sa bibig
niya.
Huli na ang kanyang pagsisisi dahil hindi na makabalik sa dating anyo. Napilitan siyang umuwi sa
magulang.
Likas na mababait, kinupkop nina Ayong at Karing ang hayop na isang umaga ay ayaw nang umalis sa
kanilang bakuran. Inalagaan nila ito na parang tao. Naging malaking tulong siya sa ama. Gumaan ang
gawain nito at bumilis ang kanilang pag-unlad.
Binigyan siya ng pangalan ng mag-asawa. Mula sa Karing at Ayong ay tinawag siyang Kayong, ang
pinagmulan sa salitang kabayo.

Alamat Ng Kainta
Ang Kainta ay isang bayan sa lalawigan ng Rizal. Noong unang panahon, dito ay may isang babae na
kilalang-kilala dahil sa kanyang magagandang katangian. Bukod sa angkin niyang kagandahan, siya rin
ay mayaman, mabait at mapagkawanggawa. Siya ay si Jacinta.
Ang pagtulong sa kapwa ay naging ugali na ni Jacinta. Bawa't pulubing lumapit sa kanya'y kanyang
nililimusan at madalas ay iniimbitahan niya ang mga mahihirap na bata na makigpaglaro sa kanya at
sa kanyang mga laruan. Hanggang sa paglaki ay dala ni Jacinta ang katangian niyang ito.
Si Jacinta ay madadasalin din. Tuwing araw ng Linggo, siya ay nagsisimba at pagkatapos makinig ng
misa ay namumudmod siya ng mga laruan, damit at pera sa hanay ng mga pulubi. Sa kabila ng
kabaitang ito ni Jacinta siya ay di nagkaroon ng magandang kapalaran sa pag-ibig. Ang kanyang nobyo
at kababata ay nagkasakit at namatay. Magmula noon ay wala nang pag-ibig na kumatok sa kanyang
puso kaya't siya ay tumandang dalaga. Nang mamatay ang kanyang mga magulang ginugol niya ang
kanyang panahon sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Napamahal ng husto ni Jacinta sa kaniyang mga kababayan. At bilang paggalang sa kanya, siya ay
tinatawag ng mga tao sa pangalang Ka Inta na ang kahulugan ay "kaligtasan ng mga
nangangailangan."
Nakaugalian na ng mga tao na dalawin si Ka Inta kung araw ng Pasko, kakatok sila sa pintuan at sila'y
masayang patutuluyin ni Ka Inta. Sa kanilang pagtataka, walang sumasagot sa kanilang pagkatok.
Dati-rati'y sumisilip agad sa bintana si Ka Inta. Umakyat ang mga tao sa kabahayan at laking gulat nila
nang makita si Ka Inta na nakahandusay sa sahig at wala ng buhay. Nalungkot at nag-iyakan ang mga
tao sa sinapit ng kanilang idolo. Sa paligid ng bahay ay naroroon pa ang mga nakabalot na aginaldo
para sa kanila.
Ang kamatayan ni Ka Inta ay mabilis na kumalat na parang apoy. Ipinagdasal nila ang katahimikan ni
Ka Inta. At bilang pagkilala sa kadakilaan ni Jacinta,

You might also like