Kaligirang Kasaysayan NG Ibong Adarna

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA

Ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang kanon ng Panitikang Filipino. Ito
ay may buong pamagat na Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng
Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania.
Ayon sa mga historyador ng panitikan ng Pilipinas, ang akdang ito ay hindi itinuturing na
orihinal na nagmula sa Pilipinas tulad din ng Bernardo Carpio na nagmula sa Europa. Ang
kasaysayan ng Ibong Adarna ay maaaring hango sa mga kwentong bayan ng ibat ibang bansa
tulad ng Germany, Denmark, Romania, Austria, Finland, at Indonesia. Mayroong motif at cycle
ang Ibong Adarna na matatagpuan sa mga kwentong bayan: may sakit ang inang reyna o amang
hari, kailangan ang isang mahiwagang bagay upang gumaling tulad ng ibong umaawit, tubig ng
buhay, halaman at iba pa.
Paano kung gayon naging Ibong Adarna ang pamagat ng akdang ito? Ang sagot ay dahil
napakahaba ng pamagat at hindi nakakabisado ng mambabasa ang buong pamagat. Angkop
naman ba ito? Sa isang pagsususring isinagawa ng mga kritiko ng panitikan, masasabing angkop
ito dahil una sa lahat, ito ang gamot sa sakit ng hari ng Berbanya. Pangalawa, ito din ang pilit na
pinagpunyagihan ng magkakapatid na hanapin upang hulihin. Ito din ang naging suri upang
mahayag ang kataksilan nina Don Pedro at Don Diego, ito din ang nagpatunay na si Don Juan
ang tunay na nakabihag sa kanya. Samakatuwid, ang ibong Adarna ang naging susi upang
malaman ang tunay na karapat-dapat sa trono ng hari.
MGA MAHALAGANG TAUHAN NG IBONG ADARNA

DON JUAN

Si Don Juan ang pangatlo at pinakamatapang sa magkakapatid.

DONYA MARIA BLANKA

Si Donya Maria ang tunay na minamahal ni Don Juan at may taglay na kapangyarihan na mahika
blanka.

DON PEDRO

panganay na anak na may tindig na pagkainam.

DON DIEGO

pangalawang anak na may kilos malumanay


HARING FERNANDO

kabiyak ni Reyna Valeriana; ama ng 3 prinsipe -haring hinahangaan at maginoo.

REYNA VALERIANA

Si Reyna Valeriana ang ina nina Don Juan, Don Pedro at Don Diego, kabiyak ni Haring
Fernando at reyna ng Kahariang Berbanya; walang papangalawa sa ganda.

PRINSESA LEONORA

Si Prinsesa Leonora ang prinsesa ng kahariang nakatago sa ilalim ng lupa na binabantayan ng


serpiyenteng may pitong ulo. Unang pag-ibig ni Don Juan. May gusto sa kanya si Don Pedro.

DONYA JUANA

Si Donya Juana ang nakatatandang kapatid ni Leonora. Binabantayan siya ng isang higante.
Napangasawa ni Don Diego.

HARING SALERMO

Si Haring Salermo ang ama ni Maria Blanka. Hari ng Reino de los Crystales. na nagbigay ng
mga utos kay Don Juan kung nararapat siya kay Maria Blanka. na may kapangyarihan na
tinatawag na itim na mahika.

ERMITANYO

Ang matandang tumulong kay Don Juan sa oras ng pangangailangan.


IBONG ADARNA

Ang Ibong Adarna mahiwagang ibon na matapos kumanta at magpalit ng anyo ng pitong beses
ay nagbabawas at sinuman ang mapatakan ay magiging bato. Ito ang tanging paraan para lang
magamot ang malubhang sakit ni Haring Fernando at makikita ito sa Piedras Platas o sa ingles
silverstone.

a. Ang Ibong Adarna ay isang korido na isinulat


ni Francisco Balagtas (kinilala rin na Francisco Baltazar)
noong panahon ng Kastila na ngayon ay bahagi na
ng Panitikan atMitolohiyang PilipinoMay ilang mga
kritiko ang nagsasabing maaaring ang sumulat ng Ibong
Adarna ay si Jose dela Cruz o kilala sa tawag na Huseng
Sisiw.
b. Itoy tulad din ng Bernardo Carpio na nagmula sa alinmang bansa
sa Europa

c. Ginamit ng mga tagapagsalin ang kanilang pangalan,


ngunit itoy di isinama sa pagpapalathala,

d. Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng


Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina
Valeriana sa Cahariang Berbania. Nakasentro ang kwento sa
Adarna, isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang
kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman
sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din ang kwento sa
pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang prinsipe ng Kahariang Berbanya sa kanyang paghahanap
sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't ibang lupain at pakikipag-ibigan kina Donya Maria Blanca
at Donya Leonora.

You might also like