Si Rizal Mula Pagkabata Hanggang Mag

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Si Rizal mula pagkabata hanggang mag-aral sa ATENO at UST

Si Dr. Jos Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19, 1861Disyembre 30, 1896)
ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y
Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si
Jos Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose,
Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang kanyang mga kapatid.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya
ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya
sa Bian, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang
buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan
noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa
kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing
medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang
kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na
karangalan.
Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo
Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya
ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na
ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya
matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga
katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad
Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina,
bilang sobresaliente (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa
Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa
mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan
natamo pa ang isang titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang
karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal
na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano,
Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika
ng Pilipinas.

You might also like