Ang Aso at Ang Uwak

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Aso at ang Uwak

Isang araw makikita si Kulasang Uwak na palipad-lipad sa parang. Halos


maghapon na siyang naghahanap ng makakain. Bukod sa pagod nay gutom na
gutom na rin siya. Halos mapalundag sa galak si Kulasang Uwak nang makakita siya
ng isang tipak ng karne sa tabi ng daan.
Hayun ang pagkain! ang bulong niya sa sarili. Sa wakas ay makakakain na
rin ako.
Dali-daling nilipad ni Kulasang Uwak ang nakitang tipak ng karne. Agad niya
itong tinuka at saka siya muling lumipad at dumapo sa sanga ng isang kahoy.
Sisimulan n asana niyang kainin ang nadagit na karne nang bigla siyang makarinig
ng isang tinig.
Kay gandang uwak, mala-prinsesa ang kagandahan niya, ang wika ng tinig
na tila ba hangang-hanga sa nakikita.
Nagpalinga-linga si Kulasang Uwak. Hinahanap kung saan nagmumula ang
tinig. Pagtingin niya sa ibaba ay nakita niya ang isang asong buong paghangang
nakatingala sa kanya.
Bago pa makapagsalita si Kulasang Uwak ay muling nagbigay-papuri ang aso.
Ngayon lang ako nakakita ng uwak na kasingganda mo. Makintab ang itim na itim
mong balahibo, at tila kaylambot nito. Mapupungay ang iyong mga mata, mamulamula ang iyong tuka. Kaypalad kong makakita ng isang ibong kasingganda mo.
Halos lumiyad ang dibdib ni Kulasang Uwak sa mga naririnig na papuri. Hindi
niya maipaliwanag ang kaligayahang nadarama sa mga katagang binibitawan ng
aso patungkol sa kanyang kagandahan. Hindi siya halos makapagsalita subalit
bukas na bukas ang kanyang tainga upang lalo pang marinig ang walang humpay
na pagbibigay-papuri ng aso na lalo namang ikinataba ng kanyang puso.
Marahil, hindi lamang panlabas mong anyo ang maganda subalit higit pa
ang iyong tinig. Sanay mapagbigyan mo ako, ang iyong abang tagahanga ng isang
matamis na awitin. Pakiusap, umawit ka sana prinsesa ng kagandahan, ang mapilit
na pakikiusap ng aso.
Hindi na napigilan ni Uwak ang kanyang sarili. Nais niyang marinig nga ng
aso ang kanyang magandang tinig upang lalong mabuo ang paghanga nito sa
kanya. Buong pananabik niyang ibinuka ang kanyang tuka upang simulan ang pagawit subalit kasabay nito, nahulog ang karneng nakaipit sa kanyang tuka. Tuloytuloy ang karne sa bibig ng nakangangang aso.

You might also like