Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

DEPINISYON

Maanyong Depinisyon

Ang liriko ay isang tula na may kaayusan at katangian ng isang awit na nagpapahayag ng

matinding damdamin ng makata.

Sa nakalagay na halimbawa ng maanyong depinisyon, makikita rito na ang liriko ay ang

termino na binibigyang kahulugan. Sa pagbibigay ng maanyong depinisyon sa terminong liriko,

ang pagbibigay ng kahulugan ay malaki at malinaw.

Depinisyong Pasanaysay

Ang kalayaan ay hindi iba kundi kapangyarihang sumusunod o sumusuway sa sariling

kalooban. Ang tinatawag nating Malaya ay yaong panginoon ng kanilang kalooban.

Ang kalayaan ay isa sa mahalagang biyaya ng diyos sa tao; dahil sa kalayaan ay nakaiilag

tayo sa masama at makagagawa ng inaakala nating magaling

-Ang Kalayaan ni Marcelo H. del Pilar

Ang depinisyong pasanaysay ay ginagamitan ng higit na paliwanag at mga salitang

nakakapukaw ng damdamin at kawilihan upang matukoy at maunawaan ang isang kaisipan o

salita. Sa binigay na halimbawa ang termino na binigyan ng depinisyon ay ang kalayaan.

Mapapansin namay mga dealye pang dagdag sa upang mapalawak pa ang kahulugan ng termino.
Pag-iisa-isa

Simpleng pag iisa ia

Pangangailangan sa mabisang pagbasa

magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksa


magkaroon ng sapat na kasanayan sa pagsasalita
magkaroon ng tiwala sa sarili

ang mga sumusunod ay mga kasangkapan sa pagsasalita

tinig
bigkas
tindig
kumpas
kilos

Sa halimbawa ng simpleng pag-iisa-isa, makikita natin na simple ang pagbibigay kahulugan

sa termino. Tinalakay dito ang pangunahing paksa at pagbanggit ng mga kaugnay at

mahahalagang salita. Ito ang karaniwang uri ng pag-iisa-isa sa mga kaisipan o bagay na

nauugnay sa paksa.

Komplikadong pag iisa isa


Ang Computer Network ay interkoneksyon ng mga kompyuter na ginagamit ng

mga tao sa iisang lugar. Kalimitang ginagamit ang ganitong sistemang mga kumpayan upang

mapadali ang ugnayan o komunikasyon.

Resource Sharing

Ang pinakauna sa lahat ng layunin ng networking ay ang pagkakaroon ng access o

pagkakaton na mabasa o Makita ng bawat indibidwal ang ibat ibang impormasyong abeylabol sa

network.

High Realiability

Ang ikalawang layunin ng networking ay ang pagkakaroon ng high reliability o ang

pagkakaroon ng tumpak o wastong impormasyon.

Sa halimbawa naman ng komplikadong pag-iisa-isa, ang pagbibigay ng kahulugan sa

termino ay patalata na naglalaman ng pangunahing paksa at ang mga kaugnay na kaisipan na

naglilinaw sa paksa. Tinatalakay nang sunod-sunod o nang magkakahiwalay at magkakaugnay na

talata ang mga bagay na iniisa-isa. Iniisa-isa ang mga konsepto upang mailahad ang kaibahan ng

mga ito.

Pagsusunod-sunod
Sikwensyal

Bagong Paraiso

Ni Efren Abueg

Bata palang sina Ariel at Cleofe ay lagi na silang naglalaro sa damuhan at dagat. Para sa

kanila, ito ay isang paraiso dahil namamangha sila sa paglubog ng pula na araw. Habang

lumalaki na sila, marami na silang natutunan bilang isang binata at dalaga. Dahil dito,

pingbabawalan na rin silang maglaro katulad noong bata pa sila. Noong pumunta na sila sa

Maynila upang magkolehiyo, nagkita silang muli at nagsimula na ang kanilang pagmamahalan.

Nalaman ito ng kanilang magulang at agad ng pinagbawalan muli silang magkita. Dahil dito,

nagtanan sina Ariel at Cleofe at nabuntis si Cleofe at hindi nakita ang pulang araw.

Ang sikwensyal ay maayos na pagkasunod-sunod na naaayon sa magkakaugnay na

ditalye o pangyayari. Sa halimbawa ng sikwensyal, nakasaad dito ang pagkakasunod-sunod na

pangyayari sa buhay ni Ariel at Cleofe. Ang mga ditalye ay nagsisilbing serye ng mga bagay na

konektado sa isat isa.

Kronolohikal
Kronolohikal na kasaysayan ng wikang pambansa

1897 Saligang Batas ng Biak na Bato.


1935 Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 ng Konstitusyon
1936 Itinatag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa
1940 Ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagaganap Blg. 203
1973 Si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3
Mga Sanggunian: Komunikasyon ng Akademikong Filipino

Sa halimbawa, ay ipinakita ang pagkakasunod-sunodng kasaysayan ng wikang

pamabansa. Ang pagkakasunod-sunod nito ay magkakaugnay ayon sa tamang oras at

panahon. Naging kronolohikal ang kasaysayan ng wikang pamabansa dahil inilahad ito

sa paraan na batay sa tiyak na baryabol tulad ng panahon batay sa bigay na halimbawa.

Prosidyural

Paano Bumoto sa Automated Election System?

1. Tiyakin na ang pangalan mo ay nasa listahan ng botante sa presinto. Sa araw ng eleksyon,

magpakilala sa presinto. Bibigyan kayo ng balota na may mga pangalan ng mga

kandidato at marker (pangmarka)


2. Gamit ang marker, itiman o i-shade nang buo ang oval na nasa tabi ng pangalan ng

inyong napiling kandidato.


3. Pagkatapos bumuto i-feed ang nasagutang balota sa Precint Count Optimal Scan (PCOS)

Machine.
4. Bumalik sa Board of Election Inspector (BEI) para lagyan ng indelible ink ang inyong

daliri.

Ang prosidyural ay serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang resulta. Sa

halimbawa, isinaad ang mga serye ng gawain kung kung paano bumoto sa automated

election. Nakasaad dito ang tamang paraan ng pagboto, kaya kapag sinunod mo ang serye ng

mga gawaing ito, ang iyong boto ay mabibiling at matatamasa mo ang iyong inaasahan na

resulta.

Paghahambing at Pagkokontrast

Dalawang uri ng pamahalaan ang umiiral, ito ay ang presidensiyal at parlyamentari. Ang

pinakamataas na nanunungkulan sa presidensyal ay tinatawag na pangulo samantalang sa

parlyamentari ay tinatawag na Praym Minister. Gayunpaman, parehong demokrasya ang pinaiiral

ng dalawang uri ng pamahalaan. Ang karapatan ng mamamayan, kapayapaan at hustisya ay

pangangailangan din ng dalawang anyo ng pamahalaan.


Ang paghahambing at pagkokontrast ay nagbibigya-diin sa pagkakaiba at pagkakatulad

ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya at maging pangyayari. Sa halimbawa na

teksto, isinaad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng presidensiyal at parlyamentari, dalawang uri

ng pamahalaan.

Problema at Solusyon

Dengue Fever

Ang dengue fever ay isang uri ng sakit na dala ng lamok na carrier ng arbovirus.

Naging alarming ang dengue, hindi lamang dito sa Pilipinas magin sa ibang panig ng mundo,

lalo na sa parting Middle East, Far East Africa at dito sa Asya. Kung minsan ang kapabayaan at

ang kakulangan sa kaalaman ang nagiging sanhi ng kamatayan ng isang may sakit na dengue.
Paano makaiiwas sa sakit na dengue? Una sa lahat, huwag kang pakagat sa lamok.

Maging maingat sa paligid at mga bagay na maaaring pamahayan ng lamok.

Ano-ano ang mga paraan para di pamahayan ng lamok? Narito ang ilang paraan:

Linisin o butasan ang mga gulong para di ipunan ng tubig.

Linisin at palitan ang tubig sa plorera minsan sa isang lingo.

Linisin ang alulod at gutter.

Linisin o itapon ang mga tumbang puno o halaman.

Itapon o linisin ang tambak na tarpaulin o plastik.

Linisin at ugaliing may takip ang mga containers, drums at mga ipunan ng tubig.

Palagiing may isda ang loob ng aquarium.

Regular na bisitahin at linisin ang kapaligiran. Siguraduhing walang maaaring maipunan ng

tubig.

Tabunan ang hinukay na lupa.

Sa halimbawa ng problema at solusyon, makikita ang problema sa teksto at kung paano

ito bigyan ng karapatang solusyon. Sa hulwarang ito tinatalakay ang ilang problema o suliranin

at ang paglalapat ng sulosyon o kalutasan. Ipinahayag sa halimbawa ang kaisipang dapat

malunasan ang sakit na dengue at kung panu ito maiiwasan.


Sanhi at Bunga

Walang patumanggang pagputol ng kahoy sa mga bundok at kagubatan. Pagwawalang-bahala ng

pamahalaan sa iligal na pagkakahoy. Ang hindi pag-uukol ng atensyon sa muling pagpapasibol at

pagtatanim ng mga punungkahoy. Ang ating mga kabundukan ay kalbo na. Nararanasan na natin ang

bunga ng mga gawaing iyon. Ang pagkakaroon ng tagtuyot kung katag-arawan at ang malalaking baha

kung tag-ulan.
Kung dumarating ang malalaking baha, lahat ay napipinsala. Ang mga pananim ay

nasisira. Ang mga kalye ay lalong nasisira. Maraming bahay, kasama ang mga

kasangkapang nababad, ay baha ang nagiging sanhi ng pagkabulok at pagkasira.

Paralisado ang mga sasakyan, tanggapan, at mga eskuwelahan. Malungkot isipin at

sa palagay ko, dalawang uri lamang ng mamamayan ang natutuwa kapag may

baha. Ang mga estudyante pagkat walang pasok sa eskuwelahan, at ang mga

nagtutulak ng kotse at dyip na nasisiraan sa gitna ng baha.

Sa hulwaran na ito itinatalakay ang sanhi ng isang bagay at ang magiging bunga nito. Sa

bigay na halimbawa, makikita ang sanhi kung bakit bumabaha at may napipinsala at nakalahad

din sa teksto ang nagging bunga nito. Sa pagtingin natin sa sanhi malalaman natin ang pwedeng

maging bunga nito. Layunin ng hulwaran na ito na ipakita na kaya naganap ang isang pangyayari

ay dahil may nauna pang pangyayari na nauna dito.

You might also like