Professional Documents
Culture Documents
Ang Kabataan Noon at Ngayon
Ang Kabataan Noon at Ngayon
Ang Kabataan Noon at Ngayon
ngunit bakit parang napakalaki ang naging epekto ng mga pagbabago na nangyayari
sa mga kabataang ito?
sa inyong palagay bakit mga kabataan lamang ang palagiang nasasadlak sa mga
isyung ito gayong hindi lamang tayo ang nabubuhay sa mundong ito?
itoy marahil sa iniwang kataga ng ating pambansang bayani na ang kabataan ay ang
pag.asa ng bayan..
pag.asang pinaniniwalaan ng mga pilipino saan man sa mundo..
ngunit itoy naganap ilang taon na ang nakalilipas na naging daan upang magkaroon
ng pag. aalinlangan sa mga tao kung ang mga kabataan pa rin ba sa kasalukuyan ang
siyang pag.asa na minsan ng nabanggit ng ating pambansang bayani..
paano, saan at ano nga ba ang pinagkaiba ng kabataan noon at ngayon?
alam ko na wala akong karapatang husgahan ang mga kabataan ng makalumang
panahon sapagkat hindi pa ako isinisilang sa mundong ito noong mga oras na iyon at
lalong wala akong karapatan upang husgahan ang mga kabataan sa kasalukuyang
henerasyon sa kadahilanang hindi ang maliit kong tinig ang siyang magrerepresenta
sa kabuuan ng mga kabataang ito..
ang mga paghahambing na aking ginawa ay nakabase sa kung ano ang aking mga
karanasan-mga nabasa, narinig at nakita na walang intensyong makasakit ng
damdamin ng sinuman..
isang bagay lamang ang aking naaaninag na siyang naging punot dulo ng lahat ng
kapurihan at kapintasan ng mga kabataan noon at ngayon..
nananahan, kalayaan..
ang una ay para sa kahapon at ang huli ay para naman sa ngayon..
bakit nananahan?
ang mga kabataan noon ay masunurin, may respeto,tiyaga, kalantayan at sikap..
mga kabataang nakadepende sa tao, bagay at kapaligiran na kanyang ginagalawan..
siya na sumusunod at susundin ang mga patakaran ng bansa, ng kanyang pamilya at
maging ng ating Panginoon..
siya na nirerespeto ang bawat desisyon ng mga tao na kanyang mahal..
siya na makapaghihintay ng tamang panahon, gawin ito sa tamang lugar at kasama
ang nararapat na tao..
siya na namumuhay ng simple at walang intensyong makasakit ng iba..
siya na pumapayag na isakripisyo ang sariling kapakanan para sa iba..
ngayon, sabihin ninyo sa akin..
kung paano ang ating pagiging makumpitensya ay ginawa tayong makasarili sapat
upang tayo ay mapunta sa itaas ng hindi isinaalang-alang ang kapakanan ng iba.
sa pamamagitan ng taglay nating kalamangan, inaalay natin ang ating sarili sa mga
tukso ng buhay..
kalayaang nagmula sa saklaw na nagpahintulot sa atin ng malayang pagpapahayag
ng ating naisin na kahit ipinagbabawal na ng iba ay hindi natin iniintindi sapagkat
hindi tayo sa kanila umaasa bagkus sa ating mga sarili lamang..
sa pagiging mulat sa mga impormasyon, ito ang naghatid sa atin sa riyalidad ng
kasamaan na pumukaw sa ating pagka-inusente.
inyo na bang naunawaan ang hindi katangki-tangkilik na resulta ng nananahan at
kalayaan?
ang mga pagbabago ay laganap, siya nga ba?
tayo ay namamalayan at kasama ang mga kabataan ng nakalipas na panahon..
sa lahat ng ito, atin ng naipakita ang ating katatagan at kahinaan..
ngunit sino ang may karapatang angkinin ang pagkadalubhasa kahit paano?
sino sa tingin ninyo ang may kakayahang sabihin na "ako ay isang mabuting
huwaran?"
Kadalasan nating maririnig sa mga nakatatanda ang mga sermon na patungkol sa
kung ano sila noon na dapat nating tularan sa ngayon..
nakaririnig din naman ako ng mga depensa mula sa mga kabataan ngayon na ang
mga pagbabago sa kasalukuyang panahon ay humuhingi ng pahintulot upang kami'y
intindihin..
ngunit gaya ng aking nabanggit, pareho itong nagtataglay ng kalakasan gayon din ng
kahinaan..
walang sino manp ang nararapat upang makilala sa kadahilanang lagi silang tama
ngunit wala naman talaga..
ngunit bago ang lahat, mayroon pang natitirang oras upang sumiklab muli ang
pagbabago para sa ating mga kabataan sa mahabang panahon..
bakit hindi pagsamahin lahat ng mga positibong pananaw ng mga kabataan noon at
ngayon na siyang magsisilbing bagong mukha ng kabataan sa kasalukuyan at
hinaharap na panahon..
mahalaga ang oras..
nagawa na ng mga kabataan noon ang kanilang partisipasyon at tayo, sa makabagong
panahon ay mayroon pang pagkakataon..
lahat ng mga pagkakamali noon ay itama natin ngayon..
subukan natin lahat ng ating makakaya upang masagot ang katanungang..
kabataan noon at ngayon: sino ang modelo para sa mga susunod na henerasyon ng
mga kabataang ito, walang iba kung hindi ang mga kabataan ng kasalukuyang
panahon..
ISANG TALUMPATI PARA SA KABATAAN BY JAM JUMAWAN
Sa tingin nyo kung makikita ni Dr. Jose Rizal ang kabataan ngayon, matutuwa kaya
siya?
Sabi niya ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan, pero sa nangyayari sa
kabataan ngayon, mukang magiging malabo ang tinatawag nating pag-asa.
Kung ikukumpara natin ang kabataan noon, sa kabataan ngayon, naku,
walang gawa ang kabataan ngayon. Sa ngayon kasi, hindi na uso ang po at opo.
Nakalimutan na ang pagmamano. Wala nang saysay ang paga-aral. At higit sa lahat
wala nang saysay ang virginity.
Dota ng dota, hindi naman naga-aral. Hindi mo naiisip ang magulang mo na
nagpapa-aral sayo. Hindi nila tinatae ang perang pinapang-aral mo. Edukasyon na
nga lang ang kaya nilang ibigay sayo, hindi mo pa ma-appreciate. Na-first blood ka
no? Kung hindi ka parin tinablan, eto pa.
Hindi na bago ngayon ang makakita ng grupo ng kabataang babae na parang
kinulang sa tela ang mga suot. Kitang-kita ang mga parte ng katawan na hindi naman
dapat ipakita sa publiko. Ang aga-aga mangati, nagpakamot sa kapwa kabataan, ayun
nabuntis. Sabi ng matatanda, ang pinakamagandang regalo na maibibigay mo sa
asawa mo sa araw ng honeymoon nyo e, ang virginity. Kaso winalang bahala mo ang
kasabihan yun kasi hindi ka na marunong makinig sa matatanda. Feeling mo may
mas alam ka sa kanila kasi nabubuhay ka sa panahon ngayong may internet at pwede
mo i-Google ang lahat. Kung titignan natin, mas matalino at maabilidad sila noon.
Walang internet na makakapagbigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa research
nila pero nakapasa silat nakapagtapos. Walang copy-paste noon, ita-type mo manomano ang research mo, malas mo pa kapag nagkamali ka ng kahit isang letra kasi
walang erase ang gamit mong typewriter. Pero sa kabila ng hirap noon, hindi sila
tinamad gumawa ng assignments. E ikaw, copy-paste na nga lang kailangan mong
gawin, tinamad ka parin at pina-xerox mo nalang yung assignment ng utu-uto mong
classmate!
May pagkain ka sa tapat mo pero hindi mo kinain kasi diet ka. Bat ka ba
nagda-diet? Mainstream kasi? O trip mo lang? Hindi mo ba naiisip yung mga batang
namamalimos sayo kanina? Nakita mo yung katawan nila na sa ilalim ng balat e,
buto kaagad at wala nang laman? Ganun ang mangyayari sayo kung hindi ka
makakain. Yung mga batang yun, salat sa pagkain, e ikaw nasa harap mo na yung
biyaya hindi mo pa kinain. Nag-aaksaya ka masyado, kung ipagpapatuloy mo yan,
dapat ikaw nalang yung naging bata sa kalsada at yung bata nalang yung may sapat
na pagkain. At least siya, maa-appreciate niya yung pagkain na nasa harap niya.
Bisyo, hay, bisyo. Pang matanda lang to kaso curious ka kaya tinry mo din.
Yosi ka ng yosi, bat di ka pa namatay. Tutal unti-unti mo namang binabawasan ang
oras ng buhay mo sa pagyoyosi. Isang yosi ay katumbas ng limang minuto ng buhay
mo. Hindi ka naman siguro kawalan sa mundo kung sakaling mamatay ka dahil sa
bisyo mo, pero malaking kawalan ka para sa mga magulang mo at mga nagmamahal
sayo. Isipin mo naman sila.
Nagpakahirap ang nanay mo na dalhin ka sa tiyan niya ng siyam na buwan
tapos ngayon magpapakamatay ka? Wag kang timang sa katotohanan. Kahit gaano
kasakit ang katotohanan kailangan mo tong tanggapin. Hindi pagpapakamatay ang
sagot sa problema. Isipin mo, may isang tao sa isang parte sa mundo na mamamatay
na dahil sa isang sakit. Sila, nagkukumahog na mabuhay pa ng mas matagal tapos
ikaw, ikaw na mahaba pa ang buhay, gusto magpakamatay. Siguro kapag
mamamatay na tayo, dun lang natin naiisip na dapat ginawa nating makabuluhan ang
buhay natin para kahit nasa kabilang buhay ka na, wala kang regrets. Dun lang din
natin maiisip na mahalaga pala ang buhay at dapat hindi natin pinangunahan ang
Diyos dito. Habang hindi mo pa oras, gumawa ka na ng mabubuting bagay para
kapag dumating na yung oras na kailangan na maghiwalay ng katawan mo at
kaluluwa mo, hindi ka masusunog sa nagbabagang apoy sa impyerno.
Bata ka pa, madami ka pang tatahakin kaya hindi mo kailangan dibdibin yang
tampuhan niyong magsyota. Laslas, sus, emo. Tapos ipagmamalaki mo yang sugat
mo sa braso? Try mo sa leeg minsan. Hindi kasi nakakamatay yang sa braso e. Ang
labo ko no? Kanina ayoko kayong magpakamatay, ngayon sinasabihan ko kayong itry maglaslas sa leeg. Kasi naman, bakit ba natin sinasaktan ang sarili natin e,
nasaktan na nga tayo? Ano yun, gusto mo ma-double kill? Bakit hindi natin i-try na
magpakasaya kapag nasasaktan?
Sana naman may naitulong ako sa inyo. Kung hindi ko man naimulat ang
mga nakapikit nyong mata, sana minuta kayo dahil medyo naluha kayo sa mga sinabi
ko. Hindi pa huli ang lahat para magbago ka. Bata ka pa, madami pang pagkakataon
sa buhay mo na pwede mong baguhin ang mga maling gawa mo noon. Naway
maging pag-asa tayo ng bayan tulad ng sabi ni Rizal. Tayo ang kinabusakan. Kung
mapapariwara tayo, paano na ang susunod na henerasyon? Mahalin mo ang buhay,
magulang at bayan mo. Manalig ka lagi sa Diyos at magpasalamat sa mga biyayang
Love is not a duo, it is trio. Anung ibig kong sabihin, na natural na nga nating mga
tao ang magmahal. Pero kadalasan nating naiisip tuwing pagmamahal ang usapin ay
ito ay sa pamamagitan ng isang lalaki at isang babae na magsing-irog. Hindi natin
napapansin na may isang namamagitan sa bawat relasyon. Hindi natin napapansin
na sa Kanyanagmumula ang bawt pintig ng puso mo para sa iyong minamahal. Hindi
natin napapansin na may Diyos na pinagmumulan ng lahat. Diyos na kahit
pinagbubuntis ka pa lang ay karelasyon mo na, Wala ka pang muwang ay
nagmamahal na sayo. Diyos na taong totoo at Diyos na totoo. Diyos na
nagpapatawad.
Masarap talaga ang pakiramdam ng nagmamahal. Pero mas
masarap magmahal kung ito ay nasa tamang paraan. Sana, pag tayo ay
nagmamahal,maalala natin ang tatlong puntos; na puso ang ginagamit sa
pagmamahal,na ang pagmamahal ay isang relation at na ang pagmamahal ay lagging
may tagapamagitan, ang Diyos. Sabi nga ni St.Paul sa unang sulat niya sa
Corinthians,So Faith, Hope, Love remains; these three; but the greatest of these is
love.(1Cor.13:13) Kaya naman, LETS REMAIN THESE THREE IN
OURSELVES,BUT THE GREATEST OF THEM IS LOVE.
Hindi lamang ito ang natatanggap nating biyaya mula sa kanya ngayon, binigyan nya
rin tayo ng matitirhang mundo na.
Walang hanggang pagmamahal ang inialay at ibinigay sa atin ng Diyos na
makapangyarihan.