Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

JUDAISM

Ang kulturang pampananampalataya ng mga Hudyo. Isa ito


sa mga kauna-unang naitalang pananampalatayang
monoteista at isa rin sa mga pinakalumang tradisyong
pampananampalatayang sinusundan pa rin hanggang sa
ngayon. .Sa Hudaismo, ayaw banggitin ng mga Hudyo ang
ngalan ng Diyos kaya't iba-iba ang taguri sa Diyos na
ginagamit nila. Kabilang dito ang Kapangyarihan", "Ang
Banal", "ang Pinagpala", at ang "Langit".Ang pinagmulan ng
judaismo ay ang bansang Israel. Ito ay nagsimula muna sa
paniniwala ng relihiyong Canaanite na may halong relihiyong
Babylonian at sa paniniwala kay Yahweh.

CHRISTIANISM
(Kristiyanismo) Ang Kristiyanismo ay relihiyon na nakatuon sa buhay at
pagtuturo ni Hesus ng Nazareth. Ang mga Kristiyano ay naniniwala na si
Hesusna tinatawag ding "Hesukristo"ang Anak ng Diyos at ang
Tagapagligtas na inihayag sa Lumang Tipan. Pinaniniwalaan nila ang
Bagong Tipan bilang talaan ng mabuting balita na inilahad ni Hesus. Ang
Banal na libro ng mga Kristiyano ay ang BIBLIYA , Ang salitang Bibliya
ay nanggaling sa salitang Latin at Griego na nangangahulugang Libro,
isang angkop na pangalan dahil ang Bbiliya ay ang Aklat para sa lahat
ng tao sa lahat ng panahon. Ito ay Aklat na walang katulad, at katangi-
tangi sa lahat ng Aklat. Ang Diyos ang pangunahing awtor ng Bibliya.
Dahil sa kapangyarihan ng Diyos, kinasihan o niliwanagan Niya ang
kaisipan at kalooban ng mga manunulat upang maisulat nila ang lahat
ng ibig Niya at tanging mga bagay lamang na nais Niya.

ZOROASTRIANISM
Ang pinanggalingan ng relihiyong ito ay mula sa kanilang propeta Zarathushtra, (from Zara=white, Thushtra=Camel)
na kadalasang tinatawag na kanlurang Zoroaster, ang greek nitong pangalan. Ito din ay tinatawag na
Mazdaismo at Magianismo. Sa Zoroastrianismo, ang manlilikhang si AhuraMazda
(wise Lord ) ay buong mabuti at walang kasamaan na nagmumula sa kanya. Kaya sa
Zoroastrianismo, ang kabutihan at kasamaan ay may dalawang mga natatanging
mga pinagmumulan na ang masama (druj) ay sumusubok na wasakin ang nilikha
ni Mazda (asha) at ang mabuti ay sumusubok na panatilihin ito. Bagaman si
AhuraMaza ay hindi imanente sa daigdig, ang kanyang nilikha ay
kinakatawan ng mga Amesha Spenta at malaking bilang ng ibang mga
Yazata na sa pamamagitan ng mga ito ay ang mga gawa ng diyos ay
ebidente sa sangkatauhan at sa pamamagitan ng mga ito ay ang pagsamba
kay Maza ay dinirekta.
ISLAM
Ang Islam ay isang katagang Arabik na hinango sa salitang ugat na "Salam" na
nangangahulugan ng Kapayapaan. Ito ay nangangahulugan din ng Pagsunod,
Pagsuko at Pagtalima sa kalooban ng Tunay na Diyos. Ang tunay na
kapayapaan ay nasa puso, isip at kaluluwa na nagdudulot ng kapayapaan sa kapaligiran
at lipunan. Ang kapayapaan ay hindi kailanman matatamo sa antas ng
karunungan, kayamanan o katanyagan. Bagkus ito ay matatamo lamang sa
pamamagitan ng ganap at tapat na Pagsunod, Pagsuko at Pagtalima sa
kalooban ng Nag-iisang Tunay na Diyos (Allah) - ang likas na
pananampalatayang ibinigay Niya sa sandaigdigan.

HINDUISM
Ang Hinduismo ang nananaig na relihiyon ng subkontinenteng
Indiano. Ang Hinduismo ay kinabibilangan ng Shaivismo,
Vaishnavismo at rauta at iba pa. Sa ibang mga pagsasanay at
pilosopiya, ang Hinduismo ay kinabibila-ngan ng isang malawak na
spektrum ng mga batas at preskripsiyon ng mga "pang-araw araw na
moralidad" batay sa karma, dharma, at iba pang mga norm ng
lipunan. Bagamat ang Hinduismo ay naniniwala sa napakaraming
diyos na umaabot sa 330 milyon, kinikilala nito na may isang
pinakamataas na diyos at ito ay si Brahma. Pinaniniwalaan ng mga
Hindus na si Brahma ay matatagpuan sa bawat bahagi ng realidad at
sumasalahat ng dako sa buong sangkalawakan.

BUDDHISM

Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: "Ang


Daan ng Naliwanagan") ay isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon sa mga aral
ni Buddha kyamuni(Siddhrtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5
siglo BCE. Nakatuon ang Budismo sa mga aral ni Siddhartha Gautama o ang
"Buda". Ang Buddha ay nangangahulugang "ang isang naliwanagan" sa Sanskrit
at Pli. Ang dalawang mga pangunahing sangay ng Budismo ay pangkalahatang
kinikilala: ang Theravada ("Ang Paaralan ng mga Nakatatanda") atMahayana
("Ang Dakilang Sasakyan"). Ito ay kakaibang relihiyon sa mundo sa sarili nitong
karapatan, bagaman marami itong pagkakahalintulad sa Hinduismo na parehong
nagtuturo ng Karma (tuntunin ng sanhi-epekto), Maya (ang ilusyong kalikasan ng
mundo), at Samsara (ang muling pagkakatawang-tao).

You might also like