Professional Documents
Culture Documents
WIKA
WIKA
Tore ng Babel
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon
kayat walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad
ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas
at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na
tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan
ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng
kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang
magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at
naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8)
Bow-wow
Yo-he-hoPinaniniwalaan
ng linggwistang si A.S.
Diamond (sa Berel, 2003) na
ang tao ay natutong
magsalita bunga diumano ng
kanyang pwersang pisikal.
Hindi nga bat tayoy
nakalilikha rin ng tunog kapag
tayoy nag-eeksert ng
pwersa. Halimbawa, anong
tunog ang nililikha natin
kapag tayoy nagbubuhat ng
mabibigat na bagay, kapag
tayoy sumusuntok o
nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak.
Yum-yum - katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao
ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na
nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng
teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa
pinagmulan ng wika.
Ta-taAyon
naman sa
teoryang ito, ang
kumpas o galaw
ng kamay ng tao
na kanyang
ginagawa sa
bawat partikular
na okasyon ay
ginaya ng dila at
naging sanhi ng
pagkatuto ng
taong lumikha ng tunog at kalaunay nagsalita.
ng mga matatanda
bilang
pagpapangalan sa
mga bagay-bagay
sa paligid, taliwas
sa paniniwala ng
marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga
matatanda.
Babble Lucky-Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula
sa mga walang kahulugang bulalas ng tao.
Ta-ra-ra-boom-de-ayLikas
sa mga sinaunang tao ang mga ritwal.
Sila ay may mga ritwal sa halos lahat
ng gawain tulad ng sa pakikidigma,
pagtatanim, pag-aani, pangingisda,
pagkakasal, pagpaparusa sa
nagkasala, panggagamot, maging sa
paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga
ritwal na iyon ay ang pagsasayaw,
pagsigaw atincantation o mga bulong.
Mama- Ayon sa teoryang ito, nagmula
ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng
pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman
ang mga bata. Sa una y hindi niya masasabi ang
salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng
nasabing salita ang pinakamahalaga diumano,
una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas
sa salitang mother.
Ang wika ay maaaring nagagamit ng tao sa dalawang kaparaanan:
pagtamo at pagkatuto. Nagbigay si Krashen (1981) ng magandang
paliwanang hinggil sa pagkakaiba nito.
Debelopmental Linggwistiks
Sinasabi na ang pag-iisip at ang wika ay
magkalapit ang kanyang debelopment ay
magkasabay din. Ang mga batang
matagumpay na nakasusunod o
nakagagawa ng mga gawaing kaugnay sa
pag-iisip ay karaniwan na iyong may
kahusayan sa makrong kasanayan sa
wika. Ito ang yugto ng pagkatuto ng wika
kung saan naitatanong mo sa iyong sarili
kong ano ang una mong nabanggit na salita o paano ka natuto
magsalita.
Echoic stage
Ito ang yugto ng pagkatuto ng wika
kung saan ginagaya mo ang sinasabi
ng mga taong nasa iyong paligid.
Habang nanood ng mga komersyal sa
telebisyon ginagaya mo ito at dahil inuulit-ulit mo lamang ang iyong
napapakinggan nakabisado at nasasalita mo ito kahit hindi mo ito lubos
na nauunawaan.
Mayroong apat na paniniwala kung paano natutunan ng isang tao ang
wika
1. Paniniwala ng mga behaviorist ayon sa kanila ang mga bata
ay pinanganak na may kakayahan na sa pagkatuto ng wika at ang
kanilang kilos at gawi maaring hubugin sila sa kanilang kapaligiran.
Binibigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist,
na kailangang alagaan ang pag-unad na intelektwal sa
pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa
anumang gawi o kilos. Ang teoryang ito ay nagbigay sa mga guro ng
set ng mga simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa
pagtuturo. Ang audio-lingual
method (ALM), ang mga
pangunahing katangian nito
ay ang mga sumusunod:
binibigyang diin ang
kasanayang pakikinig at
pagsasalita; binibigyang-diin
ang pag-uulit at mga drill;
paggamit laang ng target na
wika; kagyat na
gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot; kagyat na
pagwawasto ng kamalian;at ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon
sa guro.
2. Paniniwala ng mga inativist ayon sa kanila ang mga bata ay
ipinanganak na may likas na salik sa pagtamo ng pagkatuto sa
wika. Ipinaliwanag ni Chomsky
(1975, 1965) na ang kakayahan sa
wika ay kasama na pagkaanak at
likas itong nalilinang habang ang
mga bata ay nakikipag-interaksyon
sa kanyang kapaligiran. Ang
pananaw na ito ang nagpapahayag
na ang wika ay makapaloob at
nabibigang-hugis ng sosyo-kultural
na kaligiran kung saan ito nabubuo.
Itoy mabibigyang kahulugan lamang kapag may interaksyong
nagaganap sa kapaligiran. Inilalarawan dito ang likhang-isip na
aparato na taglay ng mga bata at tinatawag itong language-
acquisition device (LAD). Ang LAD ang tumatanggap ng
impormasyon mula sa kapaligiran sa anyo ng wika. Ang wikang ito
ay sinusuri at pagkatapos marinig bubuuin na sa isipan ng mga
tuntunin, at inilalapat ang mga tuntunin habang nakikipag-usap ang
bata.
3. Paniniwala ng mga cognitivist ayon sa kanila ang pagkatuto
ng wika ay isang dinamikong kung saan ang mga mag-aaral ng wika
ay kailangang palagiang mag-isip at gawing may saysay ang
bagong tanggap na
kaalaman at
impormasyon mula
dito mas
napapaunlad nila
ang pagkatuto nila
sa wika. Inaalam
ng mga mag-aaral
ng wika ang mga
pumapailalim na
tuntunin at mailapat
ito nang sa ganun
ay makabuo ng
orihinal na
pangunguasap.
Habang ginagawa ang prosesong ito hindi maiiwasan nag
pagkakamali. Ayon sa mga kognitibist ang pagkakamali ay isang
palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at
tuwirang iwinawasto.
2. Paniniwalang makatao ang paniniwala nila ay nakapokus sa
damdamin at emosyon ng isang tao. dagdag pa dito , mas mabilis
nila natututunan ng tao ang wika at wala siyang pag-alinlangang
gamitin ito at malaya niyang nailalahad ang kanyang saloobin.
Tungkulin ng isang guro na maglaan at lumikha ng isnag kaaya-
ayang kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng walang
pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-
aaral at Malaya
nilang nagagamit
at nasusuri ang
bagong wikang
natutunan.
Kailangan ding
linangin ng guro
ang
pagpapahalaga
sa sarili ng mga
mag-aaral.
https://isabelgonzales1104.wordpress.com/2015/11/20/wika-mga-
teorya-at-paniniwala-sa-pagkatuto/