Katotohanan

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Katotohanan

Para sa iyo, ano ba ang katotohanan? Ano ba ang iyong paninindigan sa


konsepto ng katotohanan? Saan ba ito nakalaan? Ang kahulugan ng katotohanan sa
diksyunaryo ay isang bagay o pahayag na tinatanggap na totoo, base sa
kahulugang ito, ang katotohanan ay nag dedepende sa palagay ng tao. Ano na
ngayonmasasabi ba natin na wala talagang bagay na ganap na totoo, sapagkat
ito ay nag babase lamang sa pananaw ng tao?

Sa makabagong mundo ngayon ang pangkaraniwang pananaw ng tao ng


katotohanan ay nagbago rin, at sa pagbabagong ito lumabas ang i-ilang
kategorya ng pananaw ng tao sa katotohanan. Una, ang ganap na katotohanan,
ito ang pinakasinaunang kategorya ng katotohanan na inilaan sa atin ng Maykapal
sa pamamagitan ng kanyang Banal Na Kasulatan. Ito ay nagsasaad na ang Diyos
ang lumikha ng lahat ng bagay sa langit at sa lupa at ang sangkatauhan ay
makasalanan at nakalaan sa pagkapahamak ngunit kung sinuman ang
sumampalataya ni Jesus ay maliligtas sa nasasabing kapahamakan. Ikalawa, ang
siyentipikong pananaw ng siyensya, ang kategoryang ito ay batay sa mga
pagsisiyasat ng mga siyentipiko sa kalikasan at sa kalawakan. Ito ay nagsasaad na
ang buong sansinukob ay nagsimula sa isang tuldok sa kalawakan at ito ay lumaki,
lumago, kumalat na katulad ng isang pagsabog at sa pagdaan ng matagal na
panahon nabuo ang kalawakang ating napagmasdan at nasusuri ngayon. Ikatlo, ang
pragmatismong pananaw ng katotohanan, ito ay nag sasaad na kung ang bagay o
kasabihan ay may praktikal na kagamitan sa mundo ngayon ito ay totoo ngunit
kung wala itong praktikal na kagamitan o silbi sa mundo ito ay mali at hindi totoo.
Ang puntong ito ay hindi nakabatay sa anumang pamantayan o anyo ng moralidad
ito ay nakadepende lamang sa pananaw ng tao kung praktikal ba ang bagay na ito
o hindi. Ang huling pananaw o kategorya ng katotohanan ay ang teoryang
korrespondens ng katotohanan. Ito ay nagsasaad na kung anumang kasabihan o
ideyang umaayon sa kung anumang nakikita o na oobserbahan ay totoo.

Saan ba sa mga kategoryang ito nakabatay ang inyong pananaw sa


katotohanan? Saan kaba tatayo? Sa makabagong palagay ng tao o sa makalumang
katotohanan na inilantad sa atin ng Diyos na hindi nag bago sa pag daan ng
panahon? May isang di kilalang manunulat na nagsabi, ang katotohanan ay totoo,
kahit ito ay makaluma na sapagkat ang oras ay hindi kayang gawing huwad kung
ano man ang totoo.

Inihanda Ni: Jan Melo Villaflor

You might also like