Talambuhay Ni Birheng Maria

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Lopez West Elementary School Bldg.

Submitted by:
Mareck Anthony V. Bricenio
Grade 2

Talambuhay ni Birheng
Maria

Si Maria, tinatawag ding Santa Maria o


Birheng Maria ay ina ni Hesus, at itinuturing
na banal ng mga Katoliko mula pa noong
panahon ng mga apostoles. Paborito siyang
inspirasyon sa kanluraning sining, musika at
panitikan. Marami ring katawagan kay Maria
gaya ng Mahal na Birhen, Ina ng Langit, Ina
ng laging saklolo, Ina ng awa at kung ano ano
pa.
Mayroong tatlong tradisyong pinaniniwalaan
sa kapanganakan ni Maria. Una, sinasabing
ipinanganak si Maria sa Bethlehem. Sinasabi
sa ikalawang paniniwala na ipinanganak si
Maria sa Sephoris, may tatlong milyang layo
sa kanluran ng Bethlehem na siyang
pinagmulan nina Joaquin at Ana, mga
magulang ng birhen. Pinaniniwalaang sa
Herusalem isinilang si Maria ayon sa
pangatlong tradisyon.
Nagsimulang ipagdiwang ang kapanganakan
ni Maria hanggang sa pagtatapos ng
ikapitong siglo.
Bagong Tipan
Ang paglilihing birhen ni Maria kay Hesus ay isinasaad sa bibliya na nangyari
nang siya ay ikakasal na kay Jose at naghihintay ng isang rito ng kasal. Kanyang
pinakasalan si Jose at ayon sa Lucas sumama kay Jose sa Bethlehem, Hudea
mula sa Nazareth, Galilea upang magpatala sa censo ni Quirinius na nagaatas
sa mga indibidwal na bumalik sa lugar ng kanilang mga ninuno. Gayunpaman,
ayon sa mga arkeolohgo, walang ebidensiyang arkeolohikal na nagpapakita na
ang Bethlehem sa Hudea ay tinirhan ng mga tao noong unang siglo BCE o unang
siglo CE.
Ang historyan na si Josephus ay nag-ulat na noong taong 6/7 CE, si Quirinius ay
hinirang na legatong gobernador ng Syria samantalang ang ekwestriyanong
Romanong katulong na Romano na si Coponius ay itinakdang unang gobernador
ng Judea. Ang mga gobernador na ito ay inatasan na magsagawa ng censo ng
buwis para sa emperador Romano sa Syria at Judea. Ang salaysay ng censo ni
Quirinius sa Ebanghelyo ni Lucas ay itinuturing na problematiko ng mga skolar
ng bibliya dahil sa paglalagay nito ng kapanganakan ni Hesus noong panahon
ng censo ni Quirinius (6/7 CE) samantalang ang Ebanghelyo ni Mateo ay
naglalagay ng kapanganakan Hesus sa panahon ni Herodes na namatay noong 4
BCE na 9 na taong mas maaga sa censo ni Quirinius. Sa karagdagan, walang
mga sangguniang historikal na nagbabanggit ng isang censor na pandaigdigan o
kahit sa daigdig na kinontrol ng imperyo Romano. Ang mga censo ni emperador
Augustus ay sumasaklaw lamang sa mga mamamayang Romano at hindi
kasanayan sa mga censong Romano na atasan ang mga tao na bumalik sa mga
bayan ng kanilang mga ninuno.
Ayon sa Juan 2:1-5, Nang ikatlong araw ay nagkaroon ng kasalan sa Cana ng
Galilea. Naroroon ang ina ni Hesus. Si Hesus at ang kaniyang mga alagad ay
inanyayahan din sa kasalan. Nang magkulang ang alak, sinabi ng ina ni Jesus sa
kaniya: Wala na silang alak. Sinabi ni Hesus sa kaniya: Babae, ano ang
kinalaman ng bagay na ito sa akin at sa iyo? Ang aking oras ay hindi pa

dumarating. Sinabi ni Maria sa mga tagapaglingkod na gawin ang anumang


iniutos sa kanila ni Hesus. Inutusan ni Hesus ang mga tagapaglingkod na punuin
ang mga tapayan at sumalok at dalhin sa namamahala ng handaan. Pagkatapos
tikman ito at dahil hindi alam kung saan ito nanggaling ay tinawag ng
namamahala ng kapistahan ang lalaking ikinasal. Sinabi nito sa kanya na unang
inihahain ng bawat tao ang mabuting alak. Ang mababang uri ay inihahain
kapag marami na silang nainom, ngunit inihain nito ang mabuting alak ng huli.
Ayon sa Marcos 3:31-34, dumating ang ina at mga kapatid na lalake ni Jesus.
Sila ay nakatayo sa labas ng bahay at nagsugo na tawagin siya. Nakaupo ang
napakaraming tao sa palibot niya. Sinabi ng mga sinugo sa kaniya: Narito, nasa
labas ang iyong ina at mga kapatid, hinahanap ka. Sinagot sila ni Jesus: Sino ang
aking ina o mga kapatid? Pagtingin niya sa mga taong nakaupo sa palibot, sinabi
niya: Tingnan ninyo ang aking ina at mga kapatid. Ito ay sapagkat ang sinumang
gumaganap ng kalooban ng Diyos, siya ang aking kapatid na lalaki, kapatid na
babae at ina.
Ayon sa Mateo 13:53-57, Nangyari na nang matapos na ni Hesus ang mga
talinghagang ito, umalis siya roon. Pagdating niya sa kaniyang sariling lupain,
nagturo siya sa kanila sa kanilang sinagoga. Labis silang nanggilalas na sinabi:
Saan kumuha ang lalaking ito ng karunungan at gayundin ang mga ganitong
himala? Hindi ba ito ang anak ng karpentero? Hindi ba ang kaniyang ina ay si
Maria? Hindi ba ang mga kapatid niyang lalake ay sina Santiago, Jose, Simon at
Judas? Hindi ba ang kaniyang mga kapatid na babae ay kasama natin? Kung
gayon, saan nga kumuha ang lalaking ito ng ganitong mga bagay? At
kinatisuran nila siya. Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila: Ang isang propeta ay
walang karangalan sa kaniyang sariling bayan at sambahayan.
Ayon as Juan 19:25-27, Nakatayo sa malapit sa krus ni Hesus ang kaniyang ina.
Naroon din ang kapatid na babae ng kaniyang ina, si Maria na asawa ni Cleofas
at si Maria Magdalena. Nakita ni Jesus ang kaniyang ina at ang alagad na
kaniyang iniibig na nakatayo sa malapit, sinabi niya sa kaniyang ina: Babae,
tingnan mo ang iyong anak. Pagkatapos ay sinabi niya sa alagad: Narito ang
iyong ina. At mula sa oras na iyon ay dinala siya ng alagad sa kaniyang sariling
tahanan.

Apokripa
Ayon sa Ebanghelyo ni Santiago, si Maria ang anak ni Joachim at Ana. Bago
ipaglihi si Maria, si Anna ay baog. Si Maria ibinigay sa serbisyon bilang isang
konsagradong birhen sa templo ng Herusalem nang siya ay 3 taon. Ang ilang
mga apokripa ay nagsasaad na sa panahon na ipagkasundo siyang ikasal kay
Jose, si Maria ay 12 hanggang 14 taong gulang samantalang si Jose ay may
edad na 90. Ayon sa tradisyon, si Maria ay namatay na napapalibutan ng mga
apostol sa Herusalem o Efeso sa pagitan ng 3 at 24 taon pagkatapos ng
pagakyat ni Hesus sa langit. Ayon kay Hyppolitius ng Thebes, si Maria ay
nabuhay ng 11 taon pagkatapos ng kamatayan ng kanyang anak at namatay
noong 41 CE.

Hesus

Si Hess (Griyego: Iesous;


72 BCE hanggang 3036 CE) ang
itinuturing
ng
maraming
Kristiyano na sentrong katauhan
ng relihiyong Kristiyanismo at
ang
tagapagtatag
ng
Kristiyanismo.
Siya
ay
pinaniniwalaan
ng
maraming
mga
Kristiyano
na
isang
tagapagligtas at mesiyas ng
Hudaismo.
Ang apat na kanonikl na
Ebanghelyo nina Mateo, Marcos,
Lucas,
at
Juan
ang
mga
pangunahing sanggunian tungkol
sa talambuhay at mga katuruan
ni
Hesus.
Gayunpaman,
pinagtatalunan pa rin ng mga
iskolar ng Bagong Tipan kung ang
apat na ebanghelyong ito ay
maaasahang mga salaysay ng
bhay ni Hesus o hindi, gayundin
kung sino ang mga tunay na may
akda nito, kung kailan ito isinulat,
alin sa mga talata nito ang tunay
na sinalita ni Hesus at kung alin sa mga talata nito ang orihinal mula sa
mga magkakaibang manuskrito. Kablang sa mga pinagdududahang
salaysay ng mga iskolar sa apat na ebanghelyo ang kapanganakan ni
Hesus, mga detalye tungkol sa kaniyang pagpapako sa krus at
kaniyang muling pagkabuhay mula sa patay. Ang ilang mga skolar ay
naniniwalang ang apat na ebanghelyo ay hindi naglalaman ng
anumang historikal na impormasyon tungkol sa bhay ni Hesus.
Si Hesus ay inilalarawan sa apat na kanonikl na ebanghelyo na isang
Hudyo at pinaniniwalaang nabuhay sa pagitan ng mga taong 7 BCE 36 CE sa Palestina (kasalukuyang Israel). Siya ay inilarawan na isang
isang rabbi na nagsagawa ng mga milagro at nag-angkin na mesiyas at
tagapagligtas. Pinaniniwalaan ng mga skolar ng bibliya na si Hesus ay
isang apokaliptikong Propeta na humula sa nalalapit na pagwawakas
ng daigdig na magaganap noong unang siglo CE at hahatol kasma ng
kaniyang 12 apostol sa 12 lip ng Israel (Mateo 16:24-28, Mateo 19:28,
Mateo 24:34, Marcos 13:30-33).Nang mabigong matupad ang
inaasahan ng mga Kristiyano noong unang siglo na muling pagbabalik

ni Hesus pagkatapos ng ilang mga dekada, ang mga tekstong ito ay


muling pinakahulugan ng kaniyang mga alagad.
May iba't ibang mga interpretasyon ang iba't ibang mga
denominasyong Kristiyano tungkol sa tunay kalikasan at mga katuruan
ni Hesus mula pa sa mga simulang kasaysayan ng Kristiyanismo
hanggang sa kasalukuyang panahon. Ang ilang sekta ay naniniwalang
isa siyang diyos, sa iba namang sekta ay isa lmang propeta, sa iba ay
tao lmang, at iba pa.
Ang historisad o pagiging tunay na umiral ng indibidwal na si Hesus ay
patuloy pa ring pinagtatalunan ng mga iskolar hanggang sa
kasalukuyan. Ang ibang mga iskolar ay nagmungkahi na si Hesus ay
hindi talaga umiral ngunit inimbento lmang at kinopya ang kuwento
nito sa mga paganong diyos na namatay at muling nabuhay sa Ehipto
at Gresya.

San Jose

Si San Jose ay anak ni Jakob. Siya ang


tumayong ama ni Hesus at asawa ni
Maria. Itinuturing siyang patron ng mga
karpintero, manggagawa at simbahan ng
sansinukob.
Nabanggit
siya
sa
Ebanghelyo nina San Mateo at San
Lukas.
Walang masyadong nakatala tungkol sa
kapanganakan
ni
Jose
bukod
sa
nasusulat na nagmula siya sa angkan ni
Haring David. Isa siyang karpintero sa
Nazareth. Apatnapung taon si Jose nang
magkaroon ng unang asawa, si Melcha
(Escha o Salome sa iba) at nagkaroon
sila ng apat na anak na lalaki at
dalawang anak na babae. Tumagal ang
kanilang pagsasama ng apatnapung
taon. Nang mabalo, namuhay siya sa
katatagan. Ibinalita ng kaparian sa Judea
na
naghahanap
sila
ng
lalaking
kagalang-galang at nasa gulang na
labindalawa
hanggang
labing-apat
upang mapangasawa ni Maria. Nasa siyamnapung taong gulang na noon si
Jose subali't sa sinasabing paghirang ng Diyos, himalang siya ang napiling
maipakasal kay Maria.
Ipinapalagay na hindi mayaman si Jose kaya nang dalhin si Hesus sa templo,
dalawang kalapati lamang ang kanyang naibigay sa halip na tupa.
Bilang ama ni Hesus
Sinasabing malaki ang pananalig ni Jose sa Diyos kung kaya't nang bisitahin
siya ng anghel (na tumawag sa kanya bilang anak ni David sa panaginip) at
sinabing napili siya ng Diyos upang mapangasawa ni Maria, tumugon siya sa
sinabi ng anghel. Matapos ikasal, nalaman ni Jose na nagdadalantao si Maria.
Isang malaking kasalanan ang pagbubuntis noon nang walang asawa. Naisip
niyang hiwalayan ito nang palihim upang hindi mapahamak sa kamay ng
mga tao. Subali't nagpakita sa kanya ang isang anghel sa kanyang panaginip
at sinabing Anak ng Diyos ang nasa sinapupunan ni Maria at nilimliman ito
ng Espiritu Santo.
Nanatili si Jose sa tabi ni Maria at nang ipanganak si Hesus, nagpakita sa
kanyang panaginip ang anghel at nagbigay ng babalang nasa panganib ang
kanyang pamilya. Iniwan niya ang lahat ng kanyang ari-arian, mga kaibigan
at pamilya at dinala sina Maria at Hesus sa Ehipto kung saan naghintay siya
hanggang sabihin ng anghel na ligtas na silang makababalik.
Minahal ni Jose si Hesus bilang sariling anak. Para sa kaligtasan ng kanyang
mag-ina, tumira sila sa Nazareth at doon itinuro kay Hesus ang

pagkakarpintero. Nang mawala si Hesus sa templo, hinanap nina Jose at


Maria nang may lubos na pagkabahala ang kanilang anak.
Kinilala ng mga tao si Hesus bilang anak ni Jose na ilang beses nabanggit
nang magsimulang mangaral si Hesus. Dahil hindi nabanggit pa si Jose sa
ebanghelyo mula nang mangaral si Hesus hanggang sa kanyang kamatayan,
pinaniniwalaang namatay na ito bago pa man ang ginawang pangangaral ni
Hesus.
Kamatayan
Ayon sa aklat na Story of Joseph the Carpenter, umabot ng isang daan at
labing-apat na taong gulang si Jose hanggang mamatay noong 20 Hulyo
(A.D. 18 o 19). Sinasabi naman ni San Epipanyo na siyamnapung taong
gulang si Jose nang mamatay, at kung paniniwalaan ang Venerable Bede,
inilibing siya sa Burol ng Josaphat.
Pag-alala at kapistahan
Nagsimula ang debosyon kay San Jose noong ikalabing apat na siglo, tuwing
Marso 19, ang tradisyunal na araw ng kanyang kamatayan. Isinulong naman
ito ni Papa Sixto IV sa Roma noong 1479. Naging patron din si San Jose ng
mga bansang Mexico, Canada at Belgium. Idineklara siyang patron ng
simbahan ng sansinukob ni Papa Pio IX noong 1870 at noong 1955, ginawa ni
Papa Pio XII na Mayo 1 ang kapistahan ng San Jose Mangagawa upang
tapatan ang pagdiriwang ng mga Komunista.

You might also like