Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Panitikang Filipino, sa Makabagong Panahon:

Isang Pananaliksik sa Pananaw ng mga Mag-aaral na Kumukuha ng


Kursong Edukasyon
at Nagpapakadalubhasa sa Asignaturang Filipino
at Piling mga Guro sa Filipino ng Mataas at Mababang Paaralan

Layunin ng Pananaliksik
Ang papel pampananaliksik na ito ay naglalayong makapagbigay ng
kamalayan sa mga mambabasa patungkol sa pananaw ng mga mag-aaral sa
tersarya ng Imus Institute of Science and Technology na kumukuha ng Asignaturang
Filipino kaugnay sa Panitikang Filipino, sa Makabagong Panahon. Sa pamamagitan
ng pananaliksik na ito ay matutugunan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang Panitikan?
2. Anu-ano ang mga pagbabagong naganap sa Panitikang Filipino sa paglipas ng
panahon?
3. Ano ang mga positibo at negatibong bunga ng pagbabagong ito?
4. Paano inilarawan ang panitikan sa makabagong panahon?
5. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral ng Imus Institute of Science and
Technology na nagpapakadalubhasa sa Filipino at Piling mga Guro sa Filipino
kaugnay sa mga pagbabagong ito sa panitikan ng ating bansa?
a. Nakatulong ba ang pagbabagong naganap upang mas maging malawak ang
kanilang kaalaman sa panitikan?
b. Anu-ano ang mga naidulot nito sa bawat indibidwal?

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA


Ano ang Panitikan? (get a book reference)
Panitikan sa Ikatlong Republika (https://prezi.com/ty7l0ataq_en/filipino-10-panitikansa-makabagong-panahon/)
Ano ang Panitikang Pilipino? (Katangian, Kahalagahan, at Pag-aaral ng Panitikang
Pilipino) https://tl.wikipedia.org/wiki/Panitikan_sa_Pilipinas
Anu-ano ang mga akdang pampanitikan?
Pagbabago ng Panitikan :
https://www.facebook.com/PANITIKANbyWIZARDS/posts/231455436980753
Panitikan Kayamanan ng Bayan-DepEd
http://www.deped-ne.net/?page=news&action=details&code01=AP13050002
Mga Makabagong Anyo ng Panitikan
Wattpad
Spoken Poetry
Mga Manunulat sa Makabagong Panahon
Ang Panitikan sa Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at
anyo ng katutubong panitikan sa bansang Pilipinas. Subalit nakakasama rin dito ang mga panitikang
nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng
mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag
ding Panitikang Pilipino ang Panitikan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang
Filipino, sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng
ibat ibang wika sa Pilipinas.
Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng
mga Pilipino. Kabilang sa mga ito ang kuwentong-bayan, maikling kuwento o maikling katha,
sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan, parabula, bugtong, salawikain, kasabihan, pabula,
alamat, tanaga, bulong, awiting-bayan, epiko, pelikula, at mga iskrip na pangradyo, pangtelebisyon
at pampelikula.

https://www.facebook.com/PANITIKANbyWIZARDS/posts/231455436980753
https://www.academia.edu/4688738/Ang_Panitikan_Sa_Panahong_Kasalukuyan
MY THESIS BACKBONE:

https://www.scribd.com/document/169080836/106123308-Ang-Panitikan-SaPanahong-Kasalukuyan
http://www.slideshare.net/armialeonardo/thesis-wikang-filipino-sa-makabagongpanahon

SPOKEN POETRY
Luha
Luha ang dahilan ng una nating pagkikita
Luha ang naging daan ng una nating pagkakakilala
Kung anong tindi ang sikat ng araw nang mga sandaling iyon, siya namang dilim ng
mukha kong animo kuwartong ilaw ay pundido na
At tila ba, tone-toneladang bagahe ang nakadagan sa aking dibdib nung araw na
'yon
Yung araw na yon..
Oo, hinding hindi ko makakalimutan yung araw na yon
Yung araw na naramdaman ko ang mahigpit na yakap mo
Habang sinasabi mong kakayanin ko 'to
Yung yakap na una kong naranasan sayo
Yung yakap na sa kauna-unahang pagkakataon naramdaman ko na ligtas ako
Yung yakap na alam kong totoo at hindi biro biro tulad ng ginagawa ng mga tropa ko
Yung yakap na ramdam kong mahalaga ako
Na mahalaga ako kahit noon lang tayo nagkatagpo
Pagtatagpo..na naging hudyat ng maganda nating samahan
Walang tigil na kuwentuhan, tawanan, at kumain na akala mo laging wala nang
kinabukasan
Hanggang sa natutong pahalagahan bawat sandaling pinagsasaluhan
Bawat alaalang pinagsasamahan
Bawat salitang binibitiwan
Lahat ng iyon ay naging mahalaga
Dahil mahalaga ka
Sa akin ay mahalaga ka na
Sandali akong natakot, biglang may naalala
Lupa ako, langit ka
Kumbaga sa pelikula hindi puwedeng magsama
Ngunit napagtanto kong iba ka
Sa lahat ng nasa langit, ikaw ang tala
Tala na kayang bumaba sa lupa, bulalakaw kumbaga
Ang tala na nagbigay ng liwanag sa buhay kong aandap-andap na
Ang talang nagbibigay ngiti sa bawat paggising sa umaga

Mahal ka na..Oooops! Mali!


Ang ibig kong sabihin ayPero sige na nga, nadulas na eh
Oo, mahal na kita
Nakakabigla di ba? Ako rin nagulat eh
Akala ko, akala ko mahalaga ka lang talaga
Akala ko normal lang na laging nasa isip ka
Akala ko dapat lang na lagi kitang kinukumusta
Akala ko wala lang ako sa huwisyo kumain kapag pakiramdam ko hindi tayo okay
Akala ko okay lang na kinukuwento mo sakin kapag may gusto kang iba
Akala ko..akala ko lang pala
At sa dami ng akala ko na yon, kaya sigurado patay na ko ngayon
Patay na patay sa'yo ang puso ko

You might also like