mayroon silang tatlong anak na lalaki: sina Porfirio,Pancrasio at Jose. Maagang namatay ang kanilang ina. sa labis na lungkot ng ama, wala itong ginawa kundi maglasing nang maglasing. Ama,tibayan po sana ninyo ang loon niyo. laging sinasabi ni Jose sa kanyang ama. pero patuloy ang ama sa pagpapabaya sa kanilang kabuhayan. nabaon sa utang ang pamilya. Kaya isang araw, sa payo ng mga abogado,nagpasya ang panganay na paghati-hatian na nilang magkakapatidang kanilang ari-arian bago tuluyang maubos.
Dahil panganay,napunta kay Porfirio
ang lahat ng lupaim ng pamilya.
Inangkin naman ni Pancrasio malaking bahay at lahat ng gamit sa loob nito.
ang
Nagpasya naman ang bunso na kupkupin
ang matandang ama sa isang maliit na kubo sa dulo ng lupang bigay ni Porfirio. Huli na nang matauhan ang ama sa lahat ng nangyari. Nagkasakit siya at mabilis na nahulog ang katawan. Isang araw, nasa bingit nan g kamatayan ang ama nang tawagin niya ang kanyang bunso. Patawad, Jose ko. Wala akong maiiwan sa iyo Kundi ang puso naming ng iyong ina. Ang pusong tinutukoy ng ama ay isang malapad na buto na hugis-puso. ibinilin niya kay Jose na alagaan itong mabuti, tulad ng mapagmahal na pag-aalaga
ng anak sa pabayang ama.
Nang pumanaw ang ama,itinanim ni Jose ang pamanang puso ng ama. Nang umusbong ang buto, araw-araw Niyang inalagaan ang halaman hanggang sa maging isang matipunong puno. Namungo ang puno ng kumpul-kumpol na prutas na berde at hugis-puso. Nang mahinog,ang mga bunga ay naging dilaw at pagkatamis-tamis. Nang anihin ang mga bunga, binayaran si Jose ng malaking halaga ng mga mamamakyaw. Ang buto ng mga natirang bunga at muli niyang itinanim at pinagyaman. Nabili ni Jose ang dating bahay nila, pati ang mg alupain nag mga magulang. Inimbita rin niya ang mga kapatid na manirahan sa bagong malaking bahay sa gitna ng patanimanng mangga.
Mula noon, napatunayan ng lahat
na wala sa guhit ng palad o kinamulatang kalagayan ang magiging buhay ng isang tao, kundi nasa pagsisikap niyang ayusin ang sariling kalagayan, anuman ang uri ng buhay na kanyang kinalakhan o pinagmulan. Ito ang alamat at pamana ng prutas na hugis-puso. Kaya nang sumunod na taon, nakabili siyang lupain na ginawa niyang taniman ng mangga. Samantala, sa paglipas ng mga taon, nawaldas nina Porfirio at Pancrasio ang kanilang kabuhayan,habang lalong lumago ang ari-arian ng masikap na si Jose.