Professional Documents
Culture Documents
Pelikula Report
Pelikula Report
2.
1.
2.
3.
4.
Ilan sa mga sinulat ni Abueg ang Mga Piling Akda ng Kadipan at ang
Bugso, ang kanyang kauna-unahang koleksyon ng mga kuwento. Kwento
pa niya, Ang detalye ni Edgar [Reyes], napakayamang gamitin sa pelikula.
Hindi na kailangan ng imbento.
Ang pelikulang Maynila sa mga Kuko ng Liwanag ni Lino Brocka, National
Artist para sa pelikula, na ipinalabas noong 1975 ay hango sa akda ni Reyes.
Tinalakay nito ang istorya ni Julio, ginampanan ni Bembol Roco, na isang
probinsyanong lumuwas sa Maynila upang hanapin ang kanyang kababatang
kasintahang si Ligaya, na ginampanan naman ni Hilda Koronel.
2. Ilarawan ang bawat detalye
Importanteng malinaw ang deskripsyon ng bawat karakter, lugar, at
pangyayari sa isang script dahil maaari itong maging daan upang madaling
isalin sa pelikula ang text.
Isa sa mga payo ni Abueg ay panatilihin ang pagiging natural sa
pagsusulat dahil kapag nasobrahan, ito ay nagiging teknikal at hindi na
madaling maintindihan.
Ayon kay Lumbera, madaling isalin sa pelikula ang akdang 'Mga Kuko sa
Liwanag' ni Reyes dahil sa abilidad nitong maglarawan ng mga lugar, mga
karakter, at paligid sa bawat eksena na tugma sa pelikula dahil sa pagiging
simple nito at pagkakaroon ng malinaw na imahinasyon.
Wika pa niya, Hindi problema ng mga filmmakers ang maghanap ng mga
tauhan sa pelikula dahil ang storya [ng Mga Kuko ng Liwanag] ay madaling
ma-translate.
Ang 'Mga Kuko sa Liwanag' ay nakahugis para sa pelikula dahil natural na
detalyado siyang magsulat, ayon naman kay Abueg.
3. Maghanap ng Literary Barkada
Sina Abueg at Reyes ay kasama sa grupo na bumuo ng Agos sa Disyerto,
isang antolohiyang nagsimula noong 1960 na lumabas sa Liwayway, isang
lingguhang magazine. Kasama nila dito sina Dominador Mirasol, Rogelio
Ordoez, at Rogelio Sicat.
Biro ni Abueg, madalas nauuwi ang pagtitipon ng kanilang grupo sa isang
maboteng usapan. Dagdag naman ni Rolando Tolentino, Dean ng
University of the Philippines College of Mass Communications, kung noong
panahon ay nagtitipon ang mga manunulat kasama ang alak, sa panahon
ngayon ay milk tea na ang hilig ng mga kabataan.
MOVIE TRAILER
MOVIE TRAILER
- ay ang sunud-sunod na mga eksena mula sa isang pelikula
- kalimitang pinaikli upang bigyan ang mga manonood ng "preview" ng
panonooring pelikula
MGA ELEMENTO SA PAGGAWA NG MOVIE TRAILER
DIREKSIYON
MGA URI NG ANGGULO AT KUHA NG KAMERA
1. Establishing Shot/Long Shot
- Sa ibang termino ay tinatawag itong "scene setting". Mula sa malayo ay
kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang mga
manonood sa magiging takbo ng buong pelikula.
2. Medium Shot Ito ay kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang pataas.
Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng
dalawang taong nag-uusap.
Ang direktor ang nagbibigay-kahulugan sa istoryang nabuo ng isang
scriptwriter.
ESTABLISHING SHOT
3. Close-Up Shot Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi binibigyang-diin
ang nasa paligid. Hal. ay ang pagpokus sa ekspresyon ng mukha.
4. Extreme-Close Up Shot
- Ang pinakamataas na lebel ng "close up". Ang pinakapokus ay isang
detalye lamang mula sa close-up shot. Hal. ang pokus ng kamera ay nasa
mata lamang.
5. Bird's Eye View Shot Maaari ring maging isang "aerial shot" na anggulo na nagmumula sa ibabang
bahagi tungo sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang
bahagi.
Low Angle Shot
6. Low Angle Shot Ang kamera ay nasa ibabang bahagi, kaya ang anggulo ay o pokus ay
nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.